Friday, June 15, 2018

TAO 'LAMANG' BA SI CRISTO? ATING ALAMIN!

Video Courtesy of INC Ang Taman Daan Program

Ayon sa video sa itaas ng Iglesia Ni Cristo® na sumulpot lamang noong 1914, hindi lamang daw nila kino-consider na "TAO LAMANG" si Cristo kundi ITO ANG ITINUTURO at SINASAMPALATAYANAN ng lahat ng mga kaanib ng INC™ - 1914.

Sa katunayan, ito ang PINAGDIINAN ng isa sa kanilang mga manunulat (sa Pasugo) na Ministro na si Ginoong Emiliano Agustin (PASUGO, Enero, 1964, p. 13) na ang sabi ay ganito:
“TAO rin ang kalagayan ng ating Panginoon Jesucristo sa Kanyang muling pagparito sa arw ng paghuhukom. Hindi nagbabago ang Kanyang kalagayan. Hindi Siya naging Diyos kailanman! TAO ng ipinanganak, TAO ng lumaki na at nangangaral, TAO ng mabuhay na mag-uli, TAO nang umakyant sa langit, TAO nang nasa langit na nakaupo sa kanan ng Diyos, at TAO rin Siya na muling paririto.”
Ang tinutukoy ng bulaang mangangaral na ito ay ang KALAGAYAN ni CRISTO (tao), at hindi ang  KALIKASAN nito (Diyos).  Mula sa KALIKASAN niya bilang DIYOS, nagkatawang-tao  sa KALAGAYAN ng TAO!

Malinaw na itinuturo ito ng Biblia ~ mula sa pagka-Diyos ~ isinilang na katulad natin sa lahat ng bagay ~ nagutom, napagod, nauhaw, nalungkot, masaya at maging ang sakit at hirap hindi siya naiba sa mga tao (Heb. 2:14-18)! Tao sa lahat ng bagay maliban sa kasalanan (Heb. 4:15).

Sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos, malinaw niyang sinabi roon na si JESUS AY NASA ANYONG DIYOS, nagpakababa, kinuha ang ating wangis na tao, nagpakasakit hanggang kamatayan ~ oo maging kamatayan sa Krus!  (Filipos 2:5-8)

KAYA'T ANG NGALAN NI CRISTO AY DINADAKILA NG LAHAT NG SUMASAMPALATAYA (bilang Diyos at Taong totoo), sa langit, lupa, maging sa ilalim ng lupa MANINIKLUHOD at MAGPATOTOO ang lahat na si JESUS AY PANGINOON sa kadakilaan ng Diyos Ama! (Filipos 2:9-10)

Isa sa kanilang pinaghuhugutan ng talata sa Biblia ay sa  JUAN 8:40 na ganito ang sinasabi:
"Ngunit pinagsisikapan ninyong patayin ako na isang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko sa Diyos..."  (New Pilipino Version)

Maliwanag raw po ang pagpapakilala ng PANGINOONG JESU-CRISTO sa kanyang sarili. Ayon daw kay Jesus, SIYA AY TAO na nagsasabi ng katotohanang narinig niya sa PANGINOONG DIYOS!

Tama! Pero HINDI SINABI ni Jesus na Siya ay "TAO LAMANG"! Ang sabi niya, "ako na isang tao".  Ang laki ng pagkakaiba, di po ba?

ISA LANG ANG PINATUTUNAYAN NG JUAN 8 NA DIYOS SI CRISTO

Putol-putol kung sumipi ang mga manlilinlang na mangangaral ng INC™-1914.  Ito ay para HINDI malalaman ng mga nakikinig sa kanila ang BUONG KWENTO sa Kapitulo 8 ng Juan.

Estilo ng mga bulaang mangangaral! Piling-pili lamang ang kanilang sitas sa Biblia na aakma lamang sa gusto nilang palabasing  'TAO LAMANG' ang ating Panginoong Jesucristo.

Ang mga bulaan at mandarayang mangangaral na ito ay kaya nilang BALUKTUTIN ang SINASABI ng BIBLIA LABAN KAY CRISTO. Ginagamit nila ang BIBLIA LABAN KAY CRISTO! Kahit malinaw na sinasabi ng Biblia at malinaw na ITINURO ng UNANG IGLESIA na si CRISTO ay DIYOS NA TOTOO at TAONG TOTOO, para sa Iglesia Ni Cristo® - 1914, si CRISTO AY TAO LAMANG kaya ang sitas nila ay iyong nababasa lamang sa TALATA 40 ng  Juan 8.

Iminumungkahi namin sa mga nagsusuri na basahin ng malaliman ang  CAPITULO 8 (the whole of Chapter 8) ng JUAN at masusumpungan niyo roon ang katotohanang si Cristo ay tao sa kalagayan ngunit NAGPAPAHIWATIG ng kanyang PINAGMULAN ~ DIYOS!

Halimbawa, sa TALATA 23 mababasa natin ang ganito:
Kaya't sinabi ni Jesus, “Kayo'y mula dito sa ibaba, AKO'Y MULA SA ITAAS. Kayo'y taga-sanlibutang ito, ngunit AKO'Y HINDI..."
NAGPAPAHIWATIG si Cristo na HINDI lang Siya tao lamang.  Malinaw na ipinapakilala niya ang SARILI NIYA na MULA SA ITAAS at HINDI galing sa sanlibutang ito.

Kung HINDI SIYA TAGA-SANLIBUTAN ano nga ba siya bago siya BUMABA mula sa itaas? Siya nga ay DIYOS! (Juan 1:1;14 "...sa pasimula ay Salita at ang Salita ay nasa Diyos at ang Salita ay Diyos... at NAGKATAWANG-TAO ang Salita...")

MALINAW! Ang ATING PANGINOONG JESUCRISTO ayon kay Apostol San Juan ay ang SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO! Kaya't bakit tayo magtataka kung si Cristo ay NAGPAPAKILALANG TAO?! Tunay nga naman siya ay Tao pero hindi 'Tao Lamang'!

Basahin natin ang nakasulat sa katapusan ng JUAN 8:56-59 malinaw na sinasabi ni CRISTO na Siya (ang SALITA) ay UMIIRAL NA KAHIT NOON PA! Sapagkat sa kanyang pakikipag-usap sa mga Hudyo, sinasabi niyang AKO NA (bago pa si Abraham ay isilang). SIYA ay MAYROON NANG KAMALAYAN (Consciousness o Conscious Being) kaya't HINDI Siya PANUKALA o PLANO! Siya ay UMIIRAL KASAMA NG DIYOS (Ama).
"Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio,
Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?
Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo."
Para malaman natin kung gaano kalayo ang henerasyong naghihiwalay kay Abraham sa panahon ni Jesus noong siya ay naging-tao na?

Ayon sa quora.com ay 42 henerasyon ang pagitan ni Abraham at ni Jesus (bilang tao)!
Kaya't ang lahat ng salinlahi mula kay Abraham hanggang kay David ay labing-apat na salinlahi; at mula kay David hanggang sa pagdala sa Babilonia ay labing-apat na henerasyon; at mula sa pagdadala sa Babilonia patungo kay Cristo ay labing-apat na henerasyon. Kaya iyon ang 42 na henerasyon.
Sa madaling salita, may halos 490 years ang pagitan ni Abraham kay Jesus (bilang tao), pero ang sabi ni Jesus ay na NAROON NA SIYA BAGO PA MAN SI ABRAHAM?!

Parang  kasing-layo ng pagsibol ng Protestantismo (1517) hanggang sa sumulpot ang pekeng Iglesia Ni Cristo® (1914), ganon kalayo ang pagitan ng panahon ni Abraham sa panahon ni Jesus.

TAMA ang JUAN 1:1; 14 ~ SIYA SI CRISTO NGA ANG SALITA ~ DIYOS ~ NAGKATAWANG-TAO!

BUOD NG KAPITULO 8 NG JUAN

TANONG: Bakit dumampot ng bato upang ihagis kay Jesus?
SAGOT: Sapagkat pinalalagay ni Cristo na siya ay kapantay ng Diyos o Siya ay Diyos!

TANONG: Kung matuwid si Jesus at alam niyang 'tao lamang' siya, bakit di niya itinama ang maling pag-iisip o pananaw ng mga Hudyo tungkol sa Kanya?
SAGOT: Sapagkat alam ni Cristo KUNG SINO SIYA! Alam niya na tama nga ang kanilang iniisip o pananaw tungkol sa kanya! Na SIYA AY DIYOS!

At bilang pangwakas, may paalala si Apostol San Juan (2 Juan 2:7) sa mga DI TANGGAP SI CRISTO BILANG DIYOS NA NAGKATAWANG-TAO. Sila raw 'yung mga taong MANDARAYA, MANLILINLANG at KALABAN NI CRISTO!


Pahabol pa ni Apostol San Juan, HUWAG RAW SILANG TANGGAPIN maging sa inyong mga tahanan! Ni ang BATIIN sila ay IWASAN raw! Ang bumabati raw sa mga ganitong mga bulaang mangangaral ay nakikibahagi sa kanilang masasamang gawain!

Kaya't MAGSURI! Lisanin na ang samahang KALABAN NI CRISTO at BUMALIK sa TUNAY at NAG-IISANG TATAG NI CRISTO ~ Ang IGLESIA KATOLIKA na sa PASIMULA ay siyang [tunay] IGLESIA NI CRISTO! (Pasugo Abril 1966, p. 46)!

No comments: