Friday, January 13, 2017

IMAHE: Bawal ba Ayon sa Exodo 20?

Sa samahang itinatag ng Ka Felix Manalo, ang INC™, malimit nilang ginagamit ang Exodo 20 bilang panlaban sa mga kaanib ng tunay na Iglesiang tatag ni Cristo - ang Iglesia Katolika. Sinasabi nila ng paulit ulit sa mga inaaralan nilang mga bagong anib na mga dating Katoliko na 'PAGANO' raw tayo sapagkat tayo'y may mga imahe sa ating mga Simbahan at mga medalyon na may mga imahe ng mga santo at santa o ng Panginoong Hesus.

Mula sa panahon ni Ginoong Felix hanggang sa kanilang mga Ministro sa kasalukuyan, isa ito sa pinaka-malimit nilang gamit na pang-atake sa mga Katoliko, ang usapin patungkol sa mga IMAHE.

Ito rin ang dahilan kung bakit sukdulan ang galit ni G. Manalo sa mga Katoliko kaya't nasabi niyang tayo ay mga ampon ng diablo.
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo." -PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
Di nagtagal, isang taon pagkamatay ni Felix Manalo, gumawa ang "Iglesia Ni Cristo®" ng INANYUHANG BAGAY sa anyong isang medalyon na ipinamigay sa kanilang mga kaanib.


Kaya't ang tanong naman sa mga kaanib ng INC™ ay ganito: Bawal ba talaga ang paggawa ng imahe ayon sa Exodo 20?  Bakit sa panahon ni Felix Manalo naging bawal? Bakit sa panahon ni EraƱo at ni Eduardo ay maaari na ang gumawa ng inanyuhang bagay?

No comments: