Showing posts with label INC Logo. Show all posts
Showing posts with label INC Logo. Show all posts

Sunday, July 23, 2017

Wala nga bang 'Originality' ang mga LOGO na gawa ng mga INC™?

Sa panulat ni G. Ebangelista, ang mga ginagamit daw na mga logo ng mga 'MANDIRIGMA' ng INC™ ay 'HIRAM' o kinuha lamang ng walang pahintulot sa may-akda mula sa internet at inaring parang orihinal na gawa raw nila ayon sa paratang ni G. Antonio Ebangelista. At ayon pa sa kanya sa bawat gumagamit o kumokopya raw ng mga kinopya ng nga kakampi ni G. Eduardo V. Manalo ay  pinagdadamutan sapagkat ito raw ay "protected" ng "copyright"nila.  

Narito ang mga halimbawang logo na kinopya nga raw ng mga INC™ mula sa internet ayon kay G. Ebangelista.






Tuesday, July 19, 2011

IPAGTANGGOL ANG SANTA IGLESIA

Opisyal na Logo ng samahang Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo
Nakakalungkot na sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga nagsasabing mga “Kristiano” raw sila ngunit makikitang nagsasaya sa mga balitang sinapit ng mga tiwaling paring Katoliko.

Mula taong 2000 nagsimulang nagsulputang parang kabute ang mga balitang may iilang mga paring Katoliko ang inireklamong nagsamantala sa ating mga kabataan. At ang ilan ay napatunayan sa korte.

Nakakalungkot at nakakainis nga naman. Kaya’t nararapat lamang na may hustisya sa mga biktima ng pananamantala sa mga kabataan. At dahil dito, maraming mga parokya sa Estados Unidos ang tuluyang nalugmok sa pagkakautang. Ang ilan sa mga biktima ay ginawaran ng malaking salapi bilang kabayaran sa kanilang mga pagdurusa.