Showing posts with label Catholic Rites. Show all posts
Showing posts with label Catholic Rites. Show all posts

Thursday, February 9, 2012

Hiling ng Iglesia sa Syria: "Ipanalangin niyo kami."

DAMASCUS, SYRIA - Nananawagan si Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III sa lahat ng mga kaanib ng Iglesia ng Dios na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa bansang Syria. Ang panawagan ng banal na patriarka uumpisahan sa panahon ng Kuwaresma (Lent) kung saan ang lahat ng mga kaanib ng Santa Iglesiang kay Cristo ay inaasahang mag-ayuno o mangilin lalong lalo na sa araw ng Biyernes. Kasama ng panalangin ang ganitong sakripisyo isang debosyon ng lahat ng mga Katoliko upang ang ating pagtitika ay kasihan nawa ng Panginoong Dios para sa Iglesia sa Syria.

Si  Melkite Greek Catholic Patriarch Gregorios III Laham at nasa kanan ay si Armenian Catholic Patriarcha Nerses Bedros XIX Tarmouni (Source: Eastern Rite Filipino Catholics Blog)
Ang panawagan ng butihin Patriarka Gregorios III ay inilathala sa Ingles noong ika-7 ng buwan ng Pebrero, 2012.

“In the current tragic situation of our Arab countries, especially Syria, we invite our priests and faithful to make this Lenten season a time of prayer and intercession and repentance for peace, solidarity, unity, harmony, dialogue and respect among citizens,” ani Patriarka Gregorios III sa kanyang mensahe para sa panahon ng Kuwaresma.

“Ingatan nawa ng Dios ang mga bansang Arabe, lalung-lalo na ang Syria" panalangin ng lider ng Eastern Catholic. "Nawa'y sa panahon ng Kuwaresma didinggin tayo ng Tagapagligtas tungo sa ligayang dulot ng muling-pagkabuhay at ng buhay."

“That is the call that Jesus Christ addressed to his disciples. It is the same call that I address to the sons and daughters of our Melkite Greek Catholic Church at the beginning of this blessed period of Great Lent that is opening wide its doors to us.”

Ang panahon ng Kuwaresma ay mag-uumpisa sa pagpapahid ng abo sa araw ng Miyerkoles ika-22 ng Pebrero 2012 para sa mga Katoliko sa Latin (Roman) Rite at ang mga Katoliko sa Melkite Rite ay mag-uumpisa ng Kuwaresma sa Linggo, ika-19 ng Pebrero na tinatawag na "Forgiveness Sunday."

Wednesday, February 1, 2012

Bagong Pinuno ng Iglesia ni Cristo ng Byzantine Rite

Archbishop William Skurla (Source: Our Lady of the Sign)
Pinangalanan ng Santo Papa Benito XVI noong 19 ng Enero si Most Rev. William Skula bilang bagong Arsobispo ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ng Byzantine Archeparchy ng Pittsburge sa Estados Unidos.

Ang bagoang arsobispo ang iluluklok sa darating na ika-18 ng Abril, 2012 bilang kapalit ng namayapang si Arsobispo Basil Schott na namatay noong Hunyo ng 2010.

Kinabibilangan ng parokya ng San Pedro at Pablo Byzantine Catholic Church sa Erie at ang parokya ng San Cyril at Methodius Byzantium Catholic Church sa Louisiana at Texas.

Ang Iglesia ni Cristo ay may 21 Rites maliban sa Latin Rite na karaniwang nakikita at napapanood natin sa EWTN at iba pang mga Katolikong istasyon ng TV.

Ipagdasal natin ang Iglesia ni Cristo na laganap sa buong mundo upang lalong dumami pa ang tunay na sumasampalataya kay Cristo Hesus na Panginoon natin at Dios patungo sa kaganapan ng lahat ng pangako niyang "kailanman ay hindi mananaig ang kadiliman" sa kanyang tunay na Iglesia (Mt. 16).