Showing posts with label Komento-INC. Show all posts
Showing posts with label Komento-INC. Show all posts

Sunday, November 18, 2018

Iglesia Ni Cristo®-1914: "Simbahan ng mga Lihim" ayon sa CBSNews


SIMBAHAN NG MGA LIHIM

May libo-libong taga-sunod ang Iglesia ni Cristo sa Canada, ngunit ilang de-boto sa Pilipinas ay naakusahan ng kidnapping at pag-patay. Ito ay istorya ng isang Canadian na may naka-engkwentrong miyembro ng nasabing simbahan at namatay.

By Timothy Sawa, Lynette Fortune and Bob McKeown
CBSNews November 11, 2018




Halos 8 ng gabi at tahimik na tahimik sa isang karaniwang maalinsangang gabi malapit sa komunidad ng baybayin ng Batangas City sa Pilipinas.

Hanggang nasira ang katahimikan ng huni at kalantog ng isang lumalapit na motorsiklo.

Ito ay Hunyo nitong nakalipas na tag-init at si Luzie Gammon ay nasa kusina ng bahay ng kanyang napanaginipang itinayo niya kasama ang kanyang asawa na si Barry Gammon, nang ang huni ay napalitan ng nakakatuhog at hindi mapag-aalinlangang tunog ng baril na pumuputok na paulit-ulit.

Tumakbo siya sa harap na balkonahe nang nakita ang kanyang asawa, 66, nagpupunyaging isara ang kanilang gate sa isang nanghihimasok.

"Patuloy kaming nagtutulak at patuloy siya bumabaril," sabi niya sa isang kamakailang interbyu sa The Fifth Estate.

Si Barry at Luzie Gammon ay may bahay sa Batangas City, Philippines. (Luzie Gammon)

At pagkatapos "bumagsak ang aking asawa." Tumigil si Gammon habang sinikap niyang pagsasaalaala ang mga detalye. At pagkatapos siya ay nagpatuloy.

“Ang kanyang mukha, ang kanyang dugo ay nasa sahig at … siya’y dumudugo. Sa oras na iyon ito ay parang, ito ay hindi totoo, ano ang nangyayari? Ako ay kumikilos at gumagawa nguni’t hindi ito nagrerehistro sa aking isip. Totoo ba ito?”

Biglang bumalik siya sa katotohanan nang natanto niya na ang kanilang pitong taong gulang na anak, si JJ, ay nakatayo sa likod niya, lubos na walang galaw.

"Dinaklot ko ang aking anak at itinulak siya ... sa loob ng bahay," patuloy niya.

"Dito ka lang at kukuha ako ng tulong, '" naalala ang kaniyang sinabi kay JJ. "Nguni’t hindi niya gusto ... ito ay talagang ... nakakasakit ng damdamin. Sinabi niya sa akin, 'Kailangan natin tulungan ang tatay.' "

Sinabi niya sa kanya na maghintay.

"'Hindi, Mommy. Sasama ako sa iyo," sabi niya. "Tayong lahat ay magkasabay na mamatay."

Si Luzie at Barry Gammon at kanilang anak na si JJ sa kanilang bahay sa Pilipinas. (Luzie Gammon)

Namatay si Barry Gammon noong Hunyo 24 ng gabi sa Pilipinas. Nakaligtas si Luzie at JJ. Limang linggo matapos ang nakakasawing pagbaril, umalis sila ng Pilipinas papuntang Canada.

Habang siya ay lumuluhang sariwaing sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon sa The Fifth Estate, lumapit si JJ at inilagay ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. Sila ay nagyakapan.

“Siya ay talagang malakas, talagang malakas para sa akin,” ang sabi niya.

Sila ay ligtas sa Vancouver ngayon. Subali't, ang ipinakita ng isang pagsisiyasat ng Fifth Estate, ang kanilang mga buhay ay tuluyang nasira malamang dahil sa isang bagay na walang kabuluhan gaya ng isang alitan ng ari-arian sa kanilang mga kapitbahay. Nguni't noong panahong iyon, wala silang ideya kung gaano agresibo at mapanganib ang mga kapitbahay na iyon.

Ang kanilang mga kapitbahay ay mga miyembro ng isang malakas at mayamang simbahan, na may milyun-milyong tagasunod sa buong mundo, kabilang ang Canada, na kinikilala na Iglesia Ni Cristo.

Ang sentral na templo ng INC ay namumukod laban sa kalangitan ng Metro Manila. (Max and Hetty)

II.

Ang punong-tanggapan ng INC, na kinikilala, ay nasa isang maringal parang kastilyo na templo sa Metro Manila. Ang matayog na luntiang taluktok nito ay tumatagos sa kalangitan sa pinaka-populasyong lunsod ng Pilipinas.

Ang Tagalog para sa Church of Christ, ang Iglesia Ni Cristo, ay mahigit sa 100 taong gulang. Ito ay mayroong halos 7,000 mga kongregasyon sa buong mundo, kabilang ang higit sa 80 sa Canada, mula sa maliliit na bayan tulad ng Durham, Ont., at Abbotsford, B.C., sa pinakakaunting isa sa halos bawa't pangunahing sentro ng Canada.

Libu-libong mga Canadiano ang dumadalo sa mga simbahang iyon, sumasamba at nakikibahagi sa mga kawanggawang kapakanan.

Noong 2009, si Eduardo Manalo, ang apo ng tagapagtatag ng INC at tinutukoy bilang ehekutibong ministro, ay naging tagapamahala ng INC.

Ang imbestigasyon ng Fifth Estate ay nagpapakita ng pagbabago ng simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Manalo.

Nirepaso namin ang daan-daang pahina ng mga dokumento ng korte, mga ulat ng pulisya at mga artikulo ng media at nakipag-usap sa mga dose-dosenang dating mga miyembro ng simbahan pati na rin ang mga pinagkukunan ng pulisya, legal at pampinansyal na mga eksperto at mga lokal na journalist. Ang imbestigasyon ay nagpapakita ng isang tularan, na ang mga miyembro ng simbahan sa Pilipinas ay nagiging mas agresibo, mapanganib, nasusuhulan at handang magkidnap at kahit patayin ang sinuman na nakahadlang sa kanilang paraan.

Isinasaalang-alang din ng imbestigasyon ang tanong: Kilala ba ng mga Canadiano na dumadalo o sumusuporta sa INC ang kanilang simbahan at kung ano ang maaaring mangyari kapag pinili ng mga tao na magsalita?

Ang mga miyembro ng INC sa Regina ay pinawalang-saysay ang pintas sa simbahan noong 2016, sa isang video na nakapaskil sa online ng simbahan.

"Tuwing nagsasalita ang mga tao ng mga masamang bagay o sumubok na magsalita ng masama tungkol sa aming pangangasiwa ng simbahan ... ito ay tiyak na ang gawain ng kaaway," sabi ng isang miyembro.

"Mula sa umpisa, ang Diyos ay nagpalakas sa aking pananampalataya," ang sabi ng isa pa. "Kaya hindi ko na lang pinahihintulutang makinig sa mga taong iyon [na pumipintas sa simbahan]."

Si Eduardo Manalo, na nasa sentro na ipinapakita rito noong 2014, ay naging pinuno ng INC limang taon nang nakararaan. (Mark Fredesjed R. Cristino/Pacific Press/LightRocket via Getty Images)

Sa isang liham mula sa mga abugado na kumikilos para sa simbahan, pinagkaila nito ang mga natuklasan ng imbestigasyon ng The Fifth Estate at tumangging magbigay ng tiyak na impormasyon, sinasabing nangangailangan ito ng higit pang mga detalye.

Gayunpaman, kamakailan ang INC ay nakatawag-pansin sa Immigration and Refugee Board ng Canada.

Tatlong dating miyembro ng simbahan na tumakas sa Pilipinas sa Canada, ay nagsasabi na ang kanilang buhay ay nasa panganib mula sa simbahan.

Sa tatlong hiwalay na desisyon sa 2017 at 2018, tinanggap ng lupon ang testimonyo ng lahat ng tatlong dating miyembro at binigyan sila ng katayuan ng refugee (takas).

Ayon sa isang desisyon, ang buhay ng naghahabol ay nasa panganib mula sa isang simbahan na may parehong "paraan at pagganyak" upang pumatay.

Sa isa pang desisyon, ang lupon ay nagpasiya na ang pulisya sa Pilipinas ay handang protektahan ang INC, nagpapahiwatig pa man ng iba't ibang mga paraan na maaaring patayin ang mga kritiko ng simbahan.

"May iba't ibang mga senaryo kung saan maaaring mapatay ang [naghahabol]," isinulat ng lupon sa isang desisyon noong Marso ng nakaraang taon, "mula sa mga itinanghal na sagupaan ng pulis sa pagkamatay sa billanguan sa kontrata pagpatay sa isang bansa kung saan ang mga nagpapatay ay marami at mura."

Ang mga desisyon ay patuloy na nagsasabi na ang mga utos ng simbahan ay may kapangyarihan sa Pilipinas, sa bahaging dahil ang mga miyembro nito ay bumoto bilang isang bloke, na nagbibigay ng impluwensya kung sino ang ihalal.

Ang pinuno nito, si Manalo, na hinirang kamakailan ng isang espesyal na sugo para sa mga pag-aalala sa ibang bansa ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte at makikita sa mga ulat ng balita na nakikipagkamay sa pangulo.

Ang INC ay isang simbahan na "tulad ng kulto", isinulat ng Immigration and Refugee Board ng Canada, na binabanggit ang isang ikatlong naghahabol na nagsabi na ang INC ay “hindi maaaring mahawakan ng gobyerno ng Pilipinas, hudikatura ng tagapagpatupad ng batas o maging ang pangulo mismo.”

Tumakas si Lowell Menorca sa Canada mahigit nang dalawang taong nakalipas mula sa Pilipinas. (CBC)

III.

Si Lowell Menorca ay nagaalsa ng mga kahon na nakasalansang mataas na may mga isang araw na lumang mga cake at tinapay mula sa pagkargang pantalan ng isang mamahaling groseri sa kanyang may tapas na puting minivan. Sinara niya ng malakas ang baul ng awto at nagmaneho sa mga okupadong mga kalye ng Burnaby, B.C.

Wednesday, November 2, 2016

Isang blog ng kaanib ng INC™ (Iglesia Ni Cristo®) Umangal sa Kanilang Aral na Sobrang Pinupuri ang Ka Eduardo V. Manalo higit pa kay Cristo

Mula sa INC From the Edge


The Most Important Birthday in the World

I expected this day to come. Like many of the members of the Church of Christ, we all knew that this weekend’s lesson would be about the “Most Important Man in the World” himself, EVM and his birthday. There’s not much to say really. I’m sure you have seen plenty of comments that range from annoyed to outrage.

I watched brethren squirm as the hour-long lesson was preached. Our preacher droned on endlessly repeating the “Administration” and “Executive Minister” literally every minute. It was about “how much HE wants” this and that for the Church and how much HE “sacrificed”.

I really don’t want to think about this much longer than I have to so let me just say these things and be over and done with:

  1. I don’t know about your congregation, but in the one I went, the name of Christ was mentioned only 7 times whilst EVM was pretty much in every sentence. This used to be the Church OF Christ.
  2. Let’s say for arguments sake that EVM did such wonderful things for the Church. Do they need to be told and counted? Do we now owe him our first borns?
Why do we care what HE wants? Should it not be what God wants?
Why should we not accept the things that were said in the lesson today? Should we not be impressed by all the things that EVM has done?

Ephesians 2:8-9
 I mean that you have been saved by grace because you believed. You did not save yourselves; it was a gift from God. You are not saved by the things you have done, so there is nothing to boast about.

What should be said when one has done his duty?

Luke 17:10
That’s the way it is with you. When you’ve done everything you’re ordered to do, say, ‘We’re worthless servants. We’ve only done our duty.’”

Imagine, even the Pastoral visits and Chapel dedications, brethren are told to say “Thank you po, Ka Eduardo”?? Those are EVM’s duties! Why do we need to thank HIM? And why is this boasted about over and over?

Even during the time of Jesus, He sent out his 70 disciples who did miraculous things, but when they returned, what did they say?

Luke 10:17
The seventy-two returned with joy and said, “Lord, even the demons submit to us in your name.”

What was the teaching of Jesus to them? Did He say, tell everyone what amazing things you did?

Luke 10:19-20
I have given you authority to trample on snakes and scorpions and to overcome all the power of the enemy; nothing will harm you. However, do not rejoice that the spirits submit to you, but rejoice that your names are written in heaven.”

Even such powerful feats done by the disciples were never boasted about. What Jesus Christ has always taught is HUMILITY.

Like I said, the name of Christ was passed by 7 times in the lesson about the greatness of EVM and his accomplishments. DO NOT FORGET that this is the CHURCH OF CHRIST. Or at least, it used to be. Let me end this quickly so I can get this vile taste out of my mouth on the birthday of the “most important man in the world“. After hearing this lesson, let’s keep in mind what the Bible says:

1 Corinthians 3:20-23
“The Lord knows that the thoughts of the wise are futile.” So then, no more boasting about human leaders! All things are yours, whether Paul or Apollos or Cephas or the world or life or death or the present or the future—all are yours, and you are of Christ, and Christ is of God.”

It is not all about EVM and his “great sacrifices” – It is about belonging to Christ and God. It not about his “great accomplishments” – it is making sure our names are written in the book of life. And whatever EVM has done, he should simply say what the Lord has commanded – “We’re worthless servants. We’ve only done our duty.’

Thursday, May 12, 2016

ANO NGA BA ANG SUKATAN NG PAGKATUNAY NG ISANG IGLESIA?

Epiphany Catholic Church, IL, USA (Source: Epiphany Parish)
Heto ang isa namang komento ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® -1914 mula sa ating post na ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914 sa IN DEFENSE OF THE CHURCH blog.

rodel daroyMay 12, 2016 at 10:01 AM

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios.. 
#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios. 
#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba? 
#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,, 
#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16.... 

Ito naman paki basa: 
#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,, 
#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral... 

mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

rodel
proud to be INC,,,


Bagamat ang mga katanungan at sariling sagot ng kaanib ng INC™ na ito ay KASING-TANDA na ng mga kabundukan, atin pa ring sasagutin upang MAIPAKITA natin sila na ang PAGMAMAHAL ng DIYOS ay PAGPAPAHAYAG ng KATOTOHANANG hindi pa nila nasusumpungan hanggang sa kasalukuyan.

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios..

  • Ano nga ba ang pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ na kapag namatay na ay ALABOK na lamang daw ang isang patay ("Pagbubunyag sa Iglesia Ni Cristo", p. 110) at wala na raw itong saysay sa mundo ng mga buhay (PASUGO December 1966, p. 10). Pinagpahinga ng Panginoon ang mga Apostol ang kanilang mga katawang-lupa ngunit BUHAY NA BUHAY kapiling ang Diyos na si Jesus sa langit. Sa Mt. 22:32, bagamat MATAGAL NANG PATAY sina Abraham, Isaac at Jacob sila ay BUHAY na kapiling ng Diyos. Ganon din ang mga Apostol ni Jesus. Sa katunayan, sinabi pa ni Jesus sa mga Apostol na "mauuna siya at ipaghahanda sila ng tirahan sa langit" na kapiling Siya (Jn. 14:3).

#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios.

  • Ang UNANG nagsabing NATALIKOD na GANAP ang Unang Iglesia ay HINDI si Felix Manalo kundi si JOSEPH SMITH ng Mormon. Let me quote what was written by Dr. Patrick Madrid in his article 'IN SEARCH FOR THE GREAT APOSTASY'. "The restored Church affirms that a general apostasy developed during and after the apostolic period, and that the primitive Church lost its power, authority, and graces as a divine institution, and degenerated into an earthly organization only. The significance and importance of this apostasy, as a condition precedent to the re-establishment of the Church in modern times, is obvious. IF THE ALLEGED APOSTASY OF THE PRIMITIVE CHURCH WAS NOT A REALITY, THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS IS NOT THE DIVINE INSTITUTION ITS NAME PROCLAIMS"[1] (emphasis added).
    KINOPYA nga ba ni Felix Manalo ang doktrina ng mga Mormons ayon sa paratag ng blog na ito? Ngunit sa ngalan ng tamang pagsisiyasat, kung NATALIKOD NA GANAP ang TUNAY na Iglesiang TATAG ni Cristo (at ito ang IGLESIA KATOLIKA), ano bang KATIBAYAN ang maaari nating PANGHAHAWAKAN upang paniwalaan natin ang ganitong mga pahayag? Meron po ba silang hawak na HISTORICAL RECORDS na nagpapatunay ng PAGTATALIKOD?
    AYON kay Cristo, HINDING HINDI RAW MATATALIKOD ang kanyang TATAG NA IGLESIA. Kahit pinto pa lamang ng Hades ay HINDI makapananaig dito (Mt. 16:16-18). ISANG PANGAKO yan! Tapos dumating lang si Felix Manalo noong 1914 eh NATALIKOD NA GANAP na raw ito? Inabot pa ng ISANG LIBO'T SIYAM NA RAAN AT LABING PITONG TAON (1,914) bago nalaman ni Cristo na NATALIKOD na pala ang Iglesiang TATAG niya at KAILANGAN ng isang Felix Manalo para 'itatag' muli tulad ng sinabi sa PASUGO Agosto 1971, p.22? Konting sentido comon naman po mga G. Rodel.
    Sa katunayan, ayon na rin sa inyong OPISYAL na MAGASING PASUGO, ay HINDI nga NATALIKOD o HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika.
    PASUGO Mayo 1968, p. 5: "Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man." 
    PASUGO Hunyo 1940, p. 27: "Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
    PASUGO, Abril 1966, p. 46: “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
    Mayron pa ba akong dapat pang ipaliwanag tungkol sa "PAGTALIKOD NA GANAP" daw ng TUNAY na Iglesia ni Cristo? Malinaw na siguro ito mula sa inyong official magazine.

#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba?

  • Una, HINDI SINUNGALING si CRISTO tulad ng gusto niyong palabasin. Kapag SINABI niyang HINDI MATATALIKOD KAILANMAN ang kanyang IGLESIA ay HINDING HINDI ito MATATALIKOD (Mt. 24:34) Kung may SINUNGLING ito ay hindi si Cristo kundi si FELIX MANALO.
    Rodel huwag po kasi tayong basta na lamang naniniwala sa bulaklak ng salita. Hindi porke't magandang pakinggan ay katotohanan na. Si Cristo ang KATOTOHANAN. Si Felix Manalo ang KASINUNGALINGAN.

#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,,

  • Sang-ayon po ako diyan G. Rodel. Sa aral po nakikita kung ano ang ARAL MULA SA DIOS at ARAL MULA SA TAO lamang katulad ni FELIX MANALO.  Ayon sa inyong opisyal na magasin, makikilala raw ang TUNAY na Iglesia sa KATURUAN. Ang tunay raw na Iglesia ay nanggagaling sa Dios ang aral ayon sa PASUGO, Nobyembre 1960, p. 26: "Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)" 
    PASUGO May 1961, p.4: “At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
    PASUGO Mayo 1963, p. 27: “Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
    Kaya't tama nga ang pagkasabi ni G. Rodel na SA ARAL MAKIKILALA ang tunay sa peke. At lalong pinatunayan pa ito ng kanilang Pasugo.

#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16....

  • Si CRISTO ay TAGAPAGLIGTAS. Ang DIYOS AMA rin ay TAGAPAGLIGTAS (Zech. 9:16), Ang DIOS ay TAGAPAGLIGTAS (Jude 1:25). At ang LAHAT NG PAGLALALANG ay NARON na ang SIYA kapiling ng AMA (Jn. 1:3; Col. 1:16); At ang PAGTATATAG ng IGLESIA ay NAGANAP noong 33 AD. Hindi po 1914 AD [silipin ang 1914 sa Talaan ng Kristianismo]. 
    GAWA 20:28: "Keep watch over yourselves and over the whole flock of which the holy Spirit has appointed you overseers,* in which you tend the church of God that he acquired with his own blood." Ayon pala eh. Tinubos daw ng DIOS ang KANYANG IGLESIA sa PAMAMAGITAN ng KANIYANG SARILING DUGO. May DUGO pala ang DIOS! Bakit may dugo ang Dios? Ang kasagutan diyan ay nasa JUAN 1:1-3;14 na nagsasabing ang VERBO ay DIOS at NAGKATAWANG-TAO ANG DIOS NA VERBO!

#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,,

  • BAWAL MAG-ASAWA: Una, hindi po namin aral yan. Wala ito sa aming mga doktrina. Sa katunayan, ang PAG-AASAWA ay isa sa PITONG SAKRAMENTO na itinuturo ng Iglesia Katolika na sa PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (Pasugo Abril 1966, p. 46). 
    O baka naman ang TINUTUKOY mo ay ang HINDI PAG-AASAWA ng mga PARI? Diyan pa lang ay MANLILINLANG na itong kaanib ng INC™ sapagkat HINDI PO DOKTRINA ang hindi pag-aasawa ng mga parig Katoliko. ITO AY ISANG DISIPLINA lamang. Sa katunayan ang hindi pag-aasawa ay sa mga LATIN RITE PRIESTS lamang.  HINDI PO SAKOP sa disiplinang ito ang mga PARING galing sa mga CATHOLIC ORTHODOX. Narito ang sinasabi ng Wikipedia: "In general, the Eastern Catholic Churches allow ordination of married men as priests. Within the lands of the Ukrainian Greek Catholic Church, the largest Eastern Rite Catholic Church, priests' children often became priests and married within their social group, establishing a tightly-knit hereditary caste. In North America, by the provisions of the decree Cum data fuerit, and for fear that married priests would create scandal among Latin Church Catholics, Eastern Catholic bishops usually ordained only unmarried men. This ban, which applied in some other countries also, was removed by a decree of June 2014."
    HUWAG MAGING MANGMANG sa KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO! 

#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral...

  • Kung BIBLIA ang ating sangguniin, walang HULANG LILITAW ang IGLESIA. Sapagkat WALANG HULANG MAWAWALA ito. Ang mga NABANGGIT na mga sitas sa Awit 4:3, Isa 43:5-6 (bakit Moffat?); Isa 62:11-12 at Gawa 20:28 ay HINDI PATUNGKOL sa INC™ ni "FILIX" (sic) MANALO. At lalong WALANG SINABING MATATALIKOD ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO.
    Ang MALINAW ay GALING MISMO sa BUNGANGA ni CRISTO. Mateo 16:18: HINDING HINDI MAGAGAPI ANG KANYANG IGLESIA, KAILANMAN!
mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

SINURI na po namin ang KATURUAN ng IGLESIA NI CRISTO® 1914 at NAPATUNAYANG SALAT SA KATOTOHANAN ito. Ang kanilang SUGO ay isang MANDARAYA at MANLILINLANG sapagkat ITINUTURO niyang TAO lamang si CRISTO at HINDI DIYOS na TALIWAS sa TURO ng BANAL NA KASULATAN.

At ang PAGHATOL ng BIBLIA kay FELIX MANALO ay nasusumpungan sa 2 JUAN 1:7: "MANY DECEIVERS have gone out into the world, THOSE WHO DO NOT ACKNOWLEDGE JESUS CHRIST as COMING IN THE FLESH; such is the DECEITFUL one and the ANTICHRIST." (Emphasis Added!)

2 JUAN 1:7: "SAPAGKA'T MARAMING MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG NA SI JESUCRISTO AY NAPARITONG NASA LAMAN. Ito ang MANDARAYA at ang ANTICRISTO." (Dinagdag ng Pagdidiin!)

Una na tayong MINAHAL ng DIYOS bago pa man LALANGIN ang SANLIBUTAN. Bago pa man isinilang si Felix Manalo, NAGPADALA na siya ng mga Apostol UPANG BIGYAN TAYO NG BABALA tulad ng babala ni APOSTOL SAN JUAN ukol sa PAGDATING NG MANDARAYA at ANTICRISTO sa katauhan ni FELIX MANALO.

Bumalik na tayo sa IGLESIA KATOLIKA sapagkat ITO ANG TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO ayon na rin sa PASUGO. 

Hinihintay kayo ni Cristo sa TUNAY niyang IGLESIA-- ang IGLESIA KATOLIKA!



----------------------------------------------------------------------
[1]James E. Talmadge, The Great Apostasy (Salt Lake City: Desert Books,1968ed.),iii. For a discussion of apostolic succession see Warren H. Carroll, The Founding Of Christendom and The Building Of Christendom (Front Royal: Christendom College Press,1985,1987).

Wednesday, July 10, 2013

Komento mula sa kaanib ng samahang Iglesia ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo

Ang sabi po ng ISANG concern na mamayan (Anonymous) sa atin ay ganito:

"para sa akin po dapat po ay wag na natin pakialaman ang mga relihiyon ng bawat tao ksi po para sa akin ang mga tao ay may kanya-kanyang paniniwala... at dahil ito ang ating mga kinagisnang relihiyon ... lahat naman po tayo ay naniniwala sa diyos... kaya wag po tayong mag away -way ng dahil lamang sa kung anung relihiyon ka kaanib..... wag din po natin siraan ang mga relihiyon ng bawat isa.. salamat po"

Agree po tayo sa sinabi ng Anonymous comments na natanggap natin.  Hindi po kasi gawain ng tunay na Iglesia ni Cristo ang manira ng ibang mga paniniwala. Hindi po ito maka-Kristiano at taliwas po ito sa turo ng ating Panginoong Dios na si Hesus ang "paninira" sa kapwa.  Bagkos ang sabi po ni Hesus ay "mahalin ang kapwa" maging ang mga kumakaaway sa atin (Mt. 5:44).

Sa totoo lang po HINDI ang mga Katoliko ang naninira sa mga kaanib ng samahan ni Felix Manalo kundi kaming mga Katoliko po ang SINISIRAAN ng samahan ni Felix Manalo-- ang INC™.

Katulad na lamang ng mga sumusunod na mga nalathala sa kanilang opisyala na magasin na mababasa sa munting aklat na pinamagatang ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914:

1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”

4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."

Ayan po ang katibayan.

Kung tingnan niyo ang inyong mga ARAL mapa-Telebisyon man ito, radyo o kaya't babasahin, lahat po ng kanilang mga turo ay LABAN sa IGLESIA NI CRISTO (anti-Catholic).

Walang aral ang INC™ na hindi nakatunton sa PANINIRA laban sa IGLESIA KATOLIKA - na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo (Pasugo Abril 1966, p 46).

Taliwas sa mga sinasabi ng mga kaanib ng samahang INC™ ni Felix Manalo, ang IGLESIA KATOLIKA po - na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo - ay may mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang mga relihiyon. IGLESIA KATOLIKA po ang tanging relihiyon sa MUNDO na umaakay sa iba pang mga paniniwala upang MAGMAHALAN at MAGRESPETUHAN.


At sa ibang mga blogs, mababasa mo ang mga blogs ng mga kaanib ng samahang INC™ ni Manalo ay sadyang MAPANIRA.
  • Resbak.com (paghihiganti)
  • readmeinc.blogspot.com (puno ng paninira sa Iglesia Katolika)
  • catholicivatan.blogspot.com (nakaw na blog ng isa sa mga kaanib ng INC™ na ang pangalan ay Conrad J. Obligacion- upang manira ng pagkatao ng mga nagtatanggol sa tunay na Iglesia.)
  • padre-damaso-gustong-sumikat.blogspot.com na gawa naman ng isang kaanib ng INC™ laban kay Fr. Abe, taga-pagtanggol ng Iglesia)

Kami pong mga kaanib ng tunay na Iglesia ni Cristo ay hindi po naninira. Kami'y NAGTATANGGOL lamang sa kanilang mga paratang at mga ATAKE kay Cristo, sa Iglesia at sa mga kaanib na Katoliko.

Pinaparatangan nila ang mga kaanib na kampon ng kadiliman at inaatake nila ang mga doktrina sa kanilang mga pangangaral-- at pati ang personal na buhay ng mga nagtatanggol sa tunay na IGLESIA NI CRISTO - ang IGLESIA KATOLIKA ayon sa Pasugo Abril 1966, p.46, ay sinisiraan niyo!

Kaya't ang mungkahi ko ay bago po man sila magsalita, tingnan muna nila ang inuugali ng kanilang  mga kaanib at sila ang pagsabihan dahil ang kanilang mga gawain ay gawain ng kaDILIMAN.

Sana po malinaw ito sa inyo.

Salamat na lamang po sa Dios at kami ay nasa loob ng tunay na Iglesia ni Cristo - ang IGLESIA KATOLIKA!