Ang panahon ng Kuwaresma ay nag-uumpisa sa araw ng Mierkoles de Cenisa (Ash Wednesday). Nilalagyan ng ating mga pari o mga ministro ang ating mga noo ng kurus mula sa abo at pinapaalalahanan tayong lahat na "TAYO'Y ALABOK AT SA ALABOK TAYO'Y BABALIK". At kung minsan sinasabi ng pari o ministro ang "TALIKDAN NA ANG KASALANAN AT SUMUNOD SA EBANGHELYO."
Ang Pangkalahatang Iglesia ni Cristo ang siyang nagtatakda ng Araw ng Kuwaresma ayon sa Liturhiya ng Simbahan. Maliban sa Santa Iglesia Katolika, ang iba pang mga iglesia Protestante ay nakikiisa sa paggunita nitong mga Mahal na Araw.
Halina't tayo'y magtika, mag-ayuno at gumawa ng mabuti hindi lang sa panahon ng Kuwaresma ngunit sa lahat ng panahong tayo'y nabubuhay. Magpasalamat tayo at tayo'y hinirang na maging kabahagi ng Katawan ni Cristo- ang Santa Iglesia Katolika na siyang tunay na Iglesiang kay Cristo Hesus.
Maligayang pagdiriwang ng Kuwaresma!
No comments:
Post a Comment