Sunday, June 20, 2021

MGA LIHIM AT HIWAGA NG IGLESIA KATOLIKA

TOTOO pong MARAMING LIHIM at HIWAGA sa loob ng IGLESIA KATOLIKA. Sa MAHIGIT na 2,000 taon nitong kasaysayan, HINDI nauubusan ng PAGTUKLAS ang nagaganap sa Iglesiang TATAG ng PANGINOONG JESUS.

Depende sa tumitingin katulad ni Ginoong JACINTO MANAHAN na may akda ng munting aklat na may pamagat na "MGA LIHIM AT HIWAGA NG SIMBAHANG KATOLIKO", ang NAIS lamang ni Ginoong Manahan ay ang PABAGSAKIN ang IGLESIA KATOLIKA!
Sino ba si JACINTO MANAHAN? Bakit niya sinisiraan ang IGLESIA KATOLIKA? Bakit niya gustong pabagsakin ang Iglesiang tatag ni Cristo?

Si Jacinto Manahan ay isa sa mga TAGAPAGTATAG ng PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS (PKP-1930), kasama sina Crisanto Evangelista, Antonio Ora, at Domingo Ponce. Ang IPINAGLALABAN nilang IDEOLOHIYA ay KOMUNISMO na naka-ugat sa MARXISM-LENINISM. Mga ideolohiya na DIREKTANG KUMAKALABAN sa IGLESIA KATOLIKA at sa KRISTIANISMO!
MAGTATAKA pa ba tayo kung bakit ang mga KAAWAY ng IGLESIA KATOLIKA ~ ang TUNAY na IGLESIANG TATAG NI CRISTO ay NAGSASABUWATAN? Sapagkat PINAUNA nang sinabi ni APOSTOL SAN JUAN na SILA'Y LILITAW, silang mga ANTI-CRISTO.
2 JUAN 1:7 [MGA NAGTATAKWIL KAY CRISTO~DIYOS NA NAPARITO SA LAMAN]
Sapagkat maraming mandaraya ang kumalat sa sanlibutan. Hindi nila kinikilala na dumating si Jesu-Cristo bilang tao. Ang mga ito ang mandaraya at ang anti-Cristo!
2 JUAN 1:10-11 [SILANG MGA ANTI-CRISTO HUWAG TANGGAPIN]
Ang sinumang dumating sa inyo na hindi taglay ang katuruang ito ay huwag tanggapin sa inyong tahanan, at huwag din ninyo siyang batiin. Sapagkat ang tumatanggap sa taong ito ay nakikibahagi sa kanyang masasamang gawa.
AT SINO ITONG MGA ANTI-CRISTO NA SUMULPOT? Ang sabi ni Apostol San Juan ay mga DATING KAANIB SA ATIN (dating Katoliko) ngunit TUMIWALAG at ngayo'y KUMAKAAWAY sa ATIN.
1 JUAN 2:18-19
Munting mga anak, huling oras na! Tulad ng inyong narinig, ang anti-Cristo ay darating. At ngayon, marami na ngang anti-Cristo ang dumating. Kaya't alam natin na huling oras na. Sila ay humiwalay sa atin, bagama't hindi naman talaga sila naging bahagi natin. Sapagkat kung sila'y naging bahagi natin, nanatili sana sila sa atin. Subalit ang kanilang pag-alis ay naghahayag lamang na walang sinuman sa kanila ang kabilang sa atin.
HINDI ba't sina JACINTO MANAHANFELIX Y. MANALO atb. ay dating mga KATOLIKO na siyang IGLESIA NI CRISTO ~ at sila'y kusang TUMIWALAG, at ngayo'y mga KUMAKAAWAY sa atin?
Ang mga PAHAYAG ni Apostol San Juan ay NAGAGANAP na nga!

No comments: