Saturday, April 21, 2018

ANG IGLESIANG INUUSIG ANG SIYANG TUNAY!

PASUGO  Nobyembre 1954, p. 2:

“Hindi kailangang patunayan pa kung hindi tunay na Iglesia, kung ito'y kay Cristo o hindi. Ang pag-uusig na nagaganap sa INK, na siyang katuparan ng pinagpauna ng Panginoon ay siyang malinaw na katunayan na ang INK ay tunay na Iglesia at kay Cristo. Anu-ano ang mga kinathang kasinungalingan na ipinaparatang kay Jesus an nakasisirang puri! Hindi lamang nila sinasabing siya'y may demonyo, kundi pinaparatangang siya'y nauulol (Juan 15:20). Kung siya'y inusig tao man ay uusigin din. Ang pag-uusig sa Ulo at tagos hanggang sa katawan. Siya ang ulo, tayo ang mga sangkap, na siyang Iglesia."

ANONG IGLESIA KAYA ANG INUUSIG? 

Ang Iglesia Ni Cristo® (INC™) na tatag ni Felix Y. Manalo o ang Iglesia Katolika na "sa pasimula ay siyang [tunay na] Iglesia ni Cristo" (Pasugo Abril 1966, p.46)?

Source: Wikipedia

Lalabas na ang IGLESIA KATOLIKA ang TUNAY sapagkat ito ang INUUSIG simula pa noong una hanggang sa kasalakuyan! Ngunit mananatili siyang MAGWAWAGI sapagkait ITO ay ang IGLESIANG TATAG ni CRISTO! At Siya ang MAGTATANGGOL nito hanggang sa Kanyang pagparitong muli!


No comments: