Sunday, May 15, 2016

KILALALIN DAW ANG IGLESIA NI CRISTO® (CHURCH OF CHRIST)!

Araw po ng Sabado, ika-14 ng Mayo, sa buong kapuluan, namahagi po ang mga kaanib ng INC™ ni Felix Manalo upang magmudmod ng isang munting babasahin PATUNGKOL sa INC™-1914 o mas kilala sa TRADEMARK na IGLESIA NI CRISTO®

KILALANIN ANG IGLESIA NI CRISTO (Church Of Christ)


Mayroon pa bang HINDI nanakakakilala sa Iglesiang TATAG ni FELIX MANALO eh halos taon-taon sa tuwing sumasapit ang HULYO 27 ay tadtad ng tarpaulin ang ating mga lansangan sa PAGBATI ng mga nangangandarapang mga TRAPO (Traditional Politicians) para batiin sila sa kanilang FOUNDATION ANNIVERSARY?

Mismong si Pangulong Benigno Aquino III ang nagsabi sa kanyang PAGBATI sa ika-101 Taong Anibersaryo ng INC™ "binabati ko ang bawat kaanib ng Igleisa ni Cristo (sic) sa pagdiriwang ng inyong Anibersaryo ng PAGKAKATATAG." (mula sa PASUGO God's Message Special Issue, p. 4, ang pagdidiin sa kabuuan ng saknong ay akin lamang.)

Ang Hulyo 27, ba ay PAGDIRIWANG ng PAGKAKATATAG ng IGLESIA NI CRISTO®?

OPO!

Sapagkat MALINAW pong sinasaad sa kanilang REHISTRO na si FELIX MANALO ang NAGTATAG nito noong HULYO 27, 1914 at HINDI SI CRISTO! Kaya't marapat lamang na ito rin ang INIUULAT ng mga MAMAMAHAYAG sa buong mundo!

Sipi ng Rehistro nila sa SEC

Narito ang kanilang PANIMULA sa kanilang munting babasahin.


Ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay HINDI po relihiyon tulad ng IGLESIA KATOLIKA o ISLAM o JUDAISMO. Ito po ay isang SEKTA!  Sektang TATAG ng isang TAO! Si FELIX MANALO ang nagtatag nito! Kaya't HINDI po ito isang relihiyon.

Ang TUNAY na Iglesia ni Cristo po ay TATAG MISMO ni CRISTO. Ito ay NAGMULA sa JERUSALEM noong UNANG SIGLO pa (basahin ang Wikipedia)

Kaya't MARAPAT lamang na sabihin natin na ang IGLESIA KATOLIKA na siyang TUNAY na IGLESIA NI CRISTO ay ang TUNAY na RELIHIYON.

Nalito ba kayo?

Marahil oo.

Sapagkat ang PANLILITO ng TAO ay gawain ng Diablo.

Linawin natin.

Ang Iglesia Ni Cristo (pansinin ang mga malalaking titik sa bawat salita- INC) ay TATAG po ni Felix Manalo. Ito po ay REGISTERED TRADEMARK kaya po siya ®!

Wala pong pinagkaiba yan sa mga produktong rehistrado ang pangalan. Tulad ng Jollibee, Mang Inasal. Kahit tumawid pa sa ibang bansa ang mga yan ay HINDI NAGPAPALIT ang kanilang pangalan sapagkat ITO ang kanilang Registered Trademark at protected po sila ng Patent Office.

Ang Iglesia ni Cristo (normal lamang ang pagbigkas ng walang pagdidiin) ay ang IGLESIA KATOLIKA sapagkat ITO ang TUNAY na iglesiang tatag ni Cristo noong unang siglo pa.

“Ang Iglesia Katolika na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." -PASUGO Abril 1966, p. 46:
Kaya't ang kanilang PANIMULA sa munting babasahing ay isang malinaw na PANLILINLANG.

Panlilinlang upang MANIWALA tayong mga nasa TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo at sa ating kalituhan ay maakit sa kanilang paanyaya.

Sa kabuuan, ang Iglesia Ni Cristo® ay ISANG SEKTA! (basahin ang Wikipedia) Hindi tunay at huwad!


“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."-PASUGO Mayo 1968, p. 7:

Kaya't kung SEKTA ang Iglesia Ni Cristo®, ang lahat ng kanilang mga sinasabi ay TALIWAS na sa Biblia at SABLAY sa KATOTOHANAN.

Iwasan po natin sila tulad ng PAALALA ni APOSTOL SAN JUAN  sa kanyang Ikalawang Sulat (1:7-10)

"Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman (katulad ni Felix Manalo na itinakwil ang pagka-Diyos ni Cristo na naparito sa laman). Ito ang magdaraya at ang anticristo. (Ayon, mandaraya raw ang mga ganong mangangaral!) Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan. Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios: ang nananahan sa aral, ay kinaroroonan ng Ama at gayon din ng Anak. Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin!"

Kaya't sa kanilang pagbisita at hindi niyo sila binati, isang pagsunod lamang ito sa mga mahigpit na paalala ni Apostol San Juan. Ang inyong ginawa ay ikabubuti ng ating kaluluwa na HINDI MADADAYA kailanman!

2 comments:

Unknown said...

Ayon sa 2 Juan 4:2-3, ang nangangaral na si Cristo ay naparitong nasa laman o tao ang SA DIYOS. so kapag ipinangaral ninoman na si Cristo ay Diyos, sila ang anticristo.

CD2000 said...

JM Desire,

Heto ang 2 Juan 2-3 "Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man: 3Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig."

Sala naman po ang iyong sitas. Baka ang tinutukoy mo ay 2 Juan 4:7 na ganito ang nakasulat: "7Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo"

Ano raw?

Marami raw ang mga NGANGANGARAL na MANDARAYA ang MAGSILITAW sa sanlibutan!

Sino sila?

Sila raw ay ang mga mangangaral na:

1. Hindi nagpapahayag na si JesuCristo ay NAPARITO SA LAMAN (mula sa LOGOS, SALITA, DIYOS).

2. Hindi tumatanggap na si JesuCristo ay DIYOS na naparito bilang TAO!

3. Hindi tumatanggap na si Jesus ay DIYOS na naparito sa laman!

Ano raw sila?

Sila ang mga MANGANGARAL na mga MANDARAYA AT MGA ANTI-CRISTO!

Sounds familiar ba? :)