Thursday, July 11, 2013

Iglesia Katolika mababasa ba sa Biblia?

Larawan mula sa blog na Know the Roman Catholic Truth

IGLESIA NI CRISTO' NASA BIBLIA?
Artikulo mula sa blog na INC vs Catholic

ISA PO sa madalas ipagmalaki ng INC ay mababasa raw sa Biblia ang pangalan ng kanilang iglesia. Ang itinuturo nila ay ang Roma 16:16 [basahin ang artikulong Aling Iglesia ba ang Tinutukoy sa Roma 16:16?] Diyan ay mababasa:

Romans 16:16 (New International Version):
Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ send greetings

Roma 16:16 (Ang Salita ng Diyos):
Magbatian kayo sa isa't isa ng banal na halik. Ang mga iglesiya ni Cristo ay bumabati sa inyo.

ΠΡΟΣ ΡΩΜΑΙΟΥΣ 16:16 Greek NT
ἀσπάσασθε ἀλλήλους ἐν φιλήματι ἁγίῳ. ἀσπάζονται ὑμᾶς αἱ ἐκκλησίαι πᾶσαι τοῦ Χριστοῦ.
Kapansin-pansin po sa mga talata na iyan na mali ang sinasabi ng INC na mababasa ang pangalan nilang "Iglesia ni Cristo" sa Roma 16:16. Hindi po "Iglesia ni Cristo" (singular o isahan) ang sinasabi sa talata kundi "mga iglesiya ni Cristo," "churches of Christ," at "ekklēsiai pasai tou Christou" na pawang plural o pang-maramihan.


Sa madaling salita po ay may panlilinlang ang sinasabi ng INC na "mababasa sa Biblia" ang pangalan ng kanilang simbahan. Sa nakita natin sa itaas ay maling-mali sila. Huwag po tayong paloloko.

KATOLIKO MABABASA BA SA BIBLIA?

Kaya po ipinagmamalaki ng mga INC na "mababasa sa Biblia" ang pangalan ng simbahan nila ay dahil inaakala nila na hindi mababasa sa Biblia ang Iglesia Katolika.

Pero bago po ang ano pa man ay mali po ang paniniwala na mababasa sa Biblia ang "pangalan" ng tunay na simbahan o iglesia. Wala po tayong mababasa kahit saan sa Biblia na ang Diyos o ang mga apostol ay nagbigay ng pangalan sa Iglesia.

Ang ibinigay po sa Iglesia ay mga katangian nito. Halimbawa ng mga katangian ng Iglesia ay ang sumusunod:

1. Ekklesia Katholes (mula sa Greek text ng ACTS 9:31) - Iglesiang laganap batay sa kautusan ng Panginoong Hesus sa Matthew 28:19

2. Church at Jerusalem (Acts 11:22) - naroon kasi sa Herusalem

3. Church at Antioch (Acts 13:1) - naroon kasi sa Antioch

4. Church of God (Acts 20:28, 1Cor10:32, 1Cor11:22, 1Cor12:28, 1Cor15:9, Gal 1:13) - dahil pag-aari ng Diyos

5. Church in Cenchrea (Romans 16:1) - nasa Cenchrea

6. Churches of the gentiles (Romans 16:4) - dahil kinaaaniban ng karamihan ay mga Hentil o dating Hentil.

7. Churches of Christ (Rom 16:16) - tumutukoy sa LAHAT ng IGLESIA na SUMASALUDO o NAGBIBIGAY GALANG sa IGLESIA ROMANA

8. Church of God in Corinth (1Cor1:2, 2Cor1:1) - naroon sa Corinto

9. Churches of God (1Cor11:16) - maraming simbahan ang tinutukoy

10. Galatian churches (1Cor16:10 - mga iglesia sa Galatia

11. Macedonian churches (2Cor8:1)

12. Churches in Galatia (Gal 1:2)

13. Churches of Judea (Gal 1:22, 1Thes2:14)

14. Radiant church (Eph5:27)

15. Church of the Laodiceans (Col4:16)

16. Church of the Thessalonians (1Thes 1:1, 2Thes1:1)

17. Church of the living God (1Tim3:15)

18. Church of the first born (Heb12:23)

Malinaw sa mga paglalarawan na yan na walang iisang pangalan o iisang tawag sa tunay na Iglesia. Katunayan, walang pangalang ibinigay sa Iglesia. Kaya mali ang itinuturo ng ilan na mababasa raw sa Biblia ang "pangalan" ng kanilang iglesia.

EKKLESIA KATHOLES
Batay sa katotohanan na katangian ng Iglesia ang nasusulat ay makikita natin ang Iglesia Katolika sa Biblia. At hindi lang sa basta Biblia kundi sa orihinal na Kasulatan na nasulat sa Greek.

Sa mga hindi po nakakaalam, nung unang isulat ang mga nilalaman ng Biblia, ang mga kasulatan ay nasa wikang Hebreo, Aramaico, at Griego.

* Ang Lumang Tipan o Old Testament ay nasa Hebreo.
* Ang Bagong Tipan o New Testament ay nasa Griego.
* Sa Luma at Bagong Tipan ay may pailan-ilang talata na nasusulat sa Aramaico, ang dialekto sa Palestina.

At sa Greek text ng New Testament natin makikita ang Iglesia Katolika, partikular sa Acts 9:31.

Sa Greek ng Acts 9:31 ay mababasa natin ang
"Ἡ μὲν οὖν ἐκκλησία καθ’ ὅλης τῆς Ἰουδαίας καὶ Γαλιλαίας καὶ Σαμαρείας εἶχεν εἰρήνην οἰκοδομουμένη καὶ πορευομένη τῷ φόβῳ τοῦ κυρίου καὶ τῇ παρακλήσει τοῦ ἁγίου πνεύματος ἐπληθύνετο."

Mababasa riyan ang "ἐκκλησία καθ’ ὅλης" o "ekklēsia kath olēs." Sa direktang salin sa Pilipino, iyan ay "iglesia katolika" o "Iglesia Katolika" na ang kahulugan ay "Iglesiang Laganap."

Malinaw na malinaw po. Letra por letra. Mababasa sa Biblia ang "ekklēsia kath olēs" o "iglesia katolika." Walang panlilinlang. Walang pagkukunwari.

Noong una po ay paglalarawan lang po sa tunay na Iglesia ang "ekklēsia kath olēs" pero noong tumagal ay ginamit na itong pormal na pantawag sa tunay na Simbahan, ang Iglesia Katolika.

Ikumpara po natin iyan sa ipinagmamalaki ng INC na "iglesia ni Cristo" na mali at may halong pandaraya dahil ang totoo ay "mga iglesia ni Cristo"--plural at hindi singular.

Kaya kung ang pagbabatayan ay "mababasa sa Biblia" ang inaanibang iglesia ay Iglesia Katolika ang malinaw na mababasa sa Biblia. Ang "Iglesia ni Cristo" ay sa panlililang at pagkukunwari lang.

No comments: