Logo ng John Paul II Foundation |
Kamakailan ang Iglesia ni Cristo ay namahagi ng 2 milyong dolyar sa mga bansang nakasakop sa Kanluran at Gitnang pate ng kontinente ng Africa. Ang nasabing tulong ay nagmula sa John Paul II Foundation na pinamumunuan ni Monsignor Giampietro Dal Toso, Secretary of the Pontifical Council Cor Unum.
Layunin ng nasabing tulong na pag-ibayuhin ang pamumuhay ng mga nasalanta ng matinding tag-tuyot at pahirap na dala ng Political Crisis lalong lalo na ang mga mamamayang naghihirap dulot ng sigalot na dala ng mga Islamist.
Ang Edukasyon ang pangunahing layunin ng nasabing tulong.
Ninanais ng John Paul II Foundation na sa pamamagitan ng pagiging ilaw at gabay ng Iglesia ni Cristo sa Africa ang lahat ng sektor ng pamumuhay ng tao ay naaayon sa hustisya (justice), kapayapaan (peace) at pag-ibig (love).
Umaasa ang buong Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng pamumuno ng Santo Papa Benito na ang hidwaan na naghahari ngayon sa nasabing lugar ay mapayapang masolusyunan lalong lalo na ang pakikiabot ng Iglesia sa relihiyong Islam upang manumbalik ang kapayapaan at respeto sa pananampalataya ng bawat isa.
Idalangin din natin na sa pamamagitan ng Santa Iglesia ang kalayaan na dulot ng pag-ibig ni Cristo ay lalong manahan sa bawat puso ng mga tao sa Africa.
No comments:
Post a Comment