KASAMA NA PO ANG VATICAN CITY SA MGA BANSA NA MAY PAGMIMISYON ANG IGLESIA NI CRISTO The Vatican City, headquarters of...
Posted by Iglesia ni Cristo Defence Page on Wednesday, July 17, 2019
PILIT MANG SAKUPIN NGUNIT BIGO
What makes fake churches think they can tear down Christ's original Church?
Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng mga Manalista at sa tingin nila ay kaya nilang pabagsakin ang Iglesia sa Roma sa pamamagitan ng kanilang mumunting babasahing "Pasugo"?
Sa Pilipinas nga na pinagmulan ng INC™, hanggang ngayon hindi pa rin nila natitibag ang Iglesia Katolika na ayon sa kanilang magasing Pasugo ay sa 'pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo' (Pasugo Abril 1966, p. 46). At mapa-hanggang ngayon ay tinatayang nasa 2.9% lamang sa kabuuang populasyon ng buong bansa ang kabilang sa iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo.
At sa loob ng 106 taon ng pagkakatatag ng Iglesia Ni Cristo®, kulelat pa rin sila. Nanatiling BANTOG pa rin sa BUONG MUNDO ang PANANAMPALATAYA ng IGLESIA sa ROMA ~ ang IGLESIA KATOLIKO na may halos 85% kaanib sa Pilipinas. At may kabuuang bilang na 1.329 bilyon sa buong mundo.
Kung ang BATAYAN ng PAGKA-TUNAY ang ang Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-ROMA, HINDI ang INC™ 1914 ang lalabas na tunay kundi ang IGLESIA KATOLIKA na 'SA PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO.' (Pasugo Abril 1966, p46). Tunay ngang NAGAGANAP ang mga salita ng Diyos mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa IGLESIA SA ROMA (1:7-8):
"Sa LAHAT NG NASA ROMA, mga mahal ng Diyos, na tinatawag na maging banal: Sumainyo ang biyaya at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. Una sa lahat ako'y nagpapasalamat sa aking Diyos sa pamamagitan ni Jesucristo pakundangan sa inyong lahat, SAPAGKAT ANG INYONG PANANAMPALATAYA AY BANTOG sa BUONG DAIGDIG."
INC™ SA ROMA ISANG LOKAL LAMANG
PAGTATAGUMPAY na sa kanila ang PAGKAREHISTRO ng iglesiang tatag ni Felix Manalo ~ ang Iglesia Ni Cristo® ~ sa GOBYERNO ng Italya, Israel at Greece; sa Roma at Jerusalem noong 1996; at sa Athens noong 1997.
Sa kasalukuyan TANGING mga PILIPINO pa rin ang halos 99.9% na BUMUBUO sa kanilang mga lokal sa ibang bansa. At bagamat LOKAL ang tawag, halos bihirang makakita ng lokal na mamamayan na umaanib sa INC™, kadalasan mga Pilipino pa rin (maituturing na mga banyaga sa ibang bansa) ang pumupuno sa kanilang mga tinatawag na 'lokal'. Ang mga Filipino migrants o OFW (Overseas Filipino Workers) at karamihan sa kanila. Sa kadalasan, kung may LOKAL na mamamayan man na umanib ay sapagkat malimit na dahilan ay ito ay nakapangasawa ng Pilipinong kaanib sa Iglesia ni Manalo.
At ang PAGDATING (o PAGKAKAREHISTRO) ng INC™ sa Roma, Jerusalem at Greece ay HUDYAT daw ito ng PAGBABALIK ng Iglesia ni Cristo (yung tunay) sa ORIHINAL nitong PINAGMULAN.
"Most memorable of the expansion works of the Church is the establishment of the local congregation of the Church in Rome; in Jerusalem in Israel on March 31, 1996, signifying the Church's return to its original home; and in Athens, Greece on May 10, 1997, signifying the extension of the Gentile mission." -PASUGO God's Message Special Centennial Issue, p. 11 (by Isaias T. Samson Jr.
Local congregation without local members but foreign Filipinos!
IGLESIA SA ROMA ang tunay na binabati ng lahat ng mga IGLESIA NI CRISTO!
Paboritong gamiting talata ng Iglesia Ni Cristo® 1914 ay ang ROMA 16:16 sapagkat NABABANGGIT doon ang salitang 'iglesia ni Cristo": "...binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".
Akala lamang nila ngunit HINDI po ang INC™ ni Ginoong Manalo ang TINUTUKOY sa ROMA 16:16 kundi ang IGLESIA KATOLIKA ~ ang Iglesiang NAROON na sa ROMA hanggang ngayon!
Bakit kaniyo? Sapagkat ang SULAT ni APOSTOL SAN PABLO ay PATUNGKOL sa IGLESIA sa ROMA ~ sa mga TAGA-ROMA~ HINDI sa PILIPINAS.
Ang sabi ni Apostol San Pablo (sa mga Romano), 'BINABATI KAYO' ng 'LAHAT' ng mga 'IGLESIA NI CRISTO'. Walang tinutukoy sa Roma 16:16 na 'binabati' ang mga nasa 'pulu-pulong isla' sa 'silangan' na para sa mga INC™ ay ang Pilipinas raw ito. Walang ganon!
Kaya't bilang PAGTUGON, ang lahat ng Iglesia Katolika sa BUONG MUNDO ~ ang iglesiang tinutukoy ng Pasugo (opisyal na magasin ng INC™1914: Abril 1966, p. 46) na 'sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo' ~ ay BUMABATI lagi sa IGLESIA SA ROMA!
Ang PAGBATI NG LAHAT ng LOKAL ng INC™ ay sa Iglesia Ni Cristo® CENTRAL sa PILIPINAS!
Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng bawat buwan ng Hunyo ay NAGPAPADALA ng BUONG PAGBATI ang lahat ng lokal ng INC™ sa kanilang CENTRAL sa Diliman, Quezon City, Pilipinas. Ang pagbati ay ipinapaabot sa apo ni Ka Felix Y. Manalo ~ si Ginoong Eduardo V. Manalo, ang kasalukuyang Executive Minister.
At ang gobyerno naman, bilang pagkilala sa MAKASAYSAYANG PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO® sa Pilipinas ni Ginoong FELIX Y. MANALO, ay NAGPASA ng BATAS ukol rito.
[REPUBLIC ACT NO. 9645] AN ACT DECLARING JULY 27 OF EVERY YEAR AS A SPECIAL NATIONAL WORKING HOLIDAY IN RECOGNITION OF THE FOUNDING ANNIVERSARY OF THE IGLESIA NI CRISTO IN THE PHILIPPINES AMENDING FOR THE PURPOSE SECTION 26 CHAPTER 7 OF EXECUTIVE ORDER NO. 292 OTHERWISE KNOWN AS THE ADMINISTRATIVE CODE OF 1987, AS AMENDED
Kaya't sa mga NAGSUSURI, HINDI po si Cristo ang may-ari at nagtatag ng Iglesia Ni Cristo® na sumulpot sa Pilipinas noong 1914 kundi ito ay TATAG at PAGMAMAY-ARI ni GINOONG FELIX Y. MANALO!
At ano mang PILIT na PASUKIN at PASUKAN ng mga MALING ARAL ng TAO ang TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO, hindi po sila mananaig! Sapagkat si CRISTO ang NANGUSA na "HINDI MANANAIG" ang HADES sa Kanyang tatag na Iglesia!
#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios..
#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios.
#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba?
#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,,
#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16....
Ito naman paki basa:
#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,,
#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral...
mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po
rodel
proud to be INC,,,