Showing posts with label Bandila ng INC™. Show all posts
Showing posts with label Bandila ng INC™. Show all posts

Saturday, September 12, 2020

Iglesia Ni Cristo® 1914 - Bakit Inaangkin ang Pagiging Italiano (Romano)?

BANDILA PO NG BANSANG ITALYA 'YAN!

Pero dito tayo dapat mas excited sa mga facemasks na nagpapahayag ng pagiging kaanib sa tunay na Iglesia ni Cristo.

Source: uCatholic

Thursday, August 13, 2020

FAKE NEWS ALERT: Italian Air Force "Air Show" Inakala ng INC™ 1914 na para sa kanilang anibersaryo ng Pagkakatatag!

 

Bandilang walang pagkakakilanlan. Iyan ang dahilan kung bakit pati ang mga kulay ng bandila ng bansang ITALYA ay inaangkin na rin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914.

Tinukoy na natin ito sa In Defense of the Church blog noong 2011 kung anong opisyal na batayan ng INC™ 1914 at pinili nila ang mga kulay pula, puti at luntian bilang kanilang opisyal na simbulo. At sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na payahag o kahit biblical verse (lahat daw kasi ng kanilang turo ay galing sa Biblia letra por letra) upang ipaliwanag ito.




Sa kanilang 106 taon ng pag-iral, ang kanilang mga kaanib ay nangangapa pa rin kayat sa tuwing sila'y nagpapakilalang mga 'INC™" ang simbulo o bandila ng Italya ang kanilang kinakapitan.

Kaawa-awang mga kaluluwa ngunit ipagdasal na lamang natin silang maliwanagan ang kanilang mga isipan at mapagtanto na ang  kanilang kinaaaniban ay tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 at hindi ni Cristo!

Sunday, June 21, 2020

Magkakulay ngunit Hindi Magkatulad. Magkatunog Ngunit Hindi Magkasing-uri. Magkapangalan Ngunit Hindi Magkapareho. Isang Huwad at Isang Tunay


Italya po ang lehitimong nagmamay-ari ng simbulong iyan at hindi ang INC™ 1914.

Gayun din naman sa pangalan. Hindi porke't may pangalang "Iglesia Ni Cristo" o "Church Of Christ" ay pagmamay-ari na ni Cristo. Ipinangalan hango kay Cristo ngunit HINDI si Cristo ang may-ari kundi si Ginoong Felix Y. Manalo. Itinatag niya ang kanyang iglesia noong July 27, 1914.




PASUGO Mayo 1968, p. 7:

“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

Saturday, March 14, 2020

INC™ Invaded the Vatican and Waved INC™ Flag at the Papal Palace Window

[The title was just a sarcasm. That flag isn't belonging to the Iglesia Ni Cristo® a church founded by Mr. Felix Y. Manalo in the Philippines in 1914. Although some members use the same symbol in many occasions as their identity symbol but that's the ITALIAN FLAG!]


Italian Bishops Conference donates ten million Euro to Caritas Italy

The major donation, is aimed at supporting the diocesan Caritas in their work to support people in difficulty due to the Coronavirus outbreak.

The Italian Bishops Conference said in a statement the 10 million Euro donation will be distributed to the 220 diocesan Caritas throughout Italy.

The donation will be used to identify the most urgent needs, giving priority to forms of economic support for families already in situations of hardship. This includes the purchase of basic necessities for families and people in difficulty, support for lonely elderly and frail people, and the maintenance of services for people in situations of extreme poverty, such as canteens with take-away services or sheltered dormitories.

The director of Caritas Italy, Fr Francesco Soddu said, "this extraordinary donation from the Italian Episcopal Conference (IEC) is a concrete sign of hope and comfort for the diocesan Caritas (network). In this way, the local Churches will be able to continue the strong dynamism of charity".

Caritas Italy is also renewing its call for solidarity by inviting everyone to support the initiatives and work of the dioceses and local Caritas that are aiding people in difficulty and in increasingly precarious conditions.

Monday, September 16, 2019

MAITUTURING BANG "BAYAN" NG DIYOS ANG IGLESIA NI CRISTO® NA TATAG NI G. FELIX MANALO SA PILIPINAS NOONG 1914?

Iglesia Ni Cristo flag (the colors represent faith, hope and love while the seven-branched candelabrum or menorah represents the church in the Bible) -Wikipedia
NASA BIBLIA BA ANG KAHULUGAN NG KANILANG BANDILA?

Isa lamang iyan sa maraming tanong sa Iglesia Ni Cristo® Ukol sa kanilang opisyal na simbulo. Narito ang kanilang paliwanag:


Tanong : Maituturing ba ang  Iglesia Ni Cristo® 1914 bilang isang "bayan" o nation? 

Sagot : Hindi po! Hindi po sila isang "bayan" o "bansa". Ang INC™ po ay isang sekta-Protestante na kinaaniban ng halos 99% na mga Pilipino at lahat ng kanilang pag-iral ay napapailalim sa itinatakda ng SALIGANG BATAS NG BANSANG PILIPINAS.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay katulad rin ng maraming nagsulputang mga sekta sa mundo maging sa Pilipinas. Sila po ay MGA KORPORASYON (Corp.) (o inkorporasyon (Inc.)). Ang mga korporasyon/inkorporasyon ay tatag ng tao. WALA silang SOBERANYA (sovereignty) o pagkakakilanlan bilang independent states. Hindi sila nakahihigit sa batas ng ano mang bansa tulad ng Pilipinas. Sila ay umiiral sa ilalim ng batas ng Pilipinas (basahin ang kaibhan ng corporation vs incorporation).

First Part Annex D, Ammended Laws of INC
(Source: alias Benito Afflek)
XXX



XXX

Ang Iglesia Ni Cristo Inc. 1914 ay TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo ayon na rin sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Tanong : Ang bandila ba ng INC™ ay maituturing na kapantay ng ibang mga bandila ng alinmang sovereign state o bansa?

Sagot : Hindi po. Ang bandila ng INC™ 1914 ay hindi maituturing na kapantay ng kahit sa alinmang mga bandila ng mga bansa. Kaya't kahit na pilit pang ipantay ito sa alinmang bandila ng bansa, sila ay hindi pa rin maituturing na "bayan" o "nation" lalo't ang pag-ankin na sila raw ay "bayan ng Diyos" o "God's nation". Uulitin po natin, ang INC™ 1914 ay isang SEKTA (religious sect), hindi bayan o nation!

Ambasador ng Mexico at ang Pinunong Pangkalahatan ng sektang INC™ (Photo source: INCMedia)
Katulad ng larawan sa itaas, maling mali na ipantay ng INC™ ang kanilang bandila sa bandila ng Mexico sapagkat tulad ng nasabi na natin, ang INC™ ay HINDI BANSA. Pangalawa hindi pinuno ng bansa si Eduardo V. Manalo kundi tagapangasiwa lamang ng kanilang korporasyon. Mas tama kung ang ilagay ng INC™ na kapantay ng Mexico ay ang BANDILA NG REPUBLIKA NG PILIPINAS!

Pope Francis and President Enrique Peña Nieto, accompanied by First Lady Angélica Rivera, held a meeting in the premises of the Presidential hanger following the Pope's arrival in Mexico. (Photo Source: Wikipedia)
Tanong: Ang bandila ba ng Vatican ay maituturing na kapantay ng ibang mga bayan o bansa?

Sagot: Opo. Sa larawan sa itaas, TAMA po ang pagkakapantay ng bandila ng Mexico at Vatican sapagkat pareho silang mga bansa. Bagamat ang Vatican City State ay ang Centro ng Iglesia Katolika, ITO AY ISANG BAYAN o NATION!

Ayon sa History.com, ang VATICAN CITY po ay ang PINAKAMALIIT NA BANSA sa buong mundo o THE SMALLEST NATION IN THE WORLD. Ito ay may sariling pamahalaan, sariling batas, may sariling gobyerno, at may kasarinlan at soberenya. Ang bawat bansa ay may ambassador sa Vatican at may Papal Nuncio naman sa mga bansang may diplomatic relations tulad ng Pilipinas.

Si Papa FRANCISCO ay isang HEAD OF STATE, at siya rin ay ang VISIBLE head of the Church of Christ. Ito ang dahilan kung bakit ang VATICAN ay may DIPLOMATIC RELATIONS sa maraming bansang kinabibilangan ng UNITED NATIONS. Sa kanyang pagbisita sa maraming mga bansa, ang pagdalaw ng isang Santo Papa ay may katulad na PROTECTION PAGKILALA ayon sa UN Protocol para sa isang VISITING HEAD OF THE STATE.  At sa mga Katoliko, ang kanyang State Visit ay isang Apostolic Visit na rin.


Halimbawa na lamang ang kanyang makasaysayang pagbisita sa United Arab Emirates (UAE) na ginastusan ng Kaharian, ito ay maituturing na isang APOSTOLIC VISIT at isang STATE VISIT.

Ang Iglesia Ni Cristo® 1914, wala po siyang sariling pamahalaan, walang sariling batas, walang sariling gobyerno at walang kasarinlan. Umiiral lamang siya ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas na kinapapalooban nito. Ganon din naman sa ibang bansa. Ang kanilang mga LOKAL ay itinuturing ng kanilang mga gobyerno bilang sekta (Inc.) at hindi isang bayan o nation.  Mangyari man na magdeklara sila ng kasarinlan, ito ay maituturing na isang rebelyon o treason.

Sa pagdalaw ni Eduardo V. Manalo sa ibang bansa, hindi po siya binibigyan ng pansin ng lider ng bansang dinadalaw katulad ng isang head of state sapagkat ay hindi siya pinuno ng isang bansa o nation. Kaya't MALABO pong maituturing na BAYAN NG DIYOS o GOD'S NATION ang IGLESIA NI CRISTO® na TATAG ni Ginoong Felix Manalo sa Pilipinas noong 1914.

Sa kabuuan, ang IGLESIA KATOLIKA (ang tunay at nag-iisang Iglesiang tatag ni Cristo bilang KANYA) ay ANG BANAL na BAYAN NG DIYOS. Hindi lamang ito isang kathang isip kundi ito ANG KATOTOHANAN. Hindi lamang ito makasaysayang relihiyon kundi ito ay ang makasaysayang IGLESIA NI CRISTO, ISANG BAYANG dinadalika ng buong mundo. Tunay nga na NATUPAD sa KANYA (Iglesia Katolika) ang mga sinalita ni Apostol San Pablo sa kanyang sulat sa mga KRISTIANO ng ROMA (16:16) na ang "LAHAT NG MGA IGLESIA (NI CRISTO) AY BUMABATI SA INYO (ROMA)"!