Tuso ang mga aral ng mga huwad na sugo ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Napaniwala niya ang ilan sa mga Katoliko na salat sa kaalaman na ang PASKO ay hindi dapat ipinagdiriwang sapagkat 'wala' (o hindi literal na nakasulat) sa Biblia.
Ang PASKO NG PAGSILANG ni Jesus noong una ay TINATANGGAP ng INC™ 1914. Katulad ng mga Katoliko at halos lahat ng ibang Kristiano, ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay itinuring ang Pasko bilang KAARAWAN ng kapangananak ng Manunubos.
Ngunit hindi nagtagal ay tahasang TINUTUTULAN at PINUPUNA nila ito sapagkat ito ay PAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO na kanilang itinuturing na mga kaaway. Sa katunayan, mismong ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang nagpapatotoo kung ano nga ba ang kahulugan ng PASKO para sa mga NAGDIRIWANG nito.
Ngunit hindi nagtagal ay tahasang TINUTUTULAN at PINUPUNA nila ito sapagkat ito ay PAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO na kanilang itinuturing na mga kaaway. Sa katunayan, mismong ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang nagpapatotoo kung ano nga ba ang kahulugan ng PASKO para sa mga NAGDIRIWANG nito.
PASUGO Disyembre 1957, p. 28: (sinulat ni Emeliano I. Agustin) (Patula)
“Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."
Kaawa-awang mga nilalang!
Hindi naman maikakaila ng mga Kristiano na ang Christmas o Pasko ay hindi nakatitik sa Biblia. ngunit hindi nangangahulugan na pinagbabawal itong ipagdiwang. Sa katunayan maraming mga bagay-bagay ang hindi nakasulat sa Biblia ngunit BULAG-BULAGANG PINAPANIWALAAN ng mga kaanib sa kulto ni Ginoong Felix Y. Manalo.
Halimbawa!
Halimbawa!
- Biblia - ang salitang 'biblia' ay hindi natin nababasa sa Biblia. Ngunit dito halos humuhugot ng tagpi-tagping aral ang INC™ 1914 para makabuo ng saknong.
- Felix Y. Manalo - ang pangalan ni Ka Felix ay hinding-hindi nasusulat sa Biblia, maging ang kanyang anak na si EraƱo at si Eduardo ay hindi sila nakatitik sa Biblia. Ngunit naniniwala silang si Ka Felix Manalo ay hinulaan sa Biblia sa Isaiah 46:11.
- Huling Sugo - walang mababasa sa Biblia ukol sa pagdating ng 'huling sugo'. Tanging ang pagdating ng manunubos ang hinulaan ng mga Propeta noong una ~ ang Diyos na magkakatawang-tao o Emmanuel Sumasaatin ang Diyos.
- Pagtalikod na Ganap ng Iglesia - dito nakabatay halos lahat ng aral ng INC™ 1914. ang kanilang aral na ito ay may pagkakahalintulad sa mga Mormons na itinatag ni Ginoong Joseph Smith Jr. noong 1830. Sinasabi ng mga Mormons na kinakailangang itatag muli ni Ginoong J. Smith ang iglesia ayon sa utos ng Diyos Ama matapos na ito ay tumalikod-na-ganap noong namatay ang huling apostol (110 A.D.) Kinopya ba ni G. Manalo ang kanyang aral sa mga Mormons?
- Pilipinas - at lalong walang mababasang 'Pilipinas' sa Biblia. Ngunit naniniwala ang mga kaanib ng INC™ 1914 na ang bansang Pilipinas raw ang tinutukoy na "pulu-pulong dagat" (Isaiah 24:14)
- Iglesia Ni Cristo - ang 'Iglesia Ni Cristo' (na may malaking titik na I-N-C) ayon sa official registration nito sa Pilipinas at sa buong mundo ay hindi nakatitik sa Biblia. Ang nakasulat sa Biblia ay 'mga iglesia (o iglesya) ni Cristo' at hindi 'Iglesia Ni Cristo'. Ito ay Roma 16:16 sa Tagalog Version lamang natin mababasa. Ang pinagmamalaking "iglesia ni Cristo" raw sa Mga Gawa 20:20 (Lamsa Translation lamang mababasa) ay 'Iglesia ng Diyos' sa orihingal na salin at hindi 'Iglesia Ni Cristo'
Ang MUNDO ay HINDI NASASAKOP sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo kundi sa Iglesiang TATAG mismo ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika (Pasugo Abril 1966, p.46). Ang mundo ay umiikot sa KATOTOHANAN at hindi sa mga BULAANG PROPETA na sumulpot lamang nitong nakaraang 105 taon.
ANO BA ANG 'PASKO' (CHRISTMAS) AYON SA KATOTOHANANG ALAM NG BUONG MUNDO?
Katulad ng pagkakaalam ng mundo sa Iglesia Ni Cristo® bilang TATAG NI FELIX MANALO, ang PASKO o Christmas ayon sa pang-unawa ng BUONG MUNDO ay IISA lamang ang pakahulugan. Mula Asia, Africa, America, Europa at maging sa mga bansang hindi-Kristiano tulad ng India, Qatar, UAE, Kuwait, Bahrain at sa Saudi Arabia, ANG PASKO ay PAGDIRIWANG ng KAPANGANAKAN ni CRISTO.
Hindi po sabi-sabi lamang ito. Umpisahan natin sa Wikipedia ay ganito ang sinasabi:
Christmas is an annual festival commemorating the birth of Jesus Christ, observed primarily on December 25 as a religious and cultural celebration among billions of people around the world.
Ito naman ang sabi ng Brittanica Encyclopedia Online:
Christmas, Christian festival celebrating the birth of Jesus.
Ayon naman sa Christmas.com ay ganito:
Ayon sa CNN:
History.com
Ito naman ang sinasabi ng The New Webster Encyclopedia Dictionary of the English Language, ©1984
KAPAG WALA SA BIBLIA AY HIND NA BA TOTOO?
Mali ang pananaw ng INC™ 1914 na kung hindi nakasulat sa Biblia ay hindi na totoo... tutulungan tayo online upang patunayang maling mali ang mga bulaang propeta ng INC™ 1914.
Christmas is celebrated to remember the birth of Jesus Christ, who Christians believe is the Son of God.Ito naman ang sinasabi ng History.com
Christmas, a Christian holiday honoring the birth of Jesus...
Ayon sa CNN:
The story of Jesus Christ's birth is told in New Testament's gospel of Saint Luke and Saint Matthew.
History.com
Christians celebrate Christmas Day as the anniversary of the birth of Jesus of Nazareth, a spiritual leader whose teachings form the basis of their religion.Ito ang buod ng katotohanang mababasa natin sa lahat ng mga Encyclopedia o talasalitaan sa buong mundo ukol sa Pasko.
Ito naman ang sinasabi ng The New Webster Encyclopedia Dictionary of the English Language, ©1984
CHRISTMAS ~ /kris'mas/, n. [Christ, and mass, A.Sax. maessa, a holy day of feast.] The festival of the Christian church observed annually on the 25th day of December, in memory of the birth of Christ...Semplang na po ang mga INC™ 1914. Sila lamang kasama ang mga Protestanteng kalaban ng Iglesia Katolika ang nagsusulong na ang Pasko ay isang paganong pagdiriwang. Ibinibintang ng mga kaaway ng Iglesia na si Sol Invictus raw ang pinagdiriwang sa kapaskuhan. Kung iyan ang kanilang paniniwala ay hindi natin tututulan. Karapatan nila 'yan. Ngunit ang KATOTOHANAN ay mananatiling naka-SULAT sa lahat ng mga aklat-pangkasaysayan at aklat-kaalaman na ang PASKO AY ANG PAG-AALALAALA SA KAARAWAN NG MANUNUBOS NA SI CRISTO!
KAPAG WALA SA BIBLIA AY HIND NA BA TOTOO?
Mali ang pananaw ng INC™ 1914 na kung hindi nakasulat sa Biblia ay hindi na totoo... tutulungan tayo online upang patunayang maling mali ang mga bulaang propeta ng INC™ 1914.
- Bible - the Christian scriptures, consisting of the Old and New Testaments.
- Felix Y. Manalo - founder of the Iglesia Ni Cristo (INC) in the Philippines in 1914
- Iglesia Ni Cristo - a church founded by Felix Y. Manalo in 1914
- Last Messenger of God - online search shows Muhammad, the founder of Islam, and not Felix Manalo, holds this self-proclaimed title
- Total Apostasy - this doctrine is originally claimed by the member of the Mormon church for its founder Joseph Smith Jr, not the Iglesia Ni Cristo of Felix Manalo.
Mga kababayan namin na nagsusuri pa lamang sa kung alin sa maraming umaangkin ng pagka-Iglesia ni Cristo, dito na po tayo sa KATOTOHANAN. Na ang Iglesia Katolika lamang ang tanging tunay na IGLESIA NI CRISTO na TATAG NI CRISTO!
Kung mayroon mang mga nagsisulputang mga INC at tinatawag nila ang kanilang sarili bilang 'Iglesia Ni Cristo' sila ay hindi tunay kundi mga peke o HUWAD lamang! (Pasugo Mayo 1968, p. 7).
Kung mayroon mang mga nagsisulputang mga INC at tinatawag nila ang kanilang sarili bilang 'Iglesia Ni Cristo' sila ay hindi tunay kundi mga peke o HUWAD lamang! (Pasugo Mayo 1968, p. 7).
No comments:
Post a Comment