Thursday, May 12, 2016

ANO NGA BA ANG SUKATAN NG PAGKATUNAY NG ISANG IGLESIA?

Epiphany Catholic Church, IL, USA (Source: Epiphany Parish)
Heto ang isa namang komento ng kaanib ng Iglesia Ni Cristo® -1914 mula sa ating post na ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914 sa IN DEFENSE OF THE CHURCH blog.

rodel daroyMay 12, 2016 at 10:01 AM

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios.. 
#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios. 
#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba? 
#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,, 
#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16.... 

Ito naman paki basa: 
#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,, 
#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral... 

mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

rodel
proud to be INC,,,


Bagamat ang mga katanungan at sariling sagot ng kaanib ng INC™ na ito ay KASING-TANDA na ng mga kabundukan, atin pa ring sasagutin upang MAIPAKITA natin sila na ang PAGMAMAHAL ng DIYOS ay PAGPAPAHAYAG ng KATOTOHANANG hindi pa nila nasusumpungan hanggang sa kasalukuyan.

#1. Ang Cristo at mga Apostol ay matagal nang pinag pahinga ng Dios..

  • Ano nga ba ang pagkaunawa ng mga kaanib ng INC™ na kapag namatay na ay ALABOK na lamang daw ang isang patay ("Pagbubunyag sa Iglesia Ni Cristo", p. 110) at wala na raw itong saysay sa mundo ng mga buhay (PASUGO December 1966, p. 10). Pinagpahinga ng Panginoon ang mga Apostol ang kanilang mga katawang-lupa ngunit BUHAY NA BUHAY kapiling ang Diyos na si Jesus sa langit. Sa Mt. 22:32, bagamat MATAGAL NANG PATAY sina Abraham, Isaac at Jacob sila ay BUHAY na kapiling ng Diyos. Ganon din ang mga Apostol ni Jesus. Sa katunayan, sinabi pa ni Jesus sa mga Apostol na "mauuna siya at ipaghahanda sila ng tirahan sa langit" na kapiling Siya (Jn. 14:3).

#2. Ang unang Iglesia Ni Cristo ay natalikod dahil pinag papatay, ang iba ay sumamba na sa mga dios-diosan na gawa sa ginto, bato, kahoy at iba pang materials... nangyari ito ng umakyat na sa langit ang Cristo,,, at ang mga apostol ay pinag pahinga na ng Dios.

  • Ang UNANG nagsabing NATALIKOD na GANAP ang Unang Iglesia ay HINDI si Felix Manalo kundi si JOSEPH SMITH ng Mormon. Let me quote what was written by Dr. Patrick Madrid in his article 'IN SEARCH FOR THE GREAT APOSTASY'. "The restored Church affirms that a general apostasy developed during and after the apostolic period, and that the primitive Church lost its power, authority, and graces as a divine institution, and degenerated into an earthly organization only. The significance and importance of this apostasy, as a condition precedent to the re-establishment of the Church in modern times, is obvious. IF THE ALLEGED APOSTASY OF THE PRIMITIVE CHURCH WAS NOT A REALITY, THE CHURCH OF JESUS CHRIST OF LATTER-DAY SAINTS IS NOT THE DIVINE INSTITUTION ITS NAME PROCLAIMS"[1] (emphasis added).
    KINOPYA nga ba ni Felix Manalo ang doktrina ng mga Mormons ayon sa paratag ng blog na ito? Ngunit sa ngalan ng tamang pagsisiyasat, kung NATALIKOD NA GANAP ang TUNAY na Iglesiang TATAG ni Cristo (at ito ang IGLESIA KATOLIKA), ano bang KATIBAYAN ang maaari nating PANGHAHAWAKAN upang paniwalaan natin ang ganitong mga pahayag? Meron po ba silang hawak na HISTORICAL RECORDS na nagpapatunay ng PAGTATALIKOD?
    AYON kay Cristo, HINDING HINDI RAW MATATALIKOD ang kanyang TATAG NA IGLESIA. Kahit pinto pa lamang ng Hades ay HINDI makapananaig dito (Mt. 16:16-18). ISANG PANGAKO yan! Tapos dumating lang si Felix Manalo noong 1914 eh NATALIKOD NA GANAP na raw ito? Inabot pa ng ISANG LIBO'T SIYAM NA RAAN AT LABING PITONG TAON (1,914) bago nalaman ni Cristo na NATALIKOD na pala ang Iglesiang TATAG niya at KAILANGAN ng isang Felix Manalo para 'itatag' muli tulad ng sinabi sa PASUGO Agosto 1971, p.22? Konting sentido comon naman po mga G. Rodel.
    Sa katunayan, ayon na rin sa inyong OPISYAL na MAGASING PASUGO, ay HINDI nga NATALIKOD o HINDI PA NATATALIKOD ang tunay na Iglesia-- ang Iglesia Katolika.
    PASUGO Mayo 1968, p. 5: "Ano ang katangian ng maging Tupa ni Cristo? Sa Juan 10:28 ay ganito ang sabi: 'At sila'y binigyan ko ng walang hanggang buhay, at kailanma'y hindi sila malilipol, at hindi aagawin ng sinuman sa aking kamay'. Isang dakilang kapalaran ang maging Tupa o Tauhan ni Cristo sapagkat sila'y binibigyan niya ng walang hanggang buhay at hindi sila malilipol kailan man." 
    PASUGO Hunyo 1940, p. 27: "Papaano ang pag-aalaga at pag-iingat sa pananampalataya? Wala tayong dapat gawin kundi manatili sa mga aral ng Dios na ating napag-aralan. Ito ang ginawa ng unang Iglesia. Sila'y nanatiling matibay sa aral ng mga Apostol. Ganito rin ang dapat nating gawin."
    PASUGO, Abril 1966, p. 46: “Ang totoo hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na ginagawa ni Satanas ang pagpapasok ng mga maling aral sa Iglesia Katolika na sa pasimula'y siyang Iglesia ni Cristo. Sadyang matalino at tuso ang diablo. Hindi niya ginawang biglaan ang pagtalikod sa Iglesiang itinayo ni Cristo noong unang siglo."
    Mayron pa ba akong dapat pang ipaliwanag tungkol sa "PAGTALIKOD NA GANAP" daw ng TUNAY na Iglesia ni Cristo? Malinaw na siguro ito mula sa inyong official magazine.

#3. May sinabi ang Cristo, meron pa akong mga tupa wala sa kulongang ito, sila ay tatawagin mula sa malayo... sa maka tuwid hindi ito kasama sa mga pinag papatay at natalikod sa pananam palataya.. merong kakasang-kapanin ang Dios sa muling pag bangon ng INC sa mga huling araw,,, natural mente hindi na ang cristo yun at hindi narin ang mga apostol yun... tao na mag mumula sa sikatan ng araw o sa malayung silangan o Pilipinas,,, bakit namin natiyak na ang INC sa pilipinas nga yong tinotukoy ng Cristo? bakit? meron bang ibang bansa sa malayung silangan na doon muling bumangun ang INC? makikilala ba?

  • Una, HINDI SINUNGALING si CRISTO tulad ng gusto niyong palabasin. Kapag SINABI niyang HINDI MATATALIKOD KAILANMAN ang kanyang IGLESIA ay HINDING HINDI ito MATATALIKOD (Mt. 24:34) Kung may SINUNGLING ito ay hindi si Cristo kundi si FELIX MANALO.
    Rodel huwag po kasi tayong basta na lamang naniniwala sa bulaklak ng salita. Hindi porke't magandang pakinggan ay katotohanan na. Si Cristo ang KATOTOHANAN. Si Felix Manalo ang KASINUNGALINGAN.

#4. Sinabi ng Cristo makikila ito sa pamamagitan ng aral na itataguyod nito,,,

  • Sang-ayon po ako diyan G. Rodel. Sa aral po nakikita kung ano ang ARAL MULA SA DIOS at ARAL MULA SA TAO lamang katulad ni FELIX MANALO.  Ayon sa inyong opisyal na magasin, makikilala raw ang TUNAY na Iglesia sa KATURUAN. Ang tunay raw na Iglesia ay nanggagaling sa Dios ang aral ayon sa PASUGO, Nobyembre 1960, p. 26: "Kaya't papaano makikilala ang sugo ng Dios at ang hindi sugo ng Dios: Sa aral makikilala ayon kay Jesus. Ang aral ng mga sugo ng Dios ay mula sa Dios, ang mg aral ng hindi sugo ng Dios, ay mula lamang sa kanyang sarili. (Juan 7: 16-18)" 
    PASUGO May 1961, p.4: “At sino nga ba ang gumagawa ng mga leksiyong itinuturo ng mga ministro, maging sa mga pagsamba, mga doktrina o mga Propaganda? Ang Kapatid na Felix Manalo.”
    PASUGO Mayo 1963, p. 27: “Kaya’t sa katuparan ng hula, ang lahat ng mga itinuturo ng mga Ministro ng INK sa mga pagsamba, sa mga doktrina, sa mga pamamahayag sa gitna ng baya, ay si Kapatid na Felix Manalo lamang ang bumabalangkas at nagtuturo sa kanila.”
    Kaya't tama nga ang pagkasabi ni G. Rodel na SA ARAL MAKIKILALA ang tunay sa peke. At lalong pinatunayan pa ito ng kanilang Pasugo.

#5. Isang tagapagligtas ang Cristo at isang Dios ang Ama na lumalang ng lahat ng bagay at nasa loob ng isa lamang katawan yun ang IGLESIA,,,ANG KAWAN,,, ANG IGLESIA NI CRISTO,,, colosas 1:18, gawa 20:28, roma 16:16....

  • Si CRISTO ay TAGAPAGLIGTAS. Ang DIYOS AMA rin ay TAGAPAGLIGTAS (Zech. 9:16), Ang DIOS ay TAGAPAGLIGTAS (Jude 1:25). At ang LAHAT NG PAGLALALANG ay NARON na ang SIYA kapiling ng AMA (Jn. 1:3; Col. 1:16); At ang PAGTATATAG ng IGLESIA ay NAGANAP noong 33 AD. Hindi po 1914 AD [silipin ang 1914 sa Talaan ng Kristianismo]. 
    GAWA 20:28: "Keep watch over yourselves and over the whole flock of which the holy Spirit has appointed you overseers,* in which you tend the church of God that he acquired with his own blood." Ayon pala eh. Tinubos daw ng DIOS ang KANYANG IGLESIA sa PAMAMAGITAN ng KANIYANG SARILING DUGO. May DUGO pala ang DIOS! Bakit may dugo ang Dios? Ang kasagutan diyan ay nasa JUAN 1:1-3;14 na nagsasabing ang VERBO ay DIOS at NAGKATAWANG-TAO ANG DIOS NA VERBO!

#6. kani no bang aral ang pag babawal ng pag-aasawa? ang pag babawal ng pagkain ng lamang kati o karne sa mga araw na bawal? at pag samba o pag luhod sa mga larawan o mga santo o mga dios-diosan? ito ang dapat mong suriin kinauukulan,,,, kung ito ba ay aral ng Dios? o aral ng Diablo? wala akong mabasa sa biblia na nangaral ang cristo ang mga apostol ng ganito,,,, at maging ang kapatid na Filix Manalo ay wala ring ganitong ipinangaral,,,,, kung gayun kaninong aral kaya ito? ikaw na ang tumimbang kinauukulan,,,

  • BAWAL MAG-ASAWA: Una, hindi po namin aral yan. Wala ito sa aming mga doktrina. Sa katunayan, ang PAG-AASAWA ay isa sa PITONG SAKRAMENTO na itinuturo ng Iglesia Katolika na sa PASIMULA AY SIYANG IGLESIA NI CRISTO (Pasugo Abril 1966, p. 46). 
    O baka naman ang TINUTUKOY mo ay ang HINDI PAG-AASAWA ng mga PARI? Diyan pa lang ay MANLILINLANG na itong kaanib ng INC™ sapagkat HINDI PO DOKTRINA ang hindi pag-aasawa ng mga parig Katoliko. ITO AY ISANG DISIPLINA lamang. Sa katunayan ang hindi pag-aasawa ay sa mga LATIN RITE PRIESTS lamang.  HINDI PO SAKOP sa disiplinang ito ang mga PARING galing sa mga CATHOLIC ORTHODOX. Narito ang sinasabi ng Wikipedia: "In general, the Eastern Catholic Churches allow ordination of married men as priests. Within the lands of the Ukrainian Greek Catholic Church, the largest Eastern Rite Catholic Church, priests' children often became priests and married within their social group, establishing a tightly-knit hereditary caste. In North America, by the provisions of the decree Cum data fuerit, and for fear that married priests would create scandal among Latin Church Catholics, Eastern Catholic bishops usually ordained only unmarried men. This ban, which applied in some other countries also, was removed by a decree of June 2014."
    HUWAG MAGING MANGMANG sa KASAYSAYAN ng KRISTIANISMO! 

#7. ito ang hula sa Iglesiang lilitaw o lumitaw na nga sa Bansang Pilipinas,,, Awit 4:3, Isa.43:5-6, moffatt translation; Isa. 62:11-12, Gawa 20:28 Lamsa translation, ang mga aral ng Iglesiang ito ay walang pinag kaiba sa aral ng unang Iglesia na itinatag ng Cristo sa jerusalim,,, sa makatwid ang INC na lumitaw muli sa pilipinas ay ang kawan na sinabi ng cristo na mula sa malayo... makikilala sa turo at pangangaral...

  • Kung BIBLIA ang ating sangguniin, walang HULANG LILITAW ang IGLESIA. Sapagkat WALANG HULANG MAWAWALA ito. Ang mga NABANGGIT na mga sitas sa Awit 4:3, Isa 43:5-6 (bakit Moffat?); Isa 62:11-12 at Gawa 20:28 ay HINDI PATUNGKOL sa INC™ ni "FILIX" (sic) MANALO. At lalong WALANG SINABING MATATALIKOD ang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO.
    Ang MALINAW ay GALING MISMO sa BUNGANGA ni CRISTO. Mateo 16:18: HINDING HINDI MAGAGAPI ANG KANYANG IGLESIA, KAILANMAN!
mahal namin kayo,,, kaya sana pag laanan niyo ng panahun ang pagsusuri sa mga aral ng INC... salamt po

SINURI na po namin ang KATURUAN ng IGLESIA NI CRISTO® 1914 at NAPATUNAYANG SALAT SA KATOTOHANAN ito. Ang kanilang SUGO ay isang MANDARAYA at MANLILINLANG sapagkat ITINUTURO niyang TAO lamang si CRISTO at HINDI DIYOS na TALIWAS sa TURO ng BANAL NA KASULATAN.

At ang PAGHATOL ng BIBLIA kay FELIX MANALO ay nasusumpungan sa 2 JUAN 1:7: "MANY DECEIVERS have gone out into the world, THOSE WHO DO NOT ACKNOWLEDGE JESUS CHRIST as COMING IN THE FLESH; such is the DECEITFUL one and the ANTICHRIST." (Emphasis Added!)

2 JUAN 1:7: "SAPAGKA'T MARAMING MANDARAYA na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga HINDI NANGAGPAPAHAYAG NA SI JESUCRISTO AY NAPARITONG NASA LAMAN. Ito ang MANDARAYA at ang ANTICRISTO." (Dinagdag ng Pagdidiin!)

Una na tayong MINAHAL ng DIYOS bago pa man LALANGIN ang SANLIBUTAN. Bago pa man isinilang si Felix Manalo, NAGPADALA na siya ng mga Apostol UPANG BIGYAN TAYO NG BABALA tulad ng babala ni APOSTOL SAN JUAN ukol sa PAGDATING NG MANDARAYA at ANTICRISTO sa katauhan ni FELIX MANALO.

Bumalik na tayo sa IGLESIA KATOLIKA sapagkat ITO ANG TUNAY NA IGLESIANG TATAG NI CRISTO ayon na rin sa PASUGO. 

Hinihintay kayo ni Cristo sa TUNAY niyang IGLESIA-- ang IGLESIA KATOLIKA!



----------------------------------------------------------------------
[1]James E. Talmadge, The Great Apostasy (Salt Lake City: Desert Books,1968ed.),iii. For a discussion of apostolic succession see Warren H. Carroll, The Founding Of Christendom and The Building Of Christendom (Front Royal: Christendom College Press,1985,1987).

No comments: