Saturday, July 6, 2019

SI CRISTO BA'Y NILALANG NG DIYOS AMA?

Ang TAO ayon sa Biblia ay NILALANG ng Diyos sa Kanyang wangis at larawan (Gen 1:27). MULA SA ALABOK ang LALAKI at BABAE ay NILALANG ng Diyos (Gen. 2:7)

Ang LIPI ni ADAN at EBA ay "mula sa ALABOK, hiningahan ng Diyos at nagkaroon ng buhay". (Katekismo ng Iglesia Katolika CCC § 262)

Samakatuwid ang lahat ng SALING-LAHI mula sa ating mga ninuno hanggang sa huling ipanganganak na lipi ni Adan at ni Eba ay mga TAO ~ LALANG ng DIYOS.

Ang isang malaking tanong sa mga kaanib ng Iglesiang tatag ni G. Felix Manalay ay ganito: Si CRISTO BILANG TAO ay NILALANG RIN BA NG DIYOS?

Sa mga palitan ng kuro-kuro ng mga kaanib ng INC™ 1914 at ng mga Katoliko, madalas nasasambit ng mga INC™ na si Cristo ay TAO LAMANG at SI CRISTO ay NILALANG ng DIYOS AMA.

Ngunit kung sila ay hinihingan ng patunay mula sa Banal na Kasulatan kung saan nasusulat na si Cristo ay NILALANG (created) ng Diyos Ama, sila ay nagagalit lamang sapagkat alam nila na WALANG TALATA sa Biblia na nagpapatunay na si Cristo ay nilalang nga ng Diyos Ama.

SI HESUS AY HINDI NILALANG (not created) NG DIYOS AMA AYON SA BIBLIA

Malinaw na sinasalungat ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 ang Biblia sapagkat WALANG turo ang Biblia na na si CRISTO AY TAO LAMANG kaya't Siya ay nilalang ng Diyos Ama.

Ang itinuturo ng Biblia ay si CRISTO AY NAGKATAWANG-TAO at wala ang salitang "TAO LAMANG". Ang "lamang" (only) na pilit ikinakabit sa pagiging tao ni Cristo ay pantakip lamang at pilit na pinalalabas na si Cristo ay "HINDI DIYOS kailanman" at Siya sa pasimula pa ay tao at  sa Kanyang pagbabalik tao pa rin siya tulad ng nasusulat sa kanilang opisyal na magasing Pasugo, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin);
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa araw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”
TAO ang KALAGAYAN ni CRISTO at hindi raw Siya naging Diyos kailanman! Kalapastanganan! Mga mandaraya at mga sinungaling!  Kapansin-pansin na AYAW nilang TANGGAPIN at KILALANIN ang KALIKASAN NI CRISTO bilang Diyos.  Pilit nilang pinaniniwalaan na si Cristo ay tao at dinugtungan pa ng salitang "lamang". Halos maliitin at yurakan na nila ang Panginoong Hesus samantalang kanilang ipinagmamataas at pinagmamapuri na si Felix Y. Manalo ay isang ANGHEL daw, bagay na kahit sa isang kudlit ay hindi nababasa sa Biblia. Kahindik-hindik! Si Cristo, TAO LAMANG samantalang si Felix Manalo (na isang tao lamang) ay ANGHEL, mas mataas pa kay Hesus! Diyos ko po!


Ang sabi ng Biblia ay malinaw: Na si Cristo ay Tao sapagkat Siya an nagkatawang-tao.  Ngunit hindi sinasabi ng Biblia na na Siya ay Tao Lamang. Siya ay totoong TAO sa KALAGAYAN ngunit Kanyang KALIKASAN ay DIYOS! SIYA ang SALITA NG DIYOS (Juan 1:1), ang SALITANG NAGLALANG SA SANLIBUTAN (Juan 1:3), SI JESUS ~ SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO!

Iyan ang pagbubuod ni Apostol San Juan ukol sa misteryo ng pagiging-tao ni Cristo.  Ito ay SINAMPALATAYANAN ng BUONG KAKRISTIANUHAN sa loob ng halos mahigit kumulang na 2,000 taon na ang nakalilipas.  Bilang katuparan sa mga hula ng pagdating nga mga bulaan propeta na magtuturo ng mali (Efeso 4:11-14), noong ang 1,914 may isinugong isa pang bulaang propeta at binuhay ang matagal nang patay na katuruan ni Arius na si Cristo ay hindi raw Diyos. 

Kung may isang bagay na natupad sa Biblia ay ang pagdating ng mga bulaang propeta tulad ni Felix Manalo at iba pa!

Hindi tayo tututol sa pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ 1914 tungkol sa Diyos: Na ang Diyos ay Espiritu  sapagkat ito naman ay nasusulat sa Juan 4:24.  Ngunit sa takdang panahong dapat nang ibunyag ng Diyos ang Kanyang dakilang panukala na ililigtas ang tao, ang Diyos na Espiritu ay nagkalaman (Juan 1:1), nagkaroon ng anyo (Filipos 2:5-8), at nagkaroon ng dugo (Gawa 20:28).

Sa kabuuan ng ating talakayan, wala po tayong masusumpungan sa Biblia na sinasabing SI CRISTO AY ISANG NILALANG NG DIYOS AMA. (The Jesus was created by God the Father). Kundi, ang ating mababasa ay ang DIYOS ang LUMALANG sa lahat sa PAMAMAGITAN ng Kanyang SALITA (Juan 1:3). Ang Salita ng Diyos ay isang Persona, NAGKATAWANG-TAO, namatay, nabuhay na mag-uli at MULING BABALIK bilang DIYOS (Pahayag 22:13).



Si Mario Joseph, isang dating Muslim Imam (pari) na nagbalik-loob sa TUNAY ka Iglesia (Katolika) ay nagsabi ng ganito:

[6:23] "And then about Jesus, when I read chapter 3 verses 45 to 55 verses, there are ten (10) points which the Qur'an makes about Jesus: The first thing the Qur'an says, kalimat al'ilh (كلمة الاله), the Arabic word which means "WORD OF GOD".  And the second thing, rawh allah (روح الله) which means SPIRIT OF GOD. And the third Eisaa Almasih (يسوع المسيح) which means JESUS CHRIST. So Qur'an gives the NAME OF JESUS: WORD OF GOD, SPIRIT OF GOD, JESUS CHRIST. 
[7:05] "So I think that He (Jesus) can GIVE LIFE. He gave life to mud, clay."

[7:16] "Continuously the Qur'an says that Jesus gave life to dead people; Jesus went to heaven; HE IS STILL ALIVE; and HE WILL COME AGAIN. When I saw all these things in Qur'an my thinking what the Qur'an says about Muhammad."

[7:30] "You know according to the Qur'an, the Prophet Muhammad is NOT the Word of God; NOT the Spirit of God; never spoke when he was two (2) years old; never created any bird with mud; never cured any sick people; never raised any dead people; he himself died, and according to Islam he is NOT ALIVE, and he will not come back."
[7:50] "I don't call Jesus God, you know. My idea was He's a Prophet but He is a prophet greater than Muhammad. So one day I went to my teacher, the one who taught me ten (10) years in Arabic College, and I asked him, "Teacher, how did God create the universe?" Then he said, "God created the universe through the Word. THROUGH THE WORD." Then my question: "WORD CREATOR OR CREATION?" Must clear it. My question: Whether the WORD OF GOD is CREATOR or CREATION? Qur'an says JESUS IS WORD OF GOD. If my teacher says that the Word of God is Creator, which means JESUS IS CREATOR. Then the Muslims must be Christians."  
[8:31] "Suppose he if he says the Word is creation, he will be trapped. You know why? He said everything was created THROUGH THE WORD. Suppose he said the Word is creation, then how did God created the Word?"
Ganito rin ang tanong natin sa mga kaanib ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo: Ang SALITA ba ay TAGAPAG-LALANG o NILALANG?  

Ang kanilang kasagutan marahil ay ang SALITA raw ay ISANG PANUKALA o PLANO (ng Diyos). Tanong pa rin natin ay ganito: ang isang PLANO ba ay UMIIRAL (existing BEING) na o nasa isip pa lamang ng nagpaplano? Kung ang Salita (Verbo) ay isang panukala o plano, ito ay nasa isip pa lamang ng nagpaplano, hindi sya existing being. Pero kung ang Salita (Verbo) ay isang existing being na, hindi siya plano o panukala kundi isa siyang umiiral na Persona.

At upang patunayan namin sa inyo mga kababayan na si Cristo bilang VERBO (Salita) ay HINDI PANUKALA o PLANO, KUNDI SIYA AY ISANG PERSONA mula sa pasimula pa, ating sipiin ang PAHAYAG NI CRISTO ukol sa KANYANG SARILI laban sa mga bulaang propeta tulad nina Ginoong Felix Y. Manalo.

Sa Juan 8:48-59 ay ganito: 


"Tunay na tunay kong sinasabi sa inyo, na BAGO PA LALANGIN SI ABRAHAM, AKO AY AKO NA!" (Isang pahiwatig na mahigit 500 taon nung kapanahunan niya sa kalagayan bilang tao, bago pa lalangin si Abraham SIYA ay NAROON [existing being] na!)

Heto pa ang nasa Juan 6: 62:


"Paano kung makita ninyo ang Anak ng Tao na UMAKYAT SA KINAROROONAN NIYA NOONG UNA?" (Isang pahiwatig na si Cristo ay Diyos bago pa sa pasimula na mababasa rin natin sa Juan 1:1)

Sa Kanyang mga pahayag ukol sa Kanyang kalikasan, NABABATID ng mga HUDYO na PINALALAGAY ni CRISTO na SIYA NGA AY DIYOS sa kabila ng kanyang kalagayan bilang tao. Dadampot sana sila ng bato upang patayin si Cristo ~ bilang kaparusahan sa mga umaalipusta sa kaisahan ng Diyos (blasphemy) sa Juan 10:32-33):


"Kaya winika sa kanila ni Jesus, 'Maraming kabutihan akong ginawa sa harp ninyo na gaing sa Ama; alin ba sa mga ito ang dahilan ng pagbabato ninyo sa akin?' Sinagot siya ng mga Judio, "Hindi ka namin binabato dahil sa gawang mabuti, kundi sa iyong paglait sa Diyos; sapagkat IKAW NA ISANG TAO LAMANG AY NAGPAPANGGAP NA DIYOS."(Si Cristo bilang isang matuwid na guro, inamin sana Niya na MALI ang kanilang iniisip tungkol sa Kanya, ngunit HINDI niya ginawa sapagkat alam niyang TAMA ang kanilang iniisip tungkol sa Kanya.)
Sa Juan 13:31-32 ay ganito naman ang pagpapakilala ni Cristo:


"Ngayon ay niluluwalhati na ang Anak ng Tao, sa kanya naman ay niluluwalhati ang Diyos. Kung ang Diyos ay niluwalhati na sa kanya, siya ay luluwalhatiin naman ng Diyos sa kanyang sarili at luluwalhatiin siya kapagdaka." (Ang Diyos ay luluwalhati kay Cristo sa Kanyang kalagayan bilang Tao, sapagkat sa Kanyang kalagayan, Siya ay Diyos sa kalikasang taglay niya bago pa lalangin ang sanlibutan).
Juan 17:5;

"Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa harap mo ng KALUWALHATIANG TINAGLAY KONG KASAMA MO BAGO PA LALANGIN ANG SANLIBUTAN." (Punto! Si Cristo sa kalikasan niya bilang Diyos ay naroon na kapiling ang Diyos Ama bago pa lalangin ang sanlibutan. Patunay na ang Verbo (Salita) ay HINDI panukala ng Ama kundi Siya ay isang Persona kasama na ng Diyos Ama!) 
"Nababatid nating dumating ang Anak ng Diyos at binigyan tayo ng KAALAMAN upang MAKILALA ANG KATOTOHANAN. sa Kanyang Anak na si Jesucristo. SIYA ANG DIYOS NA TUNAY AT BUHAY NA WALANG HANGGAN." (Malinaw na ba?!)

Isang Kalunus-lunos na kasasapitan ng mga umaanib sa mga maling aral ng mga bulaang propeta tulad ni Ginoong Felix Y. Manalo.  



At bilang susog, ating sipiin ang PAGHAHATOL sa kanila ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7):


"Sapagkat nagkalat sa daigdig ang MARAMING MANDARAYA na AYAW KUMILALA na si JESUCRISTO (Diyos) ay NAGKATAWANG-TAO; ganyan nga ang MANDARAYA at ANTI-CRISTO!" (Sa mga katulad nila na ayaw tanggapin ang kalikasan ni Cristo bilang Diyos na nagkatawang-tao (at nasumpungan sa kalagayan bilang tao), sila ay mga mandaraya, mga kampon ng kasamaan, mga kalaban ni Cristo, mga anti-Cristo!)

Sa mga nagsusuri pa rin hanggang sa kasalukuyan, lumisan na kayo sa mga iglesiang tatag ng TAO LAMANG at dumito na po tayo sa KAISA-ISANG IGLESIANG TATAG NI CRISTO. Sapagkat dito sa TUNAY NA IGLESIA, ang HALIGI AT SALIGAN NG KATOTOHANAN! (1 Tim. 3:15). Ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo ay walang iba kundi ang IGLESIA KATOLIKA ayon sa PASUGO Abril 1966, p. 46.

No comments: