Bandilang walang pagkakakilanlan. Iyan ang dahilan kung bakit pati ang mga kulay ng bandila ng bansang ITALYA ay inaangkin na rin ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo® 1914.
Tinukoy na natin ito sa In Defense of the Church blog noong 2011 kung anong opisyal na batayan ng INC™ 1914 at pinili nila ang mga kulay pula, puti at luntian bilang kanilang opisyal na simbulo. At sa kasamaang palad, hanggang ngayon ay wala pa rin silang opisyal na payahag o kahit biblical verse (lahat daw kasi ng kanilang turo ay galing sa Biblia letra por letra) upang ipaliwanag ito.
Sa kanilang 106 taon ng pag-iral, ang kanilang mga kaanib ay nangangapa pa rin kayat sa tuwing sila'y nagpapakilalang mga 'INC™" ang simbulo o bandila ng Italya ang kanilang kinakapitan.
Kaawa-awang mga kaluluwa ngunit ipagdasal na lamang natin silang maliwanagan ang kanilang mga isipan at mapagtanto na ang kanilang kinaaaniban ay tatag ni G. Felix Y. Manalo noong 1914 at hindi ni Cristo!
No comments:
Post a Comment