Showing posts with label Jesus Tao Lamang. Show all posts
Showing posts with label Jesus Tao Lamang. Show all posts

Saturday, July 6, 2019

SI CRISTO BA'Y NILALANG NG DIYOS AMA?

Ang TAO ayon sa Biblia ay NILALANG ng Diyos sa Kanyang wangis at larawan (Gen 1:27). MULA SA ALABOK ang LALAKI at BABAE ay NILALANG ng Diyos (Gen. 2:7)

Ang LIPI ni ADAN at EBA ay "mula sa ALABOK, hiningahan ng Diyos at nagkaroon ng buhay". (Katekismo ng Iglesia Katolika CCC § 262)

Samakatuwid ang lahat ng SALING-LAHI mula sa ating mga ninuno hanggang sa huling ipanganganak na lipi ni Adan at ni Eba ay mga TAO ~ LALANG ng DIYOS.

Ang isang malaking tanong sa mga kaanib ng Iglesiang tatag ni G. Felix Manalay ay ganito: Si CRISTO BILANG TAO ay NILALANG RIN BA NG DIYOS?

Sa mga palitan ng kuro-kuro ng mga kaanib ng INC™ 1914 at ng mga Katoliko, madalas nasasambit ng mga INC™ na si Cristo ay TAO LAMANG at SI CRISTO ay NILALANG ng DIYOS AMA.

Ngunit kung sila ay hinihingan ng patunay mula sa Banal na Kasulatan kung saan nasusulat na si Cristo ay NILALANG (created) ng Diyos Ama, sila ay nagagalit lamang sapagkat alam nila na WALANG TALATA sa Biblia na nagpapatunay na si Cristo ay nilalang nga ng Diyos Ama.

SI HESUS AY HINDI NILALANG (not created) NG DIYOS AMA AYON SA BIBLIA

Malinaw na sinasalungat ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 ang Biblia sapagkat WALANG turo ang Biblia na na si CRISTO AY TAO LAMANG kaya't Siya ay nilalang ng Diyos Ama.

Ang itinuturo ng Biblia ay si CRISTO AY NAGKATAWANG-TAO at wala ang salitang "TAO LAMANG". Ang "lamang" (only) na pilit ikinakabit sa pagiging tao ni Cristo ay pantakip lamang at pilit na pinalalabas na si Cristo ay "HINDI DIYOS kailanman" at Siya sa pasimula pa ay tao at  sa Kanyang pagbabalik tao pa rin siya tulad ng nasusulat sa kanilang opisyal na magasing Pasugo, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin);
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”
TAO ang KALAGAYAN ni CRISTO at hindi raw Siya naging Diyos kailanman! Kalapastanganan! Mga mandaraya at mga sinungaling!  Kapansin-pansin na AYAW nilang TANGGAPIN at KILALANIN ang KALIKASAN NI CRISTO bilang Diyos.  Pilit nilang pinaniniwalaan na si Cristo ay tao at dinugtungan pa ng salitang "lamang". Halos maliitin at yurakan na nila ang Panginoong Hesus samantalang kanilang ipinagmamataas at pinagmamapuri na si Felix Y. Manalo ay isang ANGHEL daw, bagay na kahit sa isang kudlit ay hindi nababasa sa Biblia. Kahindik-hindik! Si Cristo, TAO LAMANG samantalang si Felix Manalo (na isang tao lamang) ay ANGHEL, mas mataas pa kay Hesus! Diyos ko po!


Ang sabi ng Biblia ay malinaw: Na si Cristo ay Tao sapagkat Siya an nagkatawang-tao.  Ngunit hindi sinasabi ng Biblia na na Siya ay Tao Lamang. Siya ay totoong TAO sa KALAGAYAN ngunit Kanyang KALIKASAN ay DIYOS! SIYA ang SALITA NG DIYOS (Juan 1:1), ang SALITANG NAGLALANG SA SANLIBUTAN (Juan 1:3), SI JESUS ~ SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO!

Iyan ang pagbubuod ni Apostol San Juan ukol sa misteryo ng pagiging-tao ni Cristo.  Ito ay SINAMPALATAYANAN ng BUONG KAKRISTIANUHAN sa loob ng halos mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakalilipas.  Bilang katuparan sa mga hula ng pagdating nga mga bulaan propeta na magtuturo ng mali (Efeso 4:11-14), noong ang 1,914 may isinugong isa pang bulaang propeta at binuhay ang matagal nang patay na katuruan ni Arius na si Cristo ay hindi raw Diyos. 

Kung may isang bagay na natupad sa Biblia ay ang pagdating ng mga bulaang propeta tulad ni Felix Manalo at iba pa!

Hindi tayo tututol sa pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ 1914 tungkol sa Diyos: Na ang Diyos ay Espiritu  sapagkat ito naman ay nasusulat sa Juan 4:24.  Ngunit sa takdang panahong dapat nang ibunyag ng Diyos ang Kanyang dakilang panukala na ililigtas ang tao, ang Diyos na Espiritu ay nagkalaman (Juan 1:1), nagkaroon ng anyo (Filipos 2:5-8), at nagkaroon ng dugo (Gawa 20:28).

Sa kabuuan ng ating talakayan, wala po tayong masusumpungan sa Biblia na sinasabing SI CRISTO AY ISANG NILALANG NG DIYOS AMA. (The Jesus was created by God the Father). Kundi, ang ating mababasa ay ang DIYOS ang LUMALANG sa lahat sa PAMAMAGITAN ng Kanyang SALITA (Juan 1:3). Ang Salita ng Diyos ay isang Persona, NAGKATAWANG-TAO, namatay, nabuhay na mag-uli at MULING BABALIK bilang DIYOS (Pahayag 22:13).



Si Mario Joseph, isang dating Muslim Imam (pari) na nagbalik-loob sa TUNAY ka Iglesia (Katolika) ay nagsabi ng ganito:

[6:23] "And then about Jesus, when I read chapter 3 verses 45 to 55 verses, there are ten (10) points which the Qur'an makes about Jesus: The first thing the Qur'an says, kalimat al'ilh (كلمة الاله), the Arabic word which means "WORD OF GOD".  And the second thing, rawh allah (روح الله) which means SPIRIT OF GOD. And the third Eisaa Almasih (يسوع المسيح) which means JESUS CHRIST. So Qur'an gives the NAME OF JESUS: WORD OF GOD, SPIRIT OF GOD, JESUS CHRIST. 
[7:05] "So I think that He (Jesus) can GIVE LIFE. He gave life to mud, clay."

[7:16] "Continuously the Qur'an says that Jesus gave life to dead people; Jesus went to heaven; HE IS STILL ALIVE; and HE WILL COME AGAIN. When I saw all these things in Qur'an my thinking what the Qur'an says about Muhammad."

[7:30] "You know according to the Qur'an, the Prophet Muhammad is NOT the Word of God; NOT the Spirit of God; never spoke when he was two (2) years old; never created any bird with mud; never cured any sick people; never raised any dead people; he himself died, and according to Islam he is NOT ALIVE, and he will not come back."
[7:50] "I don't call Jesus God, you know. My idea was He's a Prophet but He is a prophet greater than Muhammad. So one day I went to my teacher, the one who taught me ten (10) years in Arabic College, and I asked him, "Teacher, how did God create the universe?" Then he said, "God created the universe through the Word. THROUGH THE WORD." Then my question: "WORD CREATOR OR CREATION?" Must clear it. My question: Whether the WORD OF GOD is CREATOR or CREATION? Qur'an says JESUS IS WORD OF GOD. If my teacher says that the Word of God is Creator, which means JESUS IS CREATOR. Then the Muslims must be Christians."  
[8:31] "Suppose he if he says the Word is creation, he will be trapped. You know why? He said everything was created THROUGH THE WORD. Suppose he said the Word is creation, then how did God created the Word?"
Ganito rin ang tanong natin sa mga kaanib ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo: Ang SALITA ba ay TAGAPAG-LALANG o NILALANG?  

Ang kanilang kasagutan marahil ay ang SALITA raw ay ISANG PANUKALA o PLANO (ng Diyos). Tanong pa rin natin ay ganito: ang isang PLANO ba ay UMIIRAL (existing BEING) na o nasa isip pa lamang ng nagpaplano? Kung ang Salita (Verbo) ay isang panukala o plano, ito ay nasa isip pa lamang ng nagpaplano, hindi sya existing being. Pero kung ang Salita (Verbo) ay isang existing being na, hindi siya plano o panukala kundi isa siyang umiiral na Persona.

At upang patunayan namin sa inyo mga kababayan na si Cristo bilang VERBO (Salita) ay HINDI PANUKALA o PLANO, KUNDI SIYA AY ISANG PERSONA mula sa pasimula pa, ating sipiin ang PAHAYAG NI CRISTO ukol sa KANYANG SARILI laban sa mga bulaang propeta tulad nina Ginoong Felix Y. Manalo.

Sa Juan 8:48-59 ay ganito: 


"Tunay na tunay kong sinasabi sa inyo, na BAGO PA LALANGIN SI ABRAHAM, AKO AY AKO NA!" (Isang pahiwatig na mahigit 500 taon nung kapanahunan niya sa kalagayan bilang tao, bago pa lalangin si Abraham SIYA ay NAROON [existing being] na!)

Heto pa ang nasa Juan 6: 62:


"Paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na UMAKYAT SA KINAROROONAN NIYA NOONG UNA?" (Isang pahiwatig na si Cristo ay Diyos bago pa sa pasimula na mababasa rin natin sa Juan 1:1)

Sa Kanyang mga pahayag ukol sa Kanyang kalikasan, NABABATID ng mga HUDYO na PINALALAGAY ni CRISTO na SIYA NGA AY DIYOS sa kabila ng kanyang kalagayan bilang tao. Dadampot sana sila ng bato upang patayin si Cristo ~ bilang kaparusahan sa mga umaalipusta sa kaisahan ng Diyos (blasphemy) sa Juan 10:32-33):


"Kaya winika sa kanila ni Jesus, 'Maraming kabutihan akong ginawa sa harp ninyo na gaing sa Ama; alin ba sa mga ito ang dahilan ng pagbabato ninyo sa akin?' Sinagot siya ng mga Judio, "Hindi ka namin binabato dahil sa gawang mabuti, kundi sa iyong paglait sa Diyos; sapagkat IKAW NA ISANG TAO LAMANG AY NAGPAPANGGAP NA DIYOS."(Si Cristo bilang isang matuwid na guro, inamin sana Niya na MALI ang kanilang iniisip tungkol sa Kanya, ngunit HINDI niya ginawa sapagkat alam niyang TAMA ang kanilang iniisip tungkol sa Kanya.)
Sa Juan 13:31-32 ay ganito naman ang pagpapakilala ni Cristo:


"Ngayon ay niluluwalhati na ang Anak ng Tao, sa kanya naman ay niluluwalhati ang Diyos. Kung ang Diyos ay niluwalhati na sa kanya, siya ay luluwalhatiin naman ng Diyos sa kanyang sarili at luluwalhatiin siya kapagdaka." (Ang Diyos ay luluwalhati kay Cristo sa Kanyang kalagayan bilang Tao, sapagkat sa Kanyang kalagayan, Siya ay Diyos sa kalikasang taglay niya bago pa lalangin ang sanlibutan).
Juan 17:5;

"Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa harap mo ng KALUWALHATIANG TINAGLAY KONG KASAMA MO BAGO PA LALANGIN ANG SANLIBUTAN." (Punto! Si Cristo sa kalikasan niya bilang Diyos ay naroon na kapiling ang Diyos Ama bago pa lalangin ang sanlibutan. Patunay na ang Verbo (Salita) ay HINDI panukala ng Ama kundi Siya ay isang Persona kasama na ng Diyos Ama!) 
"Nababatid nating dumating ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng KAALAMAN upang MAKILALA ANG KATOTOHANAN. sa Kanyang Anak na si Jesucristo. SIYA ANG DIYOS NA TUNAY AT BUHAY NA WALANG HANGGAN." (Malinaw na ba?!)

Isang Kalunus-lunos na kasasapitan ng mga umaanib sa mga maling aral ng mga bulaang propeta tulad ni Ginoong Felix Y. Manalo.  



At bilang susog, ating sipiin ang PAGHAHATOL sa kanila ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7):


"Sapagkat nagkalat sa daigdig ang MARAMING MANDARAYA na AYAW KUMILALA na si JESUCRISTO (Diyos) ay NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang MANDARAYA at ANTI-CRISTO!" (Sa mga katulad nila na ayaw tanggapin ang kalikasan ni Cristo bilang Diyos na nagkatawang-tao (at nasumpungan sa kalagayan bilang tao), sila ay mga mandaraya, mga kampon ng kasamaan, mga kalaban ni Cristo, mga anti-Cristo!)

Sa mga nagsusuri pa rin hanggang sa kasalukuyan, lumisan na kayo sa mga iglesiang tatag ng TAO LAMANG at dumito na po tayo sa KAISA-ISANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO. Sapagkat dito sa TUNAY NA IGLESIA, ang HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN! (1 Tim. 3:15). Ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

Thursday, June 27, 2019

Magkatulad ang Katuruan Ngunit Magkaiba ang Inaanibang Iglesia: Iglesia Ni Cristo® vs Saksi Ni Jehova


Kaawa-awang isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng halos parehong katuruan ang Saksi ni Jehova na tatag ni Charles Taze Russell (Naiparehistro sa gobyerno ng USA noong 1884) at ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo (Naiparehistro sa gobyerno ng USA-Pilipinas noong 1914) ay HINDI pa rin MAGKASUNDO sa kung alin sa kanilang dalawa ang tunay na tatag ni Cristo?

Bukod sa ang kanilang mga tagapagtatag (Charles T. Russell at Felix Manalo) ay nagtatalo kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang TUNAY na mga SUGO raw ng Diyos, sa kanilang mga katuruan, parehong-pareho ang kanilang turo na si raw CRISTO AY TAO LAMANG at kailanman ay HINDI naging DIYOS.

Sa lathala ng mga Saksi ay ganito ang sinasabi:
"Hindi kailanman inangkin ni Jesus na siya'y Diyos, ngunit inamin niya na siya ang ipinangakong Mesiyas, o Kristo. Sinabi rin niya na siya ang "Anak ng Diyos," hindi ang Diyos." (Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, p. 8-9)
Sa lathala naman ng INC™ sa kanilang opisyal na magasing Pasugo ay ganito:
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.” -PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Pero ayon sa Biblia, sinabi mismo ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga taga-Filipos na si Cristo sa KALAGAYAN ng Tao ay nasa kanya ang KALIKASAN ng pagka-Diyos.  Ang sabi niya, si CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS, bagay na di niya inangkin, bagkus KANYANG HINUBAD.
"Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman: Na siya, bagama't nasa anyong Dios..." (Filipos 2:5-6)
Napakalinaw! Si Cristo ay NASA ANYONG DIYOS ngunit HINDI NIYA INANGKIN ang pagka-Diyos. Kaya't sa kanyang KALAGAYAN bilang TAO, siya ay nasusumpungan sa kanyang mga sinasalita na siya ay totoong Tao nga naman, NGUNIT HINDI NIYA SINABING "TAO LAMANG" siya! 

Si Hesus ay NAGPAKABABA. Siya ay NAGING MASUNURIN. Masunuring hanggang sa kamatayan. Hindi lamang natural na kamatayan kundi isang bukod tanging uri ng KAMATAYAN ~ ang kamatayan sa Krus.

Dahil dito, DINAKILA ng DIYOS AMA ang DIYOS ANAK sa Kanyang habang siya ay nasa KALAGAYAN ng TAO sapagkat naging masunurin at GINAMPANAN ang plano ng Ama para sa kaligtasan ng sanlibutan.
"Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;  Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesuc isto ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama!" (Filipos 2:9-11)
Nawala ba ang pagka-Diyos ni Cristo noong siya ay nagkatawang-tao?  Hindi!

Sinabi ba ng Banal na Aklat na si Cristo ay Tao LAMANG?! Hindi!

Sinabi ba ng Biblia na si Cristo ay LALANG (created) ng Diyos Ama? Hindi!

Ang pagka-Diyos ni Cristo ay hindi naman parang isang damit na kapag hinuhubad ay nawawala. ang kanyang KALIKASAN bilang DIYOS ay hindi parang isang mantsa (stain) na kapag nilagyan ng bleach ay nawala na. 

Ang pagiging Diyos ni Cristo ay ang KANYANG KALIKASAN at ang Kanyang PAGIGING TAO ay Kanyang pinili ngunit kailanman ay HINDI nawala ang kanyang pagka-DIYOS mula bago pa lalangin ang sanlibutan hanggang sa kanyang pagparitong muli ay ang kanyang KALAGAYAN. 



Sa maikling salita, si Cristo ay TAO sa kalagayan ngunit DIYOS sa kalikasan! Totoong Diyos at Totoong Tao!

"At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon." -Juan 17:5

"...bago pa lalangin si Abraham, ako ay ako na!" -Juan 8:58

Halos mahigit 2,000 ang tanda ni Abraham kay Jesus ngunit sabi ng Hesus ay NAROON na siya bago pa man lalangin si Abraham.  

Kung Tao Lamang si Hesus, hindi niya aangkinin ang kanyang pag-iral (existence) 2,000 taon bago pa isilang si Hesus sa kalagayan bilang tao.

Ang sagot naman ng mga INC™ riyan ay si Hesus raw ay PLANO (Verbo) ng Ama kaya't ang plano raw ng Ama ay ang nagkatawang tao at hindi si Hesus (Juan 1:1-3).

Ngunit ang kanilang argumentong ito ay matutunaw sa sinag ng katotohanan ng Biblia. Sapagkat ang sabi ng Biblia ay ang VERBO AY DIYOS (Juan 1:1) ay NAGKATAWANG-TAO (Juan 1:14). At ang VERBONG DIYOS na ito na NAGKATAWANG TAO ay walang iba kundi si Jesus.

"Sapagkat nagkalat sa daigdig ang maraming mandaraya na ataw kumilala na SI JESUCRISTO AY NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang mandaraya at ang anti-Cristo." -2 Juan 1:7

Kahindik-hindik nga naman ang mga tampalasan, mga sinungaling at mga mandaraya! Mga manlilinlang! Mga kalaban ni Cristo ~ mga ANTI-CRISTO!

Kaya't sa mga sumusuri, huwag magpalinlang. Huwag hayaan ang kanilang mga kasinungalingan at kamangmangan na sumakop sa inyong pananampalataya sa Iglesia Katolika! Sapagkat bago pa sila ay TAYO NA! Sila ay sulpot na mga manlilinlang tulad ng mga hula ng Biblia. Mapagmasid, magdasal upang hindi matangay at mag-aral ng Banal na Biblia ayon sa UNAWA ng Santa Iglesia at hindi ng mga bulaang propeta na ginagamit ang kanilang maling unawa upang ipaliwanag ang Banal na Kasulatan.

MABUHAY PO ANG DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO! MABUHAY ANG BANAL NA SANTATLO! MABUHAY ANG NAG-IISANG DIYOS AT ANG KANYANG BANAL NA IGLESIA KATOLIKA!


Sunday, June 23, 2019

BABALA NG BIBLIA SA MGA BULAANG PROPETANG AYAW TANGGAPIN SI CRISTONG (DIYOS) NAGKATAWANG-TAO

Ganito ang sabi ng mga INC™:



Mga inaralan ng mga bulaang propeta kaya't salat sa katotohanan ang kanilang kaalaman!

Una, ang MATEO 24:11 ay hindi LABAN sa mga nagtuturong si CRISTO AY DIYOS kundi ito ay bahagi lamang ng KAISAHAN ng turo ng Biblia laban sa mga BULAANG PROPETA na ITINATAKWIL si CRISTO na NAGKATAWANG-TAO.


Mateo 24:11 "Lilitaw ang maraming huwad napropeta upang iligaw ang mga tao.

Ngunit bago pa ang versikulo 11 ay ating basahin ang mga naunang talata. Sa Mateo 11: 9-10 ay ganito ang sinasabi: "Pagkatapos, kayo ay isasakdal, pahihirapan at papatayin; tunay na kapopootan kayo ng marami dahil sa akin.  Marami ang mawawalan ng pananampalataya, magkakanulo at mapopoot sa isa't isa."

Sa Mateo 24:9-10, kailan ba sinakdal ang INC™? Kailan ba sila pinahirapan? Sino na ba ang pinatay sa kanilang hanay dahil siya ay kaanib ng INC™? Sila nga ba ang kinapopootan ng marami? 

Sa pagdating ng mga bulaang propeta, ang tunay na Iglesia ay isasakdal, pahihirapan at papatayin; kinapopootan ng marami.. IYAN ang IGLESIA KATOLIKA sa kasalukuyan.

SINO NGA BA ANG MGA TUNAY NA MGA BULAANG PROPETA?

Ang sabi ng Biblia ang mga bulaang propeta ay ang mga taong HINDI TUMATANGGAP KAY CRISTO NA NAGKATAWANG TAO!

1 Juan 1:15-18: "Batay sa inyong narinig na dumarating na ang anti-Cristo, marami nang anti-Cristo ang dumating; kung kaya nalalaman nating sumapit na ang huling oras."

1 Juan 11:19: "Sa atin sila naggaling ngunit hindi sila atin, sapagkat kung sila ay atin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ito ay nangyari upang matanyag na silang lahat ay hindi atin." 

Ang sabi ng Biblia ay sumapit na nga ang mga huling mga araw sapagkat DUMATING na ang mga ANTI-CRISTO!

Sino sila?

Ang mga BULAANG PROPETA raw ay NANGGALING SA ATIN! Ngunit HINDI NA SILA SA ATIN sapagkat tayo ngayo'y INAATAKE nila!

PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Hindi ba't si FELIX MANALO ay GALING SA ATIN (KATOLIKO) at tayo ngayon ang INAAWAY nila? Kaya't HINDI NA SIYA SA ATIN! Natupad nga naman sa kanya ang sinasaad ng Biblia.

Source: Wikipedia/Felix Manalo
At bakit naman natin sinasabing ANTI-CRISTO si Felix Manalo?

Sapagkat IPINANGANGARAL niya at ng mga kaanib nito na si CRISTO AY HINDI DIYOS ~ isang bagay na tinututulan ng Banal na Biblia.

Filipos 2:5-6 "Taglayin ninyo ang mga damdamin na tinaglay din ni CRISTO JESUS, na bagaman NASA KANYA ANG KALIKASAN NG DIYOS ay hindi niya inangkin ang matulad sa Diyos..."

Juan 1:1;14 "Sa mula't mula pa ay may Verbo na, at ang Verbo ay sumasa Diyos, at ANG VERBO AY DIYOS!... At NAGKATAWANG-TAO ang VERBO at nakipamayan sa atin!"

Ang linaw-linaw ng sinasabi ng Biblia. NA SI CRISTO AY NASA ANYONG DIYOS at bagaman SIYA AY DIYOS ay piniling MAGKATAWANG-TAO (kaya't ang Diyos ay may anyo at may dugo!)


Isang KASINUNGALINGAN, PANDARAYA at PANLILINLANG ang sabihin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na itinuturo ng Biblia na HINDI Diyos si Cristo!

At ANONG KAPALARAN ng mga MANGANGARAL ng kasinungalingang ito? Sila raw ay ang mga ANTI-CRISTO o KALABAN NI CRISTO!

2 Juan 1:7 "Sapagkat NAGKALAT sa daigdig ang MARAMING MANDARAYA na AYAW KUMILALA NA SI JESUCRISTO (DIYOS) AY NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang mandaraya at ang ANTI-CRISTO!"

At sa darating na panahon, lahat ay TITINGALA sa LANGIT, pati ang mga kaanib ng INC™ 1914 na hindi kumikilala kay Cristo bilang Diyos na nagkatawang-tao; MAKIKITA nila si Cristo pati ang SUMUGAT SA KANYA.

At mula sa alapaap, magwiwika si JESUS na Diyos "Ako ang Alpa at ang Omega" wika ng Panginoong Diyos, na nabubuhay ngayon, noong una at paririto, ang Makapangyarihan sa lahat! (Pahayag 1:8)

At sa mga UMALIS sa TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ~ ang IGLESIA KATOLIKA ~ halina at bumalik sa Kanya sapagkat sa Kanyang pagparito ay ang TUNAY na Iglesia ang Kanyang ililigtas, hindi ang peke!

"Tayo ay sumasa katotohanan, sa kanyang Anak na si Jesucristo. SIYA ANG DIYOS NA TUNAY AT BUHAY na walang haggan." (1 Juan 1:20)


Sunday, June 24, 2018

ITAKWIL ANG MANGANGARAL NA SI CRISTO AY 'TAO LAMANG'! SILA AY MGA KALABAN NI CRISTO ~ MGA ANTI-CRISTO!

ANG TURO NG NAGPAPANGGAP NG TUNAY RAW NA "IGLESIA" NI CRISTO!


TALIWAS ITO SA TURO NG TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ~ ANG IGLESIA KATOLIKA ~ SALUNGAT ITO SA BIBLIA!


KAYA'T SA MGA DI TUMATANGGAP NG KATOTOHANANG ITO TINUKOY SILA NI APOSTOL SAN PABLO BILANG MGA KALABAN NI CRISTO O MGA ANTI-CRISTO! SILA AY MGA MANDARAYA AT MGA MANLILINLANG NA MGA MANGANGARAL!


AT MAY BABALA SI APOSTOL SAN PABLO SA MGA TAONG TUMATANGGAP SA MGA MANDARAYANG MANGANGARAL NG LABAN KAY CRISTO!



Saturday, July 29, 2017

Si CRISTO ay DIYOS! Iyan ang Sinasampalatayanan ng mga Tunay na Kaanib ng Tunay na Iglesia ni Cristo!

Si Cristo ay DIYOS. Isang bagay na mahirap pasinungalingan ng mga kaanib ng samahan ni Felix Manalo. Bagama't sila ay naniniwalang TAO LAMANG si Cristo, sa mga tunay na sumasampalataya sa TUNAY na Iglesia ni Cristo, si Cristo ay TOTOONG TAO at TOTOONG DIYOS. Ang sabi ng Banal na Biblia, ang pagiging TAO ni Cristo ay sapagkat Siya ay NAGKATAWANG-TAO -- ulitin ko po --nagKATAWANG-TAO -- o NAGING TAO sa pamamagitan ng paglukob ng Banal na Espiritu kay Inang Santa Maria - DIYOS na NAGKATAWANG-TAO! Hindi "TAO LAMANG" na naging Tao!