Monday, February 8, 2021

Si Felix Y. Manalo ba ay Sugo Ayon sa Isaias 46:11 at Juan 10:16?

Nakabatay ang aral ng Iglesia Ni Cristo® na tatag ni  G. Felix Y. Manalo sa Sitio, Punta Sta. Ana, Maynila noong 1914 sa isang KASINUNGALINGAN laban sa tunay na KALIKASAN at KALAGAYAN ng ating Panginoong Hesus.

Para kay Ginoong Felix Y Manalo, HINDI DIYOS si CRISTO (https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/), patunay na hindi sya Diyos sapagkat siya'y nasumpungan sa anyong tao!

https://www.pasugo.com.ph/is-christ-god-part-2/

Hindi matanggap ni G. Felix Manalo na ang isang Diyos ay makakaranas ng mga bagay na PANG-TAO lamang tulad ng pagkagutom, pagkauhaw, sakit at kamatayan.

Hindi maunawaan ni G. Felix Y. Manalo na ang Diyos ay MAKAPANGYARIHAN at KAYA niyang gawin ang Kanyang naiisin; maging ang PAGIGING TAO!

Sa kabila ng pagkakatawang-TAO ng Panginoong Hesus ay may mga KATANGIAN ang Panginoong Hesus na HINDI lang siya basta TAO kundi DIYOS.

Patunay raw na HINDI DIYOS si Cristo sapagkat SIYA at NASA ANYONG TAO. 

Hindi ba't malinaw na sinasabi ng Biblia na si CRISTO ay NAGKATAWANG-TAO? DIYOS sa KALIKASAN ngunit TAO sa KALAGAYAN?!

"Sa pasimula ay Salita, at ang Salita ay nasa Diyos at ang SALITA AY DIYOS... at NAGKATAWANG-TAO ang SALITA at nakipamuhay sa atin." (Juan 1:1,14)

Ang sabi nga ni Apostol San Pablo sa kanyang Sulat sa mga Taga-Filipos (2:2-8) ay ganito:

"Bagama't Siya [si Cristo] ay  Diyos, hindi niya inaring kapantay ng Diyos. Bagkus hinubad niya ang pagka-Diyos at NAGING TAO..."

At sa pangalawang sulat ni Apostol San Juan, (2 Juan 1:7) ganito ang kanyang sinabi:

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang anticristo."

Malinaw ang KAISAHAN ng Biblia tungkol sa KALIKASAN at KALAGAYAN ni Cristo. Na SIYA ay DIYOS sa KALIKASAN at TAO sa KALAGAYAN!

At ang pinakamalaking balakid kay G. Manalo upang HINDI MAUNAWAANG si Cristo ay Diyos ay sapagkat hindi niya maunawaan ang doktrinang may IISANG DIYOS sa TATLONG PERSONA o Banal na Trinidad (Basahin ang opisyal na Katekismo ng Iglesia Katolika ukol sa TRINIDAD) Pinamimilit nilang ang aral daw ng mga Katoliko ay tatlo ang Diyos! Hindi lang sila manlilinlang kundi sila'y nagpapalinlang at naniniwala sa panlilinlang ng mga bayarang ministro!

FELIX MANALO: HULING SUGO?

Isaias 46:11

Una, WALANG MALINAW at LITERAL na BINABANGGIT ang BIBLIA tungkol kay G. FELIX Y. MANALO, lalo na ang kanyang pag-aangkin bilang 'HULING SUGO' raw ng Diyos. Hindi siya nabanggit at lalong hindi naitala ang kanyang tungkuling bilang sugo sa mga huling araw.

Ngunit pinamimilit nilang si G. Felix Y. Manalo raw ay ang KATUPARAN sa HULA sa Biblia. 

Sinong HUMULA? Si Propeta Isaias daw [46:11] 

'Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.'

Itong 'Ibong Mandaragit' daw ay walang iba kundi si G. Felix Y. Manalo! Ang labo.

At dahil WALANG LINAW na literal na si Felix Manalao nga ang tinubumbok at tinutukoy ni Propeta Isaias sa nabanggit na talata, wala silang ibang magawa kundi PAGTAGPI-TAGPIIN ang kanilang aral mula sa mga OUT OF CONTEXT na SIPI mula sa IBA'T IBANG TALATA ng Biblia upang MAKABUO ng SAKNONG at PANGUNGUSAP at nang MABUO ang aral na si G. FELIX MANALO nga ay ang siyang HULING SUGO ng Diyos.

Simpleng paliwanag ukol sa doktrina ng 'Santatlo'

Sino ba si Propeta ISAIAS? Siya ba ay tinawag ng Diyos bilang propeta upang PAG-UKULAN ng ORAS si G. Felix Y. Manalo? Malabo!
 
Si PROPETA ISAIAS ay PROPETA ukol sa PAGDATING ng 'EMMANUEL' na MESIAS na si HESUS. 

Siya rin ay HUMULA ukol sa SASAPITIN ng ISRAEL sa PANANAKOP ni CYRUS ng ANZAN.  Bagamat siya'y MABAGSIK, si CYRUS ang IBONG MANDARAGIT na tinutukoy sa Isaias 46:11. 

Upang maunawaan kung sino ang tinutukoy na 'ibong mandaragit', ang tamang konteksto ay mababasa sa unahan ng Isaias 46:11.

Isaias 41:2 ~ malinaw na tinutukoy si Cyrus mula sa silangan bilang 'nasa katuwiran'; pinagpuno siya sa mga hari.

Sa Isaias 45:1 ~ si haring Cyrus ang pinahiran ng Diyos 

Isaias 45:13 ~ si haring Cyrus ang muling magtatayo ng bayan ng Diyos, siya ang kakalag sa mga napiit

At pagdating sa Isaias 46:11, biglang si FELIX MANALO ang aako ng inatas ng Diyos kay haring Cyrus? Imposible!

Juan 10:16

"At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor."


Si G. FELIX Y. MANALO raw ang tinutukoy na 'PASTOR' sa talata sa itaas (PASUGO Mayo 1961, p. 22)


"Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5)." 

"Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

Hindi ba't ang TINUTUKOY na IISANG PASTOR ng KAWAN (Iglesia) ay walang iba kundi ang ATING PANGINOONG HESUKRISTO (Juan 10:11)? At magkakaroon lamang ng IISANG PASTOR na gagabay sa kawan (Ezekiel 34:23).

AYON KAY G. FELIX MANALO, SI CRISTO ANG TINUTUKOY SA JUAN 10:16 AT HINDI SIYA!

Sa isang aklat ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pinamagatang SULO, 1947 p.58, na AKDA ni G. FELIX Y. MANALO, INAAMIN at PINATUTUNAYAN niyang ang ating Panginoong Hesus ang tinutukoy sa Juan 10:16 SALUNGAT sa katuruan ng INC™ ngayon na si Felix Y. Manalo raw ang tinutukoy na 'pastor' sa Juan 10:16!

"Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)"

O di ba, isang ARAL na SALU-SALUNGATAN ang kanilang KATITISURAN?!

Hula ng Biblia na Akmang-akma kay G. Felix Y. Manalo at Sila'y TATALIKOD sa tunay na Iglesia ni Cristo!

Maraming hula ang nagkatotoo at NATUPAD kay G. Felix Manalo. At ito ay ang kanyang pagiging 'sugo'. Iyon lamang hindi siya sugo ng katotohanan kundi siya ay sugo ng panlilinlang at kasinungalingan laban sa ating Panginoong Hesus.

"Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo." -Mateo 24:24

"Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha." -2 Timoteo 4:3-4 

"Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Diyos na binili niya ng kaniyang sariling dugo. Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan." -Mga Gawa 20:28-30 

"Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. At maraming magsisisunod sa kanilang mga gawang mahahalay; na dahil sa kanila ay pagsasalitaan ng masama ang daan ng katotohanan. At sa kasakiman sa mga pakunwaring salita ay ipangangalakal kayo: na ang hatol nga sa kanila mula nang una ay hindi nagluluwat, at ang kanilang kapahamakan ay hindi nagugupiling." -2 Pedro 2:1-3

ANG ANTI-KRISTO!

Pangalawa, sinasabi ni Apostol San Juan (2 Juan 1:7) na ang mga MANGANGARAL na HINDI TINATANGGAP si HESUS [DIYOS] na naparito sa LAMAN, ay mga MANDARAYA ~ mga ANTI-KRISTO!

"Sapagka't maraming MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG na si JESUCRISTO ay napariritong NASA LAMAN. Ito ang magdaraya at ang ANTICRISTO." -2 Juan 1:7

"Dito'y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: ang bawa't espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay naparitong nasa laman ay sa Dios: At ang bawa't espiritung HINDI IPINAHAHAYAG SI JESUS, AY HINDI SA DIYOS: at ITO ANG SA ANTICRISTO, na inyong narinig na darating; at ngayo'y nasa sanglibutan na." -1 Juan 4:2-3

Kahindik-hindik ang mga aral ng Iglesia Ni Cristo® 1914 na pilit IBINABABA ang Panginong Hesus bilang 'tao lamang' sa kabila ng MALINAW na PAHAYAG sa Biblia na Siya nga ay DIYOS na nagkatawang-tao. Samantalang pilit na ITINATAAS naman si G. Felix Y. Manalo na TAO, bilang 'anghel o huling sugo' na MALABONG NABABANGGIT at MALAYONG TINUTUKOY sa Biblia kahit kailan!

At kahit kailan, HINDI MANANAIG ang mga aral na MAPANLINLANG! Iwaksi ang mga mapanlinlang na doktrina. Talikdan ang mga huwad na sugo at lisanin ang nagpapanggap na kay Cristo!

No comments: