Showing posts with label Iglesia sa Middle East. Show all posts
Showing posts with label Iglesia sa Middle East. Show all posts

Thursday, March 1, 2012

Buong Iglesia nakikiisa sa mga Kristiano sa Holy Land

Larawan mula sa Fr. David Blog
Vatican City - Ang Iglesia ni Cristo sa buong mundo ay nakikiisa sa mga layunin ng mga Kristiano sa Jerusalem, Israel, Palestine at mga karatig-bansa ayon kay Cardinal Leonardo Sandri, Prefect of the Congregation of the Oriental Churches.

Ayon sa kanyang liham, sinabi ng butihing cardinal na ang pag-ibig ng Dios ay dapat na maipadamang muli sa Holy Land kung saan ang Dios ay nagkatawang-Tao at nakipamuhay sa atin (Juan 1) at gumawa ng maraming kababalaghan at gumawa ng kabutihan, at nagpakasakit sa Banal na Bansa upang ialay ang Kanyang Sarili sa marami.

Ang nasabing liham ay may lagda rin ni Archbishop Cyril Vasil, SJ, Secretary of the Congregation na maibatid sa buong Iglesia Katolika sa pamamagitan ng kanilang mga obispo ang tungkol sa kahalagahan ng Holy Land sa buhay ng bawat mananampalatayang Kristiano.

Ayon sa nasabing liham (sa Ingles):

"This year, Good Friday seems more fitting than ever as a sign of the needs of both pastors and faithful, which are bound up with the sufferings of the entire Middle East. For the disciples of Christ, hostility is often the daily bread which nourishes the faith and sometimes makes the echo of martyrdom. Christian emigration is exacerbated by the lack of peace, which tends to impoverish hope, changing it into the fear of facing alone a future that seems to exist only in the abandonment of one’s own country.

"Nonetheless, as was the case for the Gospel’s grain of wheat, so the trials of Christians in the Holy Land prepare without doubt a brighter tomorrow. The dawning of this new day, however, requires support now for schools, medical assistance, critical housing, meeting places, and everything else that the generosity of the Church has devised".


"We have the duty to restore the spiritual patrimony which we have received from these Christians’ two millennia of fidelity to the truth of the faith. We can and must do this by our prayer, by concrete assistance, and by pilgrimages. The Year of Faith, which marks the fiftieth anniversary of Vatican Council II, will provide particular motivation for us to direct our steps towards that Land. ... Next Good Friday, around the Cross of Christ, let us be conscious of being together with these brothers and sisters of ours. May the loneliness that is at times strongly felt in their situation be overcome by our fraternity".

Ituloy ang pagbabasa rito...

Thursday, February 9, 2012

Hiling ng Iglesia sa Syria: "Ipanalangin niyo kami."

DAMASCUS, SYRIA - Nananawagan si Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ng Dios na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa bansang Syria. Ang panawagan ng banal na patriarka uumpisahan sa panahon ng Kuwaresma (Lent) kung saan ang lahat ng mga kaanib ng Santa Iglesiang kay Cristo ay inaasahang mag-ayuno o mangilin lalong lalo na sa araw ng Biyernes. Kasama ng panalangin ang ganitong sakripisyo isang debosyon ng lahat ng mga Katoliko upang ang ating pagtitika ay kasihan nawa ng Panginoong Dios para sa Iglesia sa Syria.

Si  Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III Laham at nasa kanan ay si Armenian Catholic Patriarcha Nerses Bedros XIX Tarmouni (Source: Eastern Rite Filipino Catholics Blog)
Ang panawagan ng butihin Patriarka Gregorios III ay inilathala sa Ingles noong ika-7 ng buwan ng Pebrero, 2012.

“In the current tragic situation of our Arab countries, especially Syria, we invite our priests and faithful to make this Lenten season a time of prayer and intercession and repentance for peace, solidarity, unity, harmony, dialogue and respect among citizens,” ani Patriarka Gregorios III sa kanyang mensahe para sa panahon ng Kuwaresma.

“Ingatan nawa ng Dios ang mga bansang Arabe, lalung-lalo na ang Syria" panalangin ng lider ng Eastern Catholic. "Nawa'y sa panahon ng Kuwaresma didinggin tayo ng Tagapagligtas tungo sa ligayang dulot ng muling-pagkabuhay at ng buhay."

“That is the call that Jesus Christ addressed to his disciples. It is the same call that I address to the sons and daughters of our Melkite Greek Catholic Church at the beginning of this blessed period of Great Lent that is opening wide its doors to us.”

Ang panahon ng Kuwaresma ay mag-uumpisa sa pagpapahid ng abo sa araw ng Miyerkoles ika-22 ng Pebrero 2012 para sa mga Katoliko sa Latin (Roman) Rite at ang mga Katoliko sa Melkite Rite ay mag-uumpisa ng Kuwaresma sa Linggo, ika-19 ng Pebrero na tinatawag na "Forgiveness Sunday."