Showing posts with label Roma 16:16. Show all posts
Showing posts with label Roma 16:16. Show all posts

Friday, October 5, 2018

104 Taon ng Pagkakatatag: Paano Sila Naging Tunay?

Tuwang-tuwa at galak na galak ang mga kaanib ng samahang tatag ni Ginoong Felix Manalo ~ang Iglesia Ni Cristo® ~  sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng Hulyo. Ito ay sapagkat ipinagdiriwang nila ang taon ng kanilang anibersaryo ng PAGKAKATATAG.

Ayon sa kanilang REHISTRO ang kanilang relihiyon ay itinatag ni G. Felix Manalo noon lamang ika-27 ng Hulyo 1914. Kaya't sa taon ng mga Katoliko na 2018, sila ay isandaan at apat (104) taon pa lamang ng pag-iral.

Sabihin man nila ng paulit-ulit na ang IGLESIA KATOLIKA ay peke, hindi tunay at tatag ng mga pagano, hindi pa rin ito papasa sa simpleng pagsusuri sa kasaysayan sapagkat sila na rin mismo ang umaamin na sila'y KAILAN lamang ITINATAG. Sapagkat ang Iglesia Katolika ay 2,018 taon na samantalang sila ay 104 pa lamang.



At sa Europa, sila ay 50 AÑOS pa lamang samantalang ang Iglesia Katolika ay halos 1,951 taon nang umiiral doon. Kung pagbabatayan natin ang bilang ng taon upang angkinin ang mga katagang "God's promises fulfilled" eh, malamang hindi sila ang tinutukoy kundi ang IGLESIA KATOLIKA na sa "pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, 9. 46).


Maging ang kanilang PAG-AANGKIN na ang "tunay" raw na Iglesia ay "NAKABALIK NA" sa kanyang "ORIHINAL" na tahanan, malaking katanungan pa rin sa atin kung BAKIT HANGGANG NGAYON AY NASA PILIPINAS PA RIN ANG KANILANG CENTRAL?


Kung ika'y isang kaanib sa INC™-1914 at ipinangaral sa iyo na ang "tunay" raw na Iglesia ay "nakabalik" na nga naman sa kanyang "original home" ayon sa itiniwalag na si Isais Samson Jr, hindi ba't kagalak-galak na balita ito?  

At dahil alam mo bilang isang INARALAN ng mga ministro ng INC™-1914 na ang ITINATAG ni G. Felix Manalo sa Pilipinas ay isang LOKAL lamang na kailangang IBALIK sa Jerusalem, hindi ba't NAKAKAPAGTATAKA nga naman na ang CENTRAL na PAMAMAHALA nito ay HINDI NALIPAT sa "original home" nito sa Jerusalem?

Lumalabas na ang INC™-1914 na tatag ni G. Manalo sa Pilipinas ay HINDI TOTOONG LOKAL lamang kundi ito ay isang IGLESIANG pagmamay-ari niya. Kaya't ang SENTRONG PAMAMAHALA nito ay HINDING-HINDI maililipat ito sa ibang bansa kundi sa PILIPINAS lamang. Sa Pilipinas itinatag at sa Pilipinas rin ito magwawakas! Ang pagkakaroon ng Central Offices ng  Iglesia Ni Cristo® sa Pilipinas ay hudyat na walang kinalaman si Cristo sa samahang 'yan at lalong wala silang koneksyon sa original na iglesia sa Jerusalem man o sa Roma.


IGLESIA SA ROMA, BINABATI BA NG LAHAT NG IGLESIA NI CRISTO®?

At bilang pang-wakas, ang kanilang paboritong talata sa Biblia, ang ROMA 16:16, wala po itong kinalaman sa kanila. Ang pinatutungkulan nito ay ang IGLESIA KATOLIKA na NASA ROMA. 

Bakit kaniyo?

Sapagkat ayon sa talata, "binabati KAYO (Iglesia sa Roma) ng lahat ng mga iglesia ni Cristo".

Bakit? May pagbati ba ang lahat ng "Iglesia Ni Cristo®" sa kanilang lokal sa Roma?

Wala pa akong natatandaan na ang lahat ng kanilang mga lokal sa buong mundo ay nagpapabati sa kanilang lokal sa Roma!

Saang parte ba ng mundo sila nagpapabati?

Sa kanilang CENTRAL sa Pinas.

Kailan?

Sa tuwing sumasapit ang ika-27 ng buwan ng Hulyo, araw ng kanilang pagkakatatag sa Pilipinas!

Kaya't kung kayo ay kaanib sa IGLESIA KATOLIKA, magalak at magpuri kayo sa Panginoong Diyos sapagkat ITO ay ang IGLESIANG INIIBIG ng Diyos, TINAWAG sa kabanalan, biyaya at kapayapaan at ang PANANAMPALATAYANG KATOLISISMO ay BANTOG sa BUONG MUNDO (Universal o καθ' ὅλης Kata Holos (Catholic)!

Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο. [Acts 9:31]



Thursday, April 12, 2018

Kung Wala sa Biblia, PEKE?

Bukam-bibig lagi ng mga kaanib sa pekeng INC™ -1914 ni Felix Manalo eh, kapag WALA raw sa BIBLIA ay hindi na totoo o PEKE.


At ginamit pa ang SULAT ni Apostol San Pablo sa mga TAGA-ROMA! Bakit, taga-Roma ba sila?! Libre ang mangarap!

DIRECT QUOTE FROM ROMANS 16:16

Mga AMPON ng PANLILINLANG. 

Ang katusuan ng mga INC™ -1914 ay Nilalagyan nila ng CAPITAL LETTERS ang "I" sa iglesia para lalabas na PROPER NOUN ito. Pero sa totoo lang, ang nakasulat sa ADB (Ang Dating Biblia) ay ganito:





SULAT ni Apostol San Pablo sa mga Kristiano sa ROMA at hindi sa Pinas. Kaya sino ang mga Kristianong binabanggit sa ROMA? Mga PINOY ba o mga ROMANO? Natural mga ROMANO dahil taga-ROMA nga eh. Kung sulat ito sa mga Pinoy dapat eh "sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Pilipinas".

Mga INC™ ba ang mga nasa ROMA?

Hindi po maaari. At lalong di tatanggpin ng mga taga-ROMA na sila'y babansaging mga "Iglesia" sapagkat sila'y mga Kristiano Katoliko at hindi "Iglesia."

Ayon kay Apostol San Pablo, ang LAHAT daw ng IGLESIA NI CRISTO ay bumabati sa IGLESIANG nasa ROMA "Binabati kayo lahat ng mga iglesia ni Cristo."

Kung LAHAT pala ng IGLESIA ni CRISTO ay bumabati sa IGLESIA sa ROMA, bakit may NAG-IISANG "Iglesia" (raw) sa Pilipinas ang AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA?

Hindi ba't mismong ROMA 16:16 ang nagsasabing "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati" sa IGLESIA sa ROMA, bakit naman ang INC™ sa Pilipinas ay ayaw talagang bumati? Dahil ba sa HINDI naman sila TUNAY na iglesia?

Kaya't kung suma-total, ang mga "iglesia" na AYAW bumati sa IGLESIA sa ROMA, bagama't sinasabi ni Apostol San Pablo na LAHAT daw ng mga iglesia ay bumabati, ang HINDI bumabati sa IGLESIA sa ROMA ay hindi dapat itinuturing na tunay na "iglesia" sapagkat NILALABAG nila ang sinasaad sa Roma 16:16 na "lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo".

Sa katunayan, halos lahat ng mga iglesiang kay Cristo sa mundo (pakitingnang ang mapa sa ibaba) ay bumabati nga naman sa IGLESIA sa ROMA.

Mula sa Wikipedia

Nakakapagtataka nga kung bakit FLAG ng ITALY ang kanilang pinag-kopyahan ng kanilang official symbol?  Tapos PINAGMAMALAKI pa nila sa kanilang PASUGO 2014 Special Centennial na "NAKABALIK" na raw ang "TUNAY" na "IGLESIA" sa ROMA?? Pero hanggang ngayon DI MAKAALIS-ALIS sa Pilipinas ang kanilang CENTRAL.

Sa totoo lang, walang INC™-1914 saan man sa mundo ang bumabati sa kanilang Lokal sa Roma. Kabaliktaran pa nga, kundi sa ang kanilang Lokal sa Roma ang BUMABATI sa CENTRAL sa PILIPINAS. Ang Local sa Roma pa ang nagpapadala ng abuloy nila sa CENTRAL sa Pinas. 

Kaya't huwag na lamang nilang linlangin ang kanilang mga kaanib. Ang ROMA 16:16 ay hindi INC™ ang tinutukoy doon ni San Pablo. Kundi mga KRISTIANONG KATOLIKO po!


Pero balikan natin ang kanilang pamantayan, na kapag WALA SA BIBLIA ay PEKE.

Una, HINDI naman sila ang pinapatungkulan ng Roma 16:16 kundi ang Iglesia Katolika na nasa Roma.

Pangalawa, wala sa saling Tagalog ang mga salitang "IGLESIA KATOLIKA" nasa GREEK VERSION ng Biblia sa Mga Gawa 9:31

"Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ' ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην, οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου, καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο." [I mén oún ekklisía kath' ólis tís Ioudaías kaí Galilaías kaí Samareías eíchen eirínin, oikodomouméni kaí porevoméni tó fóvo toú kyríou, kaí tí paraklísei toú agíou pnévmatos eplithýneto.]

Ayon pala. May IKKLISIA KATH'OLIS pala sa Mga Gawa 9:31!


Kaya IBALIK natin ngayon sa kanila ang kanilang pamantayan!



Monday, February 20, 2017

INC™ nagkaroon ng bagong news post tungkol sa kanilang kaanib na nagbigay ng Pasugo sa Santo Papa

Kaya pala ERROR 404 ang naunang balita na inilathala ng Eagle News ay sapagkat ito ay ginawan ng bagong post (dito). Narito po sa ibaba ang kanilang pagbabalita.

Pope Francis, the head of the Roman Catholic Church is handed two Pasugo (God’s Message) magazines by a Filipino student at the Roman Tre University which the pontiff visited on Friday, February 17, 2017. The Catholic Pope was also invited by Klein Mendiola, a member of the Iglesia Ni Cristo in Rome, to attend the INC’s evangelical mission in their local congregation in Rome that will happen the next day, Saturday, February 18. (Photo grabbed from Centro Televisivo Vaticano, CTV)

(Eagle News) — Pope Francis, the head of the Roman Catholic Church, visited for the first time on Friday, (February 17) the Roman Tre University, a public research university in Rome, Italy, where he met students who excitedly took the time to take various selfies with him and even briefly talked to one Filipino student who was handing him religious pamphlets and magazines of the Church of Christ (Iglesia Ni Cristo).
[The Iglesia Ni Cristo is a local sect founded by Felix Y. Manalo in the Philippines only in 1914 A.D.]

Pope Francis, the 266th pope of the Catholic Church, gladly obliged to the selfies as he shook hands with the students, and also took the “Pasugo” (God’s Message) magazines handed to him by a Filipino student, Klein Mendiola, who is studying at the Roman Tre University.
[Here is a LIST OF 266 POPES of the REAL CHURCH OF CHRIST - THE CATHOLIC CHURCH. Notice the FIRST POPE St. Peter the Apostle and the 266th as Pope Francis.]

That moment was even captured by news photographers in the Vatican and was featured in the article written about the Pope’s visit by La Repubblica, an Italian daily general-interest newspaper. (See: http://www.repubblica.it/vaticano/2017/02/17/news/papa_francesco_a_roma_tr

The article said that in the first visit of the Argentine pontiff in Roman Tre University, a public university in the capital, the Pope told the students: “Apritevi a scambio di culture perché questo toglie le paure.” (Open yourselves to exchange of cultures because this takes away the fears.)

The Vatican Television Center or Centro Televisivo Vaticano (CTV), the official media of the Catholic Pope, also captured that moment when the Pope entertained and listened to Mendiola’s invitation for him to attend the evangelical mission of the Iglesia Ni Cristo that was to happen in the church’s local congregation in Rome, which is also the seat of the Catholic Church.
[CTV is technically NOT a Pope's official media. It is more accurate to say CTV is THE official media of THE VATICAN STATE as an independent government of which the Roman Pontiff is the HEAD OF STATE.]

The Catholic Pope upon learning that Mendiola was a Filipino, cracked a joke saying, “Voi Filippini siete mal educati, mi chiamate lolo Kiko.” (Translation: Kayong mga Pilipino ay maledukado, tinatawag niyo akong Lolo Kiko)
[All INC™ Ministers and INC™ members should emulate the Pope for being cordial, no matter if one belongs to another faith or sect and stop demonizing the Catholic Church and all Catholics.]

Mendiola invited the Catholic Pope to attend the “Missione Evangelica” (evangelical mission) of the Church of Christ which was to happen the following day, Saturday, February 18, 4 p.m., at the Church of Christ locale in Rome, Italy located at Nella Casa Di Adorazione Della Congregazione.
[What the Pope knows is that the Catholic Church is STILL the ONLY and ORIGINAL CHURCH OF CHRIST which St. Paul addressed his LETTER TO THE ROMANS (16:16)]

The INC evangelical mission is sponsored by the School for Ministers branch in Rome of the Church of Christ. The main school is located in Quezon City, Philippines where the main temple of the Iglesia Ni Cristo is located.
[If the INC™'s intention is to "bring back" the "original" Church of Christ to Rome (of which INC™ bragged IT WAS ALREADY BROUGHT BACK", how come, the CENTRAL GOVERNMENT of the "true" Iglesia is STILL LOCATED IN THE PHILIPPINES not in Rome?  How come that Romans 16:16 is their favorite Bible verse when they do not do what it's saying? To SEND ITS GREETINGS TO THE CHURCH IN ROME but in truth all INC™ churches worldwide SENDS THEIR GRETTINGS to the (INC™) in the Philippines?]

The Pope appeared to have been amused by Mendiola and even tousled his hair as he ended his brief conversation with the Filipino student who happened to be a member of the INC or the Church of the Christ. Mendiola is the District Director of the Christian Brotherhood International (CBI) in Southern Europe. CBI is the student organization of the INC.
[On the contrary, it was KLEIN MENDIOLA who was AMUSED of the Pope. He was STAR STRUCKE at the site of the 266th SUCCESSOR of ST. PETER THE APOSTLE.] 

Below is a comment made by a Catholic apologist-defender/ journalist on the same issue.

The joke is on them [INC™].

The INC media is making a big deal out of a chance encounter one of its members had with Pope Francis in Rome recently during which he was given a copy of its sectarian literature as though it was its greatest achievement aside from the Philippine Arena.

The implication is that they have scored points against the very person they and other anti-Catholics consider as the "Antichrist" himself, and by extension, against all Catholics. But the overtly deferential attitude of the INC member shows otherwise. In fact, he looks like a fan boy having his close encounter with his childhood hero. Moreover, the INC media fails to see the irony in referring to the pontiff as Pope (Father), a big no-no as far as their "theology" is concerned.

Actually, the "meeting" does not prove anything except what we already know: that Pope Francis is so pure a soul that he welcomes even those who treat him as their number one enemy warmly, and that they excel at the religious equivalent of social climbing.

If you're a common termite, why would you even brag about meeting another termite or an amoeba when you can brag about meeting the lion?

INC does not seem to realize that the popes, past and present, have met with all sorts of people before, including Queen Elizabeth, the head of the Church of England; Patriarch Bartholomew, the primus inter pares of the Orthodox churches; the Ayatollahs of Iran; and Stephen Hawking, the greatest living scientist and an atheist.

And in case they don't know yet, Pope John Paul II once prayed inside the Grand Mosque of Syria and at the Wailing Wall in Jerusalem as a gesture of goodwill. His funeral was attended by world leaders from US presidents and Saudi sheiks to Hollywood A-listers.

The Chief Rabbi of Rome, Israel Zolli, was so moved by what Pius XII had done in saving many Jews during the Holocaust that he converted almost overnight.


Wednesday, October 1, 2014

Ang Iglesia na Binabati ng Lahat ng mga Iglesia ni Cristo

"Lubos akong nagpapasalamat sa Dios sa pamamagitan ni Jesu-Cristo dahil sa inyong lahat, sapagkat ang inyong pananampalataya ay balitang-balita sa buong mundo." Roma 1:8 
(Magandang Balita Biblia) 

"Ang lahat ng mga iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo (iglesia sa Roma)" - Roma 16:16 (Magandang Balita Biblia) 










Mga larawan mula sa Travelsurround.com