Archbishop William Skurla (Source: Our Lady of the Sign) |
Pinangalanan ng Santo Papa Benito XVI noong 19 ng Enero si Most Rev. William Skula bilang bagong Arsobispo ng Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ng Byzantine Archeparchy ng Pittsburge sa Estados Unidos.
Ang bagoang arsobispo ang iluluklok sa darating na ika-18 ng Abril, 2012 bilang kapalit ng namayapang si Arsobispo Basil Schott na namatay noong Hunyo ng 2010.
Kinabibilangan ng parokya ng San Pedro at Pablo Byzantine Catholic Church sa Erie at ang parokya ng San Cyril at Methodius Byzantium Catholic Church sa Louisiana at Texas.
Ang Iglesia ni Cristo ay may 21 Rites maliban sa Latin Rite na karaniwang nakikita at napapanood natin sa EWTN at iba pang mga Katolikong istasyon ng TV.
Ipagdasal natin ang Iglesia ni Cristo na laganap sa buong mundo upang lalong dumami pa ang tunay na sumasampalataya kay Cristo Hesus na Panginoon natin at Dios patungo sa kaganapan ng lahat ng pangako niyang "kailanman ay hindi mananaig ang kadiliman" sa kanyang tunay na Iglesia (Mt. 16).
No comments:
Post a Comment