Wednesday, December 25, 2019

Pasko: Ang Pag-aalaala ng mga Kristiano sa Kapangananak ni Cristong Manunubos


Tuso ang mga aral ng mga huwad na sugo ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Napaniwala niya ang ilan sa mga Katoliko na salat sa kaalaman na ang PASKO ay hindi dapat ipinagdiriwang sapagkat 'wala' (o hindi literal na nakasulat) sa Biblia.

Ang PASKO NG PAGSILANG ni Jesus noong una ay TINATANGGAP ng INC™ 1914. Katulad ng mga Katoliko at halos lahat ng ibang Kristiano, ang Iglesia Ni Cristo® 1914 ay itinuring ang Pasko bilang KAARAWAN ng kapangananak ng Manunubos.

Ngunit hindi nagtagal ay tahasang TINUTUTULAN at PINUPUNA nila ito sapagkat ito ay PAGDIRIWANG ng mga KATOLIKO na kanilang itinuturing na mga kaaway. Sa katunayan, mismong ang kanilang opisyal na magasing Pasugo ang nagpapatotoo kung ano nga ba ang kahulugan ng PASKO para sa mga NAGDIRIWANG nito.

PASUGO Disyembre 1957, p. 28: (sinulat ni Emeliano I. Agustin) (Patula)
“Ang diwa ng Pasko ay kapayapaan;
Nang mundong naglunoy sa lusak ng Buhay;
Mabuting balita sa kinalulugdan;
Pagsilang ni Jesus sa abang sabsaban."
Kaawa-awang mga nilalang!

Hindi naman maikakaila ng mga Kristiano na ang Christmas o Pasko ay hindi nakatitik sa Biblia. ngunit hindi nangangahulugan na pinagbabawal itong ipagdiwang.  Sa katunayan maraming mga bagay-bagay ang hindi nakasulat sa Biblia ngunit BULAG-BULAGANG PINAPANIWALAAN ng mga kaanib sa kulto ni Ginoong Felix Y. Manalo.

Halimbawa! 
  • Biblia - ang salitang 'biblia' ay hindi natin nababasa sa Biblia. Ngunit dito halos humuhugot ng tagpi-tagping aral ang INC™ 1914 para makabuo ng saknong.
  • Felix Y. Manalo - ang pangalan ni Ka Felix ay hinding-hindi nasusulat sa Biblia, maging ang kanyang anak na si Eraño at si Eduardo ay hindi sila nakatitik sa Biblia. Ngunit naniniwala silang si Ka Felix Manalo ay hinulaan sa Biblia sa Isaiah 46:11.
  • Huling Sugo - walang mababasa sa Biblia ukol sa pagdating ng 'huling sugo'. Tanging ang pagdating ng manunubos ang hinulaan ng mga Propeta noong una ~ ang Diyos na magkakatawang-tao o Emmanuel Sumasaatin ang Diyos.
  • Pagtalikod na Ganap ng Iglesia - dito nakabatay halos lahat ng aral ng INC™ 1914. ang kanilang aral na ito ay may pagkakahalintulad sa mga Mormons na itinatag ni Ginoong Joseph Smith Jr. noong 1830. Sinasabi ng mga Mormons na kinakailangang itatag muli ni Ginoong J. Smith ang iglesia ayon sa utos ng Diyos Ama matapos na ito ay tumalikod-na-ganap noong namatay ang huling apostol (110 A.D.)  Kinopya ba ni G. Manalo ang kanyang aral sa mga Mormons?
  • Pilipinas - at lalong walang mababasang 'Pilipinas' sa Biblia. Ngunit naniniwala ang mga kaanib ng INC™ 1914 na ang bansang Pilipinas raw ang tinutukoy na "pulu-pulong dagat" (Isaiah 24:14)
  • Iglesia Ni Cristo - ang 'Iglesia Ni Cristo' (na may malaking titik na I-N-C)  ayon sa official registration nito sa Pilipinas at sa buong mundo ay hindi nakatitik sa Biblia. Ang nakasulat sa Biblia ay 'mga iglesia (o iglesya) ni Cristo' at hindi 'Iglesia NCristo'. Ito ay Roma 16:16 sa Tagalog Version lamang natin mababasa. Ang pinagmamalaking "iglesia ni Cristo" raw sa Mga Gawa 20:20 (Lamsa Translation lamang mababasa) ay 'Iglesia ng Diyos' sa orihingal na salin at hindi 'Iglesia NCristo'

Ang MUNDO ay HINDI NASASAKOP sa Iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo kundi sa Iglesiang TATAG mismo ni Cristo ~ ang Iglesia Katolika (Pasugo Abril 1966, p.46). Ang mundo ay umiikot sa KATOTOHANAN at hindi sa mga BULAANG PROPETA na sumulpot lamang nitong nakaraang 105 taon.

ANO BA ANG 'PASKO' (CHRISTMAS) AYON SA KATOTOHANANG ALAM NG BUONG MUNDO?

Katulad ng pagkakaalam ng mundo sa Iglesia Ni Cristo® bilang TATAG NI FELIX MANALO, ang PASKO Christmas ayon sa pang-unawa ng BUONG MUNDO ay IISA lamang ang pakahulugan. Mula Asia, Africa, America, Europa at maging sa mga bansang hindi-Kristiano tulad ng India, Qatar, UAE, Kuwait, Bahrain at sa Saudi Arabia, ANG PASKO ay PAGDIRIWANG ng KAPANGANAKAN ni CRISTO.

Hindi po sabi-sabi lamang ito. Umpisahan natin sa Wikipedia ay ganito ang sinasabi:
Christmas is an annual festival commemorating the birth of Jesus Christ, observed primarily on December 25 as a religious and cultural celebration among billions of people around the world.
Ito naman ang sabi ng Brittanica Encyclopedia Online:
Christmas, Christian festival celebrating the birth of Jesus.
Ayon naman sa Christmas.com ay ganito:
Christmas is celebrated to remember the birth of Jesus Christ, who Christians believe is the Son of God.
Ito naman ang sinasabi ng History.com
Christmas, a Christian holiday honoring the birth of Jesus...

Ayon sa CNN:
The story of Jesus Christ's birth is told in New Testament's gospel of Saint Luke and Saint Matthew.

History.com
Christians celebrate Christmas Day as the anniversary of the birth of Jesus of Nazareth, a spiritual leader whose teachings form the basis of their religion.
Ito ang buod ng katotohanang mababasa natin sa lahat ng mga Encyclopedia o talasalitaan sa buong mundo ukol sa Pasko.

Ito naman ang sinasabi ng The New Webster Encyclopedia Dictionary of the English Language, ©1984
CHRISTMAS ~ /kris'mas/, n. [Christ, and mass, A.Sax. maessa, a holy day of feast.] The festival of the Christian church observed annually on the 25th day of December, in memory of the birth of Christ... 
Semplang na po ang mga INC™ 1914. Sila lamang kasama ang mga Protestanteng kalaban ng Iglesia Katolika ang nagsusulong na ang Pasko ay isang paganong pagdiriwang. Ibinibintang ng mga kaaway ng Iglesia na si Sol Invictus raw ang pinagdiriwang sa kapaskuhan. Kung iyan ang kanilang paniniwala ay hindi natin tututulan. Karapatan nila 'yan. Ngunit ang KATOTOHANAN ay mananatiling naka-SULAT sa lahat ng mga aklat-pangkasaysayan at aklat-kaalaman na ang PASKO AY ANG PAG-AALALAALA SA KAARAWAN NG MANUNUBOS NA SI CRISTO!

KAPAG WALA SA BIBLIA AY HIND NA BA TOTOO?

Mali ang pananaw ng INC™ 1914 na kung hindi nakasulat sa Biblia ay hindi na totoo... tutulungan tayo online upang patunayang maling mali ang mga bulaang propeta ng INC™ 1914.
  • Bible - the Christian scriptures, consisting of the Old and New Testaments.
  • Felix Y. Manalo - founder of the Iglesia Ni Cristo (INC) in the Philippines in 1914
  • Last Messenger of God - online search shows Muhammad, the founder of Islam, and not Felix Manalo, holds this self-proclaimed title
  • Total Apostasy - this doctrine is originally claimed by the member of the Mormon church for its founder Joseph Smith Jr, not the Iglesia Ni Cristo of Felix Manalo.
Mga kababayan namin na nagsusuri pa lamang sa kung alin sa maraming umaangkin ng pagka-Iglesia ni Cristo, dito na po tayo sa KATOTOHANAN. Na ang Iglesia Katolika lamang ang tanging tunay na IGLESIA NI CRISTO na TATAG NI CRISTO!

Kung mayroon mang mga nagsisulputang mga INC at tinatawag nila ang kanilang sarili bilang 'Iglesia Ni Cristo' sila ay hindi tunay kundi mga peke o HUWAD lamang! (Pasugo Mayo 1968, p. 7).

Tuesday, December 24, 2019

Wala raw Pasko ang INC™ 1914 ni Ginoong Felix Y. Manalo?


BREAKING: A Virgin gives birth to a Child (Inquirer.Net)

Source: Inquirer.net
By: Dr. Jose Mario Bautista Maximiano - @inquirerdotnetINQUIRER.NET U.S. Bureau / 09:00 AM December 24, 2019

A woman remains a virgin before and after giving birth – as the Christmas songs go: “The virgin Mary had a baby boy” (African American spirituals, since 1867) and “O Come, All Ye Faithful.” I love Andrea Bocelli’s rendition of Adeste Fideles, which, BTW, has the following excerpts in English that mentions the virgin birth:

…True God of true God, Light from Light Eternal,
Lo, he shuns not the Virgin’s womb;
Son of the Father, begotten, not created… (Adeste Fideles)

Such belief is beyond the most famous Beatles, who had abandoned their Christian upbringing but came out with several Christmas albums in the 1960s. In 1965, after John Lennon (1940-1980) made a sarcastic remark that the Beatles had become “more popular than Jesus,” he became extra-careful to choose his Christmas songs, that is, without the mention of Jesus at all. The Beatles disbanded in 1970 but celebrated Christmas with friends, family, and fans every year without fail. Lennon sang “So This Is Christmas” but without acknowledging that the season reminds everyone of the birthday of Jesus.

Of course, global atheists say that “Christians don’t own Christmas” and prefer to teach their children the Johnny Mathis version of “Frosty the Snowman.” Of course, the increasingly secularizing and consumeristic “no-religion” generation annually enjoys “the most wonderful time of the year” and prefers more to sing Michael Bublé’s “Santa Claus Is Coming to Town” than to admit that a virgin conceived and gave birth to the Son of God.

But the historical fact remains: The virgin birth of Jesus (see Wikipedia) happened 2,019 years ago and that singular event affected human history like no other. It means, even if the Beatles refused to sing “Hark! The herald angels sing, glory to the newborn King,” Jesus so deeply marked the future of all humankind that the chronology of history is defined by His birthday, the undeniable landmark of which is the acronym BC and AD or Anno Domini, the Year of the Lord.

When the First Christmas happened in Bethlehem, Mary appeared to have had a husband, Joseph, for otherwise Mary would had been stoned to death. Since a pregnant virgin was unnatural or “beyond the ordinary,” and therefore socially unacceptable, Joseph played a silent, albeit important, role in God’s big plan. Yet, it is a breaking good news to those who believe, then and now: A woman remained a virgin before and after giving birth.

The Christian calendar

December 8 – Mary was conceived by St. Ann;

September 8 – Mary was born, exactly nine months after;

March 25 – Jesus was conceived by Mary without a biological father;

December 25 – Jesus was born, exactly nine months after.

Mariah Carey’s “O Holy Night… It is the night of our dear Savior’s birth” is one of my favorites as it narrates our dear Lord’s birth on December 25, which is exactly nine months after March 25, the day of the Annunciation, when He was conceived by the Holy Spirit in the womb of the Virgin Mary. It’s not a legend. It’s not a make-belief. Every normal child stays nine months in the womb before birth, right?

Our Lady’s birthday falls on September 8 having been conceived in the womb of St. Ann exactly nine months before, on December 8, the solemnity of the Immaculate Conception. Drawing a parallelism, I venture to say that we cannot celebrate the Annunciation without celebrating the Immaculate Conception nor can we celebrate Christmas without celebrating the Nativity of Mary. Can a child be conceived and born without a mother?

At 12 noon at SM Malls, staff and some shoppers keep still for a while when the Angelus is prayed over the PA system. The Angelus is a perennial reminder of the Annunciation, also known as the Incarnation of the Son of God or Pagkakatawang Tao ng Anak ng Diyos, when the Son of God became the Son of Man in Mary’s womb.

Once in a while it’s nice to jog our memory of that special event in history when God’s love in the Flesh is closely linked to the personal decision of one woman set apart from all the rest. In the Angelus, when Mary said, “Behold the handmaid of the Lord, be it done to me according to Thy Word,” the virgin becomes pregnant! That, for me, is always a breaking news.

Jose Mario Bautista Maximiano (facebook.com/josemario.maximiano) is the author of MDXXI (1521): Ecclesia semper purificanda (Claretian, 2020) and 24 PLUS CONTEMPORARY PEOPLE: God Writing Straight with Twists and Turns (Claretian, 2019).

Maligayang Pasko ng Pagsilang ni Cristong Panginoon!


Monday, December 16, 2019

The Church of Christ which is the Catholic Church is Still the Biggest, Oldest and Greatest!

There is no greater Church that the original Church of Christ and this is a FACT: The Iglesia Ni Cristo® - 1914, must accept that the Catholic Church is STILL the ONE and ONLY CHURCH OF CHRIST the LORD JESUS established on earth and no other. The CATHOLIC CHURCH was established in the First Century by the LORD Himself that's why the Church is STILL the OLDEST, THE BIGGEST and the GREATEST!

"... the Catholic Church is the world's BIGGEST and OLDEST organization. It has buried all of the greatest empires known to man, from the Romans to the Soviets. It has establishments literally all over the world, touching every area of human endeavor. It's given us some of the world's greatest thinkers, from Saint Augustine on down to René Girard. When it does things, it usually has a good reason."

-BUSINESS INSIDER: "Time To Admit It: The Church Has Always Been Right On Birth Control"


Saturday, December 14, 2019

Bakit Iglesia Katolika ang Kinagisnang Tunay na Iglesia ni Cristo?

Bago natin talakayin ang walang katapusang kamangmangan ng mga bagong sulpot na relihiyon ukol sa kasaysayan ng tunay na Iglesia ni Cristo, iminumungkahi kong basahin muna ang artikulong "Pagmamali ng Iglesia Ni Cristo na Tatag ni Felix Manalo noong 1914 Tungkol sa Kasaysayan ng Kristianismo" upang mas maunawaan natin ang daloy ng ating pag-uusapan.

Source: http://tunaynalingkod.blogspot.com/2014/01/bakit-iglesia-katolika-at-hindi-iglesia.html
Ipinagtataka ng iba kung bakit Iglesia Katolika ang kinagisnan ng lalong maraming tao samantalang ang itinatag ni Cristo ay ang Iglesia ni Cristo. Ito ay bunga ng kawalan ng kabatiran sa tunay na kasaysayan ng Iglesiang itinatag ng ating Panginoong Jesuscristo noong unang siglo. Kapag ating nalalaman ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Iglesia ni Cristo ay hindi na tayo magtataka kung bakit ang Iglesia Katolika ang kinagisnan ng marami samantanlang hindi ito ang Iglesia itinatag ng ating Panginoong Jesucristo. 
Paano ba nagsimula ang Iglesia ni Cristo noong unang siglo? Ano ang kalagayan nito noong una? 
Ang Iglesia ni Cristo ay nagsimula sa panahon ng Panginoong Jesucristo sa lupa bilang isang munting kawan. Tinawag Niya ito na muting kawan.



TANONG: Bakit Iglesia Katolika at hindi Iglesia Ni Cristo® ang kinagisnan relihiyon ng marami?


SAGOT: Ating sagutin ang kanilang tanong sa isa pang tanong. Ano nga ba ang nauna, Iglesia Katolika o Iglesia Ni Cristo® (INC)?

Ayon sa opisyal na magasin ng INC™, ang PASUGO, ang TUNAY  na Iglesiang kay Cristo ay iyong TATAG mismo ni Cristo noong UNANG SIGLO sa JERUSALEM.
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO Mayo 1968, p. 7
Pinatutunayan lamang ng kanilang magasing Pasugo na ang TUNAY na Iglesiang tatag ni Cristo ay ang Iglesiang NAROON na noon pang UNANG SIGLO. 

Ang tanong natin ay ganito:  

TANONG: KAILAN NAITATAG NI G. FELIX MANALO ANG 'IGLESIA NI CRISTO' SA PILIPINAS?

SAGOT: Ayon sa kanilang opisyal na magasing PASUGO Agosto-Setyembre 1964, p. 5, ay ganito: “Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK."

Ito ay PINATUTUNAYAN ng kanilang SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION REGISTRATION.

"THAT THE APPLICANT IS THE FOUNDER AND PRESENT HEAD OF THE SOCIETY NAMED 'IGLESIA NI KRISTO'"
Wala na po tayong dapat pagtatalunan. MALINAW po na sinasabi ng kanilang Pasugo at Rehistro na ang NAGTATAG AT ULO (Founder and Head) ng Iglesia Ni Cristo® (INC) ay HINDI si Cristo kundi si G. FELIX Y. MANALO.


Tanong: Ang Iglesia bang TATAG ng Panginoong Jesukristo NOONG Unang Siglo ay TINAWAG at REHISTRADO sa pangalang "IGLESIA NI CRISTO"?

OO. Sapagkat walang ibang iglesia naitatag si Cristo noong Unang Siglo. Kaya't BY DEFAULT ang Iglesia ay KAY CRISTO!

HINDI. Sapagkat hindi pinag-utos ng Panginoong Jesus na ipangalan sa Kanya at iparehistro ang Kanyang Iglesia bilang "Iglesia Ni Cristo" na may daglat pang 'INC'

Tanong: Kung totoong pinag-utos ni Cristo na ipangalan sa kanya ang Kanyang tatag na Iglesia, bakit TAGALOG ang pagkakarehistro nito sa Pilipinas at sa ibayong dagat? 

Sagot: Sa dami ba naman ng UMAANGKIN ng pagka-Iglesia ni Cristo, hindi na po bago ang  pag-aangkin ng INC™. (Tingnan: 'Huwad na mga Iglesia ni Cristo'). Kaya't para walang KALITUHAN sa mga sulpot na "Iglesia ni Cristo" o "Church of Christ" ay very DISTINCT at madaling makilala ang TATAG ni G. FELIX MANALO sapagkat ito ay may OPISYAL na LOGO at OPISYAL na PANGALAN sa WIKANG TAGALOG "Iglesia Ni Cristo" AYON SA KANIYANG OPISYAL NA REHISTRO!

Photo Source: Kete Christ Church
Kung may mga "Iglesia ni Cristo" man na susulpot ngunit HINDI kapareho ng LOGO sa itaas, ito ay HINDI kay G. Felix Y. Manalo kundi sa iba pang iglesiang TATAG rin ng tao!

Kasaysayan ang magpapatunay na ang IGLESIA kay Cristo ay IISA. Hindi sumulpot saan mang lupalop ng mundo. Si Cristo ang NAGTATAG! Ang Iglesia ay walang sangay, BUO at may PAGKAKAISA.

Kasaysayan pa rin ang nagsasabing ang TUNAY na Iglesia ni Cristo ay kilala rin sa pangalang IGLESIA NG DIYOS (Gawa 20:28) sapagkat si CRISTO ay TUNAY na DIYOS at TAONG totoo! 
The Roman Catholic Church traces its history to Jesus Christ and the Apostles. Over the course of centuries it developed a highly sophisticated theology and an elaborate organizational structure headed by the papacy, the oldest continuing absolute monarchy in the world. -Encyclopedia Brittanica Online

"...the history of the Roman Catholic Church is integral to the history of Christianity as a whole. It is also, according to church historian, Mark A. Noll, the "world's oldest continuously functioning international institution." -Wikipedia

"The Roman Catholic Church or Catholic Church is the Christian Church in full communion with the Bishop of Rome, currently Pope Benedict XVI. It traces its origins to the original Christian community founded by Jesus Christ and led by the Twelve Apostles, in particular Saint Peter. 
"The Catholic Church is the largest Christian Church and the largest organized body of any world religion. The majority of its membership is in Latin America, Africa, and Asia. 
"As the oldest branch of Christianity, the history of the Catholic Church plays an integral part of the History of Christianity as a whole." -New World Encyclopedia

Kaya't HINDI po nakakapagtataka kung bakit ang IGLESIA KATOLIKA ang KINIKILALANG TUNAY na IGLESIA NI CRISTO sapagkat tanging ang Iglesia Katolika lamang ang Iglesiang NAGMULA pa sa panahon ng mga APOSTOL.

"The history of Catholicism is the story of how Christianity began and developed until the present day." -New World Encyclopedia

Kaya't sa mga NAGSUSURING kaanib sa Iglesiang tatag ni G. Felix Manalo, huwag na po tayong padadaya sa mga bulaang mangangaral. Tayo po'y bumalik na sa tunay na Iglesiang KAY CRISTO ~ ang "IGLESIA KATOLIKA na sa pasimula ay siyang Iglesia ni Cristo." (Pasugo Abril 1966, p. 46)

Tuesday, December 10, 2019

May Bayad nga ba Ang mga Sakramento ng Iglesia?

Kumakalat sa Social Media ang larawang ito na animo'y naghihikayat sa mga Katoliko na magbayad sa tuwing magpapa-misa ng kanilang personal na kahilingan.

Ang tanong ng mga tumutuligsa sa Santa Iglesia eh bakit nga raw ba may "bayad" ang pagpapa-Misa o pagpapabinyag?

May mga nagsasabing mga Katoliko raw sila ngunit sinasabi nilang wala na raw silang tiwala sa Santa Iglesia dahil "pera-pera" na lamang daw ang pagiging Katoliko.

MALING KURU-KURO

Para sa mga Katoliko: Hindi po bayad ang hinihingi sa inyo sa tuwing nagpapakasal, nagpapabinyag o nagpapa-Misa kayo. Ito po ay isang uri ng "DONASYON" na dapat sana ay bukal ninyong ibinibigay mula sa inyong puso, Lagi po nating tatandaan na ang mga SAKRAMENTO ay LIBRE at WALANG BAYAD

Kung bakit nanghihingi ang ating mga Simbahan ng inyong FIX DONATION tulad ng pinapakita sa larawan ay sapagkat HINDI PO LIBRE ang ginagamit at gamit sa ating mga Simbahan. 

Ang ating mga tagalinis, may sahod  po 'yan. Ang mga manggagawa sa loob ng Parish offices, may sahod po sila. May mga pamilya po silang pinapakain katulad ninyo.  Ang kuryenteng ginagamit kapag may kaganapan sa loob ng Simbahan ay LAHAT MAY BAYAD po 'yan. Ang maintenance ng lahat ng facilities sa ating mga parokya ay LAHAT may bayad 'yan!  Sa tingin niyo, saan kukuha ng pambayad ang mga parokya kung hindi nila ginagawan ng paraan ito? Hindi mabubuhay ang ating mga parokya kung umaasa sila sa ating "kusang" pagbibigay sapagkat hindi po ito nangyayari sa totoong buhay.

Puwede naman pong hindi hihingi ang mga parokya ng donasyon basta BUWANAN TAYONG MAGBIBIGAY NG ATING IKAPU (tithes) o ang 10% na NETO ng ating mga BUWANANG KINIKITA tulad ng ginagawa ng mga "BORN AGAIN" at ng IGLESIA NI CRISTO® - 1914 na tatag ni G. Felix Manalo. Walang patid ang daloy ng pera sa kanilang lagakan. Bukod niyan, ang kanilang mga manggagawa ay MAY BUWANANG SAHOD hindi tulad ng mga pari wala silang buwanang sahod. Sila ay umaasa sa kung anong kayang ibigay ng kanilang mga parokyano. Kung wala, wala!

Sa mga katulad ng nabanggit nating samahang di-Katoliko, ang kanilang mga kaanib ay COMPULSORY of INAATASANG MAGBIGAY ng IKAPU ng kanilang buwanang kita kaya't MAY PERA ang kanilang mga iglesia. O kaya'y NAKA-RECORD kung magkano ang kanilang ambag.

Sa mga Katoliko, minsan na nga lang magsimba sa isang buwan, PISO lamang ang inaabot tapos sila pa ang may ganang magreklamo kung mainit at walang electric-fan sa simbahan. Sila pa ang may ganang pag-isipan ng masama ang parokya sa tuwing humihingi sila ng donasyon kapag may mga gawain sa Simbahan.

Ang pagpapakasal at pagbibinyag ay hindi naman tuwina. Ito ay ginagawa MINSAN LAMANG sa buong buhay ng tao. Ano ba ang halagang hinihingi ng Simbahan sa atin para maging mapabuti ang serbisyo sa ating mga parokyano?  Hindi ba't sa tuwing nagsisimba tayo at maaliwalas, malinis at maayos ang ating mga simbahan ay halos "langit" na ang ating pakiramdam. At dama natin ang pagdadakila sa Poong Diyos kapag maayos at maaliwalas ang ating mga simbahan?  Dahil ito sa ating tulong-pinansiyal.

Ang HINIHINGI sa atin ng ating mga PAROKYA ay maliit lamang. Kung gumastos tayo sa bagong gudget, di natin inaalintana ang kamahalan nito. Pero kapag sa Simbahan at Diyos halos di pa tayo makapagbunot ng pera sa ating mga bulsa. 

Huwag tayong IPOKRITO. Ang lahat ng ating tinatamasa ay BIYAYA mula sa DIYOS at MARAPAT lamang na IBINABALIK natin sa KANYA ang NARARAPAT sa Kanya. Kung kailangang IKAPU ang ibigay sa Simbahan, mas mainam. Sapagkat ang PAGBIBIGAY ng BUKAL sa loob PARA SA DIYOS at IGLESIA ay kinalulugdan ng Diyos. Iyan ang sinabi ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto (II Cor. 9:6-8):
"Remember this: Whoever sows sparingly will also reap sparingly, and whoever sows generously will also reap generously. Each of you should give what you have decided in your heart to give, not reluctantly or under compulsion, for God loves a cheerful giver."
Kaya't huwag nating PAGDAMUTAN ang DIYOS.  Ating ILAAN sa GAWAIN ng DIYOS ang ating natanggap na biyaya. Sapagkat bawat tulong na binibigay natin sa Simbahan ito ay ibabalik ng Diyos sa atin ~ SIKSIK, LIGLIG at UMAAPAW! (Lk 6:38)

Saturday, December 7, 2019

HUWAD NA MGA IGLESIA (RAW) NI CRISTO!

PASUGO Mayo 1968, p. 7:
“Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang."