Wednesday, July 17, 2013

Katedral ng Iglesia ni Cristo sa Newark, USA

CATHOLIC CHURCH of SACRED HEART- Cathedral Basilica of Archdiocese of Newark, USA

89 Ridge Street
Newark, NJ 07104
Cathedral Office: 973-484-4600
Website: http://www.cathedralbasilica.org/

MASS SCHEDULE

Daily Mass
English:
Weekdays: 7:30 AM and 5:30 PM (in the Lady Chapel)
No 5:30 PM daily mass in July and August

Spanish:
Wednesday evenings at 7:00 PM (except July and August)
Saturday mornings at 9:00 AM
First Fridays at 7:00 PM

Sunday Masses

Saturday Vigil:
6:00 PM
Sunday:
8:45 AM
10:00 AM (Spanish)
12:00 noon (with Cathedral Choir)

Reconciliation
Saturday at 11:30 AM or by appointment

HISTORY

http://www.cathedralbasilica.org/history/index.html

Monday, July 15, 2013

Wala raw Pasko sa samahang INC™ na tatag ni Felix Manalo?

PASUGO Disyembre 1957, p. 28: (sinulat ni Emeliano I. Agustin) (Patula)
“Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."






Ano nga ba talaga?

Pagsamba ba kamo ang mag-alay ng bulaklak?

Ang samahang INC™ na tatag ni Felix Manalo ay nagbabawal ng pag-alay ng bulaklak sa mga imahe dahil gawain daw ng mga pagano ito. Pero pagdating sa kanilang pekeng sugo ay hindi pala bawal.

Ano ba talaga?

Sunday, July 14, 2013

Si Maria ba ay Dios na makapangyarihan? - Atty. Marwil Llasos, OP

HINDI. Hinding-hindi. Si Maria ay tao at kailanman ay hindi dios. Wala sa katinuan ang sinumang nagsasabing si Maria ay dios (o diosa). Tinuligsa at kinondena ko ang mga indibidwal at grupong nagtuturo na si Maria ay dios sapagkat hindi lamang sila mga erehe kundi mga hibang. Bagamat nilalaanan natin si Maria ng mataas na uri ng pag-galang, kailanman ay hindi natin siya sinasamba sapagkat siya ay tao at hindi dios. Ani Arsobispo Fulton J. Sheen:

“Si Maria, Ina ng Dios na Tagapagligtas, ay isa lamang na nilikha, tao at hindi dios.”

"... Bagamat napakalinaw ng aral ng Iglesia Katolika na si Maria ay tao, pilit itong minamali ng Iglesia ni Cristo (1914) at sinasabing iniaaral daw natin na si Maria ay dios. Wala maipakita ang Iglesia ni Cristo na kahit isang opisyal na dokumento ng Iglesia Katolika na nagtuturong si Maria ay dios nga. Bilang isang mananampalatayang Katoliko at isa sa mga itinuturing na Mariolohista, alam na alam ko na walang aral ang Iglesia Katolika na si Maria ay dios."

Kung talagang aral nga ng Iglesia Catolika na si Maria ay dios, dapat sana’y malaganap ang pangangaral na iyan mula pa noong una. Ngunit hindi nga aral ng Iglesia Catolika na si Maria ay dios bagamat ipinagpipilitan ng Iglesia ni Cristo na gayun nga. Ang palsong aral na si Maria ay Dios ay itinuturing ng Santa Iglesia na isang kabalintunaan at hidwang pananampalataya. Mariin itong tinututulan at sinasawata ng Santa Iglesia Catolika."

Ituloy ang pagbabasa rito...

Iglesia ni Cristo sa Moscow, Russia

Holy Virgin Church sa Moscow, Russia. Larawan mula sa Support the Catholic Church Facebook Page

Thursday, July 11, 2013

Iglesia Katolika mababasa ba sa Biblia?

Larawan mula sa blog na Know the Roman Catholic Truth

IGLESIA NI CRISTO' NASA BIBLIA?
Artikulo mula sa blog na INC vs Catholic

ISA PO sa madalas ipagmalaki ng INC ay mababasa raw sa Biblia ang pangalan ng kanilang iglesia. Ang itinuturo nila ay ang Roma 16:16 [basahin ang artikulong Aling Iglesia ba ang Tinutukoy sa Roma 16:16?] Diyan ay mababasa:

Romans 16:16 (New International Version):
Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ send greetings

Roma 16:16 (Ang Salita ng Diyos):
Magbatian kayo sa isa't isa ng banal na halik. Ang mga iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo.

ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 16:16 Greek NT
ἀσπάσασθε ἀλλήλους ἐν φιλήματι ἁγίῳ. ἀσπάζονται ὑμᾶς αἱ ἐκκλησίαι πᾶσαι τοῦ Χριστοῦ.
Kapansin-pansin po sa mga talata na iyan na mali ang sinasabi ng INC na mababasa ang pangalan nilang "Iglesia ni Cristo" sa Roma 16:16. Hindi po "Iglesia ni Cristo" (singular o isahan) ang sinasabi sa talata kundi "mga iglesiya ni Cristo," "churches of Christ," at "ekklēsiai pasai tou Christou" na pawang plural o pang-maramihan.

Limang Malalaking Hakbang Papunta sa Iglesia ni Cristo - Kwento ng Pagbabalik-loob ni Beverly J. Lebold

Narito na naman po ang isang napakagandang kwento ng pagbabalik-loob ng isang dating Protestante pabalik sa tunay na Iglesia ni Cristo.

Ms. Beverly J. Debold
My life as a Protestant

In 1969, I lived with my husband and children facing Court Street Christian Church directly across the street. It was like a magnet drawing me back to memories of my childhood going to Sunday School at the Methodist church with my sister. I wanted my children to grow up with a knowledge of the Lord and to be part of a church family, as I was in those early years. After a few months of regular attendance at the church across the street, I committed my life to the Lord and joined a neighborhood Bible study, which led to four years in Bible Study Fellowship. Then I discovered Women’s Aglow Fellowship (now Aglow International) and leaped into the fire of the Holy Spirit.

Thirty years later, when our last daughter, Jessica, was in high school, she and I joined an Assemblies of God Church, which at that time was enjoying a period of revival, particularly among the youth. She, too, caught fire and set her heart toward the mission field. For me, the large AG church never quite felt like home, so after she went off to college, I settled happily into a sweet, little neighborhood Wesleyan Church. Regardless of where I attended church, Aglow was where my spiritual life was energized, where leadership skills were taught, where gifts of the spirit moved freely, and where national and international conferences kept the vision alive. I took on various positions of leadership at the local and area level, but my heart belonged to Aglow’s prison ministry, in which I served twenty years...
Ituloy ang pagbabasa rito...

Wednesday, July 10, 2013

Komento mula sa kaanib ng samahang Iglesia ni Cristo® na tatag ni Felix Manalo

Ang sabi po ng ISANG concern na mamayan (Anonymous) sa atin ay ganito:

"para sa akin po dapat po ay wag na natin pakialaman ang mga relihiyon ng bawat tao ksi po para sa akin ang mga tao ay may kanya-kanyang paniniwala... at dahil ito ang ating mga kinagisnang relihiyon ... lahat naman po tayo ay naniniwala sa diyos... kaya wag po tayong mag away -way ng dahil lamang sa kung anung relihiyon ka kaanib..... wag din po natin siraan ang mga relihiyon ng bawat isa.. salamat po"

Agree po tayo sa sinabi ng Anonymous comments na natanggap natin.  Hindi po kasi gawain ng tunay na Iglesia ni Cristo ang manira ng ibang mga paniniwala. Hindi po ito maka-Kristiano at taliwas po ito sa turo ng ating Panginoong Dios na si Hesus ang "paninira" sa kapwa.  Bagkos ang sabi po ni Hesus ay "mahalin ang kapwa" maging ang mga kumakaaway sa atin (Mt. 5:44).

Sa totoo lang po HINDI ang mga Katoliko ang naninira sa mga kaanib ng samahan ni Felix Manalo kundi kaming mga Katoliko po ang SINISIRAAN ng samahan ni Felix Manalo-- ang INC™.

Katulad na lamang ng mga sumusunod na mga nalathala sa kanilang opisyala na magasin na mababasa sa munting aklat na pinamagatang ANG KATOTOHANAN TUNGKOL SA INK-1914:

1- PASUGO Disyembre 1965, p. 5:
“Kaninong Ministro kung ganyan ang mga Paring Katoliko? Mga Ministro ni Satanas na Diablo."
2- PASUGO Oktubre 1959, p. 5:
“Mga magdaraya at anti-Cristo, ang mga nagtuturong si Cristo ay Dios."

3- PASUGO Agosto 1962, p. 9:
“Kaya ang tunay na anti-Cristo, ang mga Papa ng Iglesia Katolika Apostolika Romana. At ang tunay na ampon ng anti-Cristo ay ang mga Katoliko.”

4- PASUGO Oktubre 1956, p. 1:
“Ang Iglesia ni Cristo ay nagdaos ng pamamahayag sa Lunsod ng Davao. Nagsalita roon si Kapatid na Felix Manalo at ang kasama niyang mga Ministro. Ipinahayag doon ng mga nagsalita na ang Iglesia Katolika Romana ay hindi itinatag ni Cristo kundi itinatag ng Diablo."

Ayan po ang katibayan.

Kung tingnan niyo ang inyong mga ARAL mapa-Telebisyon man ito, radyo o kaya't babasahin, lahat po ng kanilang mga turo ay LABAN sa IGLESIA NI CRISTO (anti-Catholic).

Walang aral ang INC™ na hindi nakatunton sa PANINIRA laban sa IGLESIA KATOLIKA - na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo (Pasugo Abril 1966, p 46).

Taliwas sa mga sinasabi ng mga kaanib ng samahang INC™ ni Felix Manalo, ang IGLESIA KATOLIKA po - na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo - ay may mabuting pakikipag-ugnayan sa ibang mga relihiyon. IGLESIA KATOLIKA po ang tanging relihiyon sa MUNDO na umaakay sa iba pang mga paniniwala upang MAGMAHALAN at MAGRESPETUHAN.


At sa ibang mga blogs, mababasa mo ang mga blogs ng mga kaanib ng samahang INC™ ni Manalo ay sadyang MAPANIRA.
  • Resbak.com (paghihiganti)
  • readmeinc.blogspot.com (puno ng paninira sa Iglesia Katolika)
  • catholicivatan.blogspot.com (nakaw na blog ng isa sa mga kaanib ng INC™ na ang pangalan ay Conrad J. Obligacion- upang manira ng pagkatao ng mga nagtatanggol sa tunay na Iglesia.)
  • padre-damaso-gustong-sumikat.blogspot.com na gawa naman ng isang kaanib ng INC™ laban kay Fr. Abe, taga-pagtanggol ng Iglesia)

Kami pong mga kaanib ng tunay na Iglesia ni Cristo ay hindi po naninira. Kami'y NAGTATANGGOL lamang sa kanilang mga paratang at mga ATAKE kay Cristo, sa Iglesia at sa mga kaanib na Katoliko.

Pinaparatangan nila ang mga kaanib na kampon ng kadiliman at inaatake nila ang mga doktrina sa kanilang mga pangangaral-- at pati ang personal na buhay ng mga nagtatanggol sa tunay na IGLESIA NI CRISTO - ang IGLESIA KATOLIKA ayon sa Pasugo Abril 1966, p.46, ay sinisiraan niyo!

Kaya't ang mungkahi ko ay bago po man sila magsalita, tingnan muna nila ang inuugali ng kanilang  mga kaanib at sila ang pagsabihan dahil ang kanilang mga gawain ay gawain ng kaDILIMAN.

Sana po malinaw ito sa inyo.

Salamat na lamang po sa Dios at kami ay nasa loob ng tunay na Iglesia ni Cristo - ang IGLESIA KATOLIKA!

Monday, July 8, 2013

LUMEN FIDEI: Unang Encyclical ni Papa Francis

Narito ang kanuna-unahang Encyclical ng ating Santo Papa na si Francis sa kanyang panunungkulan bilang Kahalili ni San Pedro at tagapangasiwa ng Iglesia ni Cristo sa buong mundo.

ENCYCLICAL LETTER
LUMEN FIDEI
OF THE SUPREME PONTIFF
FRANCIS
TO THE BISHOPS PRIESTS AND DEACONS
CONSECRATED PERSONS
AND THE LAY FAITHFUL
ON FAITH

1. The light of Faith: this is how the Church’s tradition speaks of the great gift brought by Jesus. In John’s Gospel, Christ says of himself: "I have come as light into the world, that whoever believes in me may not remain in darkness" (Jn 12:46). Saint Paul uses the same image: "God who said ‘Let light shine out of darkness,’ has shone in our hearts" (2 Cor 4:6). The pagan world, which hungered for light, had seen the growth of the cult of the sun god, Sol Invictus, invoked each day at sunrise. Yet though the sun was born anew each morning, it was clearly incapable of casting its light on all of human existence. The sun does not illumine all reality; its rays cannot penetrate to the shadow of death, the place where men’s eyes are closed to its light. "No one — Saint Justin Martyr writes — has ever been ready to die for his faith in the sun".[1] Conscious of the immense horizon which their faith opened before them, Christians invoked Jesus as the true sun "whose rays bestow life".[2] To Martha, weeping for the death of her brother Lazarus, Jesus said: "Did I not tell you that if you believed, you would see the glory of God?" (Jn 11:40). Those who believe, see; they see with a light that illumines their entire journey, for it comes from the risen Christ, the morning star which never sets. Ituloy ang pagbabasa rito...

Saturday, July 6, 2013

Dating kaanib ng INC™ ngayo'y lumipat sa tunay na Iglesiang kay Cristo

Ang Iglesia sa Roma na binabati ng lahat ng mga iglesia ni Cristo (Roma 16:16)
Mula sa forum na pinamagatang "Ako ay lumisan ng INC at Katoliko na ngayon , ating nakuha ang kwentong ito. Para sa kaalaman ng marami, may isang "iglesia" sa Pilipinas itinatag ng isang dating Katoliko at nagtayo ng sariling iglesia na pinangalanang "Iglesia ni Cristo®" rin ngunit ang "iglesiang" ito ay REHISTRADO at ang pangalang "Iglesia ni Cristo®" o mas kilala sa daglat na INC™ ay isang TRADEMARK lamang. Kaya't upang hindi malito ang mga nagbabasa, sadyang nilagyan ko ng mga ® at ™ ang mga katagang "INC" at "Iglesia ni Cristo" kung ito ay patungkol iglesiang tatag ni Felix Manalo noong 1914.  Ang Iglesia ni Cristong tatag ni Cristo ay mananatili sa pangalang IGLESIA NI CRISTO ng walang ® at ™.

Sa lahat ng mambabasa sa bawat panig ng Pilipinas at maging ng daigdig. Ako po ay dating kasapi ng Iglesia ni Cristo® na alam ko na po ngayon na hindi ang tunay na iglesia ito. Nabasa ko rin po ang Testimonyang ginawa ng dating Katoliko sa forum na ito. Ang masasabi ko lang po ay magresearch kayong mabuti.

Sa pinanggalingan ko hindi biro ang lumisan, talagang pahihirapan ka. Nagsasabi kasi silang hanggang kamatayan daw ang kanilang pananampalataya, hindi naman pala ganun ang sitwasyon dahil wala sa kanilang history ang tunay at handang mamatay sa pananampalataya. Puro pagkagalit at pagkayamot lang sa ibang relihiyon ang pangaral kasi nila at naghahanap ako ng tunay na aral. May mga katotohanan din naman kaming paniniwala dati kagaya ng si Cristo raw ay ang nagtatag ng Iglesia niya at ang muling pagkabuhay ng mga namatay.

Friday, July 5, 2013

Opisyal: Beato Juan Pablo II at Beato Juan XXIII magiging santo na ayon sa Vatican

Larawan nina Santo Juan XXIII (mula sa Time.com) at Juan Pablo II (mula sa Time.com)
Pirmado na ng Santo Papa ang ganap na pagiging "Santo" nina Beato Juan Pablo II at ni Beato Juan XXIII ayon sa Vatican News. Mababasa rin ang nasabing balita mula sa AFP, Reuters, France24 at Fox News.

(Vatican Radio) Journalists in the Holy See Press Office busy getting to grips with Pope Francis’ first encyclical the Light of Faith, were somewhat surprised Friday lunchtime when Director Fr. Federico Lombardi S.J. called them back for a second announcement: Pope Francis had approved the cause for canonization of two of his venerable and much loved predecessors Blessed John XXIII and Blessed Pope John Paul II... (Ituloy ang pagbabasa rito...)
Purihin ang Dios at dininig niya ang panalangin ng kanyang Bayan upang ganap na maging Banal ang Papang minahal ng maraming tao.

Santo Juan Paolo II at Santo Juan XXIII, ipanalangin niyo kami!  Amen!

Wednesday, July 3, 2013

Mga Muslim sa Indonesia umangal sa pinapatayong simbahan ng Iglesia ni Cristo

Hinadlangan ng mga nagpo-protestang mga Islamist ang tinatayong simabahan ng Iglesia ni Cristo sa Kranggan, isang maliit ng distrito ng Bekasi Regency sa probinsiya ng West Java. Bagamat ang pagpapatayo ng nasabing bahay sambahan ay aprobado na ng mga kinauukulan, umigting ang pagharang ng mga Muslim sa takot na ang kanilang mga kapwa Muslim ay magiging mga Kristiano di kalaunan.

Ipagdasal natin ang Iglesia ni Cristo sa Indonesia-- bansang may pinakamalaking populasyon ng Muslim upang ang Panginoong Dios na si Hesus ay magbigay sa kanila ng lakas na ipagpatuloy at ipaglaban ang kanilang karapatang sumamba sa nag-iisang Dios Ama, Anak at Banal na Espiritu.

Jakarta (AsiaNews) - Hundreds of Muslim extremists staged a two-day protest against the construction of the Saint Stanislaus Kotska Catholic Church in Kranggan, a sub-district in Bekasi Regency, West Java province.

In what looks like a repeat of events in Bogor, where members of the Yasmin Church are up against local authorities, Catholics in Kranggan might see their efforts come to naught, including their application for a building permit... (Continue Reading...)

Tuesday, May 21, 2013

Lumago ang kaanib ng Iglesia ni Cristo ng mahigit 18 milyon

Taliwas sa mga lumalabas na mapanirang balita laban sa Iglesia ni Cristo,lalo pang lumago ang mga kaanib ng Santa Iglesia ayon kay Cardinal Secretary of State Tarcisio Bertone SDB at Archbishop Angelo Becciu.

Ito ay inilathala sa "Annuario Pontificio"  o Pontifical Yearbook ng Holy See 2013 edition.

Narito ang mga pagbabago sa bilang sa loob ng Iglesia Katolika (mula sa Vatican News)- ang tunay na Iglesia ni Cristo.
  • 11 bagong Episcopal Sees
  • 2 Personal Ordinariates
  • 1 Apostolic Vicariate
  • 1 Apostolic Prefecture
  • 1 Territorial prelature na ngayon ay isa nang ganap ng Diocese
  • 2 Apostolic Exarchates na ngayon ay mga Eparchies
  • 2,979 Ecclesiastical Circumsriptions
  • 1.5% Increase sa loob ng tatlong taon
  • 18,000,000 nadagdag sa bilang ng mga kaanib sa buong mundo
  • 17.5 % bilang ng mga nabautismuhan sa loob ng Santa Iglesia
Paglago ng Iglesia Katolika ayon sa Kontinente
  • Africa - lumago ng 4.3%
  • Asia - lumago ng 2%
  • America at Europa - lumago ng 0.3%
Mga Bilang ng nabautismuhan
  •  Americas - 48.8%
  • Europa - 23.5%
  • Africa - 16%
  • Asia - 10.9%
  • Oceana - 0.8%
Bilang nga mga Obispo
  •  Oceana - +4.6%
  • Africa - +1%
  • Mula 5,104 ngayon ay 5,132
Bilang ng mga Pari
  • Africa - +39.5%
  • Asia - +32%
Bilang ng Mga Deacono
  • North America at Europa - 97.4%
Bilang ng mga Male Religion (non-ordained)
  • Africa - +18.5%
  • Asia - +44.9%
Bilang ng mga Semininarista
  •  Africa - +30.9%
  • Asia - +29.4%

Thursday, April 4, 2013

Official Social Network Accounts ng Santo Papa!

Alam niyo ba na ang Santo Papa ay may official TWITTER account? Ito ay kilala sa pangalang #pontifex.

Hindi lang po sa wikang Ingles ang kanyang official twitter. Heto po ang iba pang mga wika:

@pontifex in LATIN
@pontifex in ARABIC
@pontifex in GERMAN
@pontifex in SPANISH
@pontifex in PORTUGUESE
@pontifex in ITALIAN
@pontifex in FRENCH

Sa kanyang English Twitter, sa sampung (10) tweets ay mayroon na itong 2.2 milyong followers.


At sa mga may SMART PHONES, maaari na pong sundan ang mga kaganapan sa Vatican at sa Santo Papa  sa pamamagitan ng pag-download ng APP na ito mula sa inyong ANDROID PHONES at iPHONES.


Download na!

Wednesday, March 13, 2013

HABEMUS PAPAM!

Papa Francisco - ika 266 Santo Papa ng Iglesia ni Cristo
Nagitla ang buong mundo noong ipagbigay-alam ni Pope Emeritus Benedict XVI ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng 1.2 bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon kay Pope Emeritus, ang kanyang pagbitiw ay sanhi ng kanyang pagtanda. Kung matatandaan sa kanyang walong taong panunungkulan ay nagsulputan ang maraming mga iskandalo sa Santa Iglesia. Ang karamihan dito ay ang mga tiwaling pari na lumapastangan sa mga kabataan natin. Mabigat ang pasanin ng Santo Papa at panalangin niyang ang susunod na papa ay may sapat na lakas upang itawid mula ang Iglesia ng Dios sa susunod na siglo.

At ngayong ika-23 ng Marso 2013, pinagkalooban ang Iglesia ni Cristo ng bagong Papa sa katauhan ni Jorge Mario Cardinal Bergoglio ng Argentina-- kauna-unahang Santo Papa na hinirang mula sa Latin America at kauna-unahang gumamit ng pangalang FRANCIS.

Si Cardinal Bergoglio ay mas kilala ngayon sa pangalang PAPA FRANCSISCO (Pope Francis).

Mabuhay ang SANTO PAPA! Mabuhay ang IGLESIA NI CRISTO!