Showing posts with label Santo Papa. Show all posts
Showing posts with label Santo Papa. Show all posts

Tuesday, August 13, 2019

Monday, February 4, 2019

Isang Magarbong Pagtanggap sa Kahalili ni Apostol San Pablo sa UAE

Isang katotohanang hindi matitibag ninoman. Na ang IGLESIA KATOLIKA lamang ang kinikilala ng mundo bilang TUNAY na Kristianismo at ang Santo Papa, ang kahalili ni Apostol San Pablo ang siyang pinagkalooban ng Panginoong Hesus ng OTORIDAD upang pangasiwaan ang tunay na Iglesia ni Cristo!

Kayaaaaa't bilang Katolikong Kristiano, tayo'y magpuri't magdiwang sapagkat tayo'y tinawag ng Diyos Ama sa tunay na Iglesiang tatag ng Kanyang Bugtong na Anak!


Wednesday, January 3, 2018

Iglesia Ni Cristo® 1914, IPINAGDIRIWANG ang BAGONG TAON ng mga KATOLIKO!

Nakatutuwang isipin na maging ang mga sektang halos lahat ng bagay na Katoliko ay ITINATAKWIL, ay nagsasaya pala at nagdiriwang sa tuwing sumasapit ang bagong taon.

Sa katunayan, taon-taon gusto nilang SUNGKITIN ang Guinness World Record bilang pinakamalaki at pinakamagarbong fireworks display sa tuwing sumasapit ang BAGONG TAON.

Source: GMANetwork
Ang HINDI nila alam, ang kanilang ipinagdiriwang at sinasariwa ay isang PROMULGASYON ni  PAPA GREGORIO XIII (Pope Gregory XIII) ng IGLESIA KATOLIKA noong OKTUBRE 1582, tatlong daan at tatlumpu't dalawang taon (332 years) bago pa man SUMULPOT ang sektang TATAG ni FELIX MANALO, ang INC™.


Ayon sa Wikipedia, si Pope Gregory XIII raw ay ika-226 Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo. At hindi lang 'yan, si Papa Gregory pala ay siyang dahilan ng PAGKAKAROON ng CIVIL CALENDAR na ginagamit ngayon sa buong mundo.  

Siya pala ang NAG-REFORMED ng PRESENT CALENDAR na dahilan kung bakit sa tuwing sumasapit ang ENERO UNO (January 1) o BAGONG TAON ay IPINAGDIRIWANG maging ng mga KUMAKALABAN sa Iglesia Katolika!




"Italian. Reformed the calendar (1582); built the Gregorian Chapel in the Vatican. The first pope to bestow the Immaculate Conception as Patroness to the Philippine Islands through the bull Ilius Fulti Præsido (1579). Strengthened diplomatic ties with Asian nations."

Si Pope Gregory XIII rin pala ang nagtakda na ang MAHAL NA BIRHENG IMAKULADA ay PATRONESA ng BUONG PILIPINAS!

Ang tawag pala sa KALENDARYONG ginagamit din ng mga kumakalaban sa Iglesia Katolika ay GREGORIAN CALENDAR. At ang Gregorian Calendar raw ay "... internationally the most widely used civil calendar. It is named after Pope Gregory XIII, who introduced it in October 1582" sabi ng Wikipedia.


Kita niyo! Nakikinabang na pala ang mga kaanib ng kultong INC™ sa pinaghirapan ng Iglesia Katolika na siyang TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ayon sa Pasugo 1966, pahina 46, eh kinakalaban pa nila sa larangan ng broadcasting sa TV man, radyo at magasin at pinahahambing pa sa diablo para lamang sila ang lalabas na banal at tama. Hindi tama at banal na gawain ang manira ng kapwa para lamang umangat. Hindi po tamang pag-uugali ng isang sumusunod kay Cristo. Ipokrito po ang tawag sa ganon.

Eh bakit nga ba nagkaroon ng Gregorian Calendar? Ito ba ay para sa pagarbuhan at palakihan ng fireworks display? 

Nagkaroon lang daw ng Gregorian Calendar para ayusin ang kakulangan sa bilang ng Julian Calendar na DAHILAN ng PAGLIPAT-LIPAT ng petsa ng PASKO NG PAGKABUHAY o ng EASTER.

"...a calculation that determines the calendar date of Easter. Because the date is based on a calendar-dependent equinox rather than the astronomical one, there are differences between calculations done according to the Julian calendar and the modern Gregorian calendar. The name has been used for this procedure since the early Middle Ages, as it was considered the most important computation of the age... 
"In 1583, the Catholic Church began using 21 March under the Gregorian calendar to calculate the date of Easter, while the Eastern Churches have continued to use 21 March under the Julian calendar. The Catholic and Protestant denominations thus use an ecclesiastical full moon that occurs four, five or 34 days earlier than the eastern one. 
The earliest and latest dates for Easter are 22 March and 25 April. In the Gregorian calendar those dates are as commonly understood. However, in the Orthodox Churches, while those dates are the same, they are reckoned using the Julian calendar; therefore, on the Gregorian calendar as of the 21st century, those dates are 4 April and 8 May."
Sa makatuwid ay RELIGIOUS pala ang dahilan kung bakit na-reformed ang present-day calendar na ginagamit halos na ng buong mundo, at walang kinalaman ito sa Guinness World Record na gustung-gustong sungkitin taon-taon ng INC™ - 1914.

Kaya't sa tuwing BAGONG TAON, alalahanin natin na ito ay isa sa PINAKAMALAKING KONTRIBUSYON ng IGLESIA KATOLIKA sa sangkatauhan, Katoliko man o hindi-Katoliko.  At ito rin ang batayan ng ating International Standardized (ISO) Measurement of Time.

Imbes na AWAYIN at KALABANIN ang IGLESIA KATOLIKA at paratangan ng pagiging "ampon ng diablo" (Pasugo Agosto 1962,  p. 9; Pasugo Oktubre 1956, p. 1), dapat lamang na PASALAMATAN ang NAG-IISA at TUNAY na IGLESIA NI CRISTO. Sapagkat kung hindi dahil sa talinong-angkin ni Papa Gregorio XIII eh malamang walang magarbong fireworks display sa Philippine Arena taon-taon!

Saturday, February 18, 2017

Mga Kaanib ng INC™ ni Felix Manalo ay nanood ng Pagbisita ng Santo Papa sa Roma Tre University via Eagle News

Nagulantang at nagsaya ang mga kaanib ng INC™ ni Felix Manalo sa balitang 'TINANGGAP" ng SANTO PAPA ang kanilang magasing PASUGO nang siya ay bumisia sa Roma Tre University noong nakaraang Biernes (Peb. 17, 2017. Napapanood DITO ang kaganapan.)

Heto ang nalathala sa kanilang Eagle News Facebook Page na accessible pa mga mula kahapon hanggang kaninang 7:00AM (Feb. 18, 2017)

 Ngunit bandang 10:00 AM ngayong araw ng Linggo ika-18 ng Pebrero 2017 ay ganito na ang nakalagay sa kanilang Eagle News website "ERROR 404"!


At dahil hindi naman natin alam kung bakit nila INALIS SA KANILANG WEBSITE ang balitan iyan, narito po sa ibaba ang buong video courtesy of CTV.

RUNNING TIME 1:44:02  Makikita natin kung paano tinanggap ng Santo Papa ang magasing PASUGO at ibinigay sa kaniyang mga Swiss Guards.

RUNNING TIME 1:44:06 Makikita ang pagpapaliwanag ng kaanib ng INC sa Santo Papa na ang INC™ raw ay isang "IGLESIA SA PILIPINAS" (malinaw po yan).

RUNNING TIME 1:44:16 Ang pagkaunawa ng Santo Papa ay ang IGLESIA KATOLIKA sa PILIPINAS, kaya't naibulalas niya na sa Pilipinas ay tawag sa kanya ay "LOLO KIKO" na ikinatuwa naman ng kaanib ng INC™.

RUNNING TIME 1:44:21 Namamalas sa mukha ng kaanib ng INC™ ang KAGALAKAN sa NAKASALAMUHA at NAKAUSAP niya harap-harapan ang itinuturing nilang "ANTI-CRISTO". Nakapagtataka na HINDI MAN LANG NIYA NAGAWANG sabihan siya at ng mga TAO roon na ang SANTO PAPA ng TUNAY at NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO ay na sinsabi nilang "NATALIKOD NA GANAP" ay ang ANTI-CRISTO!

RUNNING TIME 1:44:28 WALA NA ANG MAGASIN SA KAMAY NG SANTO PAPA!


Friday, July 5, 2013

Opisyal: Beato Juan Pablo II at Beato Juan XXIII magiging santo na ayon sa Vatican

Larawan nina Santo Juan XXIII (mula sa Time.com) at Juan Pablo II (mula sa Time.com)
Pirmado na ng Santo Papa ang ganap na pagiging "Santo" nina Beato Juan Pablo II at ni Beato Juan XXIII ayon sa Vatican News. Mababasa rin ang nasabing balita mula sa AFP, Reuters, France24 at Fox News.

(Vatican Radio) Journalists in the Holy See Press Office busy getting to grips with Pope Francis’ first encyclical the Light of Faith, were somewhat surprised Friday lunchtime when Director Fr. Federico Lombardi S.J. called them back for a second announcement: Pope Francis had approved the cause for canonization of two of his venerable and much loved predecessors Blessed John XXIII and Blessed Pope John Paul II... (Ituloy ang pagbabasa rito...)
Purihin ang Dios at dininig niya ang panalangin ng kanyang Bayan upang ganap na maging Banal ang Papang minahal ng maraming tao.

Santo Juan Paolo II at Santo Juan XXIII, ipanalangin niyo kami!  Amen!

Wednesday, March 13, 2013

HABEMUS PAPAM!

Papa Francisco - ika 266 Santo Papa ng Iglesia ni Cristo
Nagitla ang buong mundo noong ipagbigay-alam ni Pope Emeritus Benedict XVI ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon kay Pope Emeritus, ang kanyang pagbitiw ay sanhi ng kanyang pagtanda. Kung matatandaan sa kanyang walong taong panunungkulan ay nagsulputan ang maraming mga iskandalo sa Santa Iglesia. Ang karamihan dito ay ang mga tiwaling pari na lumapastangan sa mga kabataan natin. Mabigat ang pasanin ng Santo Papa at panalangin niyang ang susunod na papa ay may sapat na lakas upang itawid mula ang Iglesia ng Dios sa susunod na siglo.

At ngayong ika-23 ng Marso 2013, pinagkalooban ang Iglesia ni Cristo ng bagong Papa sa katauhan ni Jorge Mario Cardinal Bergoglio ng Argentina-- kauna-unahang Santo Papa na hinirang mula sa Latin America at kauna-unahang gumamit ng pangalang FRANCIS.

Si Cardinal Bergoglio ay mas kilala ngayon sa pangalang PAPA FRANCSISCO (Pope Francis).

Mabuhay ang SANTO PAPA! Mabuhay ang IGLESIA NI CRISTO!

Wednesday, June 20, 2012

Papal Audience kabilang ang PM ng Latvia at Presidente ng UN General Assembly

Si Papa Benedicto XVI at si Nassir Abdulaziz al-Nasser ng UN
Vatican City, (VIS)- Nagpahayag ng kagalakan ang Holy See Press Office sa pagdalaw sa Vatican ni Nassir Abdulaziz al-Nasser noong Biyernes ika-15 ng Hunyo 2012, presidente ng ika-66 session ng General Assembly ng United Nations. Nakipagpulong din ang panauhin kay Secretary of State Tarcisio Bertone, S.D.B. na sinamahan naman ni Archbishop Dominique Mamberti, secratary ng Relations with States.

Pahayag ng Holy See Press:
"The central theme of the cordial discussions was the role of the United Nations Organisation, and especially of the General Assembly, in conflict resolution. Particular consideration was given to the conflicts currently affecting various regions of the world, especially Africa and the Middle East, and to the serious humanitarian emergencies they provoke.


"Attention then turned to the Catholic Church's contribution to peace and development, and to the importance of cooperation between religions and cultures".

Si Valdis Dombrovski, Prime Minister ng Latvia at si
Santo Papa Benedicto XVI
Ngayon sa balita mula sa VIS, matapos ang lingguhang General Audience tinanggap ng Santo papa Benedicto XVI si Valdis Dombrovskis, Prime Minister ng Republika ng Latvia. At katulad ng protocol, nakipagpulong din ang Prime Minister kay Cardinal Bertone at Archbishop Mamberti.

Pahayag ng Holy See Press:
"During their cordial discussions the parties highlighted the good relations that exist between the Holy See and the Republic of Latvia, and the valuable contribution the Catholic Church makes to society, in particular on questions concerning the family and the promotion of a humanism open to spiritual and transcendental values.
"The conversation also focused on questions of mutual interest, with particularly emphasis on the serious economic and financial crisis which is affecting the lives of European peoples".
Maaaring ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

Thursday, February 9, 2012

Santo Papa bibisita sa Iglesia sa Iran?

Iran President Ahmadinejad at Pope Benedict XVI [Source: Maktoob.Yahoo!(Reuters)]
VATICAN CITY - Ipinabatid ng ambasador ng Iran sa Vatican ang imbitasyon ni Iranian President Mahmoud Ahmadinejad sa Santo Papa upang bisitahin ang kanilang bansa.

Ani Ali Akbar Naseri sa mga mamamahayag "If the pope decides to come, we will welcome him in an excellent way, and, as far as the government is concerned, we will welcome him with enthusiasm."

Ang imbitasyon ng Iran ay nakabinbin sa Vatican. Sa kasalukuyan si Papa Benito ay hindi pa tinatanggap ang usapin ng pagdalaw.

Matatandaan na ang Santo Papa ay tahasang kumukondena sa Iran sa pagsabing "buburahin" nila ang Israel sa mapa ng mundo.

Nananawagan din ang Santo Papa na resolbahin ang lumalaking sigalot sa pagitan ng Iran at ng iba pang mga bansang kasapi ng UN.