Ngunit alam naman natin na HINDING-HINDI maaaring salungatin ng Diyos Ama ang kanyang sarili. Kaya ang pinakamamalapit na kasagutan sa mga kaanib ng INC na tatag ni Felix Y. Manalo noong 1914 ay, ang sabihin sa kanila na MALING-MALI ang kanilang pagkaunawa. SILA ANG MALI. Hindi ang Diyos Ama.
FILIPOS 2:5-11
"Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Kahit taglay niya ang kalikasan ng Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng Diyos.
Sa halip, kusa niyang binitawan ang pagiging kapantay ng Diyos, at namuhay na isang alipin. Ipinanganak siya bilang tao.
At nang siya'y maging tao, nagpakumbaba siya at naging masunurin hanggang kamatayan, maging ito man ay kamatayan sa krus.
Dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa.
At ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
[Ang pagdidiin ay nagmula lamang sa atin.]
ANONG MGA DAHILAN KUNG BAKIT SI CRISTO AY PANGINOON DIN NA DAPAT SAMBAHIN AYON SA FILIPOS 2?
- UNA, SIYA AY DIYOS! Ganyan ang kanyang kalagayan!
- PANGALAWA, Siya ay nagpakumbaba (humble). Hinubad niya ang pagka-Diyos, NAPARITO sa LAMAN (Tao) at NAMUHAY na daig pa ang isang ALIPING walang karapatan at walang halaga.
- PANGATLO, naging MASUNURIN (obidient), sa Ama. Inalay niya ang Kanyang sarili bilang BAYAD sa ating mga kasalanan. NIYAKAP niya ang KAMATAYAN na dapat sana ay kaparusahan sa kasalanan ng tao-- at ang Kanyang kamatayan ay hindi basta-basta ordinaryong kamatayan kundi ISANG KAMATAYAN bilang kaparusahan ng isang taong nagkasala-- ang KAMATAYAN SA KRUS.
SAGOT: Sapagkat malinaw na sinasabi sa mga talatang nabanggit na si Cristo ay nasa anyo ng kalikasan ng Diyos. Sa madaling salita, Siya ay Diyos na nagkatawang-tao, kaya't nakikita natin siya sa kanyang anyong Tao!
TANONG: BAKIT PINASASAMBA SI CRISTO TULAD NG SA DIYOS AMA?
SAGOT: Sapagkat ang utos ng Diyos sa Exodu 20:3 na tanging Diyos lamang ang dapat sambahin. At kung si Cristo ay Panginoon din tulad ng Diyos Ama; at Siya ay Diyos din tulad ng Ama (Ako at ang Ama ay Iisa (Juan 14:9), marapat lamang na sambahin din si Cristo!
TANONG: NGAYON AT ALAM NA NG MGA INC ANG DAHILAN KUNG BAKIT SINASAMBA SI CRISTO, ANONG MANGYAYARI SA KANILA KUNG AYAW PA RIN NILANG TANGGAPIN SI CRISTO BILANG DIYOS NGUNIT SINASAMBA PA RIN BILANG TAO?
SAGOT: Sila'y mananagot sa kanilang katigasan ng ulo. Sila ay masusunog sa dagat-dagatang apoy sapagkat tahasan nilang tinalikuran ang katotohanan tungkol sa Anak ng Diyos na si Cristo na ating Panginoon.
TANONG: MAY KAHIHINATNAN BA ANG KANILANG PAGSUWAY? SILA BA AY MAITUTURING NA MGA TAGA-SUNOD NI CRISTO?
SAGOT: Hindi sila maituturing na tagasunod ni Cristo. Sa kanilang tahasang pagsuway sa katotohanan, sila ay mga kaaway ni Cristo - o mga anti-Cristo.
TANONG: NAPAKARAHAS NAMAN YATA NG PARATANG. ANO PO BA ANG ATING SALIGAN PARA SABIHING HINDI SILA MGA KAIBIGAN NI CRISTO?
SAGOT: Pasasagutin natin ang Sulat ni Apostol San Juan (2 Jn 1:7-8a), ganito ang sabi;
"Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga mandaraya! Ayaw nilang kilalanin na si Jesu-Cristo'y naparito sa lamang bilang tao. Ang ganoong tao ay mandaraya at kaaway ni Cristo. Mag-ingat nga kayo upang huwag mawalang saysay ang aming pinagpaguran..."
Kaya't ang paalala ni Apostol San Juan ay ang mag-ingat sa kanila. Sila ay mg tuso. Gumagamit ng Bibliang hindi naman nila pinaghirapan, at lalong wala silang ambag rito. Sila ay nakikibasa lamang sa aklat ng mga Katoliko ngunit ipapangaral nilang mas sila pa ang nakakaunawa kaysa sa mga Katoliko na silang nagbigay ng Biblia sa sangkakristianuhan!
No comments:
Post a Comment