Showing posts with label Iglesia sa Jerusalem. Show all posts
Showing posts with label Iglesia sa Jerusalem. Show all posts

Tuesday, April 19, 2016

Ang KASINUNGALINGAN sa "PAGBABALIK" daw ng "tunay" na Iglesia sa JERUSALEM!

Larawan mula sa "We Are One with EVM" Facebook page
PINAGMAMALAKI talaga ng mga kaanib ng INC™ 1914 ang PAGKAKAROON ng Iglesia Ni Cristo® sa JERUSALEM.  PRIZED TROPHY po ng Iglesia Ni Cristo-1914 ang "PAGBABALIK" daw ng "tunay" na Iglesia sa pinagmulan nito-- sa JERUSALEM.

Para sa PAMUNUAN ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo noong 1914 HUDYAT daw ng PAGBABALIK ng "TUNAY" na Iglesia ang pagkaka-REHISTRO nila ng isa pang "LOKAL" ng INC™ sa Jerusalem (Israel) noong MARCH 31, 1996 ayon sa kanilang PASUGO CENTENNIAL issue, p. 11 (sinulat ni Isaias T. Samson Jr. na ITINIWALAG naman ng Executive Minister na si EDUARDO V. MANALO aka EVM isang taon lamang matapos ang kanilang Centennial celebration).


Bukod sa JERUSALEM Registration (1996), nauna nang "NAIBALIK" daw sa ROMA ang "tunay" na iglesia noon lamang 1994 at sa GREECE naman noong 1997 lamang (PASUGO April 2014, p. 29).

Kaya't noon nakaraang ika-31 ng Marso, BUONG PINAGMAMALAKI ng mga OFW na kaanib ng O.W.E. (One With EVM) ang ika-20 taon ng kanilang PAGKAKATATAG daw ng "LOKAL" ng INC™ sa JERUSALEM.


MGA MANLILINLANG!

Isang malaking PANLILINLANG ang PAG-AANGKING ito ng mga INC™.   


UMALIS NGA BA ANG KRISTIANISMO SA JERUSALEM PARA SABIHIN NLANG  NAWALA ANG IGLESIA SA JERUSALEM???

Ito ba ang TANONG na NAGLALARO sa inyong mga isipan? Kung ganito rin ang inyong iniisip na tanong, GINAGAMIT niyo ng TAMA ang inyong mga ISIP para MAGSURI.

Sapagkat ang tunay na nagsusuri ay HINDI NATATAKOT. Hindi lamang tumutungo kahit na siya ay nahaharap sa panggigipit ng mga nanunungkulan. Sapagkat madaling UMANGKIN ngunit MAHIRAP PATUNAYAN.

Sa kabila ng PAG-AANGKIN ng INC™ ni Manalo na "nakabalik" na nga raw ang "tunay" na Iglesia sa Jerusalem, HINDI po nila KAYANG PATUNAYAN na "UMALIS" nga o kaya'y "NATALIKOD NA GANAP" o "NAWALAN NG KAANIB" ang TUNAY na IGLESIA sa JERUSALEM.

Sampal sa kanila ang KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO sa Jerusalem, sapagkat KITANG-KITA naman na HINDI NAWALAN ng KRISTIANO ang JERUSALEM. At lalong HINDING-HINDI nga NATALIKOD ang tunay na Iglesia sa Jerusalem. Sa katunayan, ang kanilang mga NINUNO ay dumanas ng MATINDING PANGGIGIPIT at PAG-UUSIG mula sa mga Muslim at mga Judio ngunit NANATILI silang MATATAG sa kanilang pananampalataya!

Sa mga nakapunta na sa Jerusalem, VERY OBVIOUS at KAPANSIN-PANSIN naman ang PAGPAPATUNAY ng KASAYSAYAN na NAROON at NANATILI ang tunay na Iglesia sa Jerualem.  Sa katunayan KARAMIHAN  sa mga CATHEDRALS na ITINUTURING na mga HOLY SITES sa ISRAEL ay PINAMAMAHALAAN ng IGLESIA KATOLIKA.

Isang manggagawang Palestino habang nakaturo ang kanyang mga daliri sa Greek Cross na nakaukit sa isang malaking bato na nadiskubre bilang bahagi ng haligi yari sa Korinto, habang itinatayo ang isang shopping center sa Lungsod ng Gaza. (AP/Adel Hana. Larawan mula sa United With Israel)


Sa kabila ng kanilang kaliwa't kanang pag-aangkin, ang NAKAKALUNGKOT nito ay WALA man lang silang kahit isa man lang na "holy site"sa Jerusalem. Halos lahat ng mga HOLY SITES ay nasa PANGANGALAGA ng Iglesia Katolika o Iglesia Orthodox.

Kahiya-hiyang aminin ngunit ang kanilang TINATAWAG na LOKAL ay isa lamang na RENTED APARTMENT sa No. 1 Mordekai Ben Hillel cor. #7 King George St. Jerusalem 92101 Israel (Google Maps)

Sa aking paghahanap ng larawan ng kanilang lokal sa Jerualem, ibang "Church of Christ" naman ang aking natagpuan. Ngayon, sino kaya sa Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) 1914 at ng "Jerusalem Church of Christ" na ito ang TUNAY ngayon?

LOKAL NA PINAMUMUNUAN NG MGA MGA PILIPINO - NASAN ANG MGA LOKAL NITO?

Hindi kagulat-gulat na isipin na ang mga LOKAL ng Iglesia Ni Cristo® 1914 ay PINAMUMUNUAN ng mga PILIPINO at HINDI LOKAL.

Ayon sa INCMEDIA.ORG [http://incmedia.org/20th-anniversary-of-the-return-to-jerusalem/?utm_source=facebook] ang mga LOKAL ng TEL AVIV, JURUSALEM at HAIFA ay NAGTIPON sa Jerusalem sa kanilang ika-20 Anibersaryo sa pamumuno ni Eduardo V. Manalo (EVM) na kamakailan ay TINAPON sa DAGAT-DAGATANG APOY ang kanyang SARILING INA at KAPATID.

Sa kanilang pinagmamalaking VIDEO, KAPANSIN-PANSIN na halos PILIPINO LAHAT ang naroon sa kanilang mga LOKAL tulad ng mga PrintScreen sa ibaba.








At IISA LAMANG ang ipinakitang HINDI PILIPINO sa video.


Sa sampung INORDENAHANG MINISTRO, LAHAT ay PILIPINO. WALANG LOKAL na Israeli o Arabo ang nakabilang sa mga ministro. Malamang ay mga OFW ang mga ito.


At ang kanilang ORDINASYON ay NAGANAP SA sa INBAL HOTEL isang  MAKASAYSAYAN PAGTATAGPONG MULI ang "PAGBABALIK" ng "tunay" na Iglesia RAW sa Jerusalem noong 1996.



MATATAWAG ba nating "NAKABALIK" ang isang institusyon kung ang PAMAMAHALANG PANGKALAHATAN nito ay HINDI NAMAN IBINALIK sa tinutukoy nilang pinagmulan nito?

Hanggang sa KASALUKUYAN (2016) ang CENTRAL ADMINISTRATION pa rin ng IGLESIA NI CRISTO-1914 ay WALA sa JERUSALEM o sa ROMA kundi NASA PILIPINAS pa rin sa NO. 1 CENTRAL AVENUE, NEW ERA, DILIMAN, QUEZON CITY, PHILIPPINES.

Ang PAG-IWAS na ILIPAT sa JERUSALEM o ROMA ng CENTRAL na PAMAMAHALA ng Iglesia Ni Cristo sa KABILA ng PAGBABALIK na raw nito sa KANIYANG PINAGMULAN ay LALONG NAGPAPALAKAS sa KATOTOHANANG ang Iglesia Ni Cristo-1914 ay isang FILIPINO CHURCH for the FILIPINOS, ayon na rin sa mga Online Encyclopedia Britannica.  

Kaya't sa mga nasa LOOB pa ng PEKENG Iglesia Ni Cristo 1914, LISANIN na ang iglesiang iyan sapagkat WALANG KALIGTASANG MATATAMO riyan. 

TATAG ito ni FELIX MANALO noong 1914 lamang kung kaya't sila ay nasa 101 TAON pa lamang MULA NANG ITATAG ito.

Pagpalain nawa ng Diyos ang mga NAGSUSURI sa katotohanan sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO - ang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang IGLESIA NI CRISTO ayon na rin sa Pasugo Abril 1966, p. 46!

Wednesday, April 1, 2015

Bumalik na raw sa kanyang tunay na tahanan sa Jerusalem ang tunay na Iglesia ni Cristo?!! Eh bakit di man lang nasusumpungan ng mga tao sa Jerusalem ang pinapangaral ni Felix Manalong "tunay" na Iglesia??

Bumalik na nga raw ang "TUNAY NA IGLESIA" ni Cristo sa Jerusalem, sabi ng INC™ ni Manalo pero bakit hanggang ngayon ay sa Pilipinas pa rin ang kanilang Central? Kung "BUMALIK" na nga ang "tunay" na Iglesia, DAPAT lamang na IBALIK sa JERUSALEM ang PANGKALAHATANG-PANGANGASIWA ng "tunay" na IGLESIA at HINDI DAPAT MANATILI sa Pilipinas!

Pero alam naman natin na PEKE ang Iglesia Ni Cristo® o ang INC™ kaya't di mailipat-lipat ang pangkalahatang pangangasiwa sa Jerusalem ay sapagkat ang INC™ ay TATAG ni FELIX MANALO sa Pilipinas at PAG-AARI po ito ng ANGKAN ng mga MANALO at di sila papayag na ilipat sa bansang di man sila Citizen, ang Korporasyong pag-aari ng mga Manalo!









"Brother Eduardo V. Manalo ... read the history of the Church Of Christ in Jerusalem ... then [he] proceeded with the homily, in which he expounded on the fulfillment of the prophesied return of God's people to their original abode, Jerusalem, as marked by the official registration of the Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) in the city of Jerusalem in February of that year." [1996]
-PASUGO God's Message, February 2014, p. 7

"In 1994, the Iglesia Ni Cristo was registered in the city of Rome. This was followed by the Church's official registration in two other historic cities: Jerusalem in 1996, which marked the fulfillment of a prophesied return of the true Church to its original home; and Athens, Greece in 1997, which signaled the continuation of the Church's expansion in the Gentile lands.
PASUGO God's Message, April 2014, "The Iglesia Ni Cristo resettlement projects: Triumph after tragedy", pp. 28-31 (by Marlex C. Cantor)

"Other notable glimpses during Brother Eraño Manalo's stewardship of the Church were the official establishment of the local congregation of Rome in Italy on July 27, 1994, signifying the full restoration of the Church in Rome; the official establishment of the local congregation of Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home; and the official establishment of the local congregation of Athens in Greece on May 10, 1997, signifying the extension of the Gentile mission."
-PASUGO God's Message Special Centenial Issue, p. 17 (by Nicanor P. Tiosen)

"Most memorable of the expansion works of the Church is the establishment of the local congregation of the Church in Rome; in Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home; and in Athens, Greece on May 10, 1997, signifying the extension of the Gentile mission."
-PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 11 (by Isaias T. Samson Jr.)

Sunday, March 29, 2015

Malaking Pandaraya ng Iglesia Ni Cristo® tatag ni Felix Manalo (o INC™) ang sabihin nilang "bumalik" na raw sa Jerusalem ang "tunay" na Iglesia ni Cristo!

Sadyang MANLILINLANG ang mga MANALO at ng kanilang mga BAYARANG MINISTRO sa pagtuturong "BUMALIK" na raw sa TUNAY NA TAHANAN ang "tunay" na Iglesia Ni Cristo noong opisyal na ipnarehistro ni Eraño G. Manalo ang kanilang kumpanya sa Jerusalem noong 1996.

"... the fulfillment of the prophesied return of God's people to their original abode, Jerusalem, as marked by the official registration of the Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) in the city of Jerusalem in February of that year." [1996]
-PASUGO God's Message, February 2014, p. 7.
"This was followed by the Church's official registration in two other historic cities: Jerusalem in 1996, which marked the fulfillment of a prophesied return of the true Church to its original home..."PASUGO God's Message, April 2014, "The Iglesia Ni Cristo resettlement projects: Triumph after tragedy", pp. 28-31 (by Marlex C. Cantor)
"...the official establishment of the local congregation of Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home..."-PASUGO God's Message Special Centenial Issue, p. 17 (by Nicanor P. Tiosen) 
"Most memorable of the expansion works of the Church is the establishment of the local congregation of the Church in Rome; in Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home; and in Athens, Greece on May 10, 1997, signifying the extension of the Gentile mission."-PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 11 (by Isaias T. Samson Jr.)
-------------------------------------------------------------------------------------------

Kung sadyang NAKABALIK na pala ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO® sa JERUSALEM na kanyang PINAGMULAN at TUNAY na TAHANAN eh bakit HANGGANG NGAYON nasa PILIPINAS pa rin ang CENTRAL ng IGLESIA NI CRISTO®?!!

At bakit sa loob ng WALONG TAON (8 YEARS) eh di man lang nagpaparamdam sa mga taga-Jerusalem na "BUMALIK" na pala ang tunay daw na Iglesia? At di rin nila alam na "UMALIS" pala ang tunay na Iglesia? Hahahaha....

'Yan ang sinasabi natin, madaling MAGSALITA pero MAHIRAP PATUNAYAN!

At para naman sa kaalaman ng mga tagasunod ni FELIX MANALO at nang kanilang mga BAYARANG MINISTRO narito po ang ginagawa ng mga TUNAY NA KRISTIANO sa JERUSALEM na TUNAY na KAANIB ng TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO at sa DIOS!!!

مسيرة أحد الشعانين في القدس، فلسطبن المحتلة
Palm Sunday procession in Jerusalem, occupied Palestine