Kumakalat sa Social Media ang larawang ito na animo'y naghihikayat sa mga Katoliko na magbayad sa tuwing magpapa-misa ng kanilang personal na kahilingan.
Ang tanong ng mga tumutuligsa sa Santa Iglesia eh bakit nga raw ba may "bayad" ang pagpapa-Misa o pagpapabinyag?
May mga nagsasabing mga Katoliko raw sila ngunit sinasabi nilang wala na raw silang tiwala sa Santa Iglesia dahil "pera-pera" na lamang daw ang pagiging Katoliko.
MALING KURU-KURO
Para sa mga Katoliko: Hindi po bayad ang hinihingi sa inyo sa tuwing nagpapakasal, nagpapabinyag o nagpapa-Misa kayo. Ito po ay isang uri ng "DONASYON" na dapat sana ay bukal ninyong ibinibigay mula sa inyong puso, Lagi po nating tatandaan na ang mga SAKRAMENTO ay LIBRE at WALANG BAYAD.
Kung bakit nanghihingi ang ating mga Simbahan ng inyong FIX DONATION tulad ng pinapakita sa larawan ay sapagkat HINDI PO LIBRE ang ginagamit at gamit sa ating mga Simbahan.
Ang ating mga tagalinis, may sahod po 'yan. Ang mga manggagawa sa loob ng Parish offices, may sahod po sila. May mga pamilya po silang pinapakain katulad ninyo. Ang kuryenteng ginagamit kapag may kaganapan sa loob ng Simbahan ay LAHAT MAY BAYAD po 'yan. Ang maintenance ng lahat ng facilities sa ating mga parokya ay LAHAT may bayad 'yan! Sa tingin niyo, saan kukuha ng pambayad ang mga parokya kung hindi nila ginagawan ng paraan ito? Hindi mabubuhay ang ating mga parokya kung umaasa sila sa ating "kusang" pagbibigay sapagkat hindi po ito nangyayari sa totoong buhay.
Puwede naman pong hindi hihingi ang mga parokya ng donasyon basta BUWANAN TAYONG MAGBIBIGAY NG ATING IKAPU (tithes) o ang 10% na NETO ng ating mga BUWANANG KINIKITA tulad ng ginagawa ng mga "BORN AGAIN" at ng IGLESIA NI CRISTO® - 1914 na tatag ni G. Felix Manalo. Walang patid ang daloy ng pera sa kanilang lagakan. Bukod niyan, ang kanilang mga manggagawa ay MAY BUWANANG SAHOD hindi tulad ng mga pari wala silang buwanang sahod. Sila ay umaasa sa kung anong kayang ibigay ng kanilang mga parokyano. Kung wala, wala!
Sa mga katulad ng nabanggit nating samahang di-Katoliko, ang kanilang mga kaanib ay COMPULSORY of INAATASANG MAGBIGAY ng IKAPU ng kanilang buwanang kita kaya't MAY PERA ang kanilang mga iglesia. O kaya'y NAKA-RECORD kung magkano ang kanilang ambag.
Sa mga Katoliko, minsan na nga lang magsimba sa isang buwan, PISO lamang ang inaabot tapos sila pa ang may ganang magreklamo kung mainit at walang electric-fan sa simbahan. Sila pa ang may ganang pag-isipan ng masama ang parokya sa tuwing humihingi sila ng donasyon kapag may mga gawain sa Simbahan.
Ang pagpapakasal at pagbibinyag ay hindi naman tuwina. Ito ay ginagawa MINSAN LAMANG sa buong buhay ng tao. Ano ba ang halagang hinihingi ng Simbahan sa atin para maging mapabuti ang serbisyo sa ating mga parokyano? Hindi ba't sa tuwing nagsisimba tayo at maaliwalas, malinis at maayos ang ating mga simbahan ay halos "langit" na ang ating pakiramdam. At dama natin ang pagdadakila sa Poong Diyos kapag maayos at maaliwalas ang ating mga simbahan? Dahil ito sa ating tulong-pinansiyal.
Ang HINIHINGI sa atin ng ating mga PAROKYA ay maliit lamang. Kung gumastos tayo sa bagong gudget, di natin inaalintana ang kamahalan nito. Pero kapag sa Simbahan at Diyos halos di pa tayo makapagbunot ng pera sa ating mga bulsa.
Huwag tayong IPOKRITO. Ang lahat ng ating tinatamasa ay BIYAYA mula sa DIYOS at MARAPAT lamang na IBINABALIK natin sa KANYA ang NARARAPAT sa Kanya. Kung kailangang IKAPU ang ibigay sa Simbahan, mas mainam. Sapagkat ang PAGBIBIGAY ng BUKAL sa loob PARA SA DIYOS at IGLESIA ay kinalulugdan ng Diyos. Iyan ang sinabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto (II Cor. 9:6-8):
"Remember this: Whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows generously will also reap generously. Each of you should give what you have decided in your heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver."
Kaya't huwag nating PAGDAMUTAN ang DIYOS. Ating ILAAN sa GAWAIN ng DIYOS ang ating natanggap na biyaya. Sapagkat bawat tulong na binibigay natin sa Simbahan ito ay ibabalik ng Diyos sa atin ~ SIKSIK, LIGLIG at UMAAPAW! (Lk 6:38)
No comments:
Post a Comment