Showing posts with label Weekly Audience. Show all posts
Showing posts with label Weekly Audience. Show all posts

Wednesday, May 21, 2014

Hari ng Bahrain dumalaw sa Santo Papa ng Iglesia ni Cristo

Dumalaw si Haring Hamad bin Isa Al Khalifa ng Bahrain sa Santo Papa noong Mayo 19, 2014. Ang Hari ng Bahrain ay nag-donate ng lupa para sa Catholic Community sa Bahrain at ang ginagawang parokya roon ay magiging pinakamalaking parokya sa buong Arabian peninsula.

Wednesday, June 20, 2012

Papal Audience kabilang ang PM ng Latvia at Presidente ng UN General Assembly

Si Papa Benedicto XVI at si Nassir Abdulaziz al-Nasser ng UN
Vatican City, (VIS)- Nagpahayag ng kagalakan ang Holy See Press Office sa pagdalaw sa Vatican ni Nassir Abdulaziz al-Nasser noong Biyernes ika-15 ng Hunyo 2012, presidente ng ika-66 session ng General Assembly ng United Nations. Nakipagpulong din ang panauhin kay Secretary of State Tarcisio Bertone, S.D.B. na sinamahan naman ni Archbishop Dominique Mamberti, secratary ng Relations with States.

Pahayag ng Holy See Press:
"The central theme of the cordial discussions was the role of the United Nations Organisation, and especially of the General Assembly, in conflict resolution. Particular consideration was given to the conflicts currently affecting various regions of the world, especially Africa and the Middle East, and to the serious humanitarian emergencies they provoke.


"Attention then turned to the Catholic Church's contribution to peace and development, and to the importance of cooperation between religions and cultures".

Si Valdis Dombrovski, Prime Minister ng Latvia at si
Santo Papa Benedicto XVI
Ngayon sa balita mula sa VIS, matapos ang lingguhang General Audience tinanggap ng Santo papa Benedicto XVI si Valdis Dombrovskis, Prime Minister ng Republika ng Latvia. At katulad ng protocol, nakipagpulong din ang Prime Minister kay Cardinal Bertone at Archbishop Mamberti.

Pahayag ng Holy See Press:
"During their cordial discussions the parties highlighted the good relations that exist between the Holy See and the Republic of Latvia, and the valuable contribution the Catholic Church makes to society, in particular on questions concerning the family and the promotion of a humanism open to spiritual and transcendental values.
"The conversation also focused on questions of mutual interest, with particularly emphasis on the serious economic and financial crisis which is affecting the lives of European peoples".
Maaaring ipagpatuloy ang pagbabasa rito...

Friday, May 25, 2012

Presidente ng Bulgaria at Prime Minister ng Macedonia dumalaw sa Vatican

Reuters: Mga Bulgarian Orthodox priests ay masayang naglalakas sa courtyard ng Vatican, habang dinadaanan nila ang mga Swiss Guards, bago ang pribadong pakikipagtagpo ng Santo Papa sa Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev, May 24, 2012. (Photo Source: DailyLife)
Vatican City, 24 May 2012 (VIS) - Sa naging taunang kaugalian pagpupulong, ay tinanggap ng Santo Papa Benedicto XVI ang Presidente ng Bulgaria na si Rosen Plevneliev at ang Prime Minister ng Macedonia na si Nikola Gruevski. Tinanggap sila ng Vatican's Secretary of State na si Cardinal Tarcisio Bertone, SDB na sinamahan naman ni Arsobispo Dominique Mamberty, secretary ng Relations with States.

Ang nasabing pagdalaw ay nagkataon na kapistahan ni San Cyril at Methodius na naging kasangkapan ng Dios upang maging Kristiano ang malaking bahagi ng Europa.