Showing posts with label Imahe ni Manalo. Show all posts
Showing posts with label Imahe ni Manalo. Show all posts

Friday, January 13, 2017

IMAHE: Bawal ba Ayon sa Exodo 20?

Sa samahang itinatag ng Ka Felix Manalo, ang INC™, malimit nilang ginagamit ang Exodo 20 bilang panlaban sa mga kaanib ng tunay na Iglesiang tatag ni Cristo - ang Iglesia Katolika. Sinasabi nila ng paulit ulit sa mga inaaralan nilang mga bagong anib na mga dating Katoliko na 'PAGANO' raw tayo sapagkat tayo'y may mga imahe sa ating mga Simbahan at mga medalyon na may mga imahe ng mga santo at santa o ng Panginoong Hesus.

Mula sa panahon ni Ginoong Felix hanggang sa kanilang mga Ministro sa kasalukuyan, isa ito sa pinaka-malimit nilang gamit na pang-atake sa mga Katoliko, ang usapin patungkol sa mga IMAHE.

Ito rin ang dahilan kung bakit sukdulan ang galit ni G. Manalo sa mga Katoliko kaya't nasabi niyang tayo ay mga ampon ng diablo.
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo." -PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
Di nagtagal, isang taon pagkamatay ni Felix Manalo, gumawa ang "Iglesia Ni Cristo®" ng INANYUHANG BAGAY sa anyong isang medalyon na ipinamigay sa kanilang mga kaanib.


Kaya't ang tanong naman sa mga kaanib ng INC™ ay ganito: Bawal ba talaga ang paggawa ng imahe ayon sa Exodo 20?  Bakit sa panahon ni Felix Manalo naging bawal? Bakit sa panahon ni EraƱo at ni Eduardo ay maaari na ang gumawa ng inanyuhang bagay?

Tuesday, October 25, 2016

INC Wawasakin Rebulto ni Manalo

Mula kay Kapatid na Cenon Bibe ng Tumbukin Natin

MAY MATAPANG pong PANUKALA ng KAANIB ng INC ni MANALO na nagpapakilalang JANINE BUENAVENTURA.

Kaugnay po ito sa REBULTO ni FELIX Y. MANALO.

Sabi po ng KAANIB ng INC: (July 29, 2012 3:14 PM)
GUSTO mo GUMUWA ka ng REBULTO ni ka FELIX ihahampas pa namen sa HARAP mo yon eh.... BAKA maipalo ko na sa ULO mo HEHEHE peace........ Eh ung mga SANTO mo kaya!? KAYA mo kayang BASAGIN sa HARAP ko ung mga YON? anu DEAL? SABAY NATING ihian ang mga REBULTO nyo at REBULTO ni FYM? anu DEAL? on

MARAMING SALAMAT po sa PANUKALA NINYO.

NASA INYO po YON kung GUSTO NINYONG WASAKIN ang REBULTO ni FELIX Y. MANALO.

Pero KUNG TOTOO at SERYOSO po KAYO ay PUWEDE po bang YUNG NASA CENTRAL NG INC ang IHIAN at WASAKIN NINYO?

Yun po ba ay PUWEDE NINYONG PALUIN sa ULO?

GANOON po pala ang GUSTO NINYO e.

KAMI po ay HINDI SISIRA ng IMAHEN ng mga SANTO dahil IGINAGALANG po NAMIN ang mga PAALALA sa MGA BAYANI ng DIYOS.

Pero KUNG KAYO po ay HANDANG BASTUSIN at WASAKIN ang REBULTO ni MANALO ay HIHINTAYIN po NAMIN ang PAGBASTOS na GAGAWIN NINYO.

SANA po MAI-VIDEO NINYO at MAI-POST sa YOUTUBE para MAS MAGANDA.

SALAMAT po.