Opisyal na Logo ng samahang Iglesia ni Cristo ni Felix Manalo |
Nakakalungkot na sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga nagsasabing mga “Kristiano” raw sila ngunit makikitang nagsasaya sa mga balitang sinapit ng mga tiwaling paring Katoliko.
Mula taong 2000 nagsimulang nagsulputang parang kabute ang mga balitang may iilang mga paring Katoliko ang inireklamong nagsamantala sa ating mga kabataan. At ang ilan ay napatunayan sa korte.
Nakakalungkot at nakakainis nga naman. Kaya’t nararapat lamang na may hustisya sa mga biktima ng pananamantala sa mga kabataan. At dahil dito, maraming mga parokya sa Estados Unidos ang tuluyang nalugmok sa pagkakautang. Ang ilan sa mga biktima ay ginawaran ng malaking salapi bilang kabayaran sa kanilang mga pagdurusa.
Pero dapat ba tayong magsaya? O dapat tayo ay malungkot? Hindi ba’t nakakalungkot namang isipin ito?
Ngunit marami sa mga nagpapanggap na mga “Kristiano” ngayon ang natutuwa sa mga balitang ito ay halos inaabangang parang telenobela sa telebisyon ang ganitong mga serye ng balita.
Mga Protestanteng kumakalabang sa Iglesia Katolika ang nangunguna sa pagsasaya nito. Ginagamit nila ang pagkakataong ito upang patunayan sa kanilang mga pangangaral na “peke” raw ang Iglesia Katolika at kailangang kamuhian ang lahat ng kanyang mga aral at gawa. Masahol ito sa America at sa Europa kung saan malaki ang porsieynto ng mga ateista at mga anti-Catholics ang nangangampanya laban sa Iglesia Katolika.
Sa Pilipinas, tanging ang mga kaanib ng samahang itinatag ni Felix Manalo sa Pilipinas—ang Iglesia ni Cristo—ang nag-iingay at nagsasaya sa sinapit mga tiwaling mga paring Katoliko. Sinasamantala nila ang mga balitang ito laban sa Inang Santa Iglesia at sa mga Katoliko. Ang mga mahihina ang kaalaman sa pagiging Katoliko ang unang-unang nahihimok at nahihikayat nila. At pagdaka’y nagiging mga anti-Catholics na rin sila.
Mababasa niyo ang kanilang mga pag-sasaya sa mga forums at sa mga komento ng mga kaanib ng INC ssa blog ni Monks’ Hobbit.
No comments:
Post a Comment