HINDI. Hinding-hindi. Si Maria ay tao at kailanman ay hindi dios. Wala sa katinuan ang sinumang nagsasabing si Maria ay dios (o diosa). Tinuligsa at kinondena ko ang mga indibidwal at grupong nagtuturo na si Maria ay dios sapagkat hindi lamang sila mga erehe kundi mga hibang. Bagamat nilalaanan natin si Maria ng mataas na uri ng pag-galang, kailanman ay hindi natin siya sinasamba sapagkat siya ay tao at hindi dios. Ani Arsobispo Fulton J. Sheen:
“Si Maria, Ina ng Dios na Tagapagligtas, ay isa lamang na nilikha, tao at hindi dios.”
"... Bagamat napakalinaw ng aral ng Iglesia Katolika na si Maria ay tao, pilit itong minamali ng Iglesia ni Cristo (1914) at sinasabing iniaaral daw natin na si Maria ay dios. Wala maipakita ang Iglesia ni Cristo na kahit isang opisyal na dokumento ng Iglesia Katolika na nagtuturong si Maria ay dios nga. Bilang isang mananampalatayang Katoliko at isa sa mga itinuturing na Mariolohista, alam na alam ko na walang aral ang Iglesia Katolika na si Maria ay dios."
Kung talagang aral nga ng Iglesia Catolika na si Maria ay dios, dapat sana’y malaganap ang pangangaral na iyan mula pa noong una. Ngunit hindi nga aral ng Iglesia Catolika na si Maria ay dios bagamat ipinagpipilitan ng Iglesia ni Cristo na gayun nga. Ang palsong aral na si Maria ay Dios ay itinuturing ng Santa Iglesia na isang kabalintunaan at hidwang pananampalataya. Mariin itong tinututulan at sinasawata ng Santa Iglesia Catolika."
Ituloy ang pagbabasa rito...
No comments:
Post a Comment