Showing posts with label Kurapsiyon sa INC. Show all posts
Showing posts with label Kurapsiyon sa INC. Show all posts

Friday, September 11, 2020

GMA News 2015: Former ‘Pasugo’ editor says INC general auditor involved in corruption


Published July 25, 2015 12:01am
GMA News Online

The former editor-in-chief of the Iglesia ni Cristo's official publication, “Pasugo”, on Friday alleged that the church's general auditor, Glicerio Santos Jr., was involved in corruption.

In a Facebook video posted by user "Sher Lock”, editor Isaias Samson Jr. called on Iglesia ni Cristo spokesperson Edwil Zabala and general evangelist Bienvenido Santiago to stop covering up for Santos.

"Hindi ko lamang maintindihan kung bakit ang katulad n'yo na mga ministro, at isa pa nga ay napakatagal na na ministro at anak din ng isang pioneer sa Iglesia, ay hindi masabi ang tunay ninyong niloloob at tunay ninyong nakikita. Alam ninyo na sa ating pag-uusap, kahit noon, kayo rin ang bumabanggit ng mga katiwalian na ginagawa ni Glicerio Santos Jr.," Samson said in the video.

Samson added that Santiago had even admitted to him that he knew Santos was involved in corruption, but said they could not do anything about it because he Santos was the “apple of the eye” of church authorities.

"Sana kung kayo (Zabala and Santiago) ay magsasalita pa, maging spokesperson kayo ng Diyos. Hindi ng mga taong inyong ipinagtatangol,” Samson said. “Tandaan iyong katiwalian, hindi naman ito makakaila. Liliataw at lilitaw iyan. Itinuturo natin iyan na hindi natatago ang lihim... Ihahayag iyan ng Panginoong Diyos."

Samson had claimed during a Thursday press conference that he was detained by the religious group and that other ministers had also been abducted.

Samson also detailed how corruption allegedly thrived inside the church, though he did not name those responsible.

That same Thursday Santiagio denied all Samson's allegations, and by Friday morning the chruch announced the expulsion of Samson and his family. Zabala said that the former Pasugo editor was expelled because of his refusal to submit to the authority of the church.

“Ang totoo, meron talagang departamento ang Iglesia na nakaukol lang sa auditing, napakatagal nang panahon kaya nga siguradong-sigurado kami na walang bahid ng katotohanan itong sinahabi nila,” Zabala explained.

"Meron silang mga hinahangad na mapasa kanila, na marahil hindi pinagbigyan, sapagkat lagi pong ikino-consider ni Brother Eduardo Manalo ay hindi family corporation," he added. — Trisha Macas/DVM, GMA News

Read other related news on Isaias Samson Jr.

Saturday, November 24, 2018

Thursday, November 22, 2018

PDI (2015): Iglesia nonsense

Philippine Daily Inquirer /  August 31, 2015

Photo source: PDI
THE OFFICIAL reasons given by Iglesia ni Cristo officials and spokespersons for the protest actions that began on Thursday—first at the Department of Justice in Manila, then at the Edsa Shrine in Quezon City, and then since Saturday at the intersection of Edsa and Shaw in Mandaluyong—do not make sense. They do not stand logical or legal scrutiny. Instead, they betray the surge of panic that has overtaken some of the leaders of the influential church.

To begin, not at the beginning, but at the end: The protest organizers misunderstand the longstanding doctrine of the separation of church and state, which is the main reason they have offered to justify their collective mass action. That doctrine does not mean that offenses committed internally—that is, inside the church or within the congregation—cannot be investigated by the state; if a crime is involved, or alleged, then by definition that kind of violation is an offense against “the people,” and the state is duty-bound to investigate the matter. If evidence exists of the crime, the state must prosecute the guilty to the fullest extent, to meet the ends of justice.

The separation doctrine the officials of the Iglesia ni Cristo are invoking do not grant them, or indeed any leader or member of any church, an exemption from that fundamental principle: No one is above the law.

Last week, the family of a former highly placed minister of the Iglesia ni Cristo filed a case for serious illegal detention against eight members of the church’s governing council. Isaias Samson Jr., the former chief editor of the official Iglesia publication, and his wife and son sued the officials—allegedly for detaining them for nine days in July in their own home, holding them incommunicado, confiscating their passports and subjecting them to repeated interrogation. (In the blog of the whistle-blower using the pseudonym Antonio Ramirez Ebangelista, the eight are identified as Glicerio Santos Jr., Radel Cortez, Bienvenido Santiago Sr., Mathusalem Pareja, Rolando Esguerra, Eraño Codera, Rodelio Cabrerra and Maximo Bularan.) The nightmare happened because Samson was suspected of being the whistle-blower Ebangelista, and it ended only when the family escaped.

Sunday, November 18, 2018

Iglesia Ni Cristo®-1914: "Simbahan ng mga Lihim" ayon sa CBSNews


SIMBAHAN NG MGA LIHIM

May libo-libong taga-sunod ang Iglesia ni Cristo sa Canada, ngunit ilang de-boto sa Pilipinas ay naakusahan ng kidnapping at pag-patay. Ito ay istorya ng isang Canadian na may naka-engkwentrong miyembro ng nasabing simbahan at namatay.

By Timothy Sawa, Lynette Fortune and Bob McKeown
CBSNews November 11, 2018




Halos 8 ng gabi at tahimik na tahimik sa isang karaniwang maalinsangang gabi malapit sa komunidad ng baybayin ng Batangas City sa Pilipinas.

Hanggang nasira ang katahimikan ng huni at kalantog ng isang lumalapit na motorsiklo.

Ito ay Hunyo nitong nakalipas na tag-init at si Luzie Gammon ay nasa kusina ng bahay ng kanyang napanaginipang itinayo niya kasama ang kanyang asawa na si Barry Gammon, nang ang huni ay napalitan ng nakakatuhog at hindi mapag-aalinlangang tunog ng baril na pumuputok na paulit-ulit.

Tumakbo siya sa harap na balkonahe nang nakita ang kanyang asawa, 66, nagpupunyaging isara ang kanilang gate sa isang nanghihimasok.

"Patuloy kaming nagtutulak at patuloy siya bumabaril," sabi niya sa isang kamakailang interbyu sa The Fifth Estate.

Si Barry at Luzie Gammon ay may bahay sa Batangas City, Philippines. (Luzie Gammon)

At pagkatapos "bumagsak ang aking asawa." Tumigil si Gammon habang sinikap niyang pagsasaalaala ang mga detalye. At pagkatapos siya ay nagpatuloy.

“Ang kanyang mukha, ang kanyang dugo ay nasa sahig at … siya’y dumudugo. Sa oras na iyon ito ay parang, ito ay hindi totoo, ano ang nangyayari? Ako ay kumikilos at gumagawa nguni’t hindi ito nagrerehistro sa aking isip. Totoo ba ito?”

Biglang bumalik siya sa katotohanan nang natanto niya na ang kanilang pitong taong gulang na anak, si JJ, ay nakatayo sa likod niya, lubos na walang galaw.

"Dinaklot ko ang aking anak at itinulak siya ... sa loob ng bahay," patuloy niya.

"Dito ka lang at kukuha ako ng tulong, '" naalala ang kaniyang sinabi kay JJ. "Nguni’t hindi niya gusto ... ito ay talagang ... nakakasakit ng damdamin. Sinabi niya sa akin, 'Kailangan natin tulungan ang tatay.' "

Sinabi niya sa kanya na maghintay.

"'Hindi, Mommy. Sasama ako sa iyo," sabi niya. "Tayong lahat ay magkasabay na mamatay."

Si Luzie at Barry Gammon at kanilang anak na si JJ sa kanilang bahay sa Pilipinas. (Luzie Gammon)

Namatay si Barry Gammon noong Hunyo 24 ng gabi sa Pilipinas. Nakaligtas si Luzie at JJ. Limang linggo matapos ang nakakasawing pagbaril, umalis sila ng Pilipinas papuntang Canada.

Habang siya ay lumuluhang sariwaing sa alaala ang mga pangyayari noong gabing iyon sa The Fifth Estate, lumapit si JJ at inilagay ang kanyang ulo sa kanyang dibdib. Sila ay nagyakapan.

“Siya ay talagang malakas, talagang malakas para sa akin,” ang sabi niya.

Sila ay ligtas sa Vancouver ngayon. Subali't, ang ipinakita ng isang pagsisiyasat ng Fifth Estate, ang kanilang mga buhay ay tuluyang nasira malamang dahil sa isang bagay na walang kabuluhan gaya ng isang alitan ng ari-arian sa kanilang mga kapitbahay. Nguni't noong panahong iyon, wala silang ideya kung gaano agresibo at mapanganib ang mga kapitbahay na iyon.

Ang kanilang mga kapitbahay ay mga miyembro ng isang malakas at mayamang simbahan, na may milyun-milyong tagasunod sa buong mundo, kabilang ang Canada, na kinikilala na Iglesia Ni Cristo.

Ang sentral na templo ng INC ay namumukod laban sa kalangitan ng Metro Manila. (Max and Hetty)

II.

Ang punong-tanggapan ng INC, na kinikilala, ay nasa isang maringal parang kastilyo na templo sa Metro Manila. Ang matayog na luntiang taluktok nito ay tumatagos sa kalangitan sa pinaka-populasyong lunsod ng Pilipinas.

Ang Tagalog para sa Church of Christ, ang Iglesia Ni Cristo, ay mahigit sa 100 taong gulang. Ito ay mayroong halos 7,000 mga kongregasyon sa buong mundo, kabilang ang higit sa 80 sa Canada, mula sa maliliit na bayan tulad ng Durham, Ont., at Abbotsford, B.C., sa pinakakaunting isa sa halos bawa't pangunahing sentro ng Canada.

Libu-libong mga Canadiano ang dumadalo sa mga simbahang iyon, sumasamba at nakikibahagi sa mga kawanggawang kapakanan.

Noong 2009, si Eduardo Manalo, ang apo ng tagapagtatag ng INC at tinutukoy bilang ehekutibong ministro, ay naging tagapamahala ng INC.

Ang imbestigasyon ng Fifth Estate ay nagpapakita ng pagbabago ng simbahan sa ilalim ng pamumuno ni Manalo.

Nirepaso namin ang daan-daang pahina ng mga dokumento ng korte, mga ulat ng pulisya at mga artikulo ng media at nakipag-usap sa mga dose-dosenang dating mga miyembro ng simbahan pati na rin ang mga pinagkukunan ng pulisya, legal at pampinansyal na mga eksperto at mga lokal na journalist. Ang imbestigasyon ay nagpapakita ng isang tularan, na ang mga miyembro ng simbahan sa Pilipinas ay nagiging mas agresibo, mapanganib, nasusuhulan at handang magkidnap at kahit patayin ang sinuman na nakahadlang sa kanilang paraan.

Isinasaalang-alang din ng imbestigasyon ang tanong: Kilala ba ng mga Canadiano na dumadalo o sumusuporta sa INC ang kanilang simbahan at kung ano ang maaaring mangyari kapag pinili ng mga tao na magsalita?

Ang mga miyembro ng INC sa Regina ay pinawalang-saysay ang pintas sa simbahan noong 2016, sa isang video na nakapaskil sa online ng simbahan.

"Tuwing nagsasalita ang mga tao ng mga masamang bagay o sumubok na magsalita ng masama tungkol sa aming pangangasiwa ng simbahan ... ito ay tiyak na ang gawain ng kaaway," sabi ng isang miyembro.

"Mula sa umpisa, ang Diyos ay nagpalakas sa aking pananampalataya," ang sabi ng isa pa. "Kaya hindi ko na lang pinahihintulutang makinig sa mga taong iyon [na pumipintas sa simbahan]."

Si Eduardo Manalo, na nasa sentro na ipinapakita rito noong 2014, ay naging pinuno ng INC limang taon nang nakararaan. (Mark Fredesjed R. Cristino/Pacific Press/LightRocket via Getty Images)

Sa isang liham mula sa mga abugado na kumikilos para sa simbahan, pinagkaila nito ang mga natuklasan ng imbestigasyon ng The Fifth Estate at tumangging magbigay ng tiyak na impormasyon, sinasabing nangangailangan ito ng higit pang mga detalye.

Gayunpaman, kamakailan ang INC ay nakatawag-pansin sa Immigration and Refugee Board ng Canada.

Tatlong dating miyembro ng simbahan na tumakas sa Pilipinas sa Canada, ay nagsasabi na ang kanilang buhay ay nasa panganib mula sa simbahan.

Sa tatlong hiwalay na desisyon sa 2017 at 2018, tinanggap ng lupon ang testimonyo ng lahat ng tatlong dating miyembro at binigyan sila ng katayuan ng refugee (takas).

Ayon sa isang desisyon, ang buhay ng naghahabol ay nasa panganib mula sa isang simbahan na may parehong "paraan at pagganyak" upang pumatay.

Sa isa pang desisyon, ang lupon ay nagpasiya na ang pulisya sa Pilipinas ay handang protektahan ang INC, nagpapahiwatig pa man ng iba't ibang mga paraan na maaaring patayin ang mga kritiko ng simbahan.

"May iba't ibang mga senaryo kung saan maaaring mapatay ang [naghahabol]," isinulat ng lupon sa isang desisyon noong Marso ng nakaraang taon, "mula sa mga itinanghal na sagupaan ng pulis sa pagkamatay sa billanguan sa kontrata pagpatay sa isang bansa kung saan ang mga nagpapatay ay marami at mura."

Ang mga desisyon ay patuloy na nagsasabi na ang mga utos ng simbahan ay may kapangyarihan sa Pilipinas, sa bahaging dahil ang mga miyembro nito ay bumoto bilang isang bloke, na nagbibigay ng impluwensya kung sino ang ihalal.

Ang pinuno nito, si Manalo, na hinirang kamakailan ng isang espesyal na sugo para sa mga pag-aalala sa ibang bansa ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte at makikita sa mga ulat ng balita na nakikipagkamay sa pangulo.

Ang INC ay isang simbahan na "tulad ng kulto", isinulat ng Immigration and Refugee Board ng Canada, na binabanggit ang isang ikatlong naghahabol na nagsabi na ang INC ay “hindi maaaring mahawakan ng gobyerno ng Pilipinas, hudikatura ng tagapagpatupad ng batas o maging ang pangulo mismo.”

Tumakas si Lowell Menorca sa Canada mahigit nang dalawang taong nakalipas mula sa Pilipinas. (CBC)

III.

Si Lowell Menorca ay nagaalsa ng mga kahon na nakasalansang mataas na may mga isang araw na lumang mga cake at tinapay mula sa pagkargang pantalan ng isang mamahaling groseri sa kanyang may tapas na puting minivan. Sinara niya ng malakas ang baul ng awto at nagmaneho sa mga okupadong mga kalye ng Burnaby, B.C.

Sunday, May 15, 2016

TOTOO KAYA ITO AYON SA PARATANG NI KELLY ONG?

Mula sa FB Page ng isang nagngangalang KELLY ONG DEFENDER

Larawan mula kay Kelly Ong FB Page
ANG MAITIM NA DAHILAN SA LIKOD NG MGA PAGPAPATAYO NG MGA KAPILYITAS

Sa mga maliliit na mga kapatid na nakatira sa mga lalawigan at sa mga simpleng kapatid na hindi nakikihalubilo sa social media, mahirap pong makaalam tungkol sa mga katiwalian at malawakang mga pagnanakaw ngayon ng mga ministro sa kaban ng iglesia.

Marami po sa kanila ang hindi makapaniwala na ang iglesia ay nakalubog sa utang at ang mga abuloy nito ay kulang pa para itubo sa mga bilyun-bilyong utang nito sa mga bangko.

Ang isa po sa mga ipinambubulag at ipinantakip ng tiwali at magnanakaw na sanggunian ay ang pagpapatayo ng mga kapilyitas.

LAYUNIN SA PAGPAPATAYO NG MGA ITO AY HINDI ANG KAPURIHAN NG DIYOS KUNDI UPANG MAGKUNWARI NA MAY MGA IPINATATAYONG KAPILYA ANG IGLESIA.

SUBALIT KUNG SUSURIING MABUTI, ANG MGA KAPILYITAS NA ITO AY HALOS HINDI GINUGUGULAN NG ABULOY NG IGLESIA SAPAGKAT ANG KARAMIHAN AY MGA DONASYON AT MULA RIN SA PAWIS NG MGA KAPATID.

SA PANAHON NG KAPATID NA ERANO G. MANALO ANG BAWAT KAPILYA AY NAGKAKAHALAGA NG DAAN-DAANG MILYON AT NAKAPAGPAPATAYO NG MAY MAHIGIT SA 300 DAAN BAWAT TAON.

NGAYON, SAAN NAPUNTA ANG MGA BILYUN-BILYONG INUTANG NG IGLESIA SA MGA BANGKO? BAKIT ANG REPAIR NG MGA KAPILYA TULAD NG BAGO-BANTAY AY HINDI MAISAGAWA?

"ANG AHAS AY LALONG TUSO KAY SA ALIN MAN SA MGA HAYOP SA PARANG..." Genesis 3:1

P.S. Maraming salamat po sa lahat ng mga kapatid sa Lokal ng Bago Bantay dahil sa pagkamulat ninyo sa katotohanan. Ipagpatuloy po ninyo ang mga isinasagawa ninyong pagpapanata tuwing alas 10:00ng gabi para sa ikaayos ng Iglesia.

* Ang larawan po sa ibaba ay likuran ng ipinatayo nilang kapilyitas.


Thursday, May 5, 2016

Dineny, sa Wakas, Inamin Din: Inendorso na ng INC™1914 ang Kanilang Kandidato!

Kailan lang lumabas sa Facebook ang bali-balitang INENDORSO na nga raw ni Eduardo V. Manalo sina Rodrigo Duterte at Ferdinand R. Marcos Jr bilang kanilang opisyal na kandidato para sa May Elections.

Na MARIING pinabulaanan naman ng opisyal na tagapagsalita ng INC™ na si EDWIN ZABALA.

Ang sabi pa ng balita ay sinabi raw ni Zabala na "INACCURATE" daw po ang lumabas na bali-balita!

Ito naman ang buong pag-quote ng GMA-7 sa sinabi ni Zabala: "The claim that INC announced an endorsement through a circular read during a worship service by Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo is inaccurate."

Sa kabila ng kanilang pag-DENY eh GANON din pla ang LUMABAS ayon sa hula! DUTERTE-MARCOS pala! Dalawang kandidato na inaakusahan ng PANDARAMBONG at kawalang-respeto sa DANGAL ng tao!



Photo Source: ABS-CBN

So TOTOO ang LEAK sa Social Media Mr. Zabala!

Bakit kaya nagalit si G. Zabala?  Hindi kaya dahil sa may NAG-LEAK na naman mula sa CENTRAL bago pa man ito 'SURPRISE' na i-anunsiyo ng kanilang Punong Tagapangasiwa?

Pero ayon sa mga ibang mga kaanib ng INC™, WALA NA RAW KAISAHAN ang Iglesia Ni Cristo® pagdating sa BLOC VOTING.  Ang ilan, nawalan na ng PAGTITIWALA kay Eduardo V. Manalo nang ITINIWALAG niya ang kanyang SARILING INA AT KAPATID.

Ayon na rin sa isang kaanib ng INC™ na nagtatago sa pangalang ANTONIO EBANGELISTA milyong INC™ member daw ang HINDI tatalima sa ieendorso ng kanilang pinuno!

Isa na ito sa HINDI susunod sa endorso ni EVM at marami pang susunod!





Friday, April 29, 2016

Ganagamit daw na Collateral ng INC-1914 ang Ari-arian nito para Makautang ayon sa isang blogger?

Hindi matapos-tapos ang sigalot na dala ng mga isyu sa loob ng iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914. Ayon sa blog na INC Silent No More naging daan sa pagsisiwalat sa mga di umano'y maaumalyang pagpapatakbo sa PANANALAPI sa loob ng Iglesia Ni Cristo-1914, narito na naman ang isa pang expose ng may-ari ng blog na si Ka ANTONIO EBANGELISTA (hindi niya tunay na pangalan) tungkol sa di-umano'y gamit na collateral ng INC™ para makapangutang sa bangko.
INC PROPERTIES USED AS COLLATERAL TO SECURE MULTI-BILLION LOANS

Finally… the proof that everyone has been waiting for is here.  The infamous documents that will prove what I have been saying all along.  No more Abangan… The time has finally come.
But before that…:), do allow me a moment to gloat. After all, I got bashed a lot for my FB posts. Some even went all out and created an entire blog site in my honor! On and on they went and called me names, really vicious names. In the future, make sure “liar” ain’t one of them, eh? Ref. https://youtu.be/KltsajVjgDA
Access the Truth, Iglesia ni Cristo blogspot, OWE ministers and followers, did you really think I was just bluffing?  Why did you think no one took me up on my challenge? I could wait for that elusive bank waiver until I grow roots and it still wouldn’t come.  Know why?  Because the loans are real, as everyone else will see now.  I can tell you who didn’t think of my jabs in FB as bluff – the people who took out the loans themselves!  Come on, people… You know who you are. I was holding out, waiting for you to come to your senses to avoid this embarrassment. But you chose to keep silent. You chose to ignore. And now, my patience has run out.
In all seriousness, my findings did not make me happy. Actually, I almost felt sick reading these loan documents. I felt as though the Administration has sold the very soul of the Church. They knew what they have done, yet they continued to deny, mislead, and deceive the brethren. Do they think they could take their secrets to their grave?  Do they think they could hide them from God? In a verse read during a recent lesson where they try to intimidate the thinking voters who plan to silently express their defiance of the “sold” bloc vote on Election Day, it says:
isaiah-29-15
Read on and let’s confirm to whom this verse really applies.
Evidence of Church Properties Used as Collateral
These are but a small sample among the hundreds of properties owned by “Iglesia ni Cristo” which were used as collateral for loans with Metrobank and AUB.  In particular, the ones shown below are among a very long list of properties used to secure an ADDITIONAL P3 BILLION LOAN with Metrobank and an ADDITIONAL P2 BILLION LOAN with AUB. Remember the word “ADDITIONAL” because that’s significant and I will get back to that later.
Let’s study the first one.
  1. TCT RT-113559
TCT-RT-113559-matrix
TCT-RT-113559-page1
Take note that this property was purchased during the time of God’s Last Messenger, Bro. Felix Y. Manalo back in 1944 and preserved by his successor, Bro. Erano G. Manalo.  The property is now worth close to P10 million!  Under the Administration of the current Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo, this property, along with many others, are at risk of foreclosure if obligations under the loans with Metrobank and AUB secured by this property are not paid in full and on time by INC!
This is the Encumbrances Page on this property.
TCT-RT-113559-uncumbrances-page
Let‘s take a closer look.  Here’s the top portion of the Encumbrances Page:

Friday, September 4, 2015

Tuluy na tuloy na po ang kaso laban sa mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo de Manalo- 1914 - Ang Sanggunian

Tuluy na tuloy na po ang paggulong ng kasong isinampa sa mga makapangyarihang Ministro ng INC ni Manalo.  Pinatatawag na po ni Sec. Leila de Lima ang mga kasapi sa Sanggunian na inakusahan ng tiwalag ng Ministrong si G. Isaias Samson Jr.

Wala nang makakahadlang! Panahon na para harapin ng Sanggunian ang mga paratang ng pagmamalabis, paniniil sa karapatang pantao at sa di umano'y garapalang pagnanakaw sa kaban ng nasabing grupong tatag ni Felix Manalo noong 1914.

DOJ to summon Iglesia ni Cristo leaders

Sec. Leila de Lima (DOJ)
[PhilStar] MANILA, Philippines - The Department of Justice (DOJ) will summon leaders of the Iglesia ni Cristo (INC) for a preliminary investigation into criminal charges – including serious illegal detention – filed against them by expelled members of the religious sect.

Justice Secretary Leila de Lima vowed fairness in the conduct of the preliminary investigation, wherein the eight respondents are expected to file counter-affidavits “as part of the process.”

Aside from serious illegal detention – a non-bailable offense – the eight INC ministers are also facing charges of harassment as well as threats and coercion. The eight are members of the 10-man Sanggunian, the INC’s highest administrative council.

Expelled INC members Isaias Samson Jr. and Lito Fruto filed the complaints.

De Lima said investigating prosecutors would issue subpoena requiring the respondents to appear in a hearing.

It was her order to have the complaints investigated that prompted the INC leadership to call for street protests and demand the resignation of De Lima.

Wednesday, September 2, 2015

Kung bias ang ABS-CBN sabi ng mga INC™, pinaka-BIAS ang NET25 ng Iglesia Ni Cristong® tatag ni Felix Manalo!

Nagsisisigaw ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristong tatag ni Felix Manalo noong 1914 sa harap ng DOJ sa Maynila nitong nakaraang araw na naging source of news naman ng ating mga mamamahayag.

Tiba-tiba ang ABS-CBN, GMA7, ABC5, PTV4 at iba pang mga international news services sa balitang #IglesiaNiCristo pero ang NET25 na pag-aari ng Iglesia Ni Manalo ay halos papuri at pagmamayabang lamang ang naririnig sa kanila.

Dahil sa taas ng tensiyon, ang mga lumahok sa rally nila ay nanakit ng mamamahayag ng ABS-CBN na ang sigaw pa ay "Bias! Bias"!

ABS-CBN cameraman assaulted at Iglesia ni Cristo EDSA protest – report
August 29, 2015 3:15am

Unidentified assailants reportedly mauled ABS-CBN cameraman Melchor Pinlac while he was filming the Iglesia ni Cristo protest at the EDSA Shrine.

Pinlac said that he was grabbed by the neck, then he was punched on the jaw, the body, and the back of the neck, according to a dzMM radio report. All the while, the crowd around him was chanting “biased, biased.”

According to Super Radyo dzBB, their reporter Olan Bola was shoved around during the encounter while trying to appease protesters. Bola was not injured. — GMA News

Pero sa totoo lang, sino kaya ang BIAS? Ang ABS-CBN or ang NET25 na pag-aari ng INC™?

Sa natatandaan ko, WALA man sa kanilang mga journalist ang nag-COVER sa PAPAL VISIT noong buwan ng Enero sa kabila ng pagparito ng maraming mga international journalist tulad ng CNN ng US, BBC ng UK, PressTV ng Iran, Al-Jazeera ng Qatar, France24 ng France, RT ng Russia at marami pang iba.

Pero ang lokal na lokal na TV Station na NET25, para silang hindi na natira sa Pilipinas at nagbobolahan silang pumuri sa kani-kanilang mga balita na wala namang relevance noong panahong iyon.

Tama nga ang sabi ni. G. Philip Lustre Jr., na ang Iglesia Ni Cristo raw ay "epitome of religious bigotry and ethnocentrism; its xenophobia..."

Monday, August 31, 2015

Babagsak na nga ba ang Iglesia Ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo?

Matindi ang ginawang perwisyo ng mga kaanib ng INC™ na tatag ni Felix Manalo nitong mga nakaraang mga araw.  Daglian ang mga pangyayari.

Buwang ng Abril, nagsimulang maglahad ng mga anumalya ang isang kaanib ng INC™ sa pangalang Antonio Ebangelista sa kanyang blog na pinamagatang "Iglesia Ni Cristo Silent No More" (http://iglesianicristosilentnomore.wordpress.com).

Maraming naniwala kay Antonio Ebangelista, ngunit sila'y ITINIWALAG agad agad ng walang pagdinig.  Ang ilan ay natakot. Ayaw nang magsalita o magkomento.  Ang ilan ay gumawa ng mga fake accounts para lamang ituloy ang laban na inumpisahan ni Antonio Ebangelista.

Habang namamayagpag ng mahigit 2 milyong hits na ang blog ni Antonio Ebangelista na naging sanhi ng pagbabangayan ng mga kaanib nila, ang Media ay nagbabasa na sa mga pangyayari. Di kalauna'y biglang nawala ito. Hinacked pala di umano ng ACTIV, isang grupo raw ng mga INC™ IT experts.

Hindi ito naging dahilan kay AE upang mawalan ng pag-asa kaya't gumawa ulit ng blog si Ka AE (http://incsilentnomore.wordpress.com). Lalong matunog ang usapin tungkol sa mga akusasyong maraming mga itniwalag na Ministro ang nawawala o kaya'y hindi alam kung sinong dumukot.

Hanggang pumotk sa YouTube ang panawagan ng Ka Tenny at ng Ka Angelo (ina at kapatid ng Ka Eduardo V. Manalo) na sila'y ginigipit na raw ng Sanggunian (Council of Advisers) sa pamilya ng namayapang Ka Eraño.




Naging hayagan na ngayon ang talamak na hidwaan at kabuktutan sa INC™ ni Manalo. Kaliwa't kanan ang akusasyon ng pagmamalabis ng mga Ministro nito, sa pangunguna ni Ka GLICERIO SANTOS JR. o mas kilala sa pangalang JUN SANTOS.

Nariyan di umano ang nakabili sila ng AirBus na eroplano (pero ibinenta pagkatapos na maisiwalat ang tunkol dito).

Nariyan di umano ang pagtitinda ng INC™ ng mga ari-arian at lupain. Ang malaking gastos na ginugugol sa Philippine Arena na hindi naman kumikita.

Nariyan di umano ang kaliwat-kanang tiwalagan.

At ang panghuli ay ang malawak na backlash ng mga kaanib sa kanilang abuluyan.

August 25, 2015, naghain ang isa sa mga itiniwalag na Ministro na si G. Isaias Samson Jr, asawa at anak, ng reklamo sa DOJ laban sa mga Sanggunian.



Ang ginawa raw ng Sanggunian, nagpakalat ng text, at sinabing huhulihin daw si Ka Eduardo etc. kaya't dumagsa ang mga INC™ sa DOJ sa Manila at di kalauna'y sa EDSA Shrine at Shaw Boulevard na IKINAINIS ng mamamayan!

At dahil sa ginawa ng INC ni Manalo sa lansangan, dumami ang nainis sa INC maging ang mga pulitiko na nagsubok sumipsip sa grupo ay nakatikim ng maanghang na katotohanan na HINDI na sila suportado ng netizens.

Kaya't ang tanong, babagsak na kaya ang INC ni Manalo? O kung sakaling maka-survive, mahihirapan silang muling bumangon sapagkat sirang-sira na sila sa mga Pilipino at sa buong mundo.

Ganyan ang Iglesiang tatag ng tao. Sa pera namumuhunan kaya't sa pera rin nahuhumaling at nahuhulog.

Balik na sa tunay na Iglesia ni Cristo, ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang tunay na Iglesia ni Cristo (Pasugo Abril 1966, p. 46).


Tuesday, April 28, 2015

Sapilitang Abuluyan sa loob ng INC™ ayon sa isang tagong Ministro!

"Sana kung gaano sya katapang na ipagsigawan sa Iglesia na “Bumili kayo ng Coffee Table Book”, “Bumili kayo ng Phil. Arena Tickets”, “Magtanging Handugan kayo para sa Close-Open Centennial” sana ganyan din sya katapang na sagutin isa-isa ang mga iregularidad na kanilang pinasimulan sa Sanggunian." -G. Antonio Ebangelista (hindi niya tunay na pangalan), Ministro ng Iglesia Ni Cristo® na nagsiwalat ng malalim na kurapsyon sa loob ng pangangasiwa ng INC™