Saturday, June 2, 2018

IGLESIA NI CRISTO®: Bakit Filipino (Tagalog) Ang Opisyal na Pangalan?

Photo Source: INCDirectory
MAGSURI! 'Yan po ang malimit nating naririnig na mungkahi ng mga kaanib ng INC™ sa tuwing nag-aanyaya silang makinig sa kanilang mga pamamahayag na ginaganap lamang sa kanilang mga lokal na kapilya. Ang pagsusuri ay nahahaluhan ng pagsisinungaling at panlilinlang upang mahikayat ang mga Katoliko na umanib sa kanilang kulto.

Nais nilang anyayahing makinig ay ang mga Katoliko na kulang o salat sa kaalamang pambibliya o kaalaman sa katuruan ng Iglesia Katolika. Una nilang aatakihin ay ang pangalan na IKAR daw (Iglesia Katolika Apostolica Romana).  Ang "IKAR" raw ay wala sa Bibla kaya't hindi raw ito maituturing na tunay. [Basahin: Kung Wala sa Biblia, PEKE?]

Samantalang ang "Iglesia Ni Cristo" raw ay nababasa sa Biblia, kaya't sila raw ang tunay (?). Halimbawa ay ang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA 16:16 at Mga GAWA 20:28 (at pagdating sa Mga Gawa 20:28, ayaw nila sa ibang salin kundi Lamsa version lamang!)

Pero ang tunay na pagsusuri ay ang alamin nang malaliman ang mga bagay-bagay na totoo sa hindi totoo. Halimbawa na lamang ng pangalang IGLESIA NI CRISTO® bilang REGISTERED TRADEMARK at kung bakit TAGALOG o FILIPINO ang OPISYAL na PANGALAN bilang Iglesiang TATAG daw ni Cristo? Why it CANNOT STAND ALONE as "Church of Christ"?

Halimbawa, ang larawan sa itaas. Ito ay ang kanilang lokal na kapilya sa Salt Lake City, District of Mount States sa Estados Unidos.


Sa USA, INGLES (English) po ang wika at hindi po sila nakakaunawa ng Tagalog o Filipino. Bagamat Ingles ang pangunahing wika, hindi nila maaaring ipakilala ang INC™ bilang "Church of Christ" sapagkat bago pa 1914 ay may daan-daan nang mga umusbong na grupo ang nagparehistro at tumawag sa kanila bilang "Church of Christ".  [Basahin: Ang INC  at COC ay pareho ba o iisa?]

Ang isang masusing nagsusuri ay naitanong niya kung bakit permanenteng TAGALOG ang pagkakakilanlan sa  iglesiang "tatag" ni Cristo. 

Halimbawa, sa kanilang World Walk to Fight Poverty, bagamat sa wikang Ingles ang balita pero  sa lokal na wika (Filipino) pa rin ipinapakilala ang iglesiang tatag raw ni Cristo kahit na sa wikang Ingles pa ang artikulong sinulat.


At maging sa kanilang iba't ibang lokal sa ibang bansa ay wala pa ring pagkakaiba. Una, pinapakilala sa FILIPINO (Tagalog) kasunod ang salin nito sa lokal na wika ng bansa. Halimbawa nitong mga nasa ibaba:

Africa

Afrikaans

Chinese

French

Italian

Japanese

Korean

Malay

Portuguese

Spanish

Bakit Filipino (Tagalog)?

Sa pangangaral ng yumaong ERAÑO G. MANALO, ang anak mismo ng tagapag-tatag ng Iglesia Ni Cristo®, pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan, sa kanilang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag, minsan niyang nasabi ang mga ganito:
Masasabi natin na ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula rito sa Pilipinas, at sinimulan ng isang Pilipino, at itinataguyod ng mga angaw-angaw ng mga Pilipino, ay tumayo sa kanyang sariling paa.
Pilipino raw ang NAGSIMULA ng Iglesia Ni Cristo o INC at sa PILIPINAS raw ito nagsimula.

Tama po ang mga pahayag ng yumaong Ka Erdy. Sapagkat ito rin ang pinapatunayan ng kanilang REGISTRATION na ang sabi:
"That this said applicant (Felix Manalo) is the founder and present head of the Society named "Iglesia Ni Kristo" and desires to convert said society into a unipersonal corporation."


Ayon sa REHISTRO, si FELIX Y. MANALO raw po ang aplikante, siya rin daw po ang TAGAPAGTATAG at ULO ng nasabing samahang "Iglesia Ni Kristo", isang Pilipino, at sa Pilipinas po niya ito itinatag noong ika-27 ng Hulyo taong 1914.

Ibig lamang sabihin na ang PAGKAKAREHISTRO ng nasabing samahan ay SA FILIPINO o TAGALOG kaya't ITO ANG MANANATILING PAGKAKAKILANLAN nito, maging sa kanyang pagtawid sa iba pang parte ng mundo, KILALA po siya bilang IGLESIA NI CRISTO.

Wala siyang pagkakaiba sa iba pang mga KORPORASYON na REGISTERED PATENT TRADEMARK. Kung anong REGISTERED NAME nito ay siya rin ang pangalang gagamitin nila sa lahat ng kanilang pagpapakilala sa buong mundo!

Halimbawa na lamang ng samahang "Jehovah's Witnesses". Bagamat INAMIN nilang MALI nga naman ang pangalan ng Diyos bilang JEHOVAH pero dahil ito na ang pagkakakilanlan nito sa buong mundo kaya nagpasya ang pamunuan ng nasabing relihiyon na MANANATILI na lamang na Jehovah's Witnesses ang pangalang gamit nila ayon sa pagkakarehistro nito.

Ito rin ang patotoo ng kanilang opisyal na magasing PASUGO!

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
[Nagsimula po sila sa pangalang "IGLESIA NI KRISTO" (INK) bago pa ito ay binago sa kanyang pagkakakilanlan sa kasalukuyan bilang "IGLESIA NI CRISTO" (INC)]

Ganon din naman ang pagtanggap ng mga kaanib ng Iglesia ni Felix Y. Manalo na siya nga naman ang NAGTATAG ng  institusyong kanilang kinaaaniban!

Mula sa Iglesia Ni Cristo blog

Maging sa mga balita, ang pagpapakilala nila kay Felix Y. Manalo at sa Iglesia Ni Cristo ay iisa. Na si Felix ang NAGTATAG at ang Iglesia Ni Cristo ang KANYANG ITINATAG na iglesia at sa PILIPINAS po niya ito itinatag!

Kaya sa kabuuan, ang Iglesia Ni  Cristo® po ay PROUD PHILIPPINE MADE, tatag ng isang Pilipino at sa Pilipinas ito nagsimula.

Kaya't kung sabihin man ng kanilang mga mangangaral na sila ang tunay, kasaysayan at dokumento na lamang po ang magpapatunay tungkol sa katotohanang iyan.

Kung Hindi Tunay ang Iglesia Ni Cristo®-1914, alin ang Tunay na Iglesiang Tatag ni Cristo?

Umpisahan natin sa maikling video sa ibaba.





Ayon sa video, ang Iglesia Katolika ay hindi po sumulpot na lamang tulad ng INC™.  Ito ay napapatunayan sa kasaysayan ng Kristianismo na ITO NGA ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO noong UNANG SIGLO.

Ayon sa Online Britannica Encyclopedia, na ganito ang sabi:

"The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world."
Ito rin naman ang pagpapatotoo ng BBC, ang Iglesia Katolika raw umiral na noon pang mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakakaraan.

"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years."
Ito naman ang buod ng katotohanan sa kasaysayan ng ating kaligtasan, nasusulat sa Wikipedia ang mga ganito:

"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." This article covers a period of just under two thousand years."
Kaya't kapag sinabi nating "KATOLIKO AKO", ibig sabihin na KAANIB TAYO sa IGLESIANG TATAG ni CRISTO. Iyan po ang kahulugan ng salita ayon sa Mirriam-Webster Dictionary Online:

Ano naman ang pananaw ng Iglesia Ni Cristo® ukol sa Iglesia Katolika?

Ayon sa Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo noon lamang 1914, ay ganito:

“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” -PASUGO July-August 1988, p. 6

Heto pa!
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..." -PASUGO March-April 1992, p. 22
At salamat naman sapagkat sila na rin ang nagsabi na ang Iglesia Katolika ay siyang Iglesia ni Cristo pa noong una...
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46
Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA po ay IGLESIA NI CRISTO. Wala pong kaduda-duda ito. Kaya't sa inyong pagsusuri, akayin natin sila pabalik sa Iglesia Katolika para sa kanilang kaligtasan.  Tanging ang tatag ni Cristo lamang na iglesia ang makakapagligtas, hindi ang tatag ng tao!

Purihin ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Purihin ang NAG-IISANG DIYOS!

* * *

No comments: