Showing posts with label Huwad na Iglesia. Show all posts
Showing posts with label Huwad na Iglesia. Show all posts

Friday, June 18, 2021

NASA BIBLIA BA ANG 'HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH'?

Sala na naman sa katotohanan ang mga INC™1914 dito sa screenshot natin sa kanan.

Ang KONTEKSTO nito kung bakit GINAMIT ng Catholic Faith Defender ang Confraternity Bible para PATUNAYAN na may NAKASULAT (alinmang salin) sa Biblia na 'HOLY CATHOLIC APOSTOLIC ROMAN CHURCH' ay sapagkat may CHALLENGE question mula sa INC™1914 kung NASA BIBLIA BA ANG PANGALANG 'IGLESIA KATOLIKA APOSTOLICA ROMANA'?
Ang sagot ng Catholic apologist ay, 'MERON'. At BINASA nga nito ang NASUSULAT sa CONFRATERNITY BIBLE. Ang punto rito ay MERON ngang nakasulat sa Biblia.
KATULAD ng PAGGAMIT, EXCLUSIVELY, ng INC™1914 sa LAMSA para lamang patunayan na ang salitang 'iglesia ni Cristo' ay naroon sa Biblia. Yun nga lang, sa ORIHINAL na TEKSTO ng BIBLIA ay 'iglesia ng Diyos' o God's Church (church of God) at HINDI 'iglesia ni Cristo'.
Sa nasabing LAMSA TRANSLATIONS, hindi matanggap ni George Lamsa na ang DIYOS AY MAY DUGO! Kaya't para kay Lamsa, MALI ang nakasulat sa original na Biblia. Sapagkat HINDI DAPAT na MAY DUGO ang Diyos. Dahil para sa kaniya, ang DIYOS ay ESPIRITU at WALA siyang dugo. Kaya BINAGO ni Lamsa. Inalis ang 'iglesia ng Diyos' at pinalitan ng 'iglesia ni Cristo' sapagkat si Cristo raw yung may Dugo at hindi ang Diyos (Ama).
Ang ganitong LIKONG PANANAW kay CRISTO ay BUMENTA sa INC™. Kaya't sa TUWING ginagamit nila ang argumento na ang 'Iglesia Ni Cristo'® raw ay NAKASULAT sa BIBLIA, ginagamit nila ang MGA GAWA 20:28 (Acts 20:28) LAMSA bukod sa ROMA 16:16, kahit alam nilang ang Lamsa ay hindi tinatanggap na batayan ng halos lahat ng Kristiano.
Narito ang ORIHINAL na teksto sa ACTS 20:28
GRIEGO
προσέχετε ἑαυτοῖς καὶ παντὶ τῷ ποιμνίῳ, ἐν ᾧ ὑμᾶς τὸ πνεῦμα τὸ ἅγιον ἔθετο ἐπισκόπους, ποιμαίνειν τὴν ἐκκλησίαν τοῦ θεοῦ ἣν περιεποιήσατο διὰ τοῦ αἵματος τοῦ ἰδίου.
LATIN
Attendite vobis, et universo gregi, in quo vos Spiritus Sanctus posuit episcopos regere ecclesiam Dei, quam acquisivit sanguine suo.
ENGLISH
Keep watch, then, over yourselves, and over the church of God, in which the Holy Spirit has made you bishops; you are to be the shepherds of that flock which he won for himself at the price of his own blood.
TAGALOG
Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila’y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo.
HINDI rin MATANGGAP ng Iglesiang TATAG ni Ginoong FELIX Y. MANALO na ang IGLESIA KATOLIKA, HANGGANG sa KASALUKUYAN ay SIYA pa ring TUNAY na IGLESIA NI CRISTO!
PASUGO, Abril 1966, p. 46:
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Kung HANGGANG sa KASALUKUYAN, ang IGLESIA KATOLIKA PA RIN ang SIYANG IGLESIA NI CRISTO MULA sa PASIMULA pa, ANO ang KAHIHINATNAN ng IGLESIA NI CRISTO® 1914?
Ang sabi ng PASUGO, ang INC™ na TATAG LAMANG nitong 1914 ay HUWAD o PEKE!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Bakit naman HUWAD o PEKE ang INC™?
Sapagkat, ayon sa Pasugo, ang mga NAGSISIBANGON daw NGAYON na mga IGLESIA at sila rin ay NAGSASABING mga 'IGLESIA NI KRISTO' (INK), ang mga ito ay HINDI RAW TUNAY kundi mga HUWAD LAMANG!
O SIYA, NAPAKA LINAW!

Wednesday, June 16, 2021

TAGLAY ANG PANGALANG 'CRISTO' NGUNIT ANG Iglesia Ni Cristo®1914 AY HINDI PO PAGMAMAY-ARI AT HINDI PO ITINATAG NI CRISTO!

Ganito po iyon, mga kapatid namin sa INC™1914.

Ang JOSE RIZAL UNIVERSITY sa Mandaluyong City, bagamat taglay ang pangalang 'JOSE RIZAL' ay HINDI po KAY GAT. JOSE RIZAL. Ito ay ITINAYO ni DON VICENTE FABELLA noong 1919. Si Ginoong Fabella ay ang kauna-unahang certified accountant sa ating bansa.
Ang IGLESIA NI CRISTO® na unang itinayo sa Sitio Punta, Sta. Ana Maynila, bagamat taglay ang pangalang 'CRISTO' ay HINDI po KAY CRISTO. Ito ay ITINATAG ni GINOONG FELIX Y. MANALO noong 1914. Si Ginoong Manalo ay ang kauna-unahang Executive Minister ng kanyang tatag na iglesia.
Having the name does not necessarily mean its ownership. At pinapatunayan na rin po ito ng Iglesia Ni Cristo® 1914 sa pamamagitan ng kanilang opisyal na magasing Pasugo!
PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
Wala na po tayong dapat pang ipaliwanag. Salamat Pasugo!

Sunday, June 13, 2021

ANONG IGLESIA BA ANG TINUTUKOY NA ILILIGTAS NI CRISTO? ANG IGLESIA KATOLIKA BA O ANG INC™1914 TATAG NI KA FELIX MANALO?

Malimit nating maririnig sa mga kaanib sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo na ang ILILIGTAS lang raw ng Diyos sa huling mga araw ay ang 'Iglesia Ni Cristo'. At ang kanilang sitas sa Biblia ay mula sa EFESO 5:23 na nagsasabi ng ganito:

“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, TULAD NI CRISTO NA SIYANG ULO NG IGLESYA, NA KANYANG KATAWAN, AT SIYANG TAGAPAGLIGTAS NITO.”
At dahil ang 'IGLESIA' raw ay ang KANYANG KATAWAN, kaya't ITO raw ang Kanyang ililigtas.
Ang Iglesia Ni Cristo® ba na TATAG ni Ginoong Felix Manalo noong 1914 ang TINUTUKOY na KATAWAN ni CRISTO?
HINDI PO!
Ang IGLESIANG tinutukoy na KATAWAN ni CRISTO ay ang IGLESIANG TATAG MISMO ni CRISTO at hindi ni Ginoong Manalo.
Sa dinami-rami ng mga NAGPAPANGGAP na Iglesia raw ni Cristo, alin sa mga ito ang TUNAY at ORIG na IGLESIA NI CRISTO?
Matutulungan tayo ng INC™1914! Ang sabi ng INC™1914 sa pamamagitan ng kanilang OPISYAL na MAGASING PASUGO ay ganito:
PASUGO Abril 1966, p. 46:
"Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
PASUGO July-August 1988 p. 6.
“Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.”
PASUGO March-April 1992, p. 22
"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."
Mula sa PASUGO, pinatutunayan lamang nila na ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay WALANG IBA kundi ang IGLESIA KATOLIKA. Ito ang IGLESIA NI CRISTO na KANYANG KATAWAN na KANYANG ILILIGTAS!
Kaya't IPAGDAMOT niyo na lamang po ang inyong 'KALIGTASAN' sapagkat KAYO na rin mismo ang NAGPATUNAY na ang KALIGTASAN ay NASA TUNAY NA IGLESIA na si CRISTO MISMO ang NAGTATAG at MAY-ARI. Wala pong NAGHAHANGAD sa HUWAD na KALIGTASAN mula sa IGLESIANG TATAG ng TAO!
At kahit na ano pang pagpupumilit ng mga MINISTRO ng INC™1914 na ang IGLESIA NI GINOONG FELIX Y. MANALO ang TUNAY, hindi pa rin ito tumpak sapagkat MISMONG PASUGO ang tumukoy kung ANONG URI ng IGLESIA ang ITINATAG noon lamang 1914.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
Na GANITO rin naman ang SINASABI ng KASAYSAYAN at ng mga ENCYCLOPEDIA
Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo ... was established by Félix Ysagun Manalo in 1914. -BRITANNICA ENCYCLOPEDIA
The brainchild of one Felix Y. Manalo, the INC came into being in 1914 with Manalo as the church’s executive minister. INC teaching exalts Manalo as God’s last messenger, and that only members of the Church will be saved come the Rapture, for (in the INC’s view) all other Christian denominations have watered down Christ’s teachings. -ASIA BY AFRICA
Iglesia ni Cristo (Tagalog pronunciation: [ɪˈglɛ̝ʃɐ ni ˈkɾisto̞], abbreviated as INC ... founded and registered by Felix Y. Manalo in 1914 as a unipersonal religious corporation to the United States administration of the Philippines. -WIKIPEDIA 

GANITO rin ang FACTUAL REPORTING ng mga MAMAMAHAYAG sa buong mundo. Sabi nila si FELIX MANALO raw po ang NAGTATAG ng INC™ noong 1914!

Felix Ysagun Manalo was known to be the founder of the Iglesia and was its very first executive minister or "Tagapamahalang Pangkalahatan".
The powerful and influential Iglesia ni Cristo was founded by Felix Manalo on July 27, 1914.
Iglesia ni Cristo, a Christian church founded by Felix Manalo, marks its 106th anniversary today, July 27, 2020.
INC’s festivities today commemorate the official establishment of the church as its founder, Felix Y. Manalo, registered Iglesia Ni Cristo with the Government of the Philippine Islands, through the Bureau of Commerce, as a corporate sole on July 27, 1914.
Angel is the grandson of INC founder Felix Manalo
The INC was founded in 1914 by Felix Manalo, who claimed to be the last messenger of God.
The movement’s [INC] founder, Felix Manalo, broke away from the Catholic Church and is regarded by his followers as a prophet.
Iglesia ni Cristo refers to a Christian religious organisation in the Philippines founded by Felix Manalo.
Founded by Felix Manalo in 1914, Iglesia ni Cristo exerts huge political influence in the Philippines, despite being outnumbered by the country’s more than 75 million Catholics.
Founded by Felix Manalo in 1914, Iglesia ni Cristo exerts huge political influence in the Philippines, despite being outnumbered by the country's more than 75 million Catholics.
[Eduardo] Manalo’s grandfather, Felix, founded the Iglesia in 1914 after being dissatisfied with the teachings of the Roman Catholic Church. He went into seclusion with religious literature and emerged with the idea of the Iglesia as “the one true church” with all other religions, including the Catholic Church, as apostates. Calling himself the last messenger of God...
The Iglesia founder, Felix Manalo, broke away from the Catholic Church and is regarded by his followers as a prophet.
INC was established in 1914 in Manila by Felix Manalo, a charismatic man who was raised a Catholic, became a Protestant preacher then founded his own religion.
INC was established in 1914 in Manila by Felix Manalo, a charismatic man who was raised a Catholic, became a Protestant preacher then founded his own religion in which he proclaimed himself the last messenger of God.

Saturday, June 12, 2021

TOTOO BANG 'OPISYAL NA INILAGLAG ANG PANGALAN NI CRISTO' SA IGLESIA KATOLIKA NOONG 1870?

Mga NAGMAMARUNONG sa "HISTORY" samantalang halos 107 taon pa lamang silang UMIIRAL mula nang itatag ito sa Sitio Punta, Santa Ana, Manila noong 1914.

HINDI po TOTOO na noong 1870 lamang ginagamit ang IGLESIA KATOLIKA bilang pagpapakilala sa Iglesiang tatag ni Cristo.
Catholic (from Greek: καθολικός, romanized: katholikos, lit. 'universal') was first used to describe the church in the early 2nd century. The first known use of the phrase "the catholic church" (Greek: καθολικὴ ἐκκλησία, romanized: he katholike ekklesia) occurred in the letter written about 110 AD from Saint Ignatius of Antioch to the Smyrnaeans. In the Catechetical Lectures (c. 350) of Saint Cyril of Jerusalem, the name "Catholic Church" was used to distinguish it from other groups that also called themselves "the church". The "Catholic" notion was further stressed in the edict De fide Catolica issued 380 by Theodosius I, the last emperor to rule over both the eastern and the western halves of the Roman Empire, when establishing the state church of the Roman Empire. [https://en.wikipedia.org/wiki/Catholic_Church]
Sa KASAYSAYAN ng ORIGINAL na IGLESIA na TATAG ni CRISTO, KILALA po ito sa SIMPLENG PANGALANG 'ANG IGLESIA' sapagkat IISA ang IGLESIANG UMIIRAL noon. Wala nang iba!

Noong PANAHON ng mga APOSTOL, kapag BINABANGGIT ang salitang 'IGLESIA', ang nasa ISIP ng TAO ay ang NAG-IISANG IGLESIA NI CRISTO (33 A.D.) sapagkat WALANG PROTESTANTE noon! WALA pang mga TUMITIWALAG sa IGLESIA! At WALA pang KUMAKAAWAY rito. NAG-IISA ito!
Mula 70 AD - 200 A.D. maraming NAGSISULPUTANG mga KOLORUM na mga 'IGLESIA' raw at mga NAGPAPAKILALANG kay CRISTO ngunit IBA ang ITINUTURO sa ITINURO ng mga ALAGAD. Nandiyan ang sumulpot ang Gospel of ThomasJewish Christian GospelGospel of the Ebionites, Gospel of the Hebrews, at Gospel of the Nazarenes [https://en.wikipedia.org/wiki/Timeline_of_Christianityna lalong nagbigay-kalituhan sa mga mananampalataya. Silang lahat ay nagpanggap na tunay.
Ang PAGKAKAKILALA sa IGLESIA bilang KATOLIKA ay NAUNA pa PAGSUSULAT ng ILANG AKLAT sa BAGONG TIPAN tulad ng Santiago, Judas, 2 Pedro. At matatagpuan ang katunayan nito sa SULAT ni SAN IGNACIO sa mga TAGA-SMYRNAEANS na ang IGLESIA ay KATHOLIKOS ("universal") (110 A.D.)
At HINDI KINAKAILANGANG IPAREHISTRO SA ALINMANG GOBYERNO ang pangalang IGLESIA KATOLIKA!
At SINONG NAGSABI na INILAGLAG ng IGLESIA KATOLIKA si CRISTO sa kanyang opisyal na pangalan? Walang iba kundi ang mga KAAWAY ni CRISTO at mga NAGPAPANGGAP na Iglesia raw ni Cristo!


Samantalang ang 
IGLESIA NI CRISTO® na may katulad na LOGO sa kaliwa ay HINDI siya nag-iisaMARAMING mga 'IGLESIA' pa ang NAGPAPAKILALA hanggang sa kasalukuyang SILA MAN DAW AY KAY CRISTO.

Pero dito tayo SASANG-AYON sa PASUGO, ang OPISYAL na MAGASIN ng INC™1914; na LAHAT daw na NAGSISIBANGON NGAYONG MGA IGLESIA AT SASABIHING SILA MAN AY INK (Iglesia ni Kristo), ang mga ito ay HINDI RAW TUNAY kundi MGA HUWAD o PEKE lamang!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na Iglesia ni Cristo ay iisa lamang, ito ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay INK rin ang mga ito ay hindi tunay kundi huwad lamang!"
PASOK ba ang INC™ sa kategorya ng pagiging HUWAD o PEKE?
OPO! Pasok po ang Iglesia Ni Cristo®, sapagkat ito po ay TATAG ni G. FELIX Y. MANALO na IPINAREHISTRO sa GOBYERNO ng PILIPINAS, KAMAKAILAN LAMANG nitong 1914!

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5
“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."
1914 ~ Iglesia ni Cristo incorporated in the Philippines by its founder Felix Y. Manalo [WIKIPEDIA]
At ANG TUNAY PA RING IGLESIA NI CRISTO ay NANANATILING yung ITINATAG ng ating PANGINOONG JESUS ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!
PASUGO Abril 1966, p. 46:
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. [BRITANNICA ENCYCLOPEDIA]
The Christian religion is based on the teachings of Jesus Christ, who lived and preached in the 1st century AD in the province of Judea of the Roman Empire. Catholic theology teaches that the contemporary Catholic Church is the continuation of this early Christian community established by Jesus. [WIKIPEDIA]
Where did the Roman Catholic Church come from? The Church at Rome, which would later develop into what we know as Roman Catholicism, was started in the apostolic times (circa AD 30-95). [CHRISTIANITY.COM]
WALA NA PO TAYONG PAGTATALO-TALO RITO!

At nang may matututunan sa kasaysayan ng ORIG na IGLESIA NI CRISTO at hindi sa mga HISTORICAL REVISIONISTS na mga huwad na mangangaral, narito at mapapanood sa Amazon Videos:
The history of the catholic church from Amazon Videos [https://www.amazon.com/history-catholic-church/dp/B06Y5RYQF9]