Showing posts with label Huling Sugo. Show all posts
Showing posts with label Huling Sugo. Show all posts

Sunday, May 2, 2021

Doktrina ng Pagka-Diyos ni Cristo, 'Gawa-gawa' Lamang?


 Ang Iglesia ni Felix Y. Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® ay iglesiang puno ng panlilinlang. Niyuyurakan ang Panginoong Hesus samakatuwid ay mga kaaway ni Cristo (2 Juan 1:7)

Sa kanilang Online Pasugo, hinati sa TATLO ang kanilang artikulo LABAN sa PAGKA-DIYOS ng ating Panginoong HESUS. Pinamimilit nila na si HESUS ay TAO LAMANG at ang AMA ang TANGING DIYOS. Inaaway nila ang kanilang sariling mga MALING UNAWA sa DOKTRINA ng TRINIDAD. Para sa kanila ang 'Banal na Santatlo' ay nagtuturong TATLO ang DIYOS.

Sa kanilang 'Is Christ God' part1 of 3 series [https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-i/] bagamat si CRISTO raw ay tinatawag na ANAK NG DIYOS, hindi pa rin Siya Diyos sapagkat HINDI raw niya TAHASANG (o literal) inamin na Siya ay DIYOS.

Totoo kaya?


Kapansin-pansin na SADYANG PINUTOL nila ang KARUGTONG ng SITAS: "After Jesus said this, he looked toward heaven and prayed: 'Father, the time has come. GLORIFY YOUR SON, that YOUR SON may GLORIFY YOU... Now this is eternal life: that they may KNOW YOU, the ONLY TRUE GOD, and JESUS CHRIST, whom you have sent."

Heto yung SADYANG PINUTOL na karugtong ng kanilang sitas: I GLORIFY YOU ON EARTH by finishing the work that you gave to do. So now, FATHER, GLORIFY ME in your own presence WITH THE GLORY THAT I HAD IN YOUR PRESENCE BEFORE THE WORLD EXISTED."

SAPUL! Sadyang HINDI nila SINIPI ang kasunod na talata upang MAKAPANLINLANG! 

Kung TAO LAMANG ang ATING PANGINOONG HESUS, bakit SIYA'Y NAROON na KASAMA ng DIYOS AMA BAGO pa LALANGIN ang MUNDO?

Sapagkat SIYA AY DIYOS!


"But now you seek to kill Me, a MAN who has told you the truth which I heard from God..." (John 8:40)

May PINUTOL na naman ang mga MANDARAYANG MANGANGARAL na AYAW nilang MAKITA natin. Narito ang KABUUAN ng JUAN 8:40-58 (New King James Version)

"You do the deeds of your father.” Then they said to Him, “We were not born of fornication; we have one Father—God.” Jesus said to them, “If God were your Father, you would love Me, for I proceeded forth and came from God; nor have I come of Myself, but He sent Me. 
Why do you not understand My speech? Because you are not able to listen to My word. You are of your father the devil, and the desires of your father you want to do. He was a murderer from the beginning, and does not stand in the truth, because there is no truth in him. When he speaks a lie, he speaks from his own resources, for he is a liar and the father of it. But because I tell the truth, you do not believe Me. Which of you convicts Me of sin? And if I tell the truth, why do you not believe Me? He who is of God hears God’s words; therefore you do not hear, because you are not of God.” 
Then the Jews answered and said to Him, “Do we not say rightly that You are a Samaritan and have a demon?” Jesus answered, “I do not have a demon; but I honor My Father, and you dishonor Me. 
And I do not seek My own glory; there is One who seeks and judges. Most assuredly, I say to you, if anyone keeps My word he shall never see death.” 
Then the Jews said to Him, “Now we know that You have a demon! Abraham is dead, and the prophets; and You say, ‘If anyone keeps My word he shall never taste death.’ 
Are You greater than our father Abraham, who is dead? And the prophets are dead. Who do You make Yourself out to be?” Jesus answered, “If I honor Myself, My honor is nothing. It is My Father who honors Me, of whom you say that He is [o]your God. Yet you have not known Him, but I know Him. And if I say, ‘I do not know Him,’ I shall be a liar like you; but I do know Him and keep His word. 
Your father Abraham rejoiced to see My day, and he saw it and was glad.” 
Then the Jews said to Him, “You are not yet fifty years old, and have You seen Abraham?” Jesus said to them, “Most assuredly, I say to you, before Abraham was, I AM.”

Nagtatalo ang mga Hudyo at si Cristo tungkol sa KUNG SINO nga ba SIYA? Sapagkat NALILITO ang mga Hudyo sa Kanyang aral. PINAPAHIWATIG kasi ng Panginoong Hesus na SIYA RIN AY DIYOS KATULAD NG AMA.

At sa mga katulad nilang AYAW MANIWALA sa Kanyang pagka-Diyos ay mga KAMPON ng DIABLO!

Kaya't sa KATIGASAN ng kanilang mga ulo, tulad ng katigasan ng ulo ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni G. Felix Y. Manalo, isang PASABOG na parang MALAKING BOMBA ang PAG-AMIN niyang 'BAGO PA (umiral o isinilang si Abraham) ay 'I AM' (Ako ay Ako Nga).

Simplehan natin. 

Ang PAGKAUNAWA ng mga HUDYO sa SALAYSAY ni HESUS ay PINALALAGAY NIYANG SIYA'Y DIYOS KATULAD NG AMA sapagkat NAROON na Siya BAGO PA LALANGIN ang mundo; at NAROON na Siya BAGO PA UMIRAL si ABRAHAM na halos 2,000 taon ang kasing-tanda niya kay Cristo (bilang tao). Ang PAG-IRAL na ito ni Cristo bago pa lalangin ang mundo ay NANGANGAHULUGANG SIYA AY DIYOS ETERNALLY CO- EXISTED WITH THE FATHER na HINDI MATANGGAP ng mga Hudyo noong kapanahunan Niya at HINDI rin MATANGGAP ng mga KAANIB sa Iglesiang tatag ni Felix Y. Manalo!

At ang paggamit ni Cristo ng salitang 'I AM' na Siya rin ang PAGPAPAKILALA ng Diyos Ama kay Moises sa Bundok ng Horeb (Exodo 3:14) PARA SA MGA HUDYO ay ISANG KALAPASTANGANAN sa Diyos sapagkat para sa kanila, ang Diyos Ama lamang ang tanging Diyos (sounds familiar ba?).

Isa lang ang kayang patunayan ng Iglesiang tatag ni Felix Manalo: na si CRISTO AY TAO. 

Ngunit pinatutunayan ng Biblia na si CRISTO ay TOTOONG DIYOS na NAGKATAWANG-TAO kaya't Siya ay may BUTO, Siya ay may DUGO at Siya ay MAY-ANYO. At ang mga di-tumatanggap na si CRISTO (DIYOS) na NAPARITO sa LAMAN (naging tao) ay mga kaaway ni Cristo, kampon ng Diablo at mga ANTI-CRISTO (2 Juan 1:7)!

Kung mayroon mang doktrinang GAWA-GAWA lamang ay ang doktrinang si FELIX Y. MANALO ay ang 'Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw'! Sapagkat WALANG NABANGGIT sa Biblia na FELIX Y. MANALO at wala ring sinabing may HULING SUGO sa katauhan ni Felix Manalo!

Sunday, February 28, 2021

Saan LITERAL na Nakatitik sa Biblia ang Pangalan ni Felix Y. Manalo na Sinugo siya ng Diyos?

Sipi mula sa Pasugo Online [https://www.pasugo.com.ph/the-significance-of-gods-sending-of-messengers/] Orihinal na inilathala sa Pasugo: God’s Message magazine, May 2018 

KULANG BA ANG DIYOS AT KAILANGAN PA NIYA NG ISANG FELIX MANALO UPANG MAGING GANAP ANG KANYANG PAGLILIGTAS?
In the last days, God sent Brother Felix Y. Manalo to preach His laws and teachings. There are prophecies in the Bible that were fulfilled in him – proof that God indeed sent Brother Manalo. And just as what previous true messengers did, Brother Manalo also proclaimed the Lord’s laws and teachings to fulfill his mission in bringing God’s righteousness, the gospel, to people in order for them to be saved (Rev. 7:2-3; Isa 41:9-10; 46:11-13; Rom. 1:16-17). [Sa mga huling araw, ipinadala ng Diyos si Kapatid na Felix Y. Manalo upang ipangaral ang Kanyang mga batas at aral. Mayroong mga propesiya sa Bibliya na natupad sa kanya - patunay na sinugo talaga ng Diyos si Kapatid Manalo. At tulad ng ginawa ng mga naunang mga totoong sinugo, ipinahayag din ni Kapatid na Manalo ang mga batas at aral ng Panginoon upang matupad ang kanyang misyon sa pagdadala ng katuwiran ng Diyos, ang ebanghelyo, sa mga tao upang sila ay maligtas.]

NAKAKAPANGILABOT ang PAG-AANGKIN ng Iglesia Ni Cristo® na TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo noong 1914 tungkol sa "PAGSUGO" raw ng Diyos sa kanya bilang PINAKAHULING SUGO sa mga HULING PANAHONG ito. Samantalang BALI-BALIKTARIN man ang BIBLIA, MALINAW na WALANG PANGALANG FELIX Y. MANALO na MABABASA sapagkat WALANG FELIX Y. MANALO na NASUSULAT!

KAHINDIK-HINDIK yung PAG-AANGKININ nilang si Ginoong Manalo raw ay KATUPARAN ng mga HULA sa BIBLIA, PATUNAY na siya raw ay TUNAY NA SUGO!

Kung ANO-ANONG mga TALATA sa BIBLIA ang PINAGTAGPI-TAGPI at PINAGDUGTUNG-DUGTONG para PALABASIN na si Ginoong Manalo ay HINULAAN nga sa Biblia at SIYA NGA ay ang KATUPARAN nito! 

Ilang lamang sa mga ginamit nilang mga talata at PINAGDUGTUNG-DUGTONG, pinagtagpi-tagpi ay ang mga sumusunod: Pahayag. 7:2-3; Isaias 41:9-10; 46:11-13; Roma. 1:16-17, ngunit ganon pa man WALANG 'FELIX MANALO' na NABANGGIT roon!

NAIS nilang PALABASIN na ang DIYOS ay INUTIL, NAGPABAYA, SINUNGALING, KULANG-KULANG at WALANG KAKAYAHANG MAGLIGTAS

Para sa kanila, WALANG GINAWA ang Diyos sa loob ng HALOS LIBONG TAON. Siya ay NATULOG lamang ~ NAGPABAYA, NAKALIMOT, ULYANIN, WALANG NAILIGTAS.

Iminumungkahi rin ng Iglesiang tatag ni G. Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® na ang Diyos ay KULANG-KULANG at KAILANGAN pa Niyang MAGHINTAY ng LIBONG TAON hangang 1914 upang MAISAKATUPARAN ang Kanyang PAGLILIGTAS ~ sa KATAUHAN ni  Ginoong FELIX Y. MANALO bilang HULI (LAST) sa mga ISINUGO (raw) ng Diyos. 

Sa madaling-sabi si GINOONG FELIX Y. MANALO ANG KAHANTUNGAN, KAGANAPAN, at KATUPARAN ng LAHAT ng sinabi sa Biblia UKOL sa PAGLILIGTAS ng DIYOS! Nakakapangilabot!

Kaya't MAPAPAISIP tayo kung ANO nga ba ang SAYSAY ng KAMATAYAN ng PANGINOONG HESUS sa KRUS kung ang KAGANAPAN at KATUPARANG lang pala ng Kanyang PAGLILIGTAS ay kay GINOONG MANALO lamang pala GANAP na MATUTUPAD? At WALANG NAILIGTAS ang Diyos mula 110 AD. (noong namatay ang huling alagad) hanggang sumulpot ang INC noong 1914 kay Ginoong F. Manalo?

Sa ARAL NALALANTAD kung ang INC ay sa Diyos o sa kalaban.

At sa PAMAMAGITAN raw ni G. Felix Y. Manalo ay 'NAIPAYAHAG' o NAIPANGARAL daw ang mga 'BATAS at ARAL' ng 'PANGINOON'? 

'DALAWANG 'PANGINOON'?  


Kakatwa ang aral ng Iglesia ni Ginoong Manalo na DALAWANG PANGINOON: Isang PANGINOONG Diyos (Ama ayon sa kanilang aral na Siya lamang ang tanging Diyos) at isang PANGINOONG Tao (si Hesus na taong-tao ang kalagayan ayon sa kanilang katuruan).

Sa DALAWANG 'PINAPANGINOON' ng mga INC™ 1914, KANINONG ARAL kaya ang 'PINAHAYAG' ni Felix Y. Manalo: 'BATAS AT ARAL' ng DIYOS (Ama)? O 'BATAS AT ARAL' ng TAO (Hesus)?

Kaya't sa mga NAGSISIYASAT, UNAWAIN ang mga nakakakilabot na katuruang ito, kundi MAPAPAHAMAK ang inyong mga KALULUWA sa DAGAT-DAGATANG apoy!

Dito tayo sa TOTOO: HINDI po SINUGO ng Diyos si Ginoong FELIX Y. MANALO o kahit sino man sa mga NAGSULPUTANG mga bulaang mangangaral. HINDI po siya SUGO na HINULAAN sa Biblia at HINDI po siya kailangan sa KALIGTASAN ng tao!

Ang KAMATAYAN sa KRUS ng PANGINOONG HESUS ay SAPAT-SAPAT na upang ang KANYANG PAGLILIGTAS ay  MAISAKATUPARAN at maging GANAP! 

SI MANALO ANG IPINAGMAMAPURI SAMANTALANG ANG PANGINOONG HESUS AY NIYUYURAKAN
Indeed, God’s purpose in sending His messengers is to make known to people the truth that will lead them to salvation. That is the important mission and duty that God’s messengers carry out for our benefit. The teachings of God that Brother Felix Manalo preached are being faithfully upheld by the Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) through the leadership of its Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo. [Sa katunayan, ang layunin ng Diyos sa pagpapadala ng Kanyang mga sugo ay upang ipabatid sa mga tao ang katotohanan na hahantong sa kanila sa kaligtasan. Iyon ang mahalagang misyon at tungkulin na isinasagawa ng mga sugo ng Diyos para sa ating pakinabang. Ang mga aral ng Diyos na ipinangaral ni Kapatid na Felix Manalo ay tapat na itinataguyod ng Iglesia Ni Cristo (Church of Christ) sa pamamagitan ng pamumuno ng Executive Minister nitong si Kapatid na Eduardo V. Manalo.]


Sa Biblia, totoong ang LAHAT ng mga SINUGO ay PINILI at TINAWAG MISMO ng Diyos. Siya ay NANGUNGUSAP sa kanila o kaya'y PINAGBILINAN sa mga ANGHEL at mga PROPETA! 

PINILI sapagkat sila ay TINUKOY mula sa mga lipi! TINAWAG sapagkat sila ay BINANGGIT SA PANGALAN, binigyan ng misyon sa pagliligtas ng Diyos! 

Sa LUMANG TIPAN, nagpadala ang Diyos ng mga sugo tulad nina Moses, Aaron, Isaias, Jeremias, Elisha at iba pa. Tinukoy at tinawag sa pangalan!

Ganon din sa BAGONG TIPAN, ang mga SINUGO ay pinili at tinawag sa kanilang mga PANGALAN. Sa mga APOSTOL ay sina, Mateo, Marcos, Lukas, Juan, dalawang Santiago, Simeon, Judas (Tadeo), Felipe, Bartolome, at Tomas. Tinawag din si Apostol Pablo at ang kahalili ni Judas Iscariote na si Matias. Lahat ay pinili at tinawag sa pangalan!

Ang BUONG KAISAHAN ng LUMA at BAGONG TIPAN ay TUNGKOL sa PAGDATING ng MANUNUBOS na DIYOS at PANGINOONG si HESUKRISTO ~ WALA pong mapagsisidlan si Felix Y. Manalo rito.

Masasabi rin ba ng mga bayarang Ministro ng Iglesia ni Ginoong Manalo na siya ay tinawag at pinili ayon sa pagtawag at pagpili sa mga sinugo ng Diyos sa Biblia? Saan at anong aklat sa Biblia na PINILI at TINAWAG sa PANGALAN si Ginoong Felix Y. Manalo upang siya ay IBILANG sa mga LISTAHAN ng mga SINUGO ng Diyos na pinili at tinawag sa Biblia? WALA!

Wala pong ganon sa Iglesia ni Ginoong F. Manalo. Hindi po si Cristo ang kaisahan ng kanilang turo.  Bagkus, NAKATUON ang kanilang mga aral kay GINOONG FELIX Y.MANALO sa kanyang pagka "HULING SUGO" at si CRISTO sa Kanyang pagka "TAONG-TAO" lamang na kalagayan! 

Patunay nito ang halos LAHAT ng kanilang mga ARI-ARIAN at mga PASILIDAD ay sa mga MANALO NAKATUON, tulad ng NEW ERA UNIVERSITY (mula sa ERA-ÑO anak ni G. Felix); SIUDAD DE VICTORIA (victoria = victory = MANALO); MALIGAYA VILLAGE (FELIX = latin ng maligaya); EAGLE NEWS (Felix Manalo bilang IBONG (agila) MANDARAGIT); FELIX MANALO FOUNDATIONS; EVANGELIZATION (pagdidiin sa EVA, pinaikling daglat na pangalan ni Eduardo V. Manalo) atb.

ITINATAAS nila si MANALO (anghel) at PINABABABA nila ang Panginoong Hesus (taong-tao lamang)!
When a person rejects God’s messengers, the One Whom he is really rejecting is the Lord God who sent them (Luke 10:16). Such is a grievous sin – much worse than the wicked acts committed by the people of Sodom and Gomorrah, which incurred God’s terrifying wrath (Matt. 10:14-15). People should believe in the significance of God’s sending of messengers. The Lord Jesus Christ assures those who will accept and believe in the messengers sent by God that they certainly receive their reward (Matt. 10:42). [Kapag tinanggihan ng isang tao ang mga sugo ng Diyos, ang Kisa-isa talaga niyang tinatanggihan ay ang Panginoong Diyos na nagpadala sa kanila (Lukas 10:16). Ang ganoong ay isang mabibigat na kasalanan - higit na mas masahol kaysa sa masasamang gawain na ginawa ng mga tao ng Sodoma at Gomorrah, na nagdulot ng nakakatakot na poot ng Diyos (Mat. 10: 14-15). Dapat maniwala ang mga tao sa kahalagahan ng pagpapadala ng mga sugo ng Diyos. Tinitiyak ng Panginoong Hesukristo ang mga tatanggap at maniniwala sa mga sugo na ipinadala ng Diyos na tiyak na natatanggap nila ang kanilang gantimpala]

Ang mga TINAWAG at PINILI ng Diyos na mga SUGO sa Biblia ay WALANG KADUDA-DUDANG mga GALING  sa DIYOS! Garantisado yan!

Ngunit ang mga HINDI TINAWAG at HINDI PINILI at LALONG HINDI man lang NABABASA ang mga PANGALAN sa Biblia ay HINDI DAPAT PANIWALAAN bagkos dapat sila ay ITAKWIL.  Sapagkat ang KANILANG PAGDATING at ang kanilang PAGKA-SUGO ay HINDI sa DIYOS at HINDI sa KATOTOHANAN.

SILANG LAHAT ay PINAGPA-UNA na ng PANGINOON at mga APOSTOL na DARATING sa ating panahon upang MAGTURO ng KASINUNGALINGAN at LINLANGIN ang IGLESIA.

Mga PALATANDAAN sa mga HINDI SINUGO ng Diyos na DAPAT ITAKWIL ay ang mga SUMUSUNOD:

SILA'Y TUMIWALAG SA ATIN (MGA NANG-IWAN / TRAYDOR / 'HUDAS')
1 JUAN 2:18-19
Mumunting mga anak, ito ang huling oras: at gaya ng inyong narinig na darating ang anticristo, kahit ngayon ay lumitaw ang marami nang anticristo; kaya nga nalalaman natin na ito na ang huling oras. Sila'y nangagsilabas sa atin, nguni't sila'y hindi sa atin; sapagka't kung sila'y sa atin ay nagsipanatili sana sa atin: nguni't nangagsilabas, upang sila'y mahayag na silang lahat ay hindi sa atin.
Si Ginoong Felix Y. Manalo ay dating kaanib sa Iglesia Katolika (na ayon sa Pasugo Abril 1966, p. 46 ay 'siyang Iglesia ni Cristo'). 

Si Ginoong F. Manalo ang TUMALIKOD / UMALIS sa tunay na Iglesia ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika. Siya ay 'LUMABAS SA ATIN'! Siya ang nang-iwan! Siya ang nag-traydor! Siya ang nanghudas sa Iglesia at kay Cristo. 

Si Ginoong FELIX Y. MANALO ay LUMABAS sa IGLESIA, UPANG MAHAYAG na SIYA ay HINDI SA ATIN! Natupad nga sa kanya ang mga talatang ito.

ITATAKWIL NILA SI CRISTONG NAPARITO SA LAMAN
2 JUAN 1:7
Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.
Ang mga MANDARAYA at ANTI-CRISTO ay ang mga sumusunod:
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo na NAGMULA sa PAGKA-DIYOS (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINATANGGAP si Cristo [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO (Juan 1:1-4)
  • Hindi TINTANGGP si Cristo na ay DIYOS na NASUSUMPUNGAN sa ANYONG TAO. (Filipos 2:5-8)
Pasok si Ginoong Felix Y. Manalo sa kategoryang ito. Samakatuwid, NATUPAD nga sa kanya ang talatang ito. 

Monday, February 8, 2021

Si Felix Y. Manalo ba ay Sugo Ayon sa Isaias 46:11 at Juan 10:16?

Nakabatay ang aral ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni  G. Felix Y. Manalo sa Sitio, Punta Sta. Ana, Maynila noong 1914 sa isang KASINUNGALINGAN laban sa tunay na KALIKASAN at KALAGAYAN ng ating Panginoong Hesus.

Para kay Ginoong Felix Y Manalo, HINDI DIYOS si CRISTO (https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/), patunay na hindi sya Diyos sapagkat siya'y nasumpungan sa anyong tao!

https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/

Hindi matanggap ni G. Felix Manalo na ang isang Diyos ay makakaranas ng mga bagay na PANG-TAO lamang tulad ng pagkagutom, pagkauhaw, sakit at kamatayan.

Hindi maunawaan ni G. Felix Y. Manalo na ang Diyos ay MAKAPANGYARIHAN at KAYA niyang gawin ang Kanyang naiisin; maging ang PAGIGING TAO!

Sa kabila ng pagkakatawang-TAO ng Panginoong Hesus ay may mga KATANGIAN ang Panginoong Hesus na HINDI lang siya basta TAO kundi DIYOS.

Patunay raw na HINDI DIYOS si Cristo sapagkat SIYA at NASA ANYONG TAO. 

Hindi ba't malinaw na sinasabi ng Biblia na si CRISTO ay NAGKATAWANG-TAO? DIYOS sa KALIKASAN ngunit TAO sa KALAGAYAN?!

"Sa pasimula ay Salita, at ang Salita ay nasa Diyos at ang SALITA AY DIYOS... at NAGKATAWANG-TAO ang SALITA at nakipamuhay sa atin." (Juan 1:1,14)

Ang sabi nga ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga Taga-Filipos (2:2-8) ay ganito:

"Bagama't Siya [si Cristo] ay  Diyos, hindi niya inaring kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang pagka-Diyos at NAGING TAO..."

At sa pangalawang sulat ni Apostol San Juan, (2 Juan 1:7) ganito ang kanyang sinabi:

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang anticristo."

Malinaw ang KAISAHAN ng Biblia tungkol sa KALIKASAN at KALAGAYAN ni Cristo. Na SIYA ay DIYOS sa KALIKASAN at TAO sa KALAGAYAN!

At ang pinakamalaking balakid kay G. Manalo upang HINDI MAUNAWAANG si Cristo ay Diyos ay sapagkat hindi niya maunawaan ang doktrinang may IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA o Banal na Trinidad (Basahin ang opisyal na Katekismo ng Iglesia Katolika ukol sa TRINIDAD) Pinamimilit nilang ang aral daw ng mga Katoliko ay tatlo ang Diyos! Hindi lang sila manlilinlang kundi sila'y nagpapalinlang at naniniwala sa panlilinlang ng mga bayarang ministro!

FELIX MANALO: HULING SUGO?

Isaias 46:11

Una, WALANG MALINAW at LITERAL na BINABANGGIT ang BIBLIA tungkol kay G. FELIX Y. MANALO, lalo na ang kanyang pag-aangkin bilang 'HULING SUGO' raw ng Diyos. Hindi siya nabanggit at lalong hindi naitala ang kanyang tungkuling bilang sugo sa mga huling araw.

Ngunit pinamimilit nilang si G. Felix Y. Manalo raw ay ang KATUPARAN sa HULA sa Biblia. 

Sinong HUMULA? Si Propeta Isaias daw [46:11] 

'Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.'

Itong 'Ibong Mandaragit' daw ay walang iba kundi si G. Felix Y. Manalo! Ang labo.

At dahil WALANG LINAW na literal na si Felix Manalao nga ang tinubumbok at tinutukoy ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata, wala silang ibang magawa kundi PAGTAGPI-TAGPIIN ang kanilang aral mula sa mga OUT OF CONTEXT na SIPI mula sa IBA'T IBANG TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng SAKNONG at PANGUNGUSAP at nang MABUO ang aral na si G. FELIX MANALO nga ay ang siyang HULING SUGO ng Diyos.

Simpleng paliwanag ukol sa doktrina ng 'Santatlo'

Sino ba si Propeta ISAIAS? Siya ba ay tinawag ng Diyos bilang propeta upang PAG-UKULAN ng ORAS si G. Felix Y. Manalo? Malabo!
 
Si PROPETA ISAIAS ay PROPETA ukol sa PAGDATING ng 'EMMANUEL' na MESIAS na si HESUS. 

Siya rin ay HUMULA ukol sa SASAPITIN ng ISRAEL sa PANANAKOP ni CYRUS ng ANZAN.  Bagamat siya'y MABAGSIK, si CYRUS ang IBONG MANDARAGIT na tinutukoy sa Isaias 46:11. 

Upang maunawaan kung sino ang tinutukoy na 'ibong mandaragit', ang tamang konteksto ay mababasa sa unahan ng Isaias 46:11.

Isaias 41:2 ~ malinaw na tinutukoy si Cyrus mula sa silangan bilang 'nasa katuwiran'; pinagpuno siya sa mga hari.

Sa Isaias 45:1 ~ si haring Cyrus ang pinahiran ng Diyos 

Isaias 45:13 ~ si haring Cyrus ang muling magtatayo ng bayan ng Diyos, siya ang kakalag sa mga napiit

At pagdating sa Isaias 46:11, biglang si FELIX MANALO ang aako ng inatas ng Diyos kay haring Cyrus? Imposible!

Juan 10:16

"At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."


Si G. FELIX Y. MANALO raw ang tinutukoy na 'PASTOR' sa talata sa itaas (PASUGO Mayo 1961, p. 22)


"Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5)." 

"Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Hindi ba't ang TINUTUKOY na IISANG PASTOR ng KAWAN (Iglesia) ay walang iba kundi ang ATING PANGINOONG HESUKRISTO (Juan 10:11)? At magkakaroon lamang ng IISANG PASTOR na gagabay sa kawan (Ezekiel 34:23).

AYON KAY G. FELIX MANALO, SI CRISTO ANG TINUTUKOY SA JUAN 10:16 AT HINDI SIYA!

Sa isang aklat ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang SULO, 1947 p.58, na AKDA ni G. FELIX Y. MANALO, INAAMIN at PINATUTUNAYAN niyang ang ating Panginoong Hesus ang tinutukoy sa Juan 10:16 SALUNGAT sa katuruan ng INC™ ngayon na si Felix Y. Manalo raw ang tinutukoy na 'pastor' sa Juan 10:16!

"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)"

O di ba, isang ARAL na SALU-SALUNGATAN ang kanilang KATITISURAN?!

Hula ng Biblia na Akmang-akma kay G. Felix Y. Manalo at Sila'y TATALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo!

Maraming hula ang nagkatotoo at NATUPAD kay G. Felix Manalo. At ito ay ang kanyang pagiging 'sugo'. Iyon lamang hindi siya sugo ng katotohanan kundi siya ay sugo ng panlilinlang at kasinungalingan laban sa ating Panginoong Hesus.

"Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo." -Mateo 24:24

"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha." -2 Timoteo 4:3-4 

"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan." -Mga Gawa 20:28-30 

"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." -2 Pedro 2:1-3

ANG ANTI-KRISTO!

Pangalawa, sinasabi ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7) na ang mga MANGANGARAL na HINDI TINATANGGAP si HESUS [DIYOS] na naparito sa LAMAN, ay mga MANDARAYA ~ mga ANTI-KRISTO!

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang ANTICRISTO." -2 Juan 1:7

"Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung HINDI IPINAHAHAYAG SI JESUS, AY HINDI SA DIYOS: at ITO ANG SA ANTICRISTO, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na." -1 Juan 4:2-3

Kahindik-hindik ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pilit IBINABABA ang Panginong Hesus bilang 'tao lamang' sa kabila ng MALINAW na PAHAYAG sa Biblia na Siya nga ay DIYOS na nagkatawang-tao. Samantalang pilit na ITINATAAS naman si G. Felix Y. Manalo na TAO, bilang 'anghel o huling sugo' na MALABONG NABABANGGIT at MALAYONG TINUTUKOY sa Biblia kahit kailan!

At kahit kailan, HINDI MANANAIG ang mga aral na MAPANLINLANG! Iwaksi ang mga mapanlinlang na doktrina. Talikdan ang mga huwad na sugo at lisanin ang nagpapanggap na kay Cristo!

Sunday, April 26, 2020

Huling Sugo: Aral na Hindi Pinaniwalaan ni Felix Manalo hanggang noon lamang 1922?



Si Félix Manálo, na kilalá ring Ka Felix, ang tagapagtatag ng Iglesia Ni Cristo, bagama’t sa mga opisyal na talâ ng nasabing simbahan, siyá ay tinawag na Unang Tagapamahalang Pangkalahatan at Huling Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw.

Isinilang si Manalo sa Taguig noong 10 Mayo1886. Ang kaniyang mga magulang ay sina Mariano Ysagun at Bonifacia Manalo, na isang debotong Katoliko. Nang yumao ang ina, bilang pagpapahalaga rito ay pinilì niyang maging Manalo ang kaniyang apelyido. Bagama’t lumaki sa aral ng Simbahang Katolika, naging mapagtanong ang isip ni Manalo kayâ lumahok siyá sa iba’t ibang sekta upang masagot ang kaniyang mga tanong. Naging tagasunod siyá ng Colorum, isang grupong nagdaraos ng paglalakbay sa isang banal na bundok. Pagkaraan, nilisan niya ang Simbahang Katolika at naging pastor sa Methodist Episcopalian Church. Tumigil siyá ng pag-aaral nang mamatay ang kaniyang ina at nang bumalik sa pag-aaral ay nagpatalâ sa Presbyterian Bible School. Nakakilála niya ang grupong Christian Mission at nag-aral sa Manila College of the Bible sa loob ng apat na taón. Sa grupong ito, natutuhan niyang pahalagahan ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog sa tubig. Naging tagapangaral siyá ng Salita ng Diyos kabilang sa isang grupong nakilalang Society for the Propagation of the Gospel. Pinakasalan niya nang mga panahong ito si Tomasa Sereneo na taga-Paco, Maynila.

Naging miyembro siyá ng Seventh Day Adventism at nang yumao ang kaniyang asawa, nagpakasal naman siyá kay Honorata de Guzman, na kabílang sa nasabing sekta. Ngunit sumapit ang panahon na kinukuwestiyon na niya ang pangingilin ng grupo kapag araw ng Sabado. Nang hindi makatanggap ng kasiya-siyang sagot, nagbitiw siyá bilang ministro noong 1913. Nagtatag siyá ng sariling grupo noong 1913, na kilalá ngayong Iglesia Ni Cristo (nang una ay Kristo ang baybay). Ipinatalâ ang Iglesia noong 27 Hulyo 1914, ang araw ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig. Noong 1922, pinalutang ng Iglesia ang idea na si Manalo ang “huling sugo ng Diyos,” dahil para sa kanila, ang kanilang tagapagtatag ay maihahambing kay Moises o kay Pablo ang Apostol. Ang isa pang dahilan ay upang mapatatag ang pamumunò ni Manalo sapagkat may isang sektor na nagtangkang umagaw ng pamamahala ng simbahan. Yumao si Felix Manalo noong12 Abril 1963.

Mabilis na lumago ang mga aral ng Iglesia. Noong 1948, mayroon itong 60,000 miyembro, na naging 200,000 noong 1960. Nagkaroon ito ng mga simbahan hindi lámang sa Filipinas kundi sa 75 iba pang bansa sa buong mundo. Ngayon, mayroon na itong 1,250 lokal na kapilya at 35 katedral sa iba’t ibang panig ng bansa. Mayroon din itong 21 kongregasyon sa Estados Unidos. Noong 27 Hulyo 2007, sa ika-93 anibersaryo ng pagkatatag ng INC, isang panandang pangkasaysayan ang inilagak ng National Historical Institute (NHI) sa bahay na sinilangan ni Manalo sa Barangay Calzada, Tipas, Taguig. Idineklara rin ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Hulyo27 bilang “Araw ng Iglesia ni Cristo.” (AEB)


[Cite this article as: Manalo, Felix. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph/manalo-felix/]