Showing posts with label Simbulo ng Pananampalataya. Show all posts
Showing posts with label Simbulo ng Pananampalataya. Show all posts

Sunday, October 25, 2020

Sino nga ba ang tunay na mga 'Pagano'?

"Pagano!"

Ito ang malimit na ibinibintang ng mga kaaway ng Iglesia Katolika. 'Pagano' raw ang mga Katoliko sapagkat may mga 'inanyuhang bagay' sila sa kanilang mga tahanan at mga bahay dalanginan.

Ang sabi nila, 'sinasamba' raw ng mga Katoliko ang mga 'rebulto'. 'Niluluhuran' at 'dinarasalan'. Kaya't para sa kanila ay mga Katoliko raw ay mga 'pagano'!

Pero ano nga ba ang 'PAGANO'?

Ang mga pagano ay mga taong SUMASAMBA sa mga diyos na hindi umiiral (non-existent). Ang mga diyos na ito ay mga kathang-isip lamang ng tao at pinalalagay na sila ay buhay at umiiral (existing). At dahil dito, ang mga pagano ay nananalangin at nagpupuri sa mga ito kaya't sila ay tinawag na mga 'diyus-diyosan (pagan gods). At habang umuusal at nananalangin ay pinalalagay na ang mga 'diyus-diyosan' (pagan gods) ito ay mga TUNAY at KAPANTAY ng DIYOS nating BUHAY na Siyang lumikha sa sanlibutan..

Ayon sa mga kumakaaway sa Iglesia Katolika, ang mga tinutukoy nilang mga "diyos" daw ng mga Katoliko ay ang mga imahe ng Inang Santa Maria, ni San Jose, San Miguel, San Gabriel, San Rafael.

Mga 'diyus-diyosan' daw sina San Pedro, San Andres, San Juan at mga alagad. Sina San Esteban, Santa Maria Magdalena, San Isidro, San Roque, Santa Ana, Santa Barbara, Santa Ines

Pinalalagay raw ng mga Katoliko na 'diyos' ang mga banal, mga santo at ang mga anghel.

Maling bintang!

Isang malinaw na PAGLILIHIS sa KATOTOHANAN ang pagbintangan sa mga Katoliko na mga "PAGANO" dahil lamang sa pagsinta nila sa mga TAONG NAMUHAY ng MAY KABANALAN. 

Ang PAGBIBINTANG sa kapwa-tao ng isang kasinungalingan ay malinaw na PAGLABAG sa SAMPUNG UTOS ng Diyos na "Huwag kang magsasabi ng walang katotohanan tungkol sa iyong kapwa tao." O kaya'y 'Huwag kang magbibintang sa iyong kapwa.' (Exodo 20:16

Sino ba si Maria? Si San Jose? Si San Miguel, San Gabriel, San Rafael? Sino si San Pedro, San Juan, San Tiago? Sila ba ay mga 'kathang-isip'? Sila ba ay mga diyos na kapantay ng Diyos? Sila ba ay may angking kapangyarihang tulad ng sa Diyos na buhay?  Hindi po!

Si Santa Maria po ay ang INA NG PANGINOONG HESUS!
Si San Jose ay ang tumayong AMA-AMAIN ng PANGINOONG HESUS habang nasa lupa!

Sina San Miguel, San Gabriel at San Rafael ay mga ARKANGGHEL ng DIYOS!

Sina San Pedro, San Andres, San Juan, San Andres, San Bartolome (Nataniel), San Mateo, San Felipe, San Simon, San (Santo) Tomas at San Judas Tadeus? Sila ay mga ALAGAD ng PANGINOONG HESUS!

Anong MERON SILA? Lahat sila ay mga TAONG NAMUHAY ng MAY  KABANALAN ayon sa KABANALANG NAIS ng DIYOS sa bawat sumusunod sa Kanya: "KAYO'Y MAGPAKABANAL SAPAGKAT AKO'Y BANAL" (1 Pedro 1:16) wika ng Diyos!

'Pero may mga imahe kayo! Kaya kayo ay mga pagano!' 

At dahil hindi akma ang salitang 'pagano' sa mga santo't banal, ibinibintang ng mga umaaway sa Iglesia Katolika na ang pagkakaroon daw ng mga banal na imahe ng mga santo ay patunay na ang mga Katoliko ay mga pagano.

Sa isang makitid ang pag-iisip at walang kabanalan at kapayapaan sa diwa tulad ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914, hindi lahat ng mga imahe ay mga diyus-diyosan (pagan gods).' 

Depende kung ANONG KLASENG IMAHE ang meron ang isang tao! At kung PARA SAAN ang kanyang imahe! At kung ANONG PAGTURING nito sa isang imahe.

Sa Lumang Tipan pinagbawal ng Diyos ang mga Israelita na sumapi sa mga hentil sapagkat sila ay mga sumasamba sa mga diyos-diyosan.

Halimbawa ng mga diyos ng mga hentil ay si Baal. Isang 'diyos' na di umiiral.  Narito ang listahan ng mga 'diyos-diyosang' sinasamba ng mga sinaunang taong nabanggit sa Biblia. Ang mga diyos-diyosang ito ay mga PRODUKTO lamang ng malilikot na KATHANG-ISIP ng tao, na sa kasalukuyang panahon itinuturing na bahagi na lamang ng ANCIENT MYTHOLOGY! 

HINDI totoong IPINAGBABAWAL ng Diyos ang gumawa ng imahe. Sa Lumang Tipan, si Moses ay INUTUSAN ng Diyos na 'GUMAWA' ng DALAWANG inanyuhang bagay na KERUBIM na YARI SA GINTO at INUTOS na ito ay ILUKLOK sa ITAAS ng BANAL NA DAMBANA ng Diyos na kung tawagin ay 'LUKLUKAN NG AWA'. (Exodo 25)

Ang pagkakaroon ng mga imahe (religious images) sa mga bahay dalanginan ay HINDI tahasang ISINUMPA ng Diyos kundi kung ano ang kanilang mga gampanin (role) sa panalangin ng tao.

Kung ang imahe ay PINALALAGAY mga diyos na KAPANTAY na ng DIYOS, ito ay labag sa Diyos. Ngunit kung ang imahe ng banal (o anghel) ay NAGPAPAALALA lamang tungkol sa KABANALAN ng namayapang tao GAYA NG KABANALAN ng DIYOS, bakit pinagbabawal!

Sila (mga santo) ay katulad ng mga BAYANI ng isang bansa na namuhay na may pagmamahal sa bayan at handang ibuwis ang buhay alang-alang sa kanilang kalayaan at soberenya! Atin silang ipinagdiriwang, ating silang ginugunita at atin silang ginagalang sa ANYONG IMAHE o REBULTO dahil sa kanilang kabayanihan.  At sa mga Katoliko, ang mga santo/santa ay mga BAYANI ng ating PANANAMPALATAY at ginugunita, dinadakila at pinagmamapuri natin ang kanilang KABANALAN!

Kaya't ang pagkakaroon ng mga imahe sa ating mga pagdarasal ay hindi masama sapagkat kailanman, ANG MGA SANTO at SANTA ay HINDI mga DIYOS at HINDI sila magiging KAPANTAY ng DIYOS!

Hindi ba't mas akmang tawaging 'pagano' ang Iglesia Ni Cristo?

Kung ang pagbabatayan natin ay ang tunay na pakahulugan (definition) ng salitang 'pagano', pasok dito ang samahang ITINATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo sa Sitio Punta, SANTA ANA, Maynila noong Hulyo 27, 1914 ` 106 taon na ang nakalilipas: ang Iglesia Ni Cristo® 1914!

Sa kanilang pagpapakilala, ang mga kaanib ay IPINAGMAMAPURI nilang sila ay hindi mga Kristiano kundi 'Ako'y Iglesia Ni Cristo' ~ na para bang ang 'INC' ay hindi pangalan ng isang simbahan kundi isang MAKAPANGYARIHANG BAGAY. Para bang pinalalagay nila na ang INC ay hindi pangalan ng isang iglesia kundi isang bagay na ang katumbas ay isang diyos. 




Sa aral, MAS ITINATAAS nila si Felix Y. Manalo sa ANTAS bilang isang 'SUGO' o isang ANGHEL samantalang niyuyurakan nila si Cristo bilang  isang TAO LAMANG, wala man lang sa estado ng pagiging sugo rin o isang anghel!

Sa kanilang mga pagdiriwang, ang HULYO 27 ~ bilang ARAW NG KANILANG ANIBERSARYO ng PAGKAKATATAG, ngunit halos ISUKA nila ang Hunyo 25 ~ pag-aalaala sa kaarawan ni San Juan Bautista, Setyembre 8 - pag-aalaala sa kaarawan ni Maria Ina ni Cristo, Nobyembre 1-2 ~ araw ng lahat ng mga banal (santo) at nang mga yumao! At halos ISUMPA nila ang Disyembre 8 ~ araw ng Kapistahan ng Imaculada Concepcion ~ ang kapistahan ng PAGLILIHI kay Maria, Ina ng Panginoong Hesus, ng walang bahid ng kasalanan at lahat ng mga pagdiriwang ng mga Katoliko sa kanilang mga taunang Pista ng Patron ng Bayan!

Sa mga kaarawan ginunita nila ang MAYO 10 ~ kaarawan ni G. Felix Manalo; ENERO 2 ~ kaarawan ni G. Eraño Manalo at OKTUBRE 11  ~ kaarawan ni G. Eduardo V. Manalo ngunit pilit na IKINAKABIT ang mga salitang "pagano" sa petsang December 25 ~ na kilala naman sa buong mundo bilang 'PAG-AALAALA SA KAPANGANAKAN NI CRISTONG MANUNUBOS'! Ikinakabit nila sina PASKO ng PAGSILANG ang diyus-diyosang si Sol Invictus, na halos walang nag-aalaala o nakakakilala kung ang Sol Invictus ba ay umiral (did exist) kundi isa lamang sa mga maraming mga kathang-isip na diyos ng mga sinaunang Romano. 

Sa paghahambing pa lamang, ang mga Katoliko ay TUMITINGALA sa KABANALAN ng mga nasa likod ng mga imahe. Pero sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 walang kabanalan ang makikita sa kanilang pagtitipon kundi purihin si G. Felix Y. Manalo bilang 'SUGO' raw sa mga huling-araw.  Sa talambuhay ng kanilang TAGAPAGTATAG na si Ginoong Felix Y. Manalo, anong kabanalan ba ang buhay niya? Kay Ginoong Eraño G. Manalo at ni Ginoong Eduardo V. Manalo hindi man lamang sila maihambing sa mga bayani ng bayan, gasino pa kaya na ihambing sila sa TALAMBUHAY ng mga SANTO'T BANAL ng Iglesia Katolika?

(Kaliwa: Prusisyon ng mga Katoliko na naroon ang imahe ni Sta. Maria, ina ng Panginoong Hesus; at ang Krusipiho ng Panginoong Hesus na nakabayubay sa Krus! Kanan: Mga kaanib ng INC™ 1914 na pinagmamapuring iwinawagayway ang mga kulay Luntian, Puti at Pula na sumisimmbulo sa Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo tatag sa Pilipinas. Sa ibayong dagat, nagpapakilala ang INC™ bilang 'Church Of Christ' ngunit sa dami na ng mga taong nagtatag ng kaparehong pangalang 'Church of Christ', tanging sa simbulo at logo na lamang sila magkakatalo)

Samakatuwid, ang mga PAGANO ay ang mga taong HINDI kumikilala sa kabanalan ng Diyos. Sila ay ang mga taong sumasamba  sa mga bagay o kathang-isip na hindi umiiral, walang buhay at walang kapangyarihan!

Masasambit natin ng may buong kababaang-loob at maipagmamalaki na "Ako'y Katoliko'. Kaanib sa Iglesiang TATAG ng Panginoong Hesukristo ~ ang Iglesia Katolika 'na sa pasimula pa ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

Ang pagiging kaanib sa Iglesiang TATAG MISMO ng Panginoong Hesus ay isang karangalan at isang bagay na ipagmamapuri ng bawat Kristianong Katoliko. At kung sa pagliligtas ng Diyos, ang Kanyang tunay na Iglesia ang ililigtas, hindi ang iglesiang tatag ng tao ~ kasingtunog man ito ng Kanyang iglesia ngunit katotohanang ang Iglesia Ni Cristo ay tatag ng isang tao at pagmamay-ari ng isang angkan.



Sunday, January 14, 2018

Where are the Iglesia Ni Cristo® - 1914 Martyrs of Faith?

Among those persecuted and murdered CHRISTIANS, no member of Felix Manalo's cult, the Iglesia Ni Cristo® -1914 was ever mentioned. Noticeably, an INC™ paid minister would prefer cities toiled by Catholic missionaries, where religious tolerance is respected. In rural areas, they would visit places visited and organized by Catholic missionaries where knowledge of Christ and the Bible has been fully established then they would sneak in and demonize the Catholic belief to justify their revived Arian heresy. No INC™ would dare go to places hostile to Christian missionaries. Thus it's not surprising that NO-INC™ PAID MINISTER has ever died for the sake of their faith in the MAN-ONLY-CHRIST-FAILURE-SAVIOR they worship besides THE FATHER (therefore worshiping TWO ~ one MAN and one GOD ~) a teaching that goes against the Bible - God alone you worship! [Exod. 20:3, Deut. 5:7] -CD2000 [P.S. the INC™ Christ was a "failure savior"  because he needed another "Last Messenger" in the person of Felix Manalo in order to save souls.]

Aleteia provides an overview of some recent 21st-century martyrs.
The blood of martyrs continues to be the seed of new Christians at the beginning of 2018. This is the conclusion we can draw from reviewing the testimonies of men and women who, in various countries around the world, have shed their blood for their faith in Jesus.

Below, we offer a list of present-day witnesses to the Gospel who have been faithful to the very end.

The list is necessarily incomplete. If you know other cases of Christians of any denomination who have been killed for their faith in Christ, please mention their names in the comments below this article, offering sources that will allow us to document the circumstances of their death.

Mushtaq Gill, a Christian lawyer handling the case, explains that Masih’s death is a terrible example of Christian persecution in that country: “Violence begins at the desks in the schools, because even primary school textbooks incite hate against non-Muslims.”


Helena’s case reveals the challenge facing missionaries in Latin America, a sub-continent where, during 2017, eleven missionaries died (eight priests, one religious, and two lay people).


3. Nigeria: Killed by human bombs [Perpetrators were Muslim terrorists]
Joseph, who was 56 years old and the father of 11 children, had been a catechist since he as 36; John, 38 years old and father of five, had been serving as a catechist for ten years. Patrick was 27 years old, and still a bachelor.


4. China: “Living martyrs” [Killed by Communist government]
They were “living martyrs.” In 2017, numerous bishops and priests of the Catholic Church in China have died, after suffering tremendous persecution and many years of prison or forced labor.


They were killed for not reciting the shahada, the Islamic profession of faith. Thus, eight Christians bore witness to their faith on the Philippine island of Mindanao.


They had told him on various occasions to stop preaching the bible. Nonetheless, Sultan Masih, 47 years old, Pentecostal pastor of the Church of the Temple of God in Ludhiana, the largest city in the Indian state of Punjab, didn’t stop.


7) North Korea: Anonymous martyrs [by Communist government]
“In North Korea, the most ruthless persecutor—as the report categorizes the country ruled by Kim Jong-un—the indescribable atrocities committed against Christians include food deprivation and forced abortions, while there have also been reports of cases of believers tied to crosses and placed over fire. Others have been crushed by steam presses.”


8) Copts: Fidelity to Christ to the point of heroism [Perpetuators are Muslims]

While the world prepared to celebrate the new year, this December 30, 2017, nine people were cruelly killed in an attack against the Christian minority in Egypt, perpetrated by an armed Jihadi in a church south of Cairo, for which ISIS claimed responsibility.

It was the last of a series of attacks committed by Jihadis which, in 2017 alone, left more than one hundred dead. It’s a very high price being paid by Coptic Christians, a community making up 10 percent of the nearly 100 million inhabitants of Egypt, the largest minority in a majority Muslim country.


9) Cameroon: Death to the bishop? [Murdered by government forces]
Other examples of Catholic missionaries who died tragically and without the guilty parties being identified are Bishop Yves Plumey, archbishop emeritus of Garoua (1991); Fr. Joseph Mbassi, editor of the Catholic publication “L’Effort camerounnais” (1988); Jesuit theologian Engelbert Mveng (1995); French religious Germaine Marie Husband and Marie Léone Bordy, who ran a dispensary at a Catholic mission (1992); and Fr. Apollinaire Cloude Ndi, pastor of a church near Yaoundé (2001). Since 2010, many parishes and pastors have suffered attacks, which often met with silence from civil authorities.


10) In the hands of the Islamic State [Killers were Muslims]
A review of the witnesses of the faith who have given their lives for Christ during the past year would not be complete without mentioning the cases of Christian missionaries who have been kidnapped by the Islamic State or other Jihadist groups in various countries.


Friday, April 22, 2016

Ipagmamapuri ko ang Krus ni Jesus!

"Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo." -Galacia 6:14



Isang babaeng KATOLIKO na taga-Kosovo ang NAGTAAS ng KRUS ni JESUS sa ibabaw ng isang pamayanan ng mga Muslim na taga-Albania! (Larawan mula sa FB Save Christians)
#Kosovo