Sunday, November 5, 2017

May bago nang 'Jesus' ang mga INC™-1914 sa katauhan ni Felix Y. Manalo

Hindi nakapagtataka kung bakit ang turing ng mga kaanib ng INC™-1914 kay Felix Manalo at kahalintulad ni Cristo Jesus ay sapagkat ito ang kanilang paulit-ulit na ikinakabit sa pangalan ng kanilang 'huling sugo' sa kanilang mga pangangaral, maging sa pananalita o sa imprenta.


PASUGO Hulyo 1965, p. 12:

“Parehong-pareho ang espiritu ni Cristo sa diwa ni Kapatid na Felix Manalo sa pamamaraan ng pagdadala ng tungkuling tinanggap sa Dios."

PASUGO Mayo 1964, p. 1:

“Inihandog ng Dios ang kanyang sarili sa kanyang huling sugo upang dumiyos sa kanya. Samakatuwid, ang tanging may Dios na huling araw na ito'y ang huling sugo -- si Kapatid na Felix Manalo."

JUAN 10:16 - SI FELIX MANALO ANG TINUTUKOY NA PASTOR

PASUGO Mayo 1961, p. 22:
“Papaano magiging kawan o Iglesia ni Cristo itong mga tupa ni Jesus na nagmumula sa Pilipinas, hindi naman naparito si Cristo noong 1914? Ang sabi ni Jesus, Juan 10:16, 'magkakaroon sila ng isang Pastor'. Sino itong isang Pastor ng Iglesia na lilitaw sa Pilipinas? Ang pinagsabihan ng Dios: 'Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo: (Isaias 43:5).

“Sino itong pastor ng Iglesiang lilitaw sa Pilipinas? Ito ang huling tinatawag o sugo na kasama ng Dios. Ito ang Kapatid na Felix Manalo. Noong sabihin ni Cristo na siya'y mayroon pang ibang mga tupa na wala sa kulungan at sila'y gagawing isang kawan at magkakaroon ng isang pastor, noon pa'y mayroon na siyang karapatan."

VS.


JUAN 10:16 - SI CRISTO ANG TINUTUKOY NA PASTOR

SULO pahina 58:

“Itinuturo din ng Iglesia Katolika na ang Papa ang siyang "Kataas-taasang Pastor". (Question 169). Ito ay salungat din sa turo ni Jesus at ng mga Apostol, sapagkat sinabi ni Cristo: "Ako ang tanging Pastor" (Juan 10:16)".

No comments: