Showing posts with label Iglesia sa Pilipinas. Show all posts
Showing posts with label Iglesia sa Pilipinas. Show all posts
Sunday, August 23, 2020
Thursday, April 9, 2015
INC™ ni Manalo: Naniniwalang ang Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo ay anti-Cristo kaya binigyan ng mababang 'Trust Rating'
![]() |
File photo ni Pope Francis sa kanyang pagbisita sa bansa nitong Enero 2014. Philstar.com/AJ Bolando |
Ayon sa balita ng PhilStar, "All-Time Record" daw ang pagtaas ng Trust Rating ng Santo Papa Francisco maliban sa INC™ or ang Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo sa Pilipinas noong 1914.
Hindi na po ito kataka-taka sapagkat simula't sapul na naitatag ito ng Apostate na si Felix Manalo ay hindi na siya nagpakita pa ng paghanga sa mga Katoliko at sa Santo Papa.
Para kay Felix Manalo, ang mga masusunog sa dagat-dagatang apoy ay walang iba kundi ang mga Katoliko.
Narito ang mga OPISYAL na pahayag ng pamunuan ng Iglesia Ni Cristo® ni Manalo ukol sa mga Katoliko, sa mga pari at sa Santo Papa!
PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."
3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”
4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao . Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."
Mayroon pa ba tayong dapat pang ipagtaka sa mababang "Trust Rating" ng mga INC™ ni Manalo ukol sa Santo Papa ng tunay na Iglesia ni Cristo?
Friday, July 4, 2014
Paghahanda sa pagdalaw ng Santo Papa sa Pilipinas
![]() |
Larawan kuya mula sa Facebook page ng Archdiocese of Palo |
Friday, June 22, 2012
2016 International Eucharistic Congress gaganapin sa Pilipinas!
Isang mabuting balita para sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas!
Ang 51st International Eucharistic Congress ay gaganapin sa Pilipinas. Napili ng Vatican ang Cebu City bilang pagdadausan nito sa taong 2016. Ito'y napag-alaman natin matapos i-announce ng Santo Papa Benedicto XVI sa katatapos pa lamang na 50th International Eucharistic Congress nitong Hunyo 10-17, 2012 na ginanap sa Dublin, Ireland.
Napapanahon ang pagdadaos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City dahil ito rin ang ika-495th anibersaryo ng pagiging Kristiano ng buong kapuluan.
Naging Kristiano ang Cebu noong taong 1521.
Papuri at pasasalamat sa Dios sa pagpili ng ating bansa upang dito magaganap ang layuning ipalaganap ang debosyon sa kanyang Banal na Katawan at Dugo sa Eucharistia.
Subscribe to:
Posts (Atom)