Showing posts with label INC Manlilinlang. Show all posts
Showing posts with label INC Manlilinlang. Show all posts

Sunday, June 27, 2021

ITINUTURO NG IGLESIA KATOLIKA NA IISA ANG DIYOS! ITINUTURO NG INC™1914 NA TATLO ANG DIYOS!

GANYAN DIN ANG TURO TUNGKOL SA SANTISIMA TRINIDAD!

SINO NGAYON ANG NAGSASABING "TATLO" ANG DIYOS?!

Paulit-ulit. Nakakasawa.

Ito ang PAULIT-ULIT at NAKAKASAWANG argumento ng mga kaanib sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo - ang Iglesia Ni Cristo® 1914 - sapagkat IPINAGPIPILITAN nilang TATLO raw ang DIYOS ng mga KATOLIKO?! At ito raw ang TURO ng IGLESIA KATOLIKA (TATLONG PERSONA ng DIYOS)?! Of course, hindi po totoo ito. Isang PANLILINLANG na naman para makadaya ng mga tao at aanib sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo.

Sabi ni kapatid na Anthony Aspe na kaanib sa INC™1914:
Iisa lamang ang bilang ng tunay na Dios ayon sa Biblia, siya lamang ang Ama ng ating Panginoong Jesucristo. Wala pong nakasulat sa Biblia na marami ang bilang ng tunay na Dios gaya sa paniniwala ng ADD/MCGI. Wala ring nakasulat na ang tunay na Dios ay binubuo ng tatlong persona o trinity gaya sa paniniwala ng Katoliko. Mas lalong walang naksulat na ang Ama ay persona o bahagi ng isang Dios na tunay. Ang mga ganitong paniniwala ay guni-guni lamang ng mga trinitarians at ng ADD/MCGI.
Sangguniin natin ang OPISYAL na TURO ng IGLESIA KATOLIKA §233:
"Christians are baptized in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit: not in their names, [Cf. Profession of faith of Pope Vigilius I (552): DS 415.] for there is only one God, the almighty Father, his only Son and the Holy Spirit: the Most Holy Trinity."
Sa TAGALOG ay ganito:

"Ang mga Kristiyano ay nabinyagan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu: hindi sa kanilang mga pangalan, [Cf. Profession of Faith ni Papa Vigilius I (552): DS 415.] sapagkat iisa lamang ang Diyos, ang makapangyarihang Ama, ang kanyang nag-iisang Anak at ang Banal na Espiritu: ang Pinakabanal na Trinidad. "Ayon po, IISA LAMANG daw po ang DIYOS - ang AMA, ANAK at ang BANAL NA ESPIRITU."

Itinuturo po ng SIMBAHANG KATOLIKA mula pa noong UNA, tulad ng TURO ng mga ALAGAD na ang DIYOS ay IISA ~ ang AMA, ANAK at BANAL NA ESPIRITU.

SINASANG-AYUNAN rin ito ng PANGINOONG JESUS:
"THE FATHER AND I ARE ONE." The Jews again picked up rocks to stone him. Jesus answered them, “I have shown you many good works from my Father. For which of these are you trying to stone me?” The Jews answered him, “WE ARE NOT STONING YOU FOR A GOOD WORK BUT FOR BLASPHEMY. YOU, A MAN, ARE MAKING YOURSELF GOD."
MALINAW na SINASABI ng PAGINOONG JESUS na SIYA at ang AMA ay IISA!

Ito ang dahilan kaya't ninais siyang PATAYIN ng mga HUDYO sapagkat si CRISTO (sa anyong TAO) ay GINAGAWANG KAPANTAY ang IISANG DIYOS.
"HINDI KA NAMIN NAIS NA BATUHIN DAHIL SA MABUBUTING GAWA KUNDI DAHIL SA PANG-AALIPUSTA SA DIYOS. IKAW, TAO, PINALALAGAY ANG SARILI BILANG DIYOS."
Malinaw na IISA ANG DIYOS kahit na ANGKININ ni CRISTO ang PAGIGING DIYOS, sapagkat SIYA at ang AMA ay IISA!
Hindi natin maaaring sisihin ang mga Hudyo sa kanilang paniniwala, sapagkat MALINAW NA MALINAW sa kanilang SHEMA ~ na IISA ANG PANGINOON, ANG DIYOS (Ama). Kaya sa PAG-AANGKIN ni Cristo na KAPANTAY NIYA ANG AMA, nangangahulugang DALAWA na ang Diyos na SIYANG TINUTUTULAN ng mga HUDYO! Bagay na KALAPASTANGANAN sa DIYOS. Christ deserves to die because of that blasphemy!

Heto nga ang MISMONG si APOSTOL SAN PABLO ang NAGSASABING SI CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS (sa mga taga-FILIPOS 2:5-6):
"Taglayin ninyo ang pag-iisip na tulad ng kay CRISTO JESUS; kahit SIYA'Y NASA KALIKASAN NG DIYOS, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos..."
Dapat GANITO RIN ang TAGLAYIN ugali ni GINOONG FELIX MANALO, ang HUWAG IPANTAY ang SARILI sa pagiging SUGO ng Diyos sapagkat HINDI SIYA ISINUGO ng DIYOS! Ito ay PINAPATUNAYAN ng BIBLIA sapagkat WALANG FELIX Y. MANALO na NABABANGGIT at WALANG GANAP (TOTAL) NA PAGTALIKOD ng IGLESIANG TATAG ni CRISTO na NASUSULAT sa BIBLIA kundi ang TATALIKOD ay TAO, tulad ni GINOONG MANALO na DATING KAANIB ngunit TUMALIKOD at hanggang sa NAGTAYO ng KANYANG SARILING IGLESIA at pinarehistro bilang "Iglesia Ni Kristo" noong 1914.

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
Anong sabi ni Apostol San Juan sa mga taong DATING KAANIB SA IGLESIANG TATAG NI CRISTO ngunit NGAYON AY LABAN SA ATIN ay GANITO:
1 JUAN 2:18-19
Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ANG ANTI-CRISTO AY DARATING. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. SILA AY HUMIWALAY SA ATIN, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ANG KANILANG PAG-ALIS AY NAGHAHAYAG LAMANG NA WALANG SINUMAN SA KANILA ANG KABILANG SA ATIN.
Ang PAG-ALIS ni Ginoong Felix Y. Manalo sa tunay na Iglesia ay NAGHAHAYAG lamang na LAHAT SILA sa KANYANG IGLESIA ay HINDI KABILANG kay CRISTO sapagkat NAGTUTURO sila ng LABAN KAY CRISTO!

MGA KAAWAY ni CRISTO o mga ANTI-CRISTO, ayon kay Apostol San JUAN!


At sa KATULAD nilang UMALIS sa TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO, AT NAGTUTURONG si CRISTO AY TAO LAMANG ~ HINDI MATANGGAP na si CRISTO ay DIYOS na NAPARITO sa LAMAN, ang tawag ni Apostol San Juan sa kanila ay mga ANTI-CRISTO o KAAWAY ni CRISTO.

2 JUAN 2:7
Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. HINDI NILA KINIKILALA NA DUMATING SI JESU-CRISTO [Diyos] BILANG TAO [naparito sa laman]. ANG MGA ITO ANG MANDARAYA AT ANG ANTI-CRISTO!
At sa mga KATULAD nilang ANTI-CRISTO, HINDI sila dapat PATULUYIN sa INYONG MGA TAHANAN, kundi ITUTURO nila ang kanilang ANTI-CRISTONG ARAL!
2 JUAN 1:10-11
Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin. Sapagkat ang tumatanggap sa taong ito ay nakikibahagi sa kanyang masasamang gawa.
ALIN nga ba ang TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO na INALISAN ni Ginoong Manalo?
Ayon sa PASUGO, ang OPISYAL na magasin ng INC™1914, ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO raw ay ang IGLESIA KATOLIKA, hindi ang IGLESIANG TATAG niy!
PASUGO ABRIL 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO JULY AUGUST 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Sa mga NAGSUSURI, ito sana ay MAGSILBING ILAW sa inyo tungo sa KATOTOHANAN na IISA ANG DIYOS ~ AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ~ at si CRISTO ay DIYOS na NAPARITO SA LAMAN!

Saturday, February 22, 2020

Dr. Daniel B. Wallace: Binanatan ang Iglesia Ni Cristo® 1914 sa Pambabaluktot sa kanyang sinabi

Salamat kay kapatid na Kuya CFD...


Dahil sa walang habas na Kasinungalingan ng mga ministro ng Iglesia Ni Manalo minsan na rin pala silang binanatan ni Dr. Daniel B. Wallace dahil sa paggamit ng INC sa kanyang aklat na "Greek Grammar Beyond the Basics" sa pambabaluktot ng katotohanan. Narito ang kanyang pahayag:

"The Iglesia ni Cristo (Church of Christ) is a Filipino-based group that rejects the major tenets of the historical Christian faith. InC, in particular attempts to deny that the deity of Christ is a biblical doctrine. And although they view themselves as the only true church, they freely use several bona fide academic works to support their views -- in spite of the fact that the authors of such works would be appalled to learn of the abuse of their own writings. I was shocked to learn that InC members had used my Greek Grammar Beyond the Basics in support of their heterodox beliefs. Duane Cartujano, a Roman Catholic apologist, has investigated their views. He supplies plenty of documentation -- both quotations of the secondary literature and an exposition of the biblical text -- to refute the InC. I, for one, am glad that he has exposed this group for what it really is. His book will serve as a welcome corrective to the deceptions of the Iglesia ni Cristo. -Dr. Daniel B. Wallace, Author of Greek Grammar Beyond the Basics, Senior Professor of New Testament Studies, Dallas Theological Seminary

Maging ang salin ni George Lamsa na "Church of Christ" ay sasang-ayunan kaya ni Lamsa na ito ay ang Iglesia Ni Manalo kung sakaling nabubuhay pa siya? Malamang hindi! Kaya nga noong inilimbag ni Lamsa ang kanyang salin noong 1922 hanggang sa kanyang kamatayan ay hindi siya naimbetahan [sic] sa Iglesia Ni Manalo.

Ganun din ang Moffat bible na isinalin ni James Moffat na inilimbag noong 1924, sa kanyang salin na "far east" sasang-ayon kaya siya na ito ay propesiya para sa Pilipinas kung sakaling buhay pa siya??

:) Napakalaking advantage kapag buhay pa ang mga author kasi kapag ginamit sa KABULUKAN ang kanilang MASTERPIECE tiyak na mapapahiya itong mga MAPAGSAMANTALANG KABUTE (other term for 1800s and 1900s Man-Made churches).

#CATHOLIC

Saturday, June 29, 2019

NATALIKOD NGA BA ANG UNANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?

Kahabag-habag ang mga umanib sa mga nagsisulputang mga relihiyon na pinamumunuan ng mga bulaang propeta at mga mandarayang mangangaral ngayon sapagkat lahat sila ay umaangkin na sila raw ang totoo at nasa kanila ang kabuuan ng katotohana. Isa na riyan ang Iglesia Ni Cristo®.

Ang isang malaking tanong ay kung PAANO naging sila ang TUNAY kung KAILAN LAMANG SILA ITINATAG?

Hindi maikaila ninuman ang pangunahing katotohanang ito, maging ang mga nasa media na ang Iglesia Ni Cristo® ay tatag ni Ginoong Felix Ysagun Manalo at hindi ni Cristo. Ayon sa kanilang sariling opisyal na limbag na magasing PASUGO, ang INC™ raw ay itinatag ni Ginoong Manalo noong 1914.
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
Hindi naman nakagugulat ang mga sinabi nila sa Pasugo sapagkat ito rin naman ay sinasaad din sa kanilang REHISTRASYON sa Securities and Exchange Commission.

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo® ay TATAG NG TAO at HINDI NG DIYOS! Ang INC™ ay pagmamay-ari ni Manalo at HINDI ni Cristo!


NATALIKOD NGA BA ANG UNA AT TUNAY NA IGLESIA?

Matalino rin nga naman ang nakapag-isip ng doktrinang "NATALIKOD NA GANAP ANG UNANG IGLESIA" ~ ang IGLESIA KATOLIKA ~ kaya't kinakailangan raw ng mga huling sugo, huling anghel, huling propeta, huling mensahero atb. upang ITATAG MULI ang Iglesia ni Cristo na natalikod.

Ang DOKTRINA ng PAGTALIKOD NG UNANG IGLESIA ay HINDI ekslusibo sa INC™ at lalong hindi po sila ang orihinal. Ito ay noon pang umusbong ang PROTESTANTISMO (1517) ~ ang THE GREAT APOSTASY ngayo'y PINANGANGARAL sa iba't ibang sekta sa Iglesia Protestante.

Si Luther at Calvin ang mga sinaunang TUMALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo at di kalauna'y nasimulang magturo na ang IGLESIA KATOLIKA bilang UNANG IGLESIA ay siyang tinutukoy (raw) sa Biblia na tatalikod (1689 London Baptist Confession-Chapter 26).


Sa mga katulad nilang naniniwala sa GREAT APOSTASY ay ang mga ANABABTISTS, ang mga MORMONS (The Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints), mga SABADISTA (Adventists), mga SAKSI (Saksi ni Jehova), mga CHRISTADELPHIANS, maging ang lokal na tatag sa Pilipinas na mga IGLESIA (Iglesia Ni Cristo) at marami pang bagong sulpot. Lahat sila ay tinatawag na mga RESTORATIONISTS!


Oo nga naman. Papaano naman magiging tunay ang mga nagsisulputang mga sekta ngayon kasama ang lokal na tatag ni G. Manalo ~ ang INC™ ~ kung hindi  nila palalabasin na tumalikod ang Unang Iglesia? Kinakailangan o DAPAT  nga lang naman na matalikod na ganap ang Unang Iglesia upang sa PANLABAS man lang ay sila ang tunay at ang TUNAY ang peke. 

Kung susundin natin ang LOGIC na kanilang argumento, lalabas na SINUNGALING SI CRISTO at Siya ay isang MANDARAYAG ANAK NG DIYOS.  Ganito kasi ang PANGAKO NI CRISTO sa Mateo 16:18 UKOL SA KANYANG TATAG NA IGLESIA:
"Ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay ITATAYO KO ANG AKING IGLESYA, at DI MANANAIG SA KANYA ANG MGA PINTUAN NG IMPIYERNO." 
Maging sa saling Biblia ng mga Saksi ni Jehova, ang The New World Translation of the Bible Tagalog, ay ganito ang mababasa natin sa parehong bersikulo ng Biblia (Mt. 16:18)
"Sinasabi ko sa iyo, Ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong-bundok na ito ay ITATAYO KO ang aking kongregasyon, at ANG MGA PINTUAN NG HADES AY HINDI MANANAIG DITO." 
ISANG  PANGAKONG HINDI MANANAIG ANG KAPANGYARIHAN NI SATANAS ~ NI ANG PAGTALIKOD NITO AY HINDI POSIBLE~ sapagkat ito ay ISANG PANGAKO NI CRISTO na makaraan lamang ang 1,517 taon ay MAGLALAHO na lamang.  At sinundan pa ng isa pang pandaraya noong 1914.

At dahil alam naman nating mga tunay na taga-sunod ni Cristo na SI CRISTO AY HINDI SINUNGALING, HINDI SIYA MANDARAYA at HINDI MANLILINLANG, Siya ANG DAAN, KATOTOHANAN, AT ANG BUHAY (Juan 14:6), lalong lumalabas na ang mga PROTESTANTENG ITO kasama ang INC™ ay mga SINUNGALING, MANDARAYA at mga MANLILINLANG!

Pinalalagay nilang sinungaling ang ating Panginoong Hesus upang ang kanilang mga tatag na Iglesia kahit sa panlabas lamang ang siyang pinalalabas na tunay ~ ngunit MANANATILI SILANG MGA HUWAD at PEKE.


Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
Mismong ang Pasugo na rin ang sumagot sa KATOTOHANAN UKOL SA NAG-IISA AT TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA. Kaya't lahat sila, mula noong 1517 hanggang sa kasalukuyan na UMAANGKIN na sila ang tunay ay mga HUWAD LAMANG sapagkat sila'y mga BAGONG SULPOT lamang!

Baka naman sasabihin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® na hindi totoong ang Iglesia Katolika ang tinutukoy na Una at Tunay na Iglesiang tatag ni Cristo KUNDI SILANG MGA BAGONG SULPOT, tanging ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang ating pasasagutin (Ang kabuuan ay nababasa rito sa Ang Katotohanan Tungkol sa INK -1914):
PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino-- ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sino mang tao-- maging marunong o mangmang, maging dakila o hamak-- ay walang karapatang magtayo ng Iglesia"

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."

PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 2:
“Sino ang sinugo ng Dios upang maitatag ang Iglesia sa Pilipinas? Sa Isaias 46:11, ay ganito ang sabi: 'na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan ang taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain" (Si Felix Manalo).

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5:
"Ayon sa kumakaaway sa INK sinasabi raw ng Rehistro na si Felix Manalo ang nagtatag ng INK."

PASUGO Mayo 1967, 9.14:
“Sa panahong ito ng mga wakas na Lupa na nagsimula sa unang Digmaang Pandaigdig ay tatawag ang Dios ng kanyang huling sugo upang itatag ang kanyang Organisasyon. Kung gayon ang INK na lumitaw sa Pilipinas noong 1914, ay siyang Organisasyong Pinangunahan o Pinamahalaan ni Felix Manalo."

PASUGO Hulyo 1955, nasa panakip:
“Iyon ang Iglesia ni Cristo na dapat pasukan ng lahat ng tao; at ang tanging sugo'y si kapatid na Felix Manalo."

PASUGO Hulyo 1952, p. 4:
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

PASUGO Enero 1964, p. 6:
“Sino ang tunay na nagtayo ng Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914? Hindi ang kapatid na si Manalo kundi ang Dios at si Cristo."

PASUGO Mayo 1964, p. 15:
“Tinatanggap halos ng lahat na sa Dios at kay Cristo ang INK na itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Datapuwat ang INK sa huling araw na ito na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay hindi nila kinikilalang sa Dios at kay Cristo. Ito ay nagpapanggap lamang na INK ngunit ang totoo raw ay Iglesia ni Manalo. Walang katotohanan ang kanilang palagay na ito sapagkat walang Iglesiang kanya si Kapatid na Manalo."

Tanong: Totoo ba o hindi na si Felix Manalo ang siyang nagtatag ng INC -1914?
Sagot: PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Tanong: Sino ang may-ari ng Iglesiang itinatag ni Ginoong Felix Manalo?
Sagot: PASUGO Mayo 1952, p. 4
“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."

Lalong lumilitaw na si Felix Manalo ang nagtatag at may-ari nitong tinagurian nilang INK na nairehistro sa Pilipinas noong Huly 27, 1914 at hindi sa Dios at kay Cristo kundi nagpapanggap lamang, baka sakali'y makalusot!

Tanong: Mayroon bang karapatan na magtayo ng Iglesia ang isang tao, na katulad ni Felix Manalong tao?
Sagot: PASUGO Nobyembre 1940, p. 23:
“Iisa lamang ang tanging makapagtatayo ng Iglesiang magiging dapat sa Dios. Kung sino? -- Ang ating Panginoong Jesu-Cristo lamang! Sinumang tao-- maging marunong o mangmang-- ay walang karapatang magtayo..."

Tanong: Ilan ba ang Iglesiang itinayo ni Cristo, at saang dako ng daigdig niya itinayo?
Sagot: PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"

At bilang KABUUAN ng ating talakayan, DITO PINAPATUNAYAN ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na  ang TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO AY UMIIRAL PA (1966) at HINDI PA NATATALIKOD NA GANAP ang UNA AT TUNAY NA IGLESIA sa kanilang lathala sa kanilang opisyal na magasin:

PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."


NOTA: Dapat pansinin natin ang katugon na petsa nitong banggit na "kasalukuyan." Ang petsa nito ay noong Abril 1966, sapagkat noon nga napalathala ang sinasabi nilang ito. Kung gayon, maliwanag na hindi pa nawala ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem noong unang siglo. Bakit? Sapagkat pinapasukan pa rin ni Satanas ng kanyang mga maling aral. Malinaw po ba?

Saturday, May 18, 2019

A young member of the Iglesia Ni Cristo questions the teachings she has grown up with

INC and the mentality of exclusivity
A young member of the Iglesia Ni Cristo questions the teachings she has grown up with
by Malaya dela Cruz* [Rappler]

Published 12:00 PM, August 14, 2014 

I’ve been an Iglesia Ni Cristo (INC) member since I was born and my father is a minister. My siblings and I were raised to behold as absolute truth all doctrines without question. As kids, we’re brazen to tell our friends “Mag-Iglesia ka na kundi mapupunta ka sa dagat-dagatang apoy.” (Convert to Iglesia; otherwise, you'll end up in hell)

We’re flying with wings of righteousness holding the light to guide those lost in the darkness, we call sanlibutan; completely convinced that we’re indeed the chosen ones come judgment day. All we have to do is follow like sheep and salvation is certain. This is my myopic reality.

Into the darkness

Coming of age, I learned our creationist view is indubitably wrong given the insurmountable evidences against it, yet I find this mistake tolerable; assuming perhaps a scientifically-informed interpretation of the bible isn’t necessary for salvation. I was indifferent about this just as I am in overriding any of my rights for the sake of unity; trusting that it’s always for the good of the church.

What became unbearable is having my consciousness raised about the multi-dimensional causes of poverty. I cannot unlearn what I know now - that the terrible social realities we dismiss right before our eyes as normal is caused by injustice from existing power structures in society.

It was alarming for I was undeniably guilty of being part of a church responsible for reinforcing structures that sustain poverty through our social attitude and practice of ‘unity.’

We are INC first before we are Filipinos

It is our faith, albeit fatalistic, that the world will inevitably perish and no developmental agenda by man could prevent it; we are only travelers here for our true residence is the kingdom of heaven. Hence, we resign concern about matters outside our kingdom unless it might undermine doctrines or the church administration.

We show power in numbers through bloc-voting and secure key positions in the government in order to protect the interests of the church, never mind whether it’s a corrupt official as long as the church is secured. This is why INC was indifferent during the People Power I despite all the atrocious harm done towards the Filipino people - all because we allied with former president Ferdinand Marcos, the dictator.


Culture of apathy

Since our primary concern is the good of the church and not of the people in general, an apathetic attitude towards social issues is fostered among members.

We’re prohibited to participate in any form of social mobilization or unions because it’s against the unity of the church, even if such actions addresses concerns that directly affect the welfare of members.

Greedy corporations who operate with inhumane policies are fortunate as INC members are willing allies to preserve an unfair system. We abstain claiming accountability from power-holders in the name of ‘peace.’ - a peace that is oblivious of its implications.

Yes, we’re an obedient flock of docile sheep but we’re also subtle criminals and dignified perpetrators of injustices against our fellowmen. With brilliant pride we take the side of the oppressors.

Our brand of humanitarianism

The provision of generous aid to millions of non-members through medical missions, relief distributions and housing projects are token gestures, for “conversion” is our utmost motivation by exploiting the sense of utang na loob (debt of gratitude).

INC’s brand of humanitarianism does not involve championing the interest and welfare of the poor by addressing root causes of social issues. Our humanitarian cause is the 'noblest' of all: to save your soul from damnation by converting you to the one true Church of Christ.

Masters of mobilization

We’re taught that hardships and misfortunes in life are either caused by sin or are trials we must endure. However, evidence suggests that societal structures and how its citizens participate in shaping it in the course of history is the concrete reason for the everyday struggles of today. Poverty is avoidable, development is a choice.

The public witnessed INC’s power to amass more than a million people in its administrations’ behest. If the church could use its clout to truly help the nation by addressing long term needs and root causes of perennial social issues – such as lobbying and supporting genuine agrarian reform, a fair wage and other issues that affect the marginalized majority, where many of its own members come from, we shall contribute to societal change.

Aren't we humans first?

My conscience is disturbed when I saw my fellow brethren exalte upon news of famine, war, destruction and calamities where thousands of people lay dead. Some even said, “Makasalanan kasi ang sanlibutan, matuwa tayo dahil nalalapit ang kaligtasan natin.” (The people are sinful. We should be happy because our salvation is near.) They seem to forget we’re humans first before we even subscribe to any religion.

'Saving your soul' as a single mission is quite selfish in the face of human suffering. I understand it stems from fear and existential uncertainties, but It’s wrong to choose a convenient personal escape and say “kung gusto niyo rin maligtas, umanib na kayo” (if you want to be saved, join us) instead of engaging in collective action driven by empathy and compassion.

We glory over the Philippine Arena, Guinness records, and the thousands of congregations we’ve built like the elite ruler gloating over his empire.

There is harm in a mentality of exclusivity when we operate in the context of a larger society. Imagining a fragmented reality wherein we are only travelers goes against the truth that we have a responsibility to contribute and cooperate in facilitating change in the world. We can do this by renouncing apathy and using our power to mobilize for the good of people. - Rappler.com

*Malaya dela Cruz is a pseudonym. Rappler verified the identity of the writer, who asked her real name be concealed for her protection. She is a university student.

iSpeak is Rappler's platform for sharing ideas, sparking discussions, and taking action! Share your iSpeak articles with us: move.ph@rappler.com.

Monday, October 15, 2018

Isaias 43:5, 'Far East' ba ang Orihinal na Nakasulat?

Napakalinaw na sa episode na ito ng mga kaibigan nating mga ministro ng INC na doon sa screen na ipinakita nila kung saan nagbigay ako ng komento na MALI na nilagyan ni Ventilacion ng "Far East" ang word na "Mizrach" sa Aleppo Codex ay tama naman talaga ang pahayag ko.

Noong sabihin ko na mali na nilagyan ng "Far East" ay yung sa screen mismo mula sa Aleppo Codex.

Ngayon, Hebrew ang pinag-uusapan, bakit gagamit ng translation na moffatt [sic] at good news [sic] para patunayan na May "Far" sa Hebrew ng Isaiah 43:5?

Translation ba ang ipinakita ni Ventilacion sa screen? Saan sa hebrew [sic] text ng Isaiah 43:5 ang hebrew [sic] word na "Rachoq"? Natapos lang ang programa nila na puro translation ang ginamit at hindi tinalakay sa hebrew [sic].

Ngayon, hintayin natin kung may ipapakitang hebrew [sic] text ang mga ministro ng INC kung saan naroroon ang hebrew [sic] word na "Rachoq" sa Isaiah 43:5. Ang Hebrew word na Mimizarch ay hindi rin “Far East”. Ang Mi ay tinatawag na "preposition," ibig sabihin ay "from". -Bro. D. Cartujano

Watch INC Video here!


Sunday, July 22, 2018

Ang Kanilang Pagtalikod ay Hinulaan na sa Biblia

"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami." -Mateo 24:11


Isang nakakalungkot na katotohanan na marami pa rin sa mga Katoliko ang TUMATALIKOD sa TUNAY na pananampalataya at piliin ang isang MALI sa kabila ng katotohanang PEKE ang kanilang inaaniban.

Sa katulad nila, mga mababaw ang pananaw sa pananampalataya kalimitan ang nagiging mga biktima ng mapanlinlang na aral ng mga bulaang mangangaral. Katulad na lamang ng dalawang dating-Katoliko na itinampok sa programa ng INC™ upang patunayang MALI ang IGLESIA KATOLIKA at tama ang iglesiang tatag ni Ginoong Felix Manalo. 

Ayon kay Ginang Marlyn Villena (isa sa mga tumalikod), bilang "Katekista" ITINUTURO raw niya sa kanyang mga inaaralan kung "PAPAANO MAG-ROSARY" at kung paano raw ang "PANALANGIN NG KATOLIKO".

Walang masama sa kanyang sinalaysay maliban lamang sa mga tagasunod ni Ginoong Felix Manalo.  Para sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo®-1914, ang PAGROROSARYO ay isang panalanging PAGANO. Nakakalungkot, mismong isang dating Katoliko ang magpapasama sa isang bagay na napakadalisay sa pananampalatayang Katolisismo.

Upang patunayan na ang kanilang bagong akay ay "aktibo" at hindi isang Katolikong walang kaalaman sa turong Katoliko,  sinabi po niyang bawat araw daw po ng Linggo ay "NAGSISIMBA" raw sila sa "KANILANG RELIHIYON." (?) Halatang hindi niya alam ang kanyang mga sinasabi. Kung ganito magturo ang isang "katekista" malamang, mas marami pang maguguluhan kaysa maliliwanagan. Magaling ang Diyos. Mas mainam nang UMALIS siya sa Iglesia Katolika habang nagtuturo siya ng TALIWAS sa mismong turo ng Simbahan kaysa magkalat pa siya at maging dahilan ng pagkatisod ng marami.

At ang isa pang nakakapanginig ng laman ay ang sinabi niyang ganito: [0:45] "KUNG MAY PAG-KUWAN PO SA MGA REBULTO PO, EH LUMILIBOT PO KAMI DOON SA AMI... AMIN PO DOON SA AMIN PO PARA MAKAPAG-SERVE PO SA AMING SIMBAHAN..." (habang ang pinapa-flash ng video ay isang prusisyon ng mga Katoliko na kasama ang mga imahe ng mga santo't banal.) Muli, halatang hindi niya alam ang kanyang sinasabi.

MABABAW NA PANANAW NG ISANG DATING "KATEKISTA"

Isang hamon po sa mga Katekista ang mga salungatang pahayag ni Ginang Villena sapagkat MABABAW, kulang sa 'substance' at HALAW sa katotohanan ang kanyang mga nasambit na "patotoo".

Ang layunin ng isang Katekista ay ang ILAPIT ang mananampalataya sa DIYOS sa pamamagitan ng PAGTUTURO ng mga KATOTOHANAN tungkol sa Diyos ayon sa turo ng TUNAY na IGLESIA ~ ang IGLESIA KATLIKA na sa "pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo" (Pasugo Abril 1966, p. 46), hindi ayon sa kanyang unawa.

Hindi nakapagtataka kung bakit ang mga katulad ni Ginang Villena ay TUMALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo sapagkat HINDI pa nila lubos na nauunawaan ang kanilang itinuturo. Sila na mismo ang umamin na MAGULO ang kanilang mga isipan kaya MAGULO rin ang kanilang itinuturo na taliwas sa turo ng Santa Iglesia.

Mababaw at sila mismo ay salat pa sa kaalaman tungkol sa pananampalataya.  Siya mismo ay di-naunawaan ang kanyang mga itinuro, nalito at madaling natangay ng mga bulaang mangangaral dagling tumalikod!

ANG ROSARYO

Hindi po layunin ng isang Katekista ang ubusin ang buong oras at panahon niya sa pagtuturo ng Banal na Rosaryo. Bagamat isang mainam na pamamaraan na ituro rin sa mga Katoliko ang debosyon sa Mahal na Ina ng Diyos, hindi po ito ang buong pakay ng isang katekista.

Batid naman ng lahat kung bakit MALAKING ISYU sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® -1914 ang "PAGDARASAL" ng Rosaryo. Ang pagkaunawa nila ay NANANALANGIN ang mga Katoliko kay Maria BILANG DIYOS (diyos-diyosan) at karamihan ay inaakusahan ang mga Katoliko bilang mga PAGANO. Mas pinili pang paniwalaan ang interpretasyon ng isang nalilitong dating Katoliko kaya ang alamin ang tunay na turo ng Simbahan ayon sa pang-unawa ng Santa Iglesia.

Alam naman ng  mga KATOLIKO na ang PAGSAMBA MALIBAN SA DIYOS ay isang malaking kasalanan sa Diyos. Ngunit isang  malaking KAIPOKRITUHAN ito para sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo®-1914 sapagkat SUMASAMBA SILA SA DALAWANG PANGINOON: Isang Panginoong DIYOS AMA at isang Panginoong JESUCRISTO (TAO)! Hindi po sinasang-ayunan ng Biblia ang sumambaa sa Diyos at sumamba sa TAO! Hindi po sinasampalatayanan ng mga Kristiano ito.   Ang tunay na sumasampalataya ay SUMASAMBA sa IISANG DIYOS hindi dalawa!


Ang SANTO ROSARYO po ay isang PANALANGING HANGO sa BIBLIA. At kung gusto ninyong malaman ang KATOTOHANAN sa IGLESIA KATOLIKA, marapat lamang na sa mga KATOLIKO rin kayo sumipi ng opisyal na pahayag at hindi sa mga opinyon ng mga taong laban sa Iglesia Katolika. O kaya'y sumipi ng mga encyclopedia tulad ng Wikapedia:
Ang Ave Maria o Aba Ginoong Maria ay isang dasal na nagmula sa pinag-samang ang bati ng Arkanghel Gabriel kay Maria sa Mabuting Balita at ng pag-bati ni Santa Elisabeth sa pagdating ng Birheng Maria sa kanilang pamamahay. Bahagi rin ang dasal na ito ng pagrorosaryo.

Sa mga Katoliko, ito rin ang tawag sa isang panalangin. Ito ay ang sumusunod na mga linya:
Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman ang 'yong anak na si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen

Kung mapapansin ang "Ave Maria" sa Tagalog ay tumukoy sa "Ginoo" sa halip na "Ginang o Binibini" ito ay dahil sa Lumang Tagalog, ang mga kalalakihan ay may mataas na pagkilala, maging sa Ingles, kapag hindi matukoy ang kasarian, ipinagpapalagay na lalaki ang isang "pangngalan" (noun). Kahalintulad ng sa Filipino, o Tagalog, si Maria ay binibigyan ng pagbating panglalaki sa panalangin na ito. Samakatwid, si Maria ay hindi kinikilala o itinuturing na "lalaki" bagkus, ito ay "pagkilala" lamang sa kaniyang katayuan bilang isang "banal" na ayon sa Simbahang Romano Katoliko ay Ina ng Diyos.

Sa nabanggit na artikulo sa itaas, wala po tayong mababasang 'PAGANO" ang pinagmulan ng panalangin kundi ito ay HANGO SA BIBLIA.

Hindi rin po siya PANALANGIN KAY MARIA.  Ito ay isang pagmumuni-muni sa buhay  ni Cristo na nababasa natin sa Biblia.

NAGING DIYOS-DIYOSAN ANG MGA SANTO?

Bilang isang Katekista, isang pangunahing aral na tinatalakay nito ay kung ILAN ANG DIYOS ~ Ayon sa Katuran ng tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay MAYROON LAMANG ISANG DIYOS sa LIKAS na katangian, sustansya at kakanyahan! (Catechism of the Catholic Church)

CCC 199 "I believe in God": this first affirmation of the Apostles' Creed is also the most fundamental. The whole Creed speaks of God, and when it also speaks of man and of the world it does so in relation to God. The other articles of the Creed all depend on the first, just as the remaining Commandments make the first explicit. The other articles help us to know God better as he revealed himself progressively to men. "The faithful first profess their belief in God."2

I. "I BELIEVE IN ONE GOD"

CCC 200 These are the words with which the Niceno-Constantinopolitan Creed begins. The confession of God's oneness, which has its roots in the divine revelation of the Old Covenant, is inseparable from the profession of God's existence and is equally fundamental. God is unique; there is only one God: "The Christian faith confesses that God is one in nature, substance and essence."
Nililinaw ng isang KATEKISTA na HINDI DIYOS ang Inang Birheng Maria, si San Jose, ang mga Apostol at mga Alagad o maging ng iba pang mga santo't mga anghel. Silang lahat ay mga SANTO'T SANTA ~ mga TAONG NABUHAY ng may KABANALAN at inalay ang buhay para sa Diyos sa ngalan ni Cristo at nang Kanyang banal na Iglesia (Katolika)!

Nililinaw ng isang tunay na KATEKISTA na HINDI diyos-diyosan ang mga IMAHE ng mga banal. Sila ay mga bagay na gawa sa kahoy o bato na hinugis ng tao ngunit kailan man ay HINDI SILA DIYOS at WALA silang kakayahang gumawa ng kababalagyan.  Tanging DIYOS lamang ang nakakagawa ng himala kahit sa pamamagitan ng mga bagay-bagay na walang angking-buhay.

Halimbawa, nagpagaling si Hesus gamit ang putik (lupa) gawa sa kanyang laway. (Mk. 8:22-26); o ang paghilom ng isang babaeng dinurugo sa pamamagitan lamang ng hibla ng damit ni Cristo (Mt. 9:20-22); o ang anino lamang ng Apostol San Pedro ay gumagaling ang mga may sakit (Mga Gawa 5:15). Hindi putik o damit o anino ang nagpagaling kundi ANG DIYOS!

Ayon kay Ginang Villena, napagtanto raw niya na NAPAKALAKAING KASALANAN SA DIYOS ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.  Kanyang binigyang-diin na di raw dapat sambahin ang mga diyos-diyosan (mga santo). 

"Yung mga santo hindi po pala (dapat sambahin bilang mga diyos-diyosan)", ani Ginang Villena.

Kay Ginang Villena, dapat lamang siyang UMALIS sa Iglesia Katolika sapagkat siya pala ay naniniwalang "diyos" si Maria, Jose, Juan, Pedro, Santiago, Gabriel, Miguel, Rafael, mga anghel at mga banal at kahindik-hindik, sinasamba pa niya ang mga ito.

Tunay nga na natutupad ang sinasabi ni Cristo "HINDI MANANAIG" ang mga kasinungalingan ni Satanas sa kanyang Santa Iglesia! Kaya't sila'y TUMATALIKOD tungo sa kapahamakan ng kanilang mga kaluluwa!

NAKAKALUNGKOT NA MGA PAHAYAG NI GINOONG RODOLFO VILLENA (Isang dating Extra-ordinary Lay Minister of the Holy Eucharistic)

Paano kaya naging mga manggagawa ng Iglesia Katolika ang mag-asawang ito? Bakit noon lamang nila nalaman na HINDI DIYOS ANG MGA SANTO at lalong HINDI DIYOS ang mga REBULTO?! Ayon kay G. Villena:

[4:30] "So nalaman ko sa aral ngayon ng Iglesia Ni Cristo (1914) na ang rebulto ay diyos-diyosan. So hindi dapat sambahin. Sapagkat ang dapat sambahin ay ang Amang nasa langit."

Nakakalungkot ang mga pahayag ni Ginoong Rodolfo Villena laban sa Iglesia Katolika. Para sa kanya "diyos" ang mga rebulto! Dios mio! Ano bang pinaggagawa niya noong nasa Iglesia Katolika siya, nagdidiliryo?

Uulitin po natin para malinaw: HINDI PO DIYOS ANG MGA SANTO at lalong HINDI DIYOS-DIYOSAN ANG MGA REBULTO at HINDI SILA DAPAT SAMBAHIN DAHIL DIYOS LAMANG ANG DAPAT SAMBAHIN! Yan ang ARAL KATOLIKO!

Para kay Ginoong  Villena, "Diyos Ama ang magliligtas". Hindi ba't sinasabi rin sa Biblia na si CRISTO rin ay ang TAGAPAGLIGTAS?  (Roma 5:21, 6:23; Mga Gawa 4:12, 13:23, 16:31; Juan 3:16, 4:42; Roma 6:1-23; Mateo 1:21; 1 Pedro 1:18-19; Titus 2:14; Hebreo 9:28; Marcos 16:16; Lukas 2:11; 1 Timoteo 1:15; 2 Timoteo 1;10; Efeso 5:23; 1 Juan 4:14 atb.). Samakatuwid, ang Ama at si Cristo ay IISA ~ tagaPAGLIGTAS ~ IISA ~ Diyos na Tagapagligtas!

Kung paghihiwalayin natin ang Ama sa Anak bilang DALAWANG kapangyarihan, lalabas na talo si Cristo sapagkat para sa INC™-1914, si Cristo ay TAO LAMANG.

At kung TAO lamang si Cristo, walang silbi ang pagiging TAGAPAGLIGTAS niya sapagkat mas mataas ang Ama sa kanya.

Ngunit ang Biblia ay malinaw. Ang Ama ay  Diyos, si CRISTO AY DIYOS! Ang AMA at si CRISTO ay IISA! Hindi dalawa! IISA ANG DIYOS ngunit may TATLONG PERSONA. Kaya't kung ang AMA ay TAGAPAGLIGTAS, ganon din ang ANAK, Siya ay TAGAPAGLIGTAS sapagkat IISA ang kanilang NATURE, SUBSTANCE and ESSENCE (CCC 200)!


Panghuli, HINDI PO TOTOO na maaaring "MAGMISA" ang isang Lay Minister. TANGING PARI LAMANG NA ORDEN ang NAKAPAGMIMISA! Malinaw po ito sa katuruan ng Iglesia Katolika!

"Only validly ordained priests can preside at the Eucharist and consecrate the bread and the wine so that they become the Body and Blood of the Lord."(CCC 1411)
Malinaw ang kasinungalingan nila mula nang sila ay umanib sa INC™.  Nakakalungkot, nagpakilala pa naman sila bilang "Lay Minister" at "Katekista"!

TAMANG RELIHIYON!

Tinawag daw sila ng Amang nasa langit patungo sa tunay na relihiyon ~ ang Iglesia Ni Cristo®! Malaking kalapastanganang sabihin na "tinawag" sila ng Amang nasa langit. Ang Diyos Ama ay hindi po siya sinungaling at hindi po siya manlilinlang. Hindi po tatawag ang Diyos Ama patungo sa kapahamakan. Ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay hindi po ang INC™ ni Ginoong Felix Manalo kundi ang IGLESIA KATOLIKA.

Hindi lamang po tayo ang nag-aangkin ng KATOTOHANANG ito kundi ang KASAYSAYAN ng tao.

"The history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and His teachings (c. 4 BC – c. AD 30), and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by Jesus."
Ang KATOTOHANANG ito ay sinasang-ayunan din ng isa sa mga kilalang news portals sa buong mundo, ang BBC:

"The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years...

"For almost a thousand years, Catholicism and Christianity were as one. The break, or schism between the Church of Rome and other Christian faiths began with the split with Orthodox Christians in 1054 over questions of doctrine and the absolute authority and behaviour of the popes. For similar reasons in the sixteenth century, the Protestant churches also went their own way."

At hindi na tayo lalayo pa. Mismong ang kanilang OPISYAL na MAGASING PAGUSO ang nagpapatunay nito!

PASUGO March-April 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."

PASUGO July August 1988 pp. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”

PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

Kaya't huwag na po tayong papalinlang pa! Alam natin ang katotohanan at alam natin ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA!

TAYO NA PO SA TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!

Friday, June 22, 2018

ISANG MAPANLINLANG NA PROGRAMA NG IGLESIA NI CRISTO®-1914!


Ano bang maasahan natin sa isang nagpapanggap na tunay!?

"Ang isang dating pari sa Iglesia Katolika si Kapatid na Christopher Yu..."

Isang malaking KASINUNGALINGAN ang pagsasabi ng mga MANLILINLANG na mangangaral sa INC™ -1914 ni Felix Manalo na sabihin nilang si CHRISTOPHER YU na ngayo'y KAANIB nila sa kanilang SEKTANG SULPOT lamang nitong Julyo 27, 1914 sa Punta, Sta. Ana, Maynila ng isang Pilipinong TUMALIKOD sa TUNAY na Iglesia ~ ang Iglesia Katolika ~ "na sa pasimula ay Iglesia ni Cristo" (ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46) na siya (Mr. Yu) ay isang dating "PARI SA IGLESIA KATOLIKA" sapagkat HINDI po siya kailanman naging PARI sa Iglesia Katolika!

Sa katunayan, siya (Mr. Yu) po ay KAANIB sa isang SULPOT na iglesia rin na KINOPYA ang pangalang "APOSTOLIC CATHOLIC" para MAGMUKHANG "Katoliko" nga sila, at tsaka KINOPYA rin ang suot ng paring Katoliko, mga rituwal nila, ang anyo ng mga sambahan, kagamitang pang-liturhiya na ANIMO'Y KATOLIKO ~ PERO PEKE PO SILA katulad ng INC™ na sulpot lamang noong 1914.

Si Ginoong Yu po ay kaanib sa "Apostolic Catholic Church" na WALANG KINALAMAN sa UNIVERSAL CHURCH founded by Jesus Christ.

Ayon sa Wikipedia sa ibaba, ang Apostolic Catholic Church ay isang simbahang HIWALAY o TIWALAG sila (SEPARATED FROM) sa IGLESIA KATOLIKA ROMANO! Itinatag ito ni John Florentine Terue noong JULYO 7, 1992, katulad ng pagkakatatag ni Felix Manalo sa kanyang iglesia noong Julyo 27, 1914.

Katulad rin ng INC™, in short, si Christopher Yu ay ISANG PEKENG PARI! WALA SILANG UGNAYAN sa mga KATOLIKO! 

PEKENG IGLESIA! HUWAD NA PARI! SINUNGALING NA CONVERSION! MAPANLINLANG NA PROGRAMA! Yan ang iglesia Ni Cristo® - 1914!

Seal of the Apostolic Catholic Church
Apostolic Catholic Church
National Shrine of Ina Poon Bato.jpg
National Shrine of Ina Poon Bato, Quezon City
Classification Catholic
Orientation Apostolic and Paleo-orthodox
Polity Episcopal
Patriarch John Florentine L. Teruel
Associations National Council of Churches in the Philippines
Canadian Council of Churches
Region Philippines and Canada
Language Filipino and English
Founder John Florentine L. Teruel and Maria Virginia Peñaflor Leonzon
Origin July 7, 1992
 Philippines
Separated from Roman Catholic Church
Official website http://nsipb.com/

Monday, June 19, 2017

Huwag Magpalinlang sa mga Huwad na Relihiyon!

Mula sa Catholic Faith Defenders

Mga Kapatid Na Katoliko Mag-Ingat Po Tayo Sa Mga INC Na NagSasabing Sinasamba Daw Natin Ang Mga Santo. May NakaDebate Ako Sa Chat Nyan At Sa Isang Group Forum At Iyan Ang Sabi Niya. Nagbigay Pa Sya Ng Reference Sa Libro At NapagAlaman Kong In-Edit Nila Ito. PagKatapos Kong Mapatunayan Na Mali Sya Ni-Block Nya Ako At Dinelete Lahat Ng Comment Nya Kung Saa'y Kami nagDedebate.

Ito Po Ang Listahan Ng Libro. At Ang Article Na Nagpapatunay Na In-Edit Nila.

"Ninuno, Pahina 200 (ni James Cardinal Gibbons)"



"Cathecism of Christian Doctrine Page 95"



"Catecismo Pahina 82 (ni P. Luis de Amezquita)"



#OneHolyCatholicApostolicChurch