Credit from CFD Ipil Diocese FB page |
PINATAY raw ng mga KATOLIKO ang mga ALAGAD ni CRISTO noong UNANG SIGLO kaya't WALANG NATIRA sa kanila. At doon NALIPOL na GANAP ang tunay na IGLESIA NI CRISTO!
Ikaw, napaniwala ka rin ba ng mga bulaang propeta na KAILAN lamang sumulpot sa kasaysayan? Ang mga inaralan ng mga bulaang propeta na TATAG ni G. Felix Manalo at ni G. Eliseo Soriano ay mahilig sa mga ganitong "Fake News" at may mga Katoliko naman na salat sa Katekismo ang naniwala at tuluyang umanib sa kanila.
Ano nga ba ang KATOTOHANAN ukol sa pagkamatay ng mga Apostol o Alagad ni Cristo?
🀄SAN MATEO
Naghirap bilang martir sa Ethiopia (Hilagang Africa) at namatay sa pamamagitan ng tulos ng espada!
🀄SAN MARCOS
Namatay sa Alexandria, Egypt , habang hinihila ng isang kabayo palibot sa nasabing ng bayan. At dahil doon siya ay namatay.
🀄SAN LUKAS
Siya ay binigti sa Greece dahil sa kanyang walang takot na pangangaral ng Mabuting Balita.
🀄SAN JUAN
Tanging alagad na hindi nakaranas ng pagpapahirap. Siya ay namatay ng payapa sa isla ng Patmos (Turkey) kung saan doon niya natanggap ang Pahayag (Revelation) at doon niya sinulat ang kanyang mga sulat at ebanghelyo.
🀄SAN SIMON PEDRO
Siya ay pinko sa kahoy na hugis X ngunit patiwarik. Para sa kanya, hindi siya karapat-dapat na mamatay ng kahalintulad sa kay Cristo.
🀄SAN TIAGO
Siya ang naatasang mamuno sa iglesia sa Jerusalem. Dahil sa kanyang pagtangging itakwil ang kanyang pananampalataya kay Cristo, siya ay inihulog sa mataas na bahagi ng Templo ngunit nakaligtas. At nang malaman ng mga nasa katungkulan na siya ay nakaligtas, siya ay hinambalos hanggang sa mamatay.
🀄SAN TIAGO (anak ni Zebedeo)
Isang magiting na pinuno sa iglesia sa Jerusalem, siya ay pinugutan ng ulo dahil sa kanyang pagtatanggol sa pananampalataya. Isang opisyal ng Roma ang nakasaksi sa kagitingan ni San Tiago at naging tagasunod ni Cristo.
🀄SAN BARTOLOMEO
Kilala rin si San Bartolomeo bilang Nathaniel. Siya ay isang manggagawa sa Asia. Siya ay namatay sa Armenia sa pamamagitan ng matinding hampas at palo mula sa kanyang mga kaaway.
🀄SAN ANDRES
Katulad ni San Pedro siya ay ginapos sa isang kahoy na hugis X sa Patras Greece. Matapos na pahirapan sa pamamagitan ng hampas ng lubid, siya ay tinali sa krus upang pahirapan hanggang mamatay. Habang siya ay nakagapos, siya ay walang tigil sa pagpapahayag ng aral ni Cristo hanggang siya'y mamatay makalipas ang dalawang araw.
🀄SAN TOMAS
Si Santo Tomas ay pinatay sa sibat habang siya ay nangangaral sa India bilang isang manggagawa.
🀄SAN JUDAS TADEO
Siya ay pinatay sa pamamagitan ng pana dahil sa pagtangging itakwil ang kanyang paniniwala kay Cristo.
🀄SAN MATIAS
Ang alagad na pumalit kay Judas Iscariote bilang apostol ni Cristo. Siya ay pinatay sa pamamagitan ng pagbato at di kalauna'y pinugutan ng ulo.
🀄SAN PABLO
Siya ay matinding pinahirapan at pinugutan ng ulo ng Emperor Nero sa Roma taong 67 A.D. Bago pa man siya'y pinatay, siya ay matagal na naging bihag sa kulungan. Dito niya sinamantala ang pagpapadala ng mga sulat sa mga iglesia ni Cristo mula sa Roma. May labing-tatlong sulat rito ay bumubuo sa mga aklat sa Bagong Tipan.
Sa kabuuan, ang mga ALAGAD ang mga KAUNA-UNAHANG mga KATOLIKO na PINATAY ng mga KALABAN ni Cristo!
No comments:
Post a Comment