Showing posts with label Lamsa. Show all posts
Showing posts with label Lamsa. Show all posts

Monday, April 18, 2016

May ANYO at DUGO ang DIYOS!

Basic na po sa atin itong mga tanong. Kung tuus-tuusin, ang mga tanong na ito ay KASING-TANDA na ng mga KABUNDUKAN at NASAGOT na po ito ng TUNAY na IGLESIA ng makailang ulit!

Ngunit dahil sa KATIGASAN ng kanilang mga PUSO, gawin na lang nating direct to the point at simple ang ating pagpapaliwanag sa mga AYAW TANGGAPIN na ang DIYOS ay NAGKATAWANG-TAO at nagkaroon ng LAMAN at nagkaroon ng ANYO at nagkaroon ng DUGO!

TUTOL at HINDI MATANGGAP ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO® 1914 ang KATOTOHANAN na ang DIYOS ay ESPIRITU at NAGKATAWANG-TAO.

Ang PANTAPAT nilang talata para TUTULAN ang PAGKAKAROON ng anyo at dugo ng Diyos ay ang HOSEA 11:9 at EZEKIEL 28:2

Mula sa isang Forum sa FB
"Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit."
"Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;"

BAKIT kaya sila GUMAMIT ng talata ng Biblia LABAN sa BIBLIA? 

Ang BIBLIA ba ay LABAN sa BIBLIA? Ganyan ang mga inaralan ng mga sugo ng kadiliman.

Sapagkat, HINDI nila NAUUNAWAAN ang BUONG PAGKAKAUGNAYAN ng BUONG BIBLIA!

Sa HOSEA 11:9, WALA namang binanggit doon na ang DIYOS ay WALANG KAKAYAHANG MAGING TAO?

Lalo namang WALANG BANGGIT sa Ezekiel na WALANG KAKAYAHAN ang Diyos na maging tao.

Sa mga talatang gamit ng mga kaanib ng INC™ Ni Manalo, LALO lamang BINIGYANG DIIN ng nagsulat na ang DIYOS ay DIYOS at HINDI TAO. Na ang IBIG SABIHIN ay MAKAPANGYARIHAN SIYA at WALANG IMPOSIBLE sa kanya (Mat 19:26)!

Kung NANAISIN niyang MAGING TAO ay sapagkat SIYA AY DIYOS at MANGYAYARI ito ayon sa kanyang kagustuhan.

At kung MAGKAGAYON, ayon pa rin sa HOSEA at EZEKIEL na kanilang nabanggit, HINDI MAWAWALA ang KANYANG PAGKA-DIYOS. Mananatili siyang Diyos!

NANGYARI BA ang KANYANG KAGUSTUHAN? Ating siyasatin!

Ang DIYOS ay ESPIRITU! TAMA po yan!

Ngunit ang DIYOS na ESPIRITU ay BANAL. Dahil SOBRA ang kaniyang kabanalan at kalwalhatian, HINDI kakayanin ng makasalanang katawang-lupa natin ang ganitong pagtatagpo.  Kaya't MINABUTI ng DIYOS na BANAL at ESPIRITU na PUMASOK sa ating kasaysayan BILANG KATULAD natin sa LAHAT NG BAGAY maliban sa kasalanan (Heb. 2:17; 4:15).

Sa PASIMULA ay VERBO (Logos, Salita)! -Jn 1:1

At ang VERBO (Logos, Salita) ay NASA DIYOS! -Jn 1:1

At ang VERBO (Logos, Salita) ay DIYOS! -Jn 1:1

Ang VERBO (Logos, Salita) KAPILING na ng Diyos. Lahat ng bagay ay NATUPAD dahil sa Kanya (VERBO, Logos, Salita)! -Jn 1:2-3

At ang VERBO (Logos, Salita) ay NAGKATAWANG-TAO! -Jn 1:14

At ang VERBO (Logos, Salita) na NAGING TAO ay NAKAPILING NATIN! -Jn 1:14

SINO ANG VERBO (Logos, Salita) na NAGING TAO?

At upang MAKATOTOHANAN ang PAGKAKATAWANG-TAO ng VERBO na DIYOS na ESPIRITU, mayroon pong SAKSI o WITNESS ang DIYOS upang hindi po ito sabi-sabi lamang ayon sa mga paratang nga mga ANTI-CRISTO na mga INC™ Ni Manalo.

Sino ang SAKSI o WITNESS na NAGPATOTOO nito?