Basic na po sa atin itong mga tanong. Kung tuus-tuusin, ang mga tanong na ito ay KASING-TANDA na ng mga KABUNDUKAN at NASAGOT na po ito ng TUNAY na IGLESIA ng makailang ulit!
Ngunit dahil sa KATIGASAN ng kanilang mga PUSO, gawin na lang nating direct to the point at simple ang ating pagpapaliwanag sa mga AYAW TANGGAPIN na ang DIYOS ay NAGKATAWANG-TAO at nagkaroon ng LAMAN at nagkaroon ng ANYO at nagkaroon ng DUGO!
TUTOL at HINDI MATANGGAP ng mga kaanib ng IGLESIA NI CRISTO® 1914 ang KATOTOHANAN na ang DIYOS ay ESPIRITU at NAGKATAWANG-TAO.
Ang PANTAPAT nilang talata para TUTULAN ang PAGKAKAROON ng anyo at dugo ng Diyos ay ang HOSEA 11:9 at EZEKIEL 28:2
Mula sa isang Forum sa FB |
"Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit."
"Anak ng tao, sabihin mo sa prinsipe sa Tiro, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang iyong puso ay nagmataas, at iyong sinabi, Ako'y dios, ako'y nauupo sa upuan ng Dios, sa gitna ng mga dagat; gayon man ikaw ay tao, at hindi Dios, bagaman iyong inilagak ang iyong puso na parang puso ng Dios;"
BAKIT kaya sila GUMAMIT ng talata ng Biblia LABAN sa BIBLIA?
Ang BIBLIA ba ay LABAN sa BIBLIA? Ganyan ang mga inaralan ng mga sugo ng kadiliman.
Sapagkat, HINDI nila NAUUNAWAAN ang BUONG PAGKAKAUGNAYAN ng BUONG BIBLIA!
Sa HOSEA 11:9, WALA namang binanggit doon na ang DIYOS ay WALANG KAKAYAHANG MAGING TAO?
Lalo namang WALANG BANGGIT sa Ezekiel na WALANG KAKAYAHAN ang Diyos na maging tao.
Sa mga talatang gamit ng mga kaanib ng INC™ Ni Manalo, LALO lamang BINIGYANG DIIN ng nagsulat na ang DIYOS ay DIYOS at HINDI TAO. Na ang IBIG SABIHIN ay MAKAPANGYARIHAN SIYA at WALANG IMPOSIBLE sa kanya (Mat 19:26)!
Kung NANAISIN niyang MAGING TAO ay sapagkat SIYA AY DIYOS at MANGYAYARI ito ayon sa kanyang kagustuhan.
At kung MAGKAGAYON, ayon pa rin sa HOSEA at EZEKIEL na kanilang nabanggit, HINDI MAWAWALA ang KANYANG PAGKA-DIYOS. Mananatili siyang Diyos!
NANGYARI BA ang KANYANG KAGUSTUHAN? Ating siyasatin!
Ang DIYOS ay ESPIRITU! TAMA po yan!
Ngunit ang DIYOS na ESPIRITU ay BANAL. Dahil SOBRA ang kaniyang kabanalan at kalwalhatian, HINDI kakayanin ng makasalanang katawang-lupa natin ang ganitong pagtatagpo. Kaya't MINABUTI ng DIYOS na BANAL at ESPIRITU na PUMASOK sa ating kasaysayan BILANG KATULAD natin sa LAHAT NG BAGAY maliban sa kasalanan (Heb. 2:17; 4:15).
Sa PASIMULA ay VERBO (Logos, Salita)! -Jn 1:1
At ang VERBO (Logos, Salita) ay NASA DIYOS! -Jn 1:1
At ang VERBO (Logos, Salita) ay DIYOS! -Jn 1:1
Ang VERBO (Logos, Salita) KAPILING na ng Diyos. Lahat ng bagay ay NATUPAD dahil sa Kanya (VERBO, Logos, Salita)! -Jn 1:2-3
At ang VERBO (Logos, Salita) ay NAGKATAWANG-TAO! -Jn 1:14
At ang VERBO (Logos, Salita) na NAGING TAO ay NAKAPILING NATIN! -Jn 1:14
SINO ANG VERBO (Logos, Salita) na NAGING TAO?
At upang MAKATOTOHANAN ang PAGKAKATAWANG-TAO ng VERBO na DIYOS na ESPIRITU, mayroon pong SAKSI o WITNESS ang DIYOS upang hindi po ito sabi-sabi lamang ayon sa mga paratang nga mga ANTI-CRISTO na mga INC™ Ni Manalo.
Sino ang SAKSI o WITNESS na NAGPATOTOO nito?
Si JUAN BAUTISTA! -Jn 1:6
NAGPATOTOO si JUAN BAUTISTA na NAPARITO ang DIYOS na NAGING-TAO bilang KALIWANAGAN sa lahat ng mga nasa ka-DILIMAN (sounds familiar ba?)! -Jn 1:7-9
Ang sabi ng mga MINISTRO ng INC™ Ni Manalo ang VERBO (Logos, Salita) raw ay ISANG PANUKALA o PLANO lamang ng Diyos na ang IBIG SABIHIN ay NASA ISIP lamang daw ng Diyos [Source: http://tunaynalingkod.blogspot.com/2013/07/juan-1114-si-cristo-ba-ay-dios-na.html]
Ang tanong natin eh, may PLANO bang UMIIRAL na (Juan 8:58)? Na NATUPAD ang lahat ng BAGAY dahil sa ISANG PLANO pa lamang (Juan 1:6-8)???
Ibig baga nilang sabihin ay sa PASIMULA AY PLANO at ang PLANO ay nasa Diyos at ang PLANO ay DIYOS? At NAGKAWANG-TAO ang PLANO?
Napakagulo talaga ng mga inalihan ng espiritu ng diablo. Maging ang VERBO na DIYOS na NAGKATAWANG TAO ay gusto pa nilang LINLANGIN?
MAY ANYO ANG DIYOS!
Ngunit, alam natin na ang buong katotohanan tungkol sa kasaysayan ng ating pagliligtas. Nauunawaan nating mga TUNAY na nasa Iglesia ng Diyos na ang VERBO nga ay HINDI lang PLANO kundi ISA SIYANG PERSONA, UMIIRAL na kasama ng AMA.
At dahil NAGING-TAO ang ESPIRITU, it follows na MAY ANYO ito at MAY DUGO ito! NAGING TAO nga eh!
"Bagama't SIYA'y (JESUS) ay nasa ANYONG DIYOS..." -Fil. 2:6 (ang pagdidiin ay akin)
Ayan pala! MAY ANYO NGA ANG DIYOS! Biblia na po ang NAGPAPATUNAY nito! Aangal pa ba sila nito?
FILIPOS 2 rin po ang PINAGHUHUGUTAN ng mga INC™ Ni Manalo upang SAMBAHIN si JESUS, ngunit DENY sila na SINASAMBA siya bilang Diyos.
Ayon sa kanila, SINASAMBA raw nila si Cristo dahil UTOS DAW NG AMA?
Kailan ba NAG-UTOS ang DIYOS AMA ng isang bagay na LABAG sa KANYANG UNANG UTOS "Huwag magkaroon ng ibang Diyos (na sinasamba) liban sa akin!" -Ex. 20:3; Deut 5:7
Ikaw na tao, maniniwala ka pa ba kung isang PULIS ang MAG-UTOS sa iyo para MAGNAKAW at PUMATAY na taliwas sa kautusan ng pagiging pulis niya?
Natural, HINDI!
Ganon din sa espiritual na buhay natin bilang Kristiano.
Kapag MAY MAGPAPAKILALA sa atin na DIYOS daw, o ANGHEL o PROPETA raw siya o CRISTO, o APOSTOL kahit galing pa raw sa langit ang nagsabi, ngunit TALIWAS sa ITINURO ng mga Apostol SIYA AY DAPAT ITAKWIL! -Gal. 1:8-9; 2 Cor 11:4
Kaya't HINDI po MAKATOTOHANAN na ang DIYOS AMA ay MAG-UUTOS sa tao na SASAMBA sa isang TAONG-TAO ang KALAGAYAN!
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”-PASUGO, Enero, 1964, p. 13 (Sinulat ni Emiliano Agustin)
Kung SASAMBA man tayo kay JESUS ay sapagkat DIYOS siya at DIYOS LAMANG ang DAPAT SAMBAHIN at wala nang iba.
TAMA ang kanilang PAGPILI sa FILIPOS 2 ngunit MALI ang kanilang PAGPUTOL sa TALATA.
Minsan na nating napatunayan ang PANLILINLANG ng mga kaanib ng INC™ Ni Manalo sa post na "Kaanib ng INC® PINUTOL ang SITAS sa Biblia para MAKAPANDAYA at MAKAPANLINLANG!"
INIIWASAN nilang BANGGITIN ang VERSE 6-8 ng FILIPOS 2 at sa VERSE 9 sila NAGSISIMULA.
Bakit AYAW nilang i-QUOTE ang VERSES 6-8?
Sapagkat MALINAW na sinasabi ni APOSTOL SAN PABLO sa mga taga-FILIPOS na ANG DIYOS AY MAY ANYO sa KATAUHAN ni JESU-CRISTO!
Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios, Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus. -Filipos 2:6-8
Anong sabi ni Apostol San Pablo? Bagama't SI CRISTO raw ay NASA ANYONG DIYOS, NAGPAKABABA siya! Naging mistulang alipin, NAKITULAD SA TAO... NASUMPUNGAN sa ANYONG TAO (BAGAMAT DIYOS)!
At DAHIL DITO, PASOK tayo sa VERSE 9 ng FILIPOS 2!
Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 11At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama. -Filipos 2:9-11
AYUN PALA eh!
Kaya pala DINAKILA ng DIYOS AMA si JESUS ay sapagkat SIYA ay NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa siya! Naging MASUNURIN hanggang KAMATAYAN-- isang kamatayang ikinahihiya at isinusumpa ng tao-- ang KAMATAYAN SA KRUS!
Kaya't BAKIT SINASAMBA si JESUS ng mga INC™ Ni Manalo at ng LAHAT ng mga KATOLIKO?
Sapagkat SIYA AY NASA ANYONG DIYOS! -Filipos 2:6
May ANYO BA ANG DIYOS?
OO!
MAY DUGO ANG DIYOS!
Isa pa ito sa malaking usapin sa mga kaanib ng INC™ Ni Manalo.
Para sa kanila, ang ESPIRITU ang DIYOS (agree naman tayo riyan) at wala siyang dugo (mali).
Totoo naman, tulad ng ating nabanggit sa itaas na ang DIYOS ay ESPIRITU. Ngunit ang Diyos na Espiritung ito ay NAGKATAWANG-TAO siya.
In other words, NAGING TAO! At dahil naging TAO ang DIYOS sa katauhan ni JESU-CRISTO, natural hindi lang siya may anyo! SIYA AY MAY DUGO!
Saan ba natin MASUSUMPUNGAN ang TALATANG may DUGO ANG DIYOS?
Narito sa MGA GAWA 20:28
Kaya nga, ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan. Sa kanila ay itinalaga kayong mga tagapangasiwa ng Banal na Espiritu upang pangalagaan ninyo ang iglesiya ng Diyos na binili niya ng sarili niyang dugo.
Kita niyo? DIYOS, MAY DUGO!
KATING-KATI ang mga kampon ng anti-Cristo sa talatang ito. Para sa kanila PAANO naman MAGKAKAROON ang DUGO ang DIYOS eh ESPIRITU ito.
Uulitin na naman natin sa kanila.
NAGKATAWANG-TAO ang VERBO na DIYOS na ESPIRITU. Kaya't SIYA na DIYOS ay MAY DUGO!
ANG MGA MANDARAYA! MGA ANTI-CRISTO!
Hanggang NAKAHANAP sila ng kakampi. Ang LAMSA TRANSLATIONS.
Hindi lang nila BINABOY ang translations ni Lamsa kundi DINAYA pa nila ang kanilang mga mambabasa para PALABASIN na "IGLESIA NI CRISTO" -1914 ay nga ang binabanggit sa Lamsa at palalbasin pa nila na SILA ay nasa BIBLIA daw!
Ang TOTOONG DIRECT QUOTATION ng LAMSA TRANSLATIONS ay ganito!
“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with his blood.” (Lamsa Translation)
Sa tagalog ay ganito dapat:
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.”
Ang TRANSLATIONS ni Lamsa ay HINDI sinasampalatayanan ang TATAG NI FELIX MANALO.
Napansin niyo ang GINAWA ng mga MANDARAYANG MANGANGARAL sa loob ng INC™ Ni Manalo?
Ginawa nilang malaking titik na "I"ang dapat sana ay maliit na titik na "i"!
Ganon din ang GINAWA nila sa pag-SIPI sa ROMA 16:16! Dinaya rin nila ang kanilang mga mambabasa at pinalabas na Pangngalang Pantangi ang mga nakasulat doon.
MALAKI ang PAGKAKAIBA ng MALAKING TITIK at MALIIT na TITIK sa BALARILANG FILIPINO (Filipino Grammar).
Ayon sa Filipino-Tagalog site na ito, ang MALAKING TITIK ay Pangngalang PANTANGI (Proper Noun), tulad halimbawa ng "Felix, Quezon City, Commonwealth, Pilipinas.
Lahat iyan ay mga PANGNGALANG PANTANGI.
Ang Pangngalang PAMBALANA (common noun) naman ay hindi kailangang malaking titik ito kundi sa MALIIT na TITIK katulad ng kalye, siyudad, pangalan, bansa.
PANGNGALANG PAMBALANA | PANGNGALANG PANTANGI |
---|---|
siyudad | Quezon City |
pangalan | Felix Y. Manalo |
kalye | Commonwealth Avenue |
bansa | Pilipinas |
Kaya't DAPAT nating MAUNAWAAN na ang mga NAKASULAT sa Biblia ay PANGNGALANG PAMBALANA ay HINDI PANTANGI!
Ganyan sila MANDAYA! Ganyan sila MANLILINLANG!
Ang GEORGE LAMSA TRANSLATIONS ay HINDI ITINUTURING na AUTHORITATIVE. Katunayan, tanging MGA GAWA 20:28 lamang ang PILING-PILING SITAS ng mga kaanib ng INC™ Ni Manalo.
Sa KABUUAN, ang DIYOS ay ESPIRITU ay NAGKATAWANG-TAO! At dahil NAGKATAWANG-TAO siya ay NAGING TAO sa KATAUHAN ni JESUS!
Kaya't SI JESUS ay DIYOS! May ANYO! May DUGO!
At ayon sa BIBLIA HEBREO 13:8, si JESUS ay SIYA rin kahapon, ngayon at MAGPAKAILAN MAN! TALIWAS sa sinabi ng Ministrong si EMILIO AGUSTIN PASUGO ENERO 1964, p. 13!
Kung DIYOS si Jesus noon, DIYOS din siya ngayon (kahit nagkatawang-tao pa siya) at DIYOS siya magpakailan man!
At kung SINO MAN ang HINDI TUMATANGGAP sa KATURUANG ito. Kung sino man ang TUMUTULIGSA sa ARAL na ito, SILA ay mga MANDARAYA! Mga ANTI-CRISTO!
Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo!
At ayon pa rin kay Ikalawang Sulat ni Apostol SAN JUAN, ang mga KATULAD NILA ay DAPAT PAG-INGATAN sapagkat SILA ay mga TUSONG MANGANGARAL ng KASINUNGALINGAN na IKABUBULID ng INYONG mga PANANAMPALATAYA!
Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan.
No comments:
Post a Comment