TOTOO pong MARAMING LIHIM at HIWAGA sa loob ng IGLESIA KATOLIKA. Sa MAHIGIT na 2,000 taon nitong kasaysayan, HINDI nauubusan ng PAGTUKLAS ang nagaganap sa Iglesiang TATAG ng PANGINOONG JESUS.
Depende sa tumitingin katulad ni Ginoong JACINTO MANAHAN na may akda ng munting aklat na may pamagat na "MGA LIHIM AT HIWAGA NG SIMBAHANG KATOLIKO", ang NAIS lamang ni Ginoong Manahan ay ang PABAGSAKIN ang IGLESIA KATOLIKA!
Sino ba si JACINTO MANAHAN? Bakit niya sinisiraan ang IGLESIA KATOLIKA? Bakit niya gustong pabagsakin ang Iglesiang tatag ni Cristo?
Si Jacinto Manahan ay isa sa mga TAGAPAGTATAG ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930), kasama sinaCrisanto Evangelista, Antonio Ora, at Domingo Ponce.Ang IPINAGLALABAN nilangIDEOLOHIYA ay KOMUNISMOna naka-ugat saMARXISM-LENINISM.Mga ideolohiya na DIREKTANG KUMAKALABAN sa IGLESIA KATOLIKA at sa KRISTIANISMO!
MAGTATAKA pa ba tayo kung bakit ang mga KAAWAY ng IGLESIA KATOLIKA ~ ang TUNAY na IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay NAGSASABUWATAN? Sapagkat PINAUNA nang sinabi ni APOSTOL SAN JUAN na SILA'Y LILITAW, silang mga ANTI-CRISTO.
2 JUAN 1:7 [MGA NAGTATAKWIL KAY CRISTO~DIYOS NA NAPARITO SA LAMAN]
Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Jesu-Cristo bilang tao. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Cristo!
2 JUAN 1:10-11 [SILANG MGA ANTI-CRISTO HUWAG TANGGAPIN]
Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin. Sapagkat ang tumatanggap sa taong ito ay nakikibahagi sa kanyang masasamang gawa.
AT SINO ITONG MGA ANTI-CRISTO NA SUMULPOT? Ang sabi ni Apostol San Juan ay mga DATING KAANIB SA ATIN (dating Katoliko) ngunit TUMIWALAG at ngayo'y KUMAKAAWAY sa ATIN.
1 JUAN 2:18-19
Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin.
HINDI ba't sina JACINTO MANAHAN, FELIX Y. MANALO atb. ay dating mga KATOLIKO na siyang IGLESIA NI CRISTO ~ at sila'y kusang TUMIWALAG, at ngayo'y mga KUMAKAAWAY sa atin?
Ang mga PAHAYAG ni Apostol San Juan ay NAGAGANAP na nga!
Noong OKTUBRE 21, 1954SUMABOG ang balitang si Ginoong FELIX Y. MANALO na NAGTATAG ng IGLESIA ay INAKUSAHAN ni Bb. ROSITA TRILLANES ng PANGHAHALAY at PAGMAMALABISsa mga KABABAIHAN sa Iglesia Ni Cristo®.
Ang nasabing PASABOG ay INULAT ni JOE CRUZ na may PAMAGAT na "IGLESIA NI CRISTO 'HEAD', ANGEL OR SEX MANIAC"?
Sinundan ito ng HEADLINE noong OKTUBRE 28, 1954 na may PAMAGAT na "FELIX MANALO, IMORAL?" Narito ang ilang mga SIPI mula rito:
“The final sentence of Judge Concepcion over the case was published in “Taliba” on May 7, 1923, Vol. XIV, No. 78. “Felix Manalo’s immorality was proven by the court and Manalo was satisfied without appeal.” (Accusation of Tomasa Geronimo: Criminal Case No. 23858; Accusation of Basilia Santiago: Criminal Case No. 23859.)” [Source: mateopage[dot]wordpress[dot]com/tag/raul-gonzales/]
NAG-UGAT ito LAHAT mula sa kumalat NA SULAT ni BB. ROSITA TRILLANES na NAG-AAKUSA sa tagapagtatag ng INC™ na siya raw ay NAGMALABIS sa mga KABABAIHAN sa IGLESIA.
Dahilan diyan, KINASUHAN ni Ginoong Felix Y. Manalo si Bb. Rosita ng LIBEL o PANINIRANG PURI "People vs. Rosita Trillanes," na nilathala sa Official Gazette, Volume I, No. 7, July, 1942, pp. 393-395. NATALO si Bb. Rosita Trillanes na inilathala naman sa diaryo (Taliba) noong Sabado, Enero 4, 1941 at inutusan siya ni Judge Fernando Jugo na magbayad ng Php200 bilang danyos na may kasamang pagkakulong sakaling hindi makabayad nito.
UMAPELA si Bb. Rosita Trillanes sa korte at BINALIKTAD ng COURT OF APPEALS ang nauna nitong desisyon at siya ay PINAWALANG-SALA.
INAMIN ng HUSGADO na NAGKAMALI sila sa kanilang unang desisyon at mas kinatigan ng Court of Appeals si Bb. Rosita kaysa kay G. Felix Y. Manalo.
"... the Prosecution admits that there is reason to believe that the offended party, Manalo, did commit immoral acts with some women members of the Iglesia."
Dagdag pa ng Court of Appeals,
"Manalo, took advantage of his position as head of the Iglesia ni Cristo, and... employed religion as a cloak to cover his . . . immoral practices ; that he pretended to be the Messias sent by God; and that to persuade his victims, he cited the example of Solomon and his many wives."
At TINAWAG na si Ginoong Felix Y. Manalo raw po ay 'MAN OF LOW MORALS (de baja moral)"
"...the Prosecution admits that there is reason to believe the offended party, Manalo, did commit immoral acts with some women members of the Iglesia. And the Solicitor concludes that he found out through the proofs presented that Manalo is a man "de baja moral", and that he took advantage of his position in the Iglesia to attack and sully the virtue of some of his female followers. "
Bagama't BUMALIKTAD si Bb. Rosita Trillanes sa kanyang mga pahayag laban kay G. Felix Y. Manalo (apidabit na nilathala sa Pasugo Nobyembre 1952 sa wikang Igles. Ang sinaunang apidabit ay may petsang Mayo 10, 1951 sa wikang Tagalog sa kaarawan mismo ni G. Felix Y. Manalo), nanatili pa rin na nakatitik sa kasaysayan na si G. Felix Y. Manalo ay 'MAN OF LOW MORALS'.
(Source: The 'Iglesia Ni Cristo' By Joseph J. Kavanagh 1955)
Hindi kinakatigan ng IGLESIA KATOLIKA ang KASAMAAN, maging sa HANAY ng mga KAPARIAN. Bagamat LALAKI ang KAILANGAN sa PAGPAPARI, ngunit may mga lalaki o babae na may inklinasyong "naaakit sa kaparehong kasarian. Ang bagay na ito ay hindi nakikita at nasusukat tulad ng isang sakit kaya't mahirap tukuyin. Sa mga katulad nila ay hindi dapat kamuhian MALIBAN kung SILA ay hindi NAMUMUHAY SA KABANALAN. Hangga't sila ay NASA KABANALAN, sila ay DAPAT PAMARISAN.
Sapagkat ang KASAMAAN ay WALANG PINIPILING SEKSWALIDAD. Mapa-LALAKI, mapa-BABAE, bakla man o tomboy, ang MASAMA ay MANANATILING MASAMA na DAPAT NATING ITAKWIL lahat.
At sa mga RELIGIOUS LEADERS na katulad ni Ginoong FELIX Y. MANALO at sa mga PARING KATOLIKO, maging mga pastor ng iglesia protestante, imam sa Islam na HINDI NAMUMUHAY sa KABANALAN ay HINDI DAPAT KINOKONSINTI. Ang kanilang LIKONG PAMUMUHAY ay DAPAT ITAKWIL.
Itakwil ang KASAMAAN ngunit ang TAONG NAGKASALA ay HINDI DAPAT. Sila ay dapat ipanalangin. At sa kanilang pagkakasala ay may kaakibat na kaparusahan ay dapat nilang yakapin. At ang pagpapatawad ay hindi dapat ipinagkakait sa mga tunay na nagsisisi at humihingi nito.
Huwag kalimutang ipanalangin silang lahat sapagkat PINAUNA na ng Panginoong JESUS na PIPILITIN man ng diablo na PASUKAN ang IGLESIA ngunit kahit KAPANGYARIHAN NG HADES ay HINDI MANANAIG (Mateo 16:16-18)
Bago namatay si Ginoong Eliseo Soriano ng Ang Dating Daan, ITINAMA niya ang mga KAMALIAN minsan niyag ITINURO sa kanyang mga tagasunod ukol sa BINTANG na ang Santo Papa sa Roma ay ang katuparan ng anti-Kristo o 666. Panoorin niyo...
Ang kamangmangan ay isang katangian ng kadiliman sa kaluluwa. Paano ba tinawag na "pastor" si Ginoong Jomarie Abellana kung mismong sa kasaysayan ng IHS ay hindi niya napagtanto ang tunay na kahulugan nito?
Ayon sa 'Born-Again Christian' self proclaimed pastor na ito, ang IHS daw ay sumisimbulo sa
I- ISIS
H - HORUS
S - SETH
Sino si Isis?
Sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa blog natin, si Isis (o Aset ot Eset) ay isa sa mga diyus-diyusan ng mga sinaunang mga Ehipsiyo (Egyptians). Si Heliopolis ang, ang paganong pari ng mga Ehipsio ang BUMUO ng MITOLOHIYA ni Isis. Ibig sabihin, gawa-gawa o kathang isip lamang ang pag-iral ni Isis na pinaniwalaan naman nitong mangmang na self appointed pastor kuno. (Source: Wikipedia. Magbasa nang may kaalaman at hindi matulad sa mga pastor (kuno) na nangangaral ng kasinungalingan!)
Sino si Horus?
Si Horus (o kilala rin sa pangalang Hor, Har, Her o Heru) ay diyus-diyosan ng mga sinaunang mga Ehipsiyo (Egyptians). Mula sa kathang-isip na diyus-diyosang si Isis, nabuo si Horus na sinasabing anak nila ni Osiris. Si Osiris ay isang ALAMAT (myth) at pinaniniwalaang umiiral (existing) ng mga Ehipsio noong libong taon bago pa ipinanganak si Cristo (BCE). Katulad siya ng ALAMAT ni MALAKAS at ni MAGANDA na alam naman nating hindi totoo. Kaya si Horus ay anak ng isang alamat (Osiris) at ng isang likha ng isip (Isis) kaya't hindi po siya totoong umiiral. Sa katulad nitong self-appointed pastor ay masyadong mapaniwala sa mga kasinungalingan ng mga sinaunang tao kahit sa panahon ngayon ay mas madaling saliksikin ang katotohanan sa pamamagitan ng search sa Google. Subukan kaya niyang magbasa mula sa Wikipedia at nang hindi habang buhay na mangmang!
At sino naman si Seth?
Ayon sa Alamat ni Osiris, si Seth ay tiyuhin ni Horus (kapatid ni Osiris). Kilala rin si Seth sa pangalang Setekh, Seteh o Set. Sa mundo ng mga sinaunang Ehipsio, si Seth ay mortal na kaaway ni Horus sapagkat siya (ayon sa alamat) ang pumatay kay Osiris na ama ni Horus na asawa ni Isis. Bagama't libong taon na itong nawala sa paniniwala ng mga Ehipsiyo, itong self-appointed pastor kuno ay naniniwala pa rin sa isang kasinungalingan ng isang alamat na gawa-gawa ng mga taong wala pang kinikilalang Diyos noong panahon.
At para hindi mananatiling mangmang, hinihikayat namin ang mga galit sa tunay na Iglesia katulad ni Ginoong Abellana na MAGSALIKSIK sa Google at nang magkaroon ng kaalaman. Sa isang katulad niyang "pastor" (kuno) may inaasahan sa kanya ang tao ~ ang MANUMPA sa KATOTOHANAN at hindi sa kasinungalinga para manlinlang ng tao! Paano na kaya iyong mga inaralan niya? Sila'y katulad din niyang maniwala sa isang kasinungalingan ng isang alamat. Kawawang mga nilalang.
Ayon sa Biblia, ang sabi ng Panginoon sa mga katulad nilang mga nagtuturo ng kabuktutan, kasinungalinga at paglilinlang ay ganito:
"Pabayaan ninyo sila: sila'y mga bulag na tagaakay. At kung ang bulag ay umakay sa bulag, ay kapuwa sila mangahuhulog sa hukay." -Mateo 15:14
Ano bang tunay na kahulugan ng IHS na nakikitang nakaukit sa mga Simbahan at mga kasuotan ng paring Katoliko?
[IHS] a contraction derived from the Greek word ΙΗΣΟΥΣ, Jesus, used as a symbol or monogram: later misunderstood as a Latin abbreviation I.H.S. and expanded variously as Iesus Hominum Salvator, Jesus, Savior of Men; In Hoc Signo (Vinces), in this sign ( thou shalt conquer); In Hac (Cruce) Salus, in this ( cross) salvation
Isalin natin sa Tagalog para maunawaan ito ng mga mangmang na pastor.
Ang IHS raw ay isang pinaikling salita mula sa salitang Griego ΙΗΣΟΥΣ, Hesus, ginamit bilang isang simbolo o monogram: kalaunan ay pinagkamalan bilang isang pagdadaglat sa Latin na I.H.S. at pinalawak na iba-ibang pakahulugan bilangIesus Hominum Salvator, Jesus, Savior of Men; In Hoc Signo (Vinces), sa karatulang ito (ikaw ay magtagumpay); In Hac (Cruce) Salus, sa kaligtasang ito (krus)
At sa mapanlinlang na pastor katulad ng nasa itaas, ay binigyan niya ng IBANG KAHULUGAN (Isis, Horus, Seth) upang MASAMA ang tunay n KAHULUGAN nito ΙΗΣΟΥΣ para PALABASIN na ang mga KATOLIKO ay SUMASAMBA sa mga diyus-diyosan ng mga Ehipsio!
Kung sa kasabihang: 'we are not judged by the color of our skin but by the content of our character,' ang aming mensahe kay Pastor Abellana Jomarie Christian ay ganito: WE ARE NOT JUDGED BY THE MERITS OF OUR OPINION BUT BY THE CONTENT OF OUR CHRISTIAN CHARACTER."
Ang sa Diyos PAGMAMAHAL ang namumutawi sa kanilang mga bibig, itong pastor na ito, ang namumutawi sa kanya ay GALIT sa KAPWA. Kinasangkapan siya ng Diablo para MANLINLANG sa pamamagitan ng PAGSISINUNGALING at PAGTATANIM NG GALIT SA KAPWA! Ikaw iyon Ginoong Pastor!
Hinulaan na ni Cristo ang pagdating ng mga BULAANG PROPETA, ito na po ang isa sa kanila, patunay na ang tunay niyang Iglesia ay nagpapatotoo sa mga sinalita ni Cristo na narito na nga sila, mga manlilinlang na dapat itakwil.
ANG KASAYSAYAN NG IGLESIANG TATAG NI CRISTO AYON SA IGLESIANG TATAG NI G. FELIX Y. MANALO NITO LAMANG 1914
“ANG IGLESIA NI CRISTO”
I. PAGKAKATATAG SA JERUSALEM
II. PAGKATALIKOD
III. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN
IV. PAGLAGANAP HANGGANG SA MALAYONG KANLURAN
V. PAGLAGO
VI. PAGKATUPAD NG MGA HULA
VII. PAGKILALA NG IBANG LIDER AT NG MGA BANSA
VIII. PAGTATAGUMPAY
SA PANGINOONG DIYOS ANG KALUWALHATIAN SA PAMAMAGITAN NG PANGINOONG JESUCRISTO
Transcript mula sa video [-49.24 hanggang -39.46]. Ang pagdidiin ay amin.
"Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoog Jesucristo ang kanyang Iglesia na tinawag sunod sa kanyang pangalan, iglesya ni Cristo (Roma 16:16) subalit pinagpauna na ng Panginoong Jesukristo na babangon ang maraming mga bulaang o hindi tunay na mgangangaral na magliligaw sa kanyang mga alagad na magbubunga ng pagtalikod sa pananampalataya.
"Ipinagpauna na rin ng Panginoong Jesucristo na ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin.
"Bagamat ang iglesia ni Cristo na itinatag noong unang siglo ay natalikod sa pananampalataya magkagayonman ay ipinagpauna na ng Panginoong Jesucristo nay mayroon pa siyang ibang mga tupa o mga alagad (Juan 10:16). At sila’y magiging isang kawan. Ayon sa mga apostol, sila ay magmumula sa malayo. Malayong panahon at dako (Gawa 2:39).
"Ito’y pinagpauna sa aklat ni propeta Isaias na mga anak ng Diyos na magmumula sa malayong silangan sa mga pulo ng dagat (Isaias 24:15).
"Natupad ang mga hulang ito ng Banal na Kasulatan sa bansang Pilipinas na nasa malayong silangan na binubuo ng mga pulo…"
Bigyan diin ang mga sumusunod: A. Noong unang siglo sa Jerusalem, ay itinayo ng Panginoong Jesucristo ang kanyang Iglesia. B. Ang iglesia ay sunod sa pangalan ni Cristo. C. Babangon ang maraming mga bulaang propeta o hindi tunay na mangangaral. D. Ang kanyang mga lingkod na nanindigan sa pananampalataya ay papatayin. E. Ang iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo ay natalikod sa pananampalataya. F. Mayroon pa siyang ibang tupa o mga alagad na magmumula sa malayo. G. Bansang Pilipinas ang bansang nagmumula sa malayong silangan.
_________________________________________________________________
Hindi matibay ang pundasyon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Ang kaniyang pundasyon ay NAKABATAY lamang sa kanilang DOKTRINA ng GANAP na PAGTALIKOD (TOTAL APOSTASY) raw ng IGLESIA KATOLIKA na sa 'PASIMULA ay SIYANG [tunay na] IGLESIA NI CRISTO' ayon sa kanilang opisyal na magasin (Pasugo Abril 1966, p. 46).
Kung gagamitin natin ang kanilang lohika, walang INC™ 1914 kung walang pagtalikod ng tunay na Iglesia ni Cristo na tatag ng Panginoong Jesus noong Unang Siglo.
ANG TANONG: KAILAN BA NATALIKOD NA GANAP ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO?
Ayon sa Iglesia Ni Cristo® 1914, ang IGLESIA KATOLIKA raw ang totoong Iglesia ni Cristo na itinatag ng Panginoon sa Jerusalem noong Unang Siglo (PASUGO Abril 1966, p. 46) ngunit NATALIKOD daw ito ng GANAP. Ibig sabhin ng "ganap" ay WALANG NATIRA at "NALIPOL NA LAHAT" (Pasugo Enero 1964, p. 2).
Ang GANAP na PAGTALIKOD ay naganap raw ito noong NAMATAY NA ang lahat ng mga ALAGAD ni Cristo (PASUGO God's Message, February 2012, pp. 27-29). NALIPOL na raw LAHAT ng mga tagasunod ni Cristo na TAPAT sa ARAL ni CRISTO.
AT DAHIL NATALIKOD at NALIPOL na LAHAT ng mga TUNAY na ALAGAD at TAGA-SUNOD ni Cristo kaya't KINAKAILANGAN ng DIYOS ng isang tao upang ITATAG MULI ang "KANIYANG IGLESIA".
Ayon sa kanilang aral, ang PAGTALIKOD daw na GANAP ng BUONG IGLESIA NI CRISTO na tatag ng ating Panginoong Jesus ay 'HINULAAN" raw daw Biblia. Ngunit WALA silang 'unified Bible verse na makakapagpatunay na hinulaan nga sa Biblia ang pagtalikod ng Iglesiang tatag ni Cristo.
Ang sabi ng isang Muslim Imam rito ay "TAGPI-TAGPI" [panoorin dito ang video]. Kuha sa Lumang Tipan, itagpi sa Bagong Tipan. Halimbawa ay Zakarias (13:8-9) at sa Gawa (2:39, 20:28), Roma (16:16) at saka ibuod kay Juan (10:16) upang MAKABUO ng SAKNONG na SASAKTO sa KANILANG nais palabasin [basahin itong paliwanag ng "Ang Pagbubunyag".
Sa kanilang pagnanais na PATUNAYAN na ang INC™ 1914 nga raw ay ang siyang tunay na pagmamay-ari ni Cristo BIBLIA ang kanilang gamit na PANLOKO at marami na silang NALINLANG na kaluluwa, tulad ng pagnanais ni Satanas na linlangin ang Panginoong Jesus gamit ang Banal na Salita ng Diyos (Mateo 4:6).
At ang RESULTA ng kanilang "TAGPI-TAGPING ARAL" ay LILITAW (raw) muli ang "tunay" na IGLESIA at natupad raw ito kay Ginoong Felix Y. Manalo noong itatag niya ang kanyang Iglesia sa Pilipinas noong 1914 (PASUGO February 2012, pp. 27-29)!
HINDI PA NATATALIKOD ANG UNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA!
Ito ay ayon na rin sa kanilang magasing PASUGO, Abril 1966, p. 46 (ang pagdidiin ay amin):
“Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
Kabuuan ng kanilang sinabi sa Pasugo:
Mula noong Unang Siglo hanggang 'ngayon' (1966) ay hindi pa natatalikod ang tunay ang Iglesiang tatag ni Cristo.
Ang orihinal at tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong una ay ang Iglesia Katolika at hindi ang registered trademark na Iglesia Ni Cristo® 1914
Kung di pa natatalikod noong 1966 ang tunay na iglesia, lalabas naang iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914 ay huwad ~peke~ fake~!
ANG TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO AYON SA KASAYSAYAN
A. ANG PAGKAKATATAG SA JERUSALEM
Taong 33 A.D., ITINATAG ng Panginoong Jesucristo sa Jerusalem ang KANYANG IGLESIA. Ito ay NASUSULAT sa lahat ng AKLAT ng KASAYSAYAN ng tao. Katulad ng Islam na itinatag ni Muhammad noong ika-7 siglo, ay nakatitik din sa aklat ng kasaysayan. Maging ang IGLESIA PROTESTANTE at nang mga nagsulputang mga SEKTA nito na mahigit sa 30,000 na ay nakasulat sa mga aklat ng kasaysayan. Ang kasaysayan ng PAGKAKATATAG ng korporasyong IGLESIA NI CRISTO® ay NAKASULAT po sa aklat ng Kasaysayan.
Bago pa nauso ang pagpaparehistro ng mga tatag na korporasyong iglesia sa kinasasakupang bayan o bansa, ang orihinal na IGLESIA NI CRISTO ay ITINATAG ng PANGINOONG JESUS sa JERUSALEM. Mula noon, WALANG ibang pinapatungkulan ang salitang IGLESIA kundi ang KAY CRISTO. Kaya't by default ang salitang IGLESIA ay walang ibang pinatutungkulan kundi ang NAG-IISANG IGLESIANG KAY CRISTO ~ang "IGLESIA KATOLIKA NA SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO" (PASUGO Abril 1966, p. 46).
"According to Catholic tradition, the history of the Catholic Church begins with Jesus Christ and his teachings (c. 4 BC – c. AD 30) and the Catholic Church is a continuation of the early Christian community established by the Disciples of Jesus." -Wikipedia
Maging ang mga nakasulat sa mga Encyclopedias walang ibang kinikilalang UNANG IGLESIANG pagmamay-ari si Cristo kundi ang IGLESIA KATOLIKA.
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Online Encyclopedia Britannica
After the ascension of Jesus Christ, as the apostles began to spread the gospel and make disciples, they provided the beginning structure for the early Christian Church. It is difficult, if not impossible, to separate the initial stages of the Roman Catholic Church from that of the early Christian church. -Learn Religions
Ayon sa mga dalubhasang manunulat ng kasaysayan, ang Iglesia Katolika ay siyang may direktang kasaysayan pabalik sa panahon ni Jesus at ng mga alagad. Sa aklat ni James Hitchcock, History of the Catholic Church, ibinuod niya rito kung ano ang Iglesia Katolika ayon sa kasaysayan ng tao.
The Catholic Church is the longest-enduring institution in the world. Beginning with the first Christians and continuing in our present day, the Church has been planted in every nation on earth.
The Catholic Church claims Jesus Christ himself as her founder, and in spite of heresy from within and hostility from without, she remains in the twenty-first century the steadfast guardian of belief in his life, death, and resurrection. The teachings and redemptive works of Jesus as told in the Gospels are expressed by the Church in a coherent and consistent body of doctrine, the likes of which cannot be found in any other Christian body.
B. ANG IGLESIA SUNOD SA PANGALAN NI CRISTO Bagamat ang CRISTO at JESUS ay tumutukoy sa iisang pagkakakilanlan sa Anak ng Diyos na nagkatawang-tao, ang JESUS ay PANGALAN at ang CRISTO ay ang Kanyang tungkulin. Ayon sa Mateo 1:21; Lukas 1:31 JESUS ang ipapangalan sa IPAPANGANAK ng Birheng Maria ayon kay San Gabriel Arkanghel.
Ang Cristo ay MESIAS sa salitang Hebreo o TAGAPAGLIGTAS sa wikang Filipino. Ang literal na pakahulugan nito ay "ang Siyang Pinahiran ~ the Annointed One". Kaya't HINDI po mismong pangalan ang "Cristo" kundi JESUS.
Kung susundin natin ang lohika ng mga INC™, ang iglesiang tatag ng Panginoong Jesus ay IGLESIA NI JESUS ang dapat na ipangalan alinsunod sa pangalan ng nagtatag.
At ganoon din sa INC™, dahil si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag ng INC™ sa Pilipinas ay dapat lamang na isunod ito sa pangalan ng nagtatag ~ IGLESIA NI FELIX MANALO o IGLESIA NI MANALO.
At kung ipagpupumilit nila na ang 'Cristo' ay isang pangalan, dapat lamang palang isunod sa titulo ni G. Felix Manalo ang kanyang Iglesia bilang "Iglesia ng Ibong Mandaragit" o kaya'y "Iglesia ng Huling Sugo sa Mga Huling Araw" o "Iglesia ng Anghel". [BASAHIN: Hindi raw Iglesia Katolika ang tunay na Iglesia ni Cristo?]
C. BABANGON ANG MARAMING BULAANG PROPETA
Pagkatapos malipol daw ng lahat ng mga alagad ni Cristo at TUMALIKOD na ganap na raw ang buong Iglesiang tatag ni Cristo ay nagsilitawan raw ang mga BULAANG PROPETA ayon sa turo ng INC™ 1914.
Gamit ang Banal na Kasulatan, kanilang sipiin ang Mateo 24:11 "At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami."
Sabi niya, "Sa iglesia, sa Iglesia Katolika Apostolika Romana."
Sabi ko, "Iglesia Ni Cristo kayo, tapos yung Biblia ninyo ay nagmula sa Romana Katolika Apostolika? Hindi sila nakakaintindi sa Biblia nila, aklat ng Katoliko, hindi sila nakakaintindi. At kayong mga Iglesia Ni Cristo, NAGBABASA lamang, sa AKLAT NG MGA KATOLIKO, kayo ang nakakaintindi? Dahil the HISTORY OF THE BIBLE, we cannot deny, the history of the Bible was compiled, collected by the early Christian Catholics. While the Roman Catholics in this latest century they are reading the Bible, at ang BIBLIA ORIGINAL ay NAGMULA sa ROMANO KATOLIKO!
"Imposible na ang GUMAWA sa Biblia ng ROMANO KATOLIKO ay maiimpierno. Yung lumikha sa Biblia maiimpierno. Yung NAGBABASA maparaiso? Imposible naman!
Ang mga INC™ 1914 ay MALING-MALI sa kanilang pagsipi sa Banal na Biblia. OUT OF CONTEXT ika nga. Hindi nila nalalaman na ang tinutukoy sa Mateo na DARATING na mga MARAMING BULAANG PROPETA ay ISA na roon ang kanilang sugong si FELIX MANALO. Sapagkat HINDI NAMAN NATALIKOD ang Iglesia kundi TAO ang tumalikod sa Iglesia at ITONG mga TAONG TUMALIKOD ay kinasangkapan ng Diablo at nagiging mga BULAANG PROPETA.
Sino ang mga BULAANG PROPETA na tinutukoy sa Biblia? Basahin niyo itong BABALA ni Apostol San Juan:
"Mumunting mga anak, sumapit na ang huling oras. Batay sa inyong narinig na dumarating na ang anti-Cristo, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras. Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." -1 Juan 1:18-19 (ang pagdidiin ay atin)
NAGBABALA si Apostol San Juan ukol sa PAGDATING NG MGA ANTI-CRISTO o ang KALABAN NI CRISTO!
PAANO sila MAKIKILALA? Simple!
Sa 'CHECK LIST' na ibinigay ni Apostol San Juan, ang PALATANDAAN ay ang mga sumusunod:
Sila'y DATING KAANIB sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo
Sila'y TATALIKOD sa Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo.
Sila'y HINDI NA ATIN sapagkat kung sila'y sa atin ay mananatili sana sila sa atin (sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo).
Mahahayag ang kanilang pagka-bulaang propeta sapagkat sila'y TUMALIKOD at ngayon ay KUMAKALABAN sa atin!
Sa kasaysayan ng Santa Iglesia, narito ang mga personalidad na TUMALIKOD sa tunay na Iglesiang tatag ni Cristo noong Unang Siglo at dahilan ng pagkawatak-watak ng Bayan ng Diyos:
ARIUS ~ [256 A.D. - 336 A.D. Gitnang Silangan at Hilagang Africa] Siya ay isang dating pari ng Iglesia sa Alexandria, Egypt ngunit tumalikod. Siya ay nangaral na si Jesus ay Diyos ngunit mas mababa kaysa sa Diyos Ama. Ang kanyang maling aral ay kinondena ng Iglesia sa Unang Konseho ng Nicea (325 A.D.).
MARTIN LUTHER~ [1483 - 1546 Europa at America] Siya ay paring monghe ayon sa disiplina ng OSA (Ordo Sancti Agustini (L), isang propesor ngunit siya ay tumalikod. Siya ay nagnanais na isulong ang reporma sa Iglesia ngunit dala ng kanyang malalim na poot sa mga namumuno sa Iglesia, siya ay nagrebelde (protesta) kaya't sumulpot ang Iglesia Protestante. Mula 1517 nagkawatak-watak ang Kristianismo at mula 1549 nabalahura ang Salita ng Diyos na dahilan upang lalong maraming tumalikod sa tunay na turo ni Cristo.
FELIX Y. MANALO~ [1886 - 1963 Pilipinas at Asia] Siya ay binyagan at lumaking Katoliko hanggang siya ay tumalikod noong 1902. Taong 1903 siya ay umanib sa mga kulto sa kabundukan ng Banahaw at San Cristobal (Quezon) hanggang siya ay tuluyang umanib sa mga sekta ng Iglesia Protestante na dala ng mga Amerikano. Una siyang umanib sa mga Methodists. Hindi nasiyahan sa mga Methodists at lumipat sa mga Presbyterians. Hindi nasiyahan sa mga Presbyterians, umanib sa Alliance of Christian Missionaries. Hindi nasiyahan sa mga ACM kaya't lumipat sa Seventh Day Adventists o mga Sabadista. Di nasiyahan sa mga Sabadista kaya't dito niya napagtanto na siya na mismo ang magtatag ng kanyang iglesia at papangalanang "Iglesia Ni Kristo" (INK), pinarehistro noong Hulyo 27, 1914 ngunit di kalauna'y pinalitan ng "Iglesia Ni Cristo" (INC). Noong 1919 siya ay nagtungo sa Estados Unidos upang mag-aral sa Pacific School of Religion isang paaralan ng mga Protestante (Pasugo Hulyo 1964, p. 182) sa paaralang tinuturing niyang mga "kay Satanas o sa demonyo" (Pasugo Agosto 1961, p. 39). Noong 1922 bumalik siya ng Pilipinas at doon nagsimulang mangaral na siya (Felix Y. Manalo) ay ang katuparan daw ng mga hula sa Biblia at inangkin ang titulo bilang "Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw".
Dito tayo nakakasiguro na sa mga katulad nila ay mga ANTI-CRISTO. Silang mga nagsasabi na TUMALIKOD ang Iglesia. Ngunit ang katotohanan ay SILA ANG TUMALIKOD sa Iglesia. "Sa atin sila nanggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin."-1 Juan 1:18-19 Ang PAGLILIGAW, PAGSISINUNGALING, PANLILINLANG nila ay tumpak na naging dahilan ng PAGTALIKOD rin ng maraming tao sa Iglesia ay KATUPARAN na nga ng mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA o mga HUWAD na mga MANGANGARAL!
D. ANG KANYANG MGA LINGKOD NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA AY PAPATAYIN
KATHANG-ISIP lamang na sabihin ng INC™ 1914 na WALANG NATIRANG KRISTIANO mula nang MAMATAY ang mga Apostol. Sa mga nagsusuri, isang MALAKING KASINUNGALINGAN. MAPANLINLANG ang sasabihin na "walang natira" sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol (c. 110 A.D.). Tunay nga na NAGANAP na ang mga HULA sa Biblia ukol sa pagdating ng mga BULAANG PROPETA! Gagawin lahat upang mandaya at manlinlang!
Hindi po totoo na 'walang natira' sa mga tagasunod ni Cristo mula nang namatay ang mga Apostol. Sa katunayan, LALONG LUMAGO ang mga mananampalataya habang ang mga UNANG KRISTIANO ay INUUSIG.
Umpisahan natin sa ating Panginoong Jesucristo. Siya ay PINATAY hindi dahil sa siya ay masamang tao. Siya ay PINATAY dahil NANINDIGAN siya sa KATOTOHANAN.
Ano ang katotohanan na pinanindigan ni Cristo?
Na SIYA NGA AY DIYOS na nagkatawang-TAO! Siya ay isinakdal ng mga Punong Saserdote at ng mga Hudyo sa salang "BLASPHEMY" o sa wikang Filipino ay ang PAGLAPASTANGAN SA DIYOS. Siya na nasa kalagayan bilang TAO ay NAGPAPANGGAP RAW na Diyos. At dahil si Cristo ay isang TAPAT at MATUWID na 'TAO' ay hindi niya ito tinatwa kundi NIYAKAP niya ang kamatayan kaysa itakwil ang KATOTOHANANG SIYA NGA AY DIYOS sa kalagayan ng TAO!
"Hindi ka namin binabato dahil sa mabuting gawain kundi ikaw na isang TAO lamang ay nagpapanggap na DIYOS." (Juan 10:33b)
Si Cristo nga ay Diyos na nagkatawang tao! Si Jesus ~ VERBO ~ DIYOS ~ nagkatawang-TAO (Juan 1:1-4). At bagama't si JESUS ay NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa, INARI ang KATANGIAN ng isang TAO, at NIYAKAP ang KAMATAYAN ~ oo, kamatayan sa KRUS. Kaya't sa Kanyang KALAGAYANG-TAO ay DINARANGAL siya ng DIYOS AMA at ginawa siyang DAKILA sa LAHAT ng bagay na NILALANG. At sa pamamagitan NIYA ang lahat ng tuhod maninikluhod, lahat ng dila idadakila SIYA bilang PANGINOON! (Filipos 2:4-9)
KUNG PINATAY ANG PANGINOON DAHIL SA KATOTOHANAN, HINDI NAKAHIHIGIT ang mga alagad. Kung INUSIG, pinahirapan at pinatay si Cristo alang-alang sa katotohanan, sila rin ay nakaranas nito. Sila ay PINATAY (maliban kay Apostol San Juan na namatay dahil sa katandaan noong c. 110 A.D.).
San Pedro ~ pinatay sa Roma ng pabaliktad sa Krus
San Pablo ~ pinugutan ng ulo sa Roma
San Andres ~ (bandang Russia) pinaslang sa pamamagitan ng pagpapako rin sa krus
San Tiago ~ (anak ni Zebedee) pinaslang ni Herod Agrippa I
San Tomas ~ pinatay sa India sa pamamagitan ng sibat
San Filipe ~ pinatay (Hilagang Afrika)
San Bartolome ~ pinaslang habang nangangaral
San Mateo ~ pinaslang habang nangangaral
San Tiago ~ (anak ni Alpheus) pinaslang sa pamamagitan ng pagbato at hambalos
San Simon ~ pinaslang sa pagtangging sumamba sa diyos-diyosan ng Persia
San Matias ~ (kapalit ni Judas Iscariote) pinaslang sa pamamagitan ng pagsunog
San Judas Thaddeus ~ pinaslang sa Persia
San Juan ~ tanging alagad na namatay ng hindi pinahirapan
Bagamat sila ay PINAHIRAPAN, INUSIG at PINATAY, lalong NAGNINGAS ang PANANAMPALATAYA ng mga KRISTIANO sa Diyos. At ang kanilang mga DUGO bilang mga MARTIR ay naging BINHI ng PANANAMPALATAYA na UMUSBONG hanggang sa kasalukuhan.
Sila'y mga TAPAT na SAKSI sa KATOTOHANAN, magigiting na IPINAGTANGGOL ang katotohanan. Sa kabila ng banta sa kanilang mga buhay, mas pinili nilang IALAY ito alang alang sa kanilang pananampalataya. Hindi nila ipinagkanulo ang Katotohanan ng ating pananampalatayang NATANGGAP mula sa kay CRISTO at sa mga APOSTOL.
Mula kay CRISTO at sa mga APOSTOL ang PAGPUPUTONG ng KAMAY sa kanilang mga KAHALILI ay HINDI NAPUTOL (unbroken line of succession) halimbawa kay Apostol SAN PEDRO, humalili si LINUS, sumunod si ANACLETUS, sumunod si CLEMENT I, sumunod si EVARISTUS. Sila ang unang APAT na humalili kay Apostol San Pablo. At sa kasalukuyan, si PAPA FRANCISCO ang ika-266 na kahalili ni Apostol San Pedro.
Ito naman ang listahan ng mga KAHALILI ni APOSTOL SAN MARCOS. [Basahin ang KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO at ng PATRIARCHY] Katulad ng mga BAYANI ng mga bansa, ang KAMATAYAN ng isang tao ay hindi katapusan kundi ito ay PATUNAY na sa kabila ng kamatayan, ang katotohan ay HINDI mapapatay ninoman.
KATOTOHANAN nga na PINASLANG ang mga NANINDIGAN sa KATOTOHANAN ngunit HINDI namatay ang KATOTOHANAN sa kanilang kamatayan kundi ang katotohanan ay UMUSBONG at naging BINHI ng PANANAMPALATAYANG KRISTIANISMO na PINATUNAYAN ng mga MARTIR at mga SANTO hanggang sa KASALUKUYAN, hanggang sa pagbabalik ng Panginoon!
Ang HAPDI ng PAGHIHIRAP ng mga ALAGAD ay alang-alang sa KATOTOHANAN at ang MAKALANGIT na GANTIMPALA ayon kay APOSTOL SAN PABLO ay KALIGTASAN ng mga HINIRANG (2 Timoteo 2:8-13):
Beloved: Remember Jesus Christ, raised from the dead, a descendant of David: such is my gospel, for which I am suffering, even to the point of chains, like a criminal. But the word of God is not chained. Therefore, I bear with everything for the sake of those who are chosen, so that they too may obtain the salvation that is in Christ Jesus, together with eternal glory.
This saying is trustworthy: If we have died with him we shall also live with him; if we persevere we shall also reign with him. But if we deny him he will deny us. If we are unfaithful he remains faithful, for he cannot deny himself.
E. ANG PAGKATALIKOD
Sa JERUSALEM itinatag ng Panginoong JESUS ang TUNAY na IGLESIA! IPINANGAKO niya sa mga ALAGAD na HINDING-HINDI ito MATATALIKOD kailanman (Mt. 16:16-18).
Kanyang sinabi: "Lilipas ang langit at lupa ngunit di lilipas ang aking mga salita." (Mt. 24:35)! Itong PANGUNGUSAP ng Panginoon ay TOTOO mula noon hanggang NGAYON! Ni isa sa mga SINALITA ng Panginoong Jesucristo ang HINDI MABABALI.
Dugtong pa ni Jesus na SIYA ay MANANATILI sa kanyang IGLESIA HANGGANG sa KATAPUSAN NG MUNDO: "Tandaan ninyo na ako ay sumasainyo sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng daigdig". (Mt. 28). ITO AY ISA ring PANGAKO! At uulitin natin, kapag SI JESUS ang NANGUSAP, HINDI ITO MABABALI (Mt. 24:35) Ang mga BULAANG PROPETA ay nagpahayag ng SALUNGAT sa mga PANGAKO ni Cristo. Ipinangangaral nila na ang mga WINIKA ng Panginoon ay NABALI ~ DI NATUPAD! At ang kanyang mga PANGAKO ay LUMIPAS at DI NAGKATOTOO.
Pinalalabas ng mga BULAANG PROPETA na si JESUS ay isang SINUNGALING! Na ang kanyang mga SALITA ay WALANG SAYSAY.
PINALALABAS ng mga BULAANG PROPETA na ang Panginoong JESUS ay NAGKAMALI, NAGSINUNGALING at nagwika ng PANLILINLANG. Ngunit alam natin na ang GAWAING PANLILINLANG ay GAWAIN ng DIABLO. Sapagkat ang diablo ay ang AMA ng PANLILINLANG.
Sino ang mga NANLILINLANG, si JESUS ba o ang mga BULAANG PROPETA? Samakatuwid ang mga Bulaang Propeta ay mga KAMPON ni Satanas na ama ng PANLILINLANG!
Ang mga BULAANG PROPETA ay TUSO at mga MANLILINLANG Inaangkin nila na SILA raw ay ang TUNAY na Iglesia. Sila raw ay mga HULING PROPETA tulad ni JOSEPH SMITH, tagapagtatag ng MORMONISM noong Abril 6, 1830 sa New York USA; at ni Ginoong FELIX Y. MANALO na siya raw ang ang HULING SUGO NG DIYOS SA MGA HULING ARAW o isang ANGHEL, si Felix Manalo ang nagtatag ng IGLESIA NI CRISTO noong Hulyo 27, 1914 sa Sitio Punta, Sta. Ana, Maynila, Pilipinas.
Si Ginoong Smith at si Ginoong Manalo ay parehong nangangaral ng TOTAL APOSTASY upang SUMAKTO ang kanilang aral na SILA na ngayon ang tunay. Pingangaral ng mga BULAANG PROPETA na ang IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay NATALIKOD na raw na GANAP (Total Apostasy) kaya't KAILANGANG ITATAG ito sa pamamagitan ni Ginoong Smith at ni Ginoong Manalo, dalawang umaangking HULING PROPETA at HULING ANGHEL ngunit hindi magkasundo kung sino sa kanila ang tunay na HULI at di magkasundo kung ang MULING PAGLITAW ba ng TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo na TUMALIKOD ay ang MORMONISM o ang IGLESIA NI CRISTO®! Ngunit iisa ang katotohanan sa kanilang dalawa, PAREHO SILANG MGA HUWAD!
Kung PANIWALAAN natin ang mga PAG-ANGKIN ni Ginoong Joseph SMITH at ni Ginoong Felix Y. MANALO, para na rin nating pinaniniwalaan na SINUNGALING at MANDARAYA ang Panginoong Jesus. Dahil alam na natin na HINDI MATATALIKOD ang IGLESIANG tatag ni Cristo, lalong luminaw na ang mga NAGSISULPUTANG mga IGLESIA kuno ay HINDI tunay kundi mga HUWAD lamang!
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK [Iglesia ni Kristo] ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." (ang pagdidiin ay amin lamang)
Tumpak!
Ngunit alam naman natin na NAPARITO na ang mga BULAANG PROPETA upang LINLANGIN ang IGLESIA. Naparito sila upang BALIIN ang mga SALITA ng DIYOS upang sumakto sa kanilang aral. Ginagawa nila ito upang MALINLANG ang Iglesia at may mga aanib sa kanila. Naparito sila upang PASINUNGALINGAN ang mga pangako ni Cristo.
NATUPAD na nga ang mga hula sa Biblia. Ang babala ni Cristo sa PAGDATING ng mga ANTI-CRISTO o mga BULAANG PROPETA ~ mga KAAWAY NI CRISTO, ang babala sa atin ay ganito: 'MANGAG-INGAT KAYO NA HUWAG MALILIAGAW NINOMAN." (Mt. 24:4)
[From 1517 onwards these faces of protestants changed the Christian religion and had caused many division among them not agreeing on one thing in the Bible that led them to split, divide and corrupted the Bible. Photo Source: Concordiaseniorliving.com] From 1st Century to 16th Century, "[u]ntil that point, for a person to feel connected to God, the Catholic Church was the only place to turn to hear the scripture or take part in the blessed sacraments from parish priests."
(Sila ang mga MUKHA ng PATALIKOD sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO at HINDI ang Iglesia ang tumalikod.)
F. MULING PAGLITAW SA MALAYONG SILANGAN?
Bilang Iglesiang TATAG ni Cristo, ang IGLESIA KATOLIKA ang KAISA-ISANG IGLESIA may kasaysayang pabalik sa PANAHON ni CRISTO at ng mga APOSTOL. Ito ay NASUSULAT lahat sa mga AKLAT ng KASAYSAYAN.
The Church at Rome, which would later develop into what we know as Roman Catholicism, was started in the apostolic times (circa AD 30-95). -Christianity.com
Mula sa JERUSALEM hanggang maipangaral ng mga alagad sa buong EMPERO ng ROMA ang KADALISAYAN ng ating pananampalataya, ang IGLESIA po SA ROMA na TINUTUKOY ni Apostol San Pablo na BINABATI ng LAHAT NG MGA IGLESIA NI CRISTO (Roma 16:16) ay siya ring IGLESIANG KINIKILALA sa BUONG MUNDO bilang IGLESIA KATOLIKA
Ang IGLESIA NI CRISTO mula pa noong unang siglo ay NAKATAYO pa HANGGANG sa KASALUKUYAN at HINDI po ito NATALIKOD!
Maliban sa MAKASAYSAYANG pinagmulan ng Iglesia Katolika, ang LAHAT nang NAGSISULPUTAN ngayon na umaangking sila ay "TUNAY" ay mga HUWAD.
PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
PASUGO Mayo 1954, p. 9:
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem."
Sa kabuuan, kung ang IGLESIA KATOLIKA sa SIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (Pasugo Abril 1966, p. 46) ay ang MAY PINAKAMATANDANG KASAYSAYAN ng pag-iral na halos UMABOT na sa mahigit-kumulang na 2,000 taon. HINDI NATALIKOD at HINDI MATATALIKOD KAILANMAN! ITO nga ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO na "HANGGANG SA KASALUKUYAN" ay patuloy na inaakit ng diablo para tumalikod (Pasugo Abril 1966, p. 46).
KATOTOHANAN ang MAGLILIGTAS sa TAO. Na ang IGLESIA NI CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!
The Catholic Church is the oldest institution in the western world. It can trace its history back almost 2000 years. -BBC
WALANG PAGTALIKOD kaya't WALANG LILITAW na ibang IGLESIA! Kung mayroon mang MAGSISIBANGON ngayon na iglesia at TATAWAGING mga IGLESIA NI CRISTO rin, ang mga ito ay HUWAD o PEKE! (PASUGO Mayo 1968, p. 7)
“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."-PASUGO Abril 1966, p. 46
Ang video na gawa ng INC™ sa ibaba ay isang kasinungalingan. HUWAG MAGPALINLANG!
Sa mga katulad nito, paalala ng isang DALUBHASA sa KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO, ay ganito:
"Protestants advocate myths about this era because their movement depends on the belief that the Catholic Church is a corruption of the early Church, and hence that the Reformation was a return to the apostolic faith. One of the main anti-Catholic historical myths embraced by many Protestants is the belief in a Great Apostasy, which allegedly occurred when Constantine favored the Catholic Church in the fourth century and "Romanized" it to the point where it became so contaminated that it ceased to be Christian. Yet we know that the early Church was the Catholic Church and the real story of history illustrates the continuity of the Faith through the centuries." -(Steve Weidenkopf) The Real Story of Catholic History, Answering Twenty Centuries of Anti-Catholic Myths
Hindi ba't sounds familiar ang ganitong mga argumento ng mga INC™?
Ang tinutukoy po nilang kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay walang iba kundi ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo.
Ayon sa mga mangangaral ng INC™ na tatag ni Felix Manalo noong 1914, naging "tunay" na raw sila sapagkat ang UNANG IGLESIA ni Cristo ~ ang IGLESIA KATOLIKA ay NATALIKOD daw na "GANAP". Kaya't noong sinimulan ni Ginoong Felix Manalo ang Iglesia Ni Cristo® na tinawag niyang "MY CHURCH" (FreePress, February 11, 1950) ay NAWALA na raw na ganap ang UNANG IGLESIA ni Cristo at ang KANYANG IGLESIA na raw ang tunay.
Hokus-pokus nga naman ang kasaysayan ng Iglesia Ni Cristo®. Bulag nilang tinatanggap ang isang malinaw na kasinungalingan na ang nais lamang ay linlangin ang mga kaanib sa TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO ~ walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA at sila'y magsitalikod.
Hindi naman tayo dapat magtaka sapagkat bago pa man Mayo 10, 1886, ang araw ng pagsilang ng kanilang sugo, HINULAAN na ng Banal na Kasulatan ang PAGDATING ng mga MANDARAYA ~ silang mga mangangaral (kuno) na HINDI TANGGAP si Cristo (bilang Diyos) na naparito sa laman (tao).
"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo."-2 Juan 1:7
Malinaw tayong binabalaan ni Apostol San Juan na ang mga mangangaral na TAONG-TAO LAMANG daw ang Panginoong Jesucristo ay mga ANTICRISTO o mga KALABAN ni Cristo.
At ano naman ang mangyayari sa pagdating ng mga MANDARAYANG mga MANGANGARAL na mga ANTICRISTO?
"At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami."-Mateo 24:11
Marami raw silang mga MADADAYA at sila ay TATALIKOD sa TUNAY na Iglesia! TAO po ang TATALIKOD at HINDI ang IGLESIA! Isang malaking kasinunglaingan ang sasabihin nilang NATALIKOD na raw na GANAP ang Unang Iglesia. Kaya't ang paglitaw ng INC™ sa Pilipinas ay isang katuparan ng mga hula sa Biblia. Ang pagdating ng mga bulaang propeta at ang pagtalikod ng marami ay natupad sa kanila.