Showing posts with label Iglesia sa Azerbaijan. Show all posts
Showing posts with label Iglesia sa Azerbaijan. Show all posts

Tuesday, August 14, 2012

Iglesia may Diplomatic Ties na sa Azerbaijan

Ang Simbahan ng Immaculate Conception sa Baku, Azerbaijan bago 1917 (Source: Wikipedia)
Rome, Italy, Jul 7, 2011 - Magadang Balita!

Nagkaroon ng makasaysayang paglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Iglesia Katolika at ang bansang Azerbaijan, isang bansang halos 99% na Muslim.

Sa katunayan, halos hindi pa aabot sa isang-libo (1,000) ang mga kaanib ng Iglesia sa Azerbaijan. Ang kabutihan ng Azerbaijan sa mga kaanib ng Santa Iglesia ay napasimuno ng yumaong Santo Papa Juan Pablo II na ngayon ay malapit nang ganap na santo. Dumalaw si Blessed John Paul II sa Azerbaijan noong

"Isang nakapahalagang araw," bulalas ni Arsobispo Glaudio Gugerotti, Papal Nuncio sa Azerbaijan.

“Naging mabuti ang pakikutungo ng Azerbaijan sa Iglesia lalo na ngayon at mayroon na tayong kasiguraduhang pangangalaga mula sa gobyerno ng Azerbaijan" dugtong pa ng butihing Arsobispo.

Bagamat kokonti lamang ang Iglesia Katolika sa bansa, ay binigyan pa rin tayo ng kasuguruhan na mamuhay ang ating mga kapatid sa Azerbaijan ng payapa at may kalayaan.

Ang Azerbaijan ay pinakamalaking bansa sa CAucasus region ng Eurasia. Nakamit nila ang kalayaan mula sa mga Ruso noong 1991.

Dahil dito, ang Iglesia Katolika ay magkakaroon ng ganap na pagkakilala at proteksion na naaayon sa kanilang batas. Mapapadali ang apgkuha ng mga visa para sa mga pari at madre na gustong magpalaganap ng pananampalataya roon.

Malaking pasasalamat natin sa Dios sapagkat ang gobyerno ay nagbigay ng lote upang maitayo roon ang isang parokya, kauna-unahan sa loob ng 70 taon. Natapos ang simbahan noon lamang 2007 at binuksan ito ni Vatican Secretary of State, Cardinal Tacisio Bertone.

Sunday, June 17, 2012

Iglesia ni Cristo sa Azerbaijan: Sila'y nanatiling matatag sa kanilang pananampalataya

Balita mula sa Catholic Culture:

Post Stamp ng Santo Papa sa kanyang alaala 1920-2005
Dumalaw kamakailan lamang noong Hunyo 10 si Cardinal Fernando Filoni, prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, sa Azerbaijan, isang bansang sakop dati ng Soviet Union.

Sa Azerbaijan, may 9.4 milyon ang kabuuang populasyon at halos dito marami ang mga Muslim.

Ang mga kaanib ng Iglesia ni Cristo ay halos pinapatay lahat noong panahon ng Komunista at marami sa kanilang mga pari ay dinala sa Serbia at doon na rin namatay. Matapos ang pagbaksak ng Komunismo sa Eastern Europe nakitaan ng may 450 lamang na mga Katoliko matatag at nanatili sa pananampalataya.

Matatandaan na dinalaw ito ng Banal na Juan Pablo II ang nasabing bansa noong 2002 sa kabila ng kanyang sakit at katandaan.

Sa kanyang pagpapahayag ng katotohanan, sinabi ng butihing Cardinal:

This tiny local Church [was] yet very much in the heart of John Paul II, so much so that, despite his declining health, a few years before his final journey to heaven on April 2, 2005, he came here in May 2002 to acknowledge the heroism of the local Catholics who remained faithful to their baptismal commitments under the brunt of persecution, depriving them for 70 years of priests, thus silencing the proclamation of the Good News of salvation, demolishing church buildings and dispossessing them not only of dignity, but most of all, of access to the Eucharist.