Sunday, September 13, 2020

Ang pagbabalik-loob ng mga naakay ng mga bulaang propeta, sa TUNAY na IGLESIANG TATAG ni Cristo


Isang komento ang hindi matanggap ang kanilang pagbabalik-loob sa tunay na Iglesia ni Cristo


Nasa daan na ng kaligtasan, sinayang pa. Mas pinili sumamba sa mga josjosan na gawa ng kamay na gawa sa kahoy at bato

Walang sinayang ang pamilya Vargas sapagkat napagtanto nila na sila ay DINAYA ng mga bulaang propeta. PINANIWALA silang ang mga imahe at rebulto ng mga banal at santo ay mga 'DIYOS-DIYOSAN' na hindi naman.

Sa isang matinong Katoliko, hindi niya ipagpapalagay na 'diyos' ang mga santo sa langit. At sa mga nag-iisip na ang mga santo at mga banal at ang kanilang mga imahe ay mga 'diyos' ~ ayon LUMIPAT na sa INC™ at ang iba ay nasa Born-Again groups na. Hindi na sila kaanib sa atin. Tunay nga na NATUPAD ang mga WINIKA ni Cristo "hindi mananaig ang kapangyarihan ng Hades".

Salamat sa Diyos at nagbalik-loob na ang mga NADAYA ng mga bulaang propeta. Nagising na sila sa katotohanan na si CRISTO AY DIYOS at TAO. Nagising sila sa katotohanan na si Cristo ay mas mataas kaysa kay Felix Manalo (anghel o sugo). Samantalang sa katuruan ng INC™1914 si Cristo ay TAONG-TAO LAMANG!

Ang lahat ng kapurihan ay sa NAG-IISANG DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO!

No comments: