Isang mabuting balita para sa Iglesia ni Cristo sa Pilipinas!
Ang 51st International Eucharistic Congress ay gaganapin sa Pilipinas. Napili ng Vatican ang Cebu City bilang pagdadausan nito sa taong 2016. Ito'y napag-alaman natin matapos i-announce ng Santo Papa Benedicto XVI sa katatapos pa lamang na 50th International Eucharistic Congress nitong Hunyo 10-17, 2012 na ginanap sa Dublin, Ireland.
Napapanahon ang pagdadaos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City dahil ito rin ang ika-495th anibersaryo ng pagiging Kristiano ng buong kapuluan.
Naging Kristiano ang Cebu noong taong 1521.
Papuri at pasasalamat sa Dios sa pagpili ng ating bansa upang dito magaganap ang layuning ipalaganap ang debosyon sa kanyang Banal na Katawan at Dugo sa Eucharistia.
No comments:
Post a Comment