Showing posts with label My Church. Show all posts
Showing posts with label My Church. Show all posts

Saturday, November 21, 2020

Bakit Kailangan Ang Tunay na Iglesia at Hindi ang Huwad na Iglesiang Tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas?

Narito na naman ang isang video ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang "Bakit Kailangan Ang Tunay na Iglesia?" 

Mahaba ang nasabing episode ngunit ating tatalakayin lamang nating ang mga unang ilang minuto ng kanilang episode. Ipapaliwanag natin kung bakit KAILANGAN natin unawain ang kahalagahan ng PAG-ANIB sa TUNAY na Iglesiang TATAG MISMO ng ating PANGINOONG HESUS at HINDI ang HUWAD na iglesiang TATAG ni taong katulad ni GINOONG FELIX Y. MANALO sa PILIPINAS noong 1914
 

HUWAD NA IGLESIA

Sa pambungad na salaysay ni Ginoong Leonardo Pidlaoan Jr., [1:30] sinasabi niyang may ilan daw na umanib na sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo, ang INC™, at naging "ganap" na raw ang kanilang pananampalataya matapos raw na "marinig ang mga aral ng ating Panginoong Diyos" sa pamamagitan ng kanilang mga bayarang ministro.

Linawin lamang po natin. HINDI PO ARAL ng ating PANGINOONG DIYOS ang ipinangangaral ng kanilang mga bayarang ministro kundi ARAL po ito ni Ginoong FELIX Y. MANALO ayon na rin sa PAG-AMIN ng kanilang magasing PASUGO.  

PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5 “Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

PASUGO May 1961, p.4: At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”

PASUGO Mayo 1963, p. 27: “Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng bayan, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”

Malinaw po ang kanilang mga pahayag., na ang INC™ ay si kapatid na Felix Manalo ang NAGTATAG

Walang aral na galing sa Diyos na masusumpungan sa kanilang mga doktrina sapagkat ang mga ITINUTURO nilang LAHAT ay BINALANGKAS mula sa mga KATHA at sa SARILING UNAWA ni Ginong Felix Y. Manalo na siyang NAGTATAG at NAGREHISTRO ng "Iglesia Ni Cristo®" sa Pilipinas!

At dahil SIYA ANG NAGTATAG ng INC™, SIYA rin ang GUMAGAWA ng mga leksiyonng ITINUTURO ng mga ministro. 

Si G. FELIX Y. MANALO rin ang gumawa ng leksiyon sa PAGSAMBA. 

Si G. FELIX Y. MANALO rin ang GUMAWA ng kanilang DOKTRINA o PROPAGANDA. TANGING si FELIX MANALO lamang LAHAT ang gumawa!

Ang PAGSULPOT ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay isang "katuparan" daw ng "hula". SANG-AYON po tayo diyan. Ang pagsulpot ng huwad na iglesia (raw) ni Cristo sa Pilipinas ay katuparan ng mga hula sa Biblia.

Bago pa man SUMULPOT ang Iglesia Protestante noong noong 1517, at ng Iglesia Ni Cristo® noong 1914, PINAUNA na ng Biblia ang pagbibigay ng BABALA na darating ang mga BULAANG MANGANGARAL!

Ang sabi ng ating Panginong Hesus ng ganito: 

"Mag-ingat sana kayo at huwag padaya kanino man. Sapagkat marami ang magsisiparito sa aking pangalan... At  marami ang madadaya... Lilitaw ang maraming huwad na propeta upang iligaw ang mga tao... lilitaw ang mga huwad na Cristo at mga huwad na propeta na magpapakita ng malalaking tanda at mga kababalaghan, upang iligaw, kung maaari lamang, kahit na ang mga hinirang." -Mateo 24:3-12;24

PANAHON pa ng Panginoong Hesus at mga alagad NAPAKALINAW na ng BABALA! Darating ang mga HUWAD na mangangaral at gagamitin ang pangalan ng ating Panginoong HesuKristo para makapanlinlang! Sounds familiar!

Kailan pa itong babalang ito? Mahigit 1,432 TAON bago pa sumulpot ang Protestantismo noong 1517!  Mahigit 1,829 TAON bago pa itatag ni G. Felix Manalo ang kanyang INC™ noong 1914!

At nakakapangilabot na SILA pa ang may lakas-loob na gamitin ang mga talata ng Biblia ukol sa pagdating mga mga bulaang propeta samantalang SILA ang katuparan ng mga hulang ito?

Si APOSTOL SAN PABLO, hindi rin nagpahuli sa PAGBIBIGAY ng kaparehong BABALA. Aniya:

"Sapagkat darating ang panahon na hindi na maaatim ng mga tao ang mabuting aral; sa halip, dala ng kanilang mga pithaya at sa pangangati ng kanilang mga tainga ay magbubunton sa kanilang sarili ng mga guro at itatalikod ang tainga sa katotohanan at ibabaling naman sa mga alamat." -II Timoteo 4:3-4

Hindi nga ba't ALAMAT lamang ang PAG-AANGKIN ni G. Felix Y. Manalo SIYA AY ANGHEL na hinulaan daw sa Biblia? 

Hindi ba't ALAMAT din ang PAG-AANGKIN nila na ang pagsulpot raw ng INC™ sa Pilipinas noong 1914 ay nahulaan din daw sa Biblia? 

At ang mga alamat na ito ay siyang kanilang saligan ng mga doktrina at turo nilang galing raw sa Diyos? 

Samantalang malinaw nilang INAMIN na si Felix Y. Manalo ang BUMALANGKAS at GUMAWA ng lahat ng TURO, LEKSIYON at DOKTRINA na kanilang ITINUTURO, PINANGANGARAL, PINAPANIWALAAN at SINASAMPALATAYANAN?!

Mas MATANDA pa ang BABALANG ITO kaysa sa PAGKAKATATAG ng INC™. Ang INC™ ay 106 taon pa lamang umiiral. Samantalang ang babalang ito ay mahigit 1,377 - 1,824 taon na!

Ngunit may PAKUNSWELO ang ating Panginoong Hesus sa ATING mga tunay na KAANIB sa TUNAY na Iglesia! Mataimtim niyang IPINANGAKO sa ATING mga HINIRANG na SIYA (SI CRISTO) ay SUMASAATIN sa LAHAT ng ARAW HANGGANG sa WAKAS ng PANAHON! (Mateo 28:20).

Kung SUMASAATIN ang ating Panginoong sa LAHAT NG ARAW, ibig lamang sabihin nito na HINDI NIYA INIWAN ang KANYANG IGLESIA

TALIWAS sa aral ng INC™ na NATALIKOD na raw na GANAP ang UNANG IGLESIANG TATAG ni Cristo, NANGAKO ang Panginong Hesus na HINDI AALIS, HINDI LILISAN at HINDI TATALIKOD sa KANYANG IGLESIA, kaya't MAKASISIGURADO tayong kailanman HINDI MATATALIKOD ang Kaniyang tatag na Iglesia (Mateo 16:18) 

At dahil diyan LALONG NALANTAD ang KASINUNGALINGAN ng mga ARAL at TURO ni G. Felix Y. Manalo ukol sa "TOTAL APOSTACY" o TULUYANG PAGTALIKOD daw ng SINAUNANG IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA!

At ang pangako niyang HINDI TATALIKOD ay MATUTUPAD, GANAP at HINDI MABABALI: "Lilipas ang langit at lupa ngunit di lilipas ang aking mga salita!" (Mateo 24:35) 

Kung MAY TUMALIKOD sa Unang Iglesia, HINDI si Cristo KUNDI si Felix Y. Manalo! Kung may NAGTAKWIL sa Unang Iglesia, hindi si Cristo kundi si G. Felix Y. Manalo!

At sa Kanyang pagparitong muli, ang mga TAPAT at HINDI TUMALIKOD sa TUNAY na IGLESIA, at HINDI NAGPADAYA sa mga BULAANG PROPETA ay MALILIGTAS

"Ang manatiling tapat hanggang sa wakas ay maliligtas!" -Mateo 24:13

FELIX Y. MANALO ULO AT TAGAPAGTATAG NG ng IGLESIA NI CRISTO® 1914

Ito ang KATOTOHANANG SINASALIGAN ng mga MAMAMAHAYAG na sinusulat nila sa mga pahayagan mula sa mga aklat-kasaysayan at mga encyclopedia: na ang Iglesia Ni Cristo na tatag sa Pilipinas ay opisyal na ITINATAG ni G. Felix Y. Manalo noong Hulyo 27, 1914. 

Sa tuwing sumasapit ang Hulyo 27 bawat taon, binabanggit ng mga mamamahayag na ang  Iglesia Ni Cristo® na sumulpot sa Pilipinas ay si FELIX MANALO ang NAGTATAG at ULO nito! !

"Iglesia ni Cristo Executive Minister Eduardo Manalo, the church's 3rd leader, follows in the footsteps of Iglesia founder Felix Manalo." -Rappler's article 'Key figures in the 2015 Iglesia ni Cristo controversy: Where are they now?'

"Some Philippine banknotes from 2014 also display the church’s seal in commemoration of the centenary, and July 27th (the day Felix Manalo founded the INC) was designated as a special non-working holiday in 2009." -Asia By Africa article 'Iglesia Ni Cristo: The controversial Filipino sect targeting Africa'

"A Protestant author, Dr. Arthur Leonard Tuggy, attributes the Iglesia Ni Cristo's fantastic grwoth to, among other factors, Dedicate laymen eager to spread their message and an effective deployment of ministers. "And behind all this," he notes, "was the continuing charismatic LEADERSHIP OF ITS FOUNDER-HEAD, FELIX MANALO, [emphasis mine] now firmly anchored to a doctrinal base as God's messenger for the Philippines..." -PASUGO May-June written by Isabelo T. Crisostomo



(Source: Britannica Encyclopedia Online)

(Source: Encyclopedia.com)

(Source: Wikipedia)


At kung may umanib man sa iglesiang TATAG ni G. F. Manalo, ito ay HINDI KAGANAPAN ng pananampalataya kundi ito ay KATITISURAN sapagkat WALANG ARAL ang BIBLIA para UMANIB sa isang HUWAD na iglesia, lalo na't ito ay malinaw na ITINATAG ng isang TAONG si G. FELIX MANALO

Ayon pa kay Ginoong Padlaoan Jr., [1:49] kung malalaman daw lamang ng mga inanyayahan kung GAANO KAHALAGA ang TUNAY na IGLESIA, "AYON SA BIBLIA", tiyak raw niyang marami ang hindi tatanggi.

Wala po tayong pagtatanggi sa KAHALAGAHAN ng TUNAY NA IGLESIA sapagkat ito isang bagay na LIKAS sa tao, ang UMANIB SA TUNAY at ITAKWIL ang HUWAD

Kung may PAGTATANGGI man sa pag-aanyaya ng mga mangangaral ng INC™ 1914 ay sapagkat ALAM ng TAO, AYON SA KASAYSAYAN na ang Iglesia Ni Cristo® ay HUWAD at ito'y NAGPAPANGGAP LAMANG na tatag ni Cristo, ngunit sa KATOTOHANAN ay SALAT!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."
Ang TUNAY na Iglesia ni Cristo, AYON SA BIBLIA at KASAYSAYAN ay IISA. Kung anong ITINATAG noong Iglesia ay SIYA PA RING IGLESIA NGAYON. Ang Iglesiang itinatag noon at Iglesia pa rin hanggang sa kasalukuyan ay walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA!

PASUGO Abril 1966, p. 46: “Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo."

PASUGO JULY AUGUST 1988 pp. 6. “Even secular history shows a direct time link between the Catholic Church and the Apostles, leading to the conclusion that the true Church of Christ is the Catholic Church.” 

PASUGO MARCH-APRIL 1992, p. 22: "The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century..."

At paano ba sasang-ayunan ng Biblia ang PAG-AANGKIN ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ARAL MULA SA BIBLIA ang itinuturo nila samantlaang NAKADEPENDE sila sa BIBLIA na NANGGALING sa IGLESIA KATOLIKA?!

(Source: Wikipedia/BiblicalCanon)

NAGBUBUNGA BA NG KABANALAN ANG MGA KAANIB SA INC™ 1914?

Tanong ulit ni G. Leonardo Pidlaoan Jr., [1:59] "PAG-ARALAN NATIN, GAANO NGA BA KAHALAGA ANG TUNAY NA IGLESIA? MAYROON BA ITONG MALAKING KINALAMAN PARA ANG ISANG TAO AY MAKAGAWA NG MABUTI PARA SA KANYANG IKABABANAL AT IKALILIGTAS?"

Kung KABANALAN lang naman ang pag-uusapan, HANGGANG sa KASALUKUYAN ay WALA pang namatay na kaanib ng INC™ ang MAITUTURING na "BANAL" sa tradisyonal at modernong pamantayan. WALA pa silang TAONG MAITUTULAD sa kabanalang PINAMALAS NINA Apostol San PEDRO, ni San FRANCISCO de Assisi. WALA pa silang taong katulad ni Mother TERESA ng Calcutta o ni Santo JUAN PABLO  II na kinilala ng buong mundo at binigyan ng parangal sa kanilang huling hantungan bilang pagkilala sa kanilang kabanalan at kabayanihan alang-alang sa pangalan ni Cristo at ng Kanyang iglesia?!



BULAANG PROPETA/MANGANGARAL

Sa kasaysayan ng PAGKAKATATAG ng Iglesia Ni Cristo® 1914, namatay si Ginoong Felix Y. Manalo na WALANG PALATANDAAN ng KABANALAN. Bagkos SIYA ay NAMATAY na NALAMATAN at NADUNGAISAN ang REPUTASYON dahil sa AKUSASYON ni ROSITA TRILLANES na siya raw di umanoy ay PINAGSAMANTALAHAN ni G. FELIX Y. MANALO.


Ganoon din ang PAGLALAHAD ng isang nagngangalang LESLI WOLFE ukol sa PAGKATAO ni G. Felix Y. Manalo bilang isang mangangaral noon sa nasabing kinaaniban niyang iglesia. 

Ayon daw sa salaysay ng kanyang asawa, si G. Felix Y. Manalo raw ay MAPANG-ABUSONG asawa at HINDI TAPAT sa kanilang KASAL. At dahil sa mga PASA na nakita sa kanyang asawa, si Ginoong Felix Y. Manalo ay napatunayang NAGKASALA (guilty) na nagresulta ng PAGKATIWALAG sa kanya.


Ganoon din si G. ERAÑO G. MANALO, HINDI rin siya NAKITAAN ng KABANALAN maliban sa PAGKILALA sa naging AMBAG niya sa PAGPAPALAGO at pagpapalaganap ng iglesiang MINANA niya sa kanyang yumaong amang si G. Felix Y. Manalo, bagay na gagawin ninuman na tumanggap ng isang pamanang pangkabuhayan.

At sa kasalukuyang Executive Minister na si G. EDUARDO V. MANALO, siya ay INAKUSAHAN mismo ng KANYANG PAMILYA ng PAGMAMALABIS at KURAPSIYON. Narito ang ilan sa mga balitang namayagpag sa buong mundo ukol sa di-umano'y korapsyon at pagmamalabis sa pamamahala ng INC™.

Kaya't sa naisin pa nating ipagpatuloy ang pakikinig sa kanilang episode, SAPAT SAPAT na sa ating malaman na sa pasimula pa lamang ng kanilang episode ay punung-puno na ito ng panlilinlang at pandaraya, bagay na hindi akma sa isang institusyon na nagpapakilalang "kay Cristo". 

Ang isang bagay na TUNAY NA SA DIYOS ay HINDI NANLILINLANG at HINDI NANDARAYA ng kapwa-tao. Hindi BABALUKTUTIN ang mga TALATA ng Biblia para sumakto sa kanilang mga baluktot na aral; at hindi aangkinin ang bagay na tanging sa Diyos at sa ating Panginoong Hesus lamang. At hindi ipagpapalagay na sa Diyos ang mga bagay na handog at nakalaan sa sanlibutan tulad ng Iglesia Ni Cristo® Incorporated na itinatag at rehistradong pagmamay-ari ni Ginoong Felix Y. Manalo!

PASUGO Mayo 1964, p. 1: “Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios sa huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

MAGTATAGUMPAY ANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO NOONG UNANG SIGLO AT MAHAHAYAG ANG KASINUNGALINGAN NG HUWAD NA IGLESIANG TATAG NOONG 1914. 




Jesus said: "You are Peter and upon this rock I will build MY church and the gates of hell shall not prevail against it." -Mt. 16:18 (emphasis mine)

[The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Online Encyclopedia Britannica]

Felix Manalo said: "Why, who is Quirino? He is a man just the same as I am. I am not afraid of him. Show fear to no man -- that is the best way to defend your rights. Members of MY church were beaten up, some killed because they refused to vote for Quirino." -Free Press, February 11, 1950 (emphasis mine)

[Iglesia ni Cristo (INC), (Tagalog: “Church of Christ”) Cristo also spelled Kristo, international Christian religious movement that constitutes the largest indigenous Christian church in the Philippines. It was established by Félix Ysagun Manalo in 1914. -Online Encyclopedia Britannica]

Pasugo explained: "'Note His words "My Church." 'My' is a possessive pronoun that denotes possession and ownership.'" - PASUGO January 1974, p. 8 (emphasis mine)

SAMAKATUWID, ang Iglesia noong Unang Siglo ay KAY CRISTO! At ang Iglesiang sumulpot lamang nitong 1914 ay KAY FELIX Y. MANALO! 


ANG IGLESIA KATOLIKA ANG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO!

"This is the sole Church of Christ, which in the Creed we profess to be one, holy, catholic and apostolic." These four characteristics, inseparably linked with each other, indicate essential features of the Church and her mission. The Church does not possess them of herself; it is Christ who, through the Holy Spirit, makes his Church one, holy, catholic, and apostolic, and it is he who calls her to realize each of these qualities." -Catechism of the Catholic Church (emphasis mine)

"The Church of Christ during the time of the Apostles became the Catholic Church of the bishops in the second century persecuted by the Roman emperors until the fourth century..." -PASUGO March-April 1992, p. 22 (emphasis mine)

PAREHONG OPISYAL na PINAHAHAYAG ng IGLESIA KATOLIKA at ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na ang TUNAY na IGLESIANG KAY CRISTO ay ang IGLESIA KATOLIKA!

At bilang pangwakas, ating pakinggan ang mga pahayag ng isang Muslim Imam ukol sa turo ng Iglesia Ni Cristo® 1914 laban sa Iglesia Katolika.

       

"Ang Biblia ba ninyo ay gawa ba ninyo yan?" Sabi, "Hindi!" 

"San ba nagmula ang biblia ninyo?" Sabi niya, "Sa iglesia, sa Iglesia Katolika Apostolika Romana." 

Sabi ko, "Iglesia Ni Cristo kayo, tapos yung Biblia ninyo ay nagmula sa Romana Katolika Apostolika? Hindi sila nakakaintindi sa Biblia nila, aklat ng Katoliko, hindi sila nakakaintindi. At kayong mga Iglesia Ni Cristo, NAGBABASA lamang, sa AKLAT NG MGA KATOLIKO, kayo ang nakakaintindi? 

Dahil the HISTORY OF THE BIBLE, we cannot deny, the history of the Bible was compiled, collected by the early Christian Catholics. While the Roman Catholics in this latest century they are reading the Bible, at ang BIBLIA ORIGINAL ay NAGMULA sa ROMANO KATOLIKO!" 

"Imposible na ang GUMAWA sa Biblia ng ROMANO KATOLIKO ay maiimpierno. Yung lumikha sa Biblia maiimpierno. Yung NAGBABASA maparaiso? Imposible naman!

Saturday, January 5, 2019

INC™ "My church" ayon kay G. Felix Manalo?

Hindi mahirap unawain ang lohika ng mga bayarang ministo ng INC™. Kung bakit "Iglesia Ni Cristo" raw ang pangalang inirehistro ni Ginoong Felix Manalo sa kanyang iglesia ay sapagkat ito (raw) ang binigkas ni Jesus sa Mateo 16:16-18 na "My church". 
Source: INC Media News
Kaya't kung susundin din natin ang parehong lohika, ang INC™ ay hindi dapat na ipangalan kay Cristo sapagkat hindi naman naparito sa Pilipinas si Cristo para irehistro ito. Dapat lamang na tawaging "Iglesia Ni Manalo" sapagkat hindi maikaila ninuman na si Ginoong Felix Manalo ang nagtatag nito noong 1914 sa Sitio Punta, Santa Ana, Lungsod ng Maynila (Pilipinas) ayon na rin sa kanilang PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5, "Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." At dahil mismong si G. Felix Manalo ang umangkin ng "my church" sa INC™ kaya't lalong lumilitaw na dapat lamang na ipangalan sa nagtatag ang INC™ ~ ang Iglesia Ni Manalo!

PASUGO Mayo 1952, p. 4

“Kung ang babalingan ng pag-uusapan ay ang nagtatag, dapat na siya ang may-ari ng itinatag, at sa kanya rin manggagaling ang mga aral at turo na ipinatutupad."



Saturday, December 1, 2018

Iglesia Ni Cristo® ~ "My Church" ayon kay G. Felix Manalo

Madalas na ipinagmamalaki ng mga kaanib ng samahan ni Felix Manalo sa larangan ng palitan ng kuru-kuro sa social media, maging sa kanilang mga programa sa telebisyon o radiyo, maging sa kanilang limbag na Pasugo, na ang "Iglesia Ni Cristo®" o INC™ raw ay hango sa pag-aangkin mismo ni Cristo sa Mateo 16:18 ng "AKING" iglesia o "MY" church. Kaya't nararapat lamang daw itong tawaging "Iglesia Ni Cristo®" tulad ng paliwanag ng isang INC™ sa ibaba:




JESUS CHRIST said so (Mt. 16:18)
"And so I say to you, you are Peter [not Felix Manalo], and upon this rock  I [not Felix Manalo] will build my [not Manalo] church, and the gates of the netherworld shall not prevail against it."[Christ's original Church will not be re-established!!! Hell shall NOT prevail! It's CHRIST'S CHURCH!]
Wala tayong dapat na pagtatalo-talo rito sapagkat sa kasaysayan ng ating kaligtasan, may IISANG IGLESIANG kilala sa buong mundo bilang TATAG ni Cristo.

Ang pagpapakilala ni Cristo ng "AKING IGLESIA" sa Mateo 16:18 ay hindi po nangangailangan ng PAGPAPAREHISTRO sa anumang gobyerno noon o hanggang sa kasalukuyan sapagkat WALANG IBANG IGLESIANG KILALA na itinatag si CRISTO kundi ang IGLESIA KATOLIKA  (Gk: καθολική Εκκλησία) noon hanggang ngayon.

Ayon sa Wikipedia, ang Iglesia Katolika ay ang PINAKAMATANDA sa kasaysayan...

The Catholic Church, also known as the Roman Catholic Church, is the largest Christian church, with approximately 1.3 billion baptised Catholics worldwide as of 2016. As the world's "oldest continuously functioning international institution", it has played a prominent role in the history and development of Western civilisation. The church is headed by the Bishop of Rome, known as the Pope. Its central administration, the Holy See, is in the Vatican City, an enclave within Rome, Italy.
Ayon naman sa BRITANNICA ENCYCLOPEDIA, ang Iglesia Katolika raw ay katumbas ng pagkakakilala sa buong ka-Kristianuhan sa buong kasaysayan nito:

At one level, of course, the interpretation of Roman Catholicism is closely related to the interpretation of Christianity as such. By its own reading of history, Roman Catholicism originated with the very beginnings of Christianity.

Paano tayo nakakasigurado na ang IGLESIA KATOLIKA nga ay siya pa ring TUNAY NA IGLESIANG tatag ni Cristo at magpahanggang ngayon sa kasalukuyan ay HINDI ito NATALIKOD tulad ng BINTANG ng mga Mormons (The Church of Jesus Christ of the Latter-day Saints) at ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo® - 1914?

Sa pamamagitan ng mga turo nitong HINDI nagbabago sa libong taon na itinuro ng mga Apostol sa pangunguna ni Apostol SAN PEDRO na siyang UNANG PAPA ng Iglesia. Sa nakaraang mahigit-kumulang na 2,018 taon ng Kristianismo, si PAPA FRANCISCO ay ang ika-266 Papa ng Iglesia Katolika ~ ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo!


Source: Britannica Encyclopedia
"MY CHURCH": ANG PAG-AANGKIN NI FELIX MANALO SA IGLESIA NI CRISTO®

Wala na tayong pagtatalo-talo pa sapagkat ayon sa PAMANTAYAN ng mga kaanib sa INC™ na kapag SINABI ni Cristo na "AKING IGLESIA" o "MY CHURCH" para mapatunayang may Iglesia si Cristo mula pa noong una (at hindi ito matatalikod kailanman ayon sa Kanyang ipinangako "hindi mananaig ang impierno (Mt. 16:17)" ito rin ang gagamitin nating PAMANTAYAN sa Iglesia Ni Cristo®-1914.

Sa lathala ng The Free Press noong  Pebrero 1950, INANGKIN ni G. Felix Manalo ang INC™ o IGLESIA NI CRISTO® bilang "MY CHURCH" o "AKING IGLESIA"

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo® ayon sa REHISTRO nito ay nilagdaan ni G. Felix Manalo bilang TAGAPAGTATAG gamit ang pangalang "Cristo" ngunit sa katunayan ay IGLESIA NI MANALO.

FELIX MANALO said:
Add caption

"Why, who is Quirino? He is a man just the same as I am. I am not afraid of him. Show fear to no man--that is the best way to defend your rights. Member of MY CHURCH were beaten up..." [Confirmation came right from the mouse of the horse! It's MANALO's CHURCH!]

PASUGO November 1940, p. 23:
“There is only one who could build a Church worthy for God.  Who is He-- Only Jesus Christ.  No man-- whether wise or fool, whether small or great-- has the right to build a Church." [FYM is a man, fool, made himself great has no right!]

PASUGO August-September 1964, p. 5, "Ang Katotohanan Tungkol sa INK-1914"
“When was the INK recorded or registered in the Philippines?  It was in July 27, 1914.  Truly the registration says Brother F. Manalo founded the INK."

PASUGO May 1968, p. 7:
“The true Church of Christ is only one.  This is the Church that Christ built.  If there are established (founded) churches today that claim to be the Church of Christ too, these are not real but fakes only." 

READ MORE: MY CHURCH

Sa pamamagitan ng kanilang lathala ay lalong lumilinaw na ang Iglesia Ni Cristo®-1914 ay HINDI  kay Cristo kundi sa mga MANALO lamang. Ito ay HINDI NAGMULA sa Diyos kundi nagmula sa mga Protestante! Hindi sila tunay na Kristiano kundi mga kulto! Hindi maka-Diyos kundi makasanlibutan!

Hanggang sa kasalukuyan, ang mga mamamahayag ay NAGPAPAKILALA pa rin sa INC™ bilang TATAG ni G. FELIX MANALO at hindi si Cristo! Sapagkat ito ay isang KATOTOHANANG hindi mapapalitan ninuman sa mga pahina ng kasaysayan ng tao!

GISING! Habang may panahon pa kayong magtika at bumalik sa tunay na Iglesia ni Cristo. Ito ang panawagan natin sa mga nasa ka-Diliman pa hanggang ngayon na lumapit na sa kaliwanagan ng tunay na Iglesia. 

Sa pahanon ng Adbiento (Advent), ihanda natin ang ating mga sarili sa pagdiriwang ng Kanyang kapanganakan upang sa Kanyang kaluwalhatian ay tayo'y dalisay na makikibahagi rito.

MALIGAYANG PAGDIRIWANG NG UNANG LINGGO NG ADBIENTO!