Vatican City - Pinag-iisipan pa ng Vatican ang posibleng pagdalaw ng Santo Papa sa Lebanon sa darating na buwan ng Setyembre ayon kay Rev. Federico Lombardi, spokesperson ng Vatican.
Malaki ang pagtatangi ni Papa Benito XVI sa mga paghihirap na nararanasan ng mga Kristiano sa Gitnang Silangan sa kamay ng mga Islamists na pilit na bumabago sa institusyong kanilang ginagalawan.
Ang pag-aanyaya sa Santp Papa ay ginawa ni Prime Minister Najib Mikati noong siya'y dumalaw sa Vatican noong buwan ng Nobyembre 2011.
Ipanalangin natin ang balaking ito ng Santo Papa upang sa kanyang pagdalaw ay maramdaman ng mga kapatiran ng Iglesia ni Cristo sa Gitnang Silangan ang pagmamahal ng Kahalili ni San Pedro, si Papa Benito XVI.
No comments:
Post a Comment