Saturday, January 30, 2021

Bakit Iglesia De Cristo ang gamit na pangalan ng INC™ (1914) sa Madrid (España)?

Sa buong kasaysayan ng iglesiang TATAG ni Ginoong Felix Y. Manalo sa Pilipinas noong 1914, KILALA ito sa pangalang 'IGLESIA NI CRISTO' (o Iglesia Ni Kristo).  

Ang 'Iglesia Ni Cristo' ay ang OPISYAL na PANGALAN, ipinarehistro ni Ginoong Felix Y. Manalo sa gobyerno upang ang kanyang tatag na iglesia ay HINDI MAKOPYA at HINDI MAGAGAMIT ninuman.

Si opisyal na tala ng pagkakatatag ng INC™, pinatotohanan nila doon na HINDI si Cristo ang nagtatag nito kundi si Ginoong FELIX Y. MANALO ~ siya ang NAGTATAG (founder) at siya rin ang ULO (head) ng kanyang iglesia. (Pasugo May-June 1986)

Ang 'Iglesia Ni Cristo' ay isang INKORPORASYON na nakatala sa Securities and Exchange Commission. Iniingatan at pinangangalagaan ito ng gobyerno tulad ng pag-iingat at pangangalaga nito sa iba pang mga business companies na nakatala sa SEC.  

Ang Iglesia Ni Cristo ay tinawag ni Ginoong Felix Manalo na "MY CHURCH" (FreePress, Feb. 11, 1950). Ayon sa Pasugo Enero 1974, p. 8, ang "MY CHURCH" daw po ay "possessive pronoun" at ito ay nangangahulugan ng "possession and ownership." Kaya't po wala tayong pagtutol na ang INC™ ay PAGMAMAY-ARI ni Ginoong Felix Y. Manalo.

Bagamat may mga ibang mga "iglesia ni Cristo" na sumulpot bago o pagkaraan ng Hulyo 27, 1914, ang mga ito ay walang ugnayan sa INC™ ni G. Manalo.  

Hudyat na makakasiguro ang isang kaanib ng INC™ na ITO NGA ang iglesiang kay G. Felix Y. Manalo, ay MABABATID sa kanilang OPISYAL NA SIMBULO tulad ng LOGO ng PAGPAPAKILANLAN.  Ang ibang mga 'iglesia ni Cristo' na naitatag ng tao ay may kanya-kanyang mga pagkakakilanlan tulad ng nasa post na ito.  

Ang paggamit ng kanilang opisyal na mga simbulo o pagpapakilanlan (sa opisyal na bagay) ng walang kapahintulutan mula sa pamamahala ng INC™ ay ipinagbabawal ng batas tulad sa kasong 'Iglesia Ni Cristo vs Cayabyab' na layong mapapanagot ang mga dating kaaanib sa INC™ na patuloy na gumagamit ng kanilang mga opisyal at rehistradong mga copyrights at trademarks. (Iglesia Ni Cristo v. Cayabyab Case No. 18-cv-00561-BLF 08-23-2019 IGLESIA NI CRISTO, Plaintiff, v. LUISITO E. CAYABYAB, et al., Defendants.)

“INC indicated that it had intended to sue only for unprotected activity, specifically Defendants' unlawful use of its trademarks and copyrights materials including INC's Seal, Executive Seal, Flag, and hymns, in worship services. 

TATAG sa Pilipinas, tumawid ito sa Estados Unidos sa pamamagitan ng mga Filipino Immigrants (o mga Overseas Filipino Workers) na kaanib nito ~ opisyal na rehistrado sa Hawaii noong Hulyo 27, 1968; Sa San Francisco noong Agosto 1968; sa UK noong 1971 at Canada noong 1973.

Sa South Africa noong 1978; Roma (Italia) noong Hulyo 27, 1997; Jerusalem (Israel) noong Marso 31, 1996; Athens (Greece) noong Mayo 10, 1997.

KILALA ang IGLESIA NI CRISTO® bilang 'THE FILIPINO CHURCH' ('Filipino Church Gains Foothold in Valley, Spars With Archdiocese : Religion: Authoritarian Iglesia ni Cristo, which disputes Catholic beliefs, relocates to Panorama City.' Los Angeles Times, May 31, 1992) dahil nga sa ito ay pinamamahalaan at tinatangkilik at halos 99% ng mga kaanib nito ay mga Pilipino.

'IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST)' 

Iglesia Ni Cristo Burnside NZ

Sa mga English-speaking countries, MAGKARUGTONG ang FILIPINO at ENGLISH na IGLESIA NI CRISTO (CHURCH OF CHRIST) ~ upang mas madaling unawain ng mga banyagang HINDI nakakaunawa ng Filipino o Tagalo na "Iglesia Ni Cristo" ~ "Church Of Christ" ~ ngunit HINDI ITO KAY CRISTO!

At kahit nasa ibang bansa ito, HINDING-HINDI sila nagpapakilalang 'CHURCH OF CHRIST' (Iglesia Ni Cristo) kundi 'IGLESIA NI CRISTO (Church of Christ)! Sapagkat ang 'Iglesia Ni Cristo' ang KANILANG REGISTERED TRADEMARK!




Bakit 'Iglesia De Cristo' ang pagpapakilala nila sa Madrid, España?

Ang bahay-sambahan ng INC™ sa Madrid, España

Totoong may kahulugan at may pinagmulan ang bawat salita. Ang isang salitang mayroong UNIVERSAL MEANING ay HINDI NAGBABAGO ang kahulugan nito saan man gamitin at anong wika man ito isalin.

Katulad ng salitang IGLESIA KATOLIKAIISANG KAHULUGAN kahit anong lengguwahe o wika ito isalin. At ITO ay TUMUTUKOY sa NAG-IISANG SIMBAHANG KATOLIKA o CATHOLIC CHURCH na SIYANG TUNAY na IGLESIANG TATAG ni CRISTO (Pasugo│Abril 1966, p. 46) ~ at ang pinagmulan nito ay sa salitang Griego καθολικός (katholikos), na ibig sabihin ay "universal" o pangkalahatan saan mang dako ng mundo). 

Pagdating sa 'Iglesia Ni Cristo', ang opisyal na pangalan ng iglesiang tatag ni Ginoong Felix Y. Manalo. NAIIBA ang KAHULUGAN kapag ISALIN ito sa ibang wika o lengguwahe.

Ang salitang 'Iglesia' ay pinamanang salita sa atin ng mga Español na ibig sabihin ay "Simbahan" o "Church" orihinal mula sa Griego Ekklesia  

Ang salitang 'Cristo' naman ay mula sa Español ng 'Kristo' o 'Christ', orihinal mula sa wikang Griego 'Khristos'.

At kapag unawain ng isang Kastila ang pang-ukol na 'Ni' na umuugnay sa panggalang 'Cristo', NAIIBA ang KAHULUGAN nito ngunit NAGPAPAHAYAG ito ng KATOTOHANAN!


'HINDI Iglesia o HINDI kay Cristo'! Ganyan ang ibig sabihin ng 'Iglesia Ni Cristo' sa wikang Kastila.  Pilit mang ikinukubli ngunit lalong tumitibay ang katotohanang HINDI IGLESIA at HINDI KAY CRISTO ang INC™


Sadyang makapangyarihan ang SALITA. Nawawala at NAIIBA ang kahulugan nito kapag tumatawid sa ibang bansang.  

Kaya pala IGLESIA DE CRISTO ang gamit sa España. Ayaw gamitin ang official registered name na 'Iglesia Ni Cristo' at mapapasama sila. Naiiba kasi ang kahulugan ngunit NAGPAPATOTOO sa kung ano talaga ang Iglesia Ni Cristo na tatag ni G. Felix Manalo noong 1914, HINDI TUNAY na iglesia, at LALONG HINDI TUNAY na kay Cristo. Sa madaling sabi, ito ay PEKE o HUWAD!

"Ang tunay na INK ay iisa lamang. Ito ang Iglesiyang itinayo ni Cristo. Kung mayroon mang nagsisibangon ngayong mga Iglesia at sasabihing sila man ay Iglesia ni Cristo rin, ang mga ito ay hindi tunay na Iglesia ni Cristo kundi huwad lamang." -PASUGO│Mayo 1968, p. 7
“Alin ang tunay na Iglesia? Ang Iglesiang itinayo ni Cristo sa Jerusalem." -PASUGOMayo 1954, p. 9

“Kailan napatala sa Pamahalaan o narehistro ang INK sa Pilipinas? Noong Hulyo 27, 1914. Tunay nga na sinasabi sa rehistro na si Kapatid na F. Manalo ang nagtatag ng INK." -PASUGO│Agosto-Setyembre 1964, p. 5

Ang pangyayaring ito sa salita ng mga Kastila ay hindi nagkataon lamang. Ito ay ang PAGBUBUNYAG ng BUONG KATOTOHANAN kung PAANO LUMITAW ang isang iglesiang TATAG ni FELIX Y. MANALO at pinalalagay na si Cristo (raw) ang nagtatag nito (noong 1914?).

Maihahalintulad ito sa isang tao na NAGTATAG ng iglesia at TINAWAG na "IGLESIA NI MANALO" pagkatapos  ay saka niya IPINANGARAL na si FELIX Y. MANALO ang TUNAY na MAY-ARI at NAGTATAG nito. Sigurado, hindi ito tatanggapin ng Iglesia Ni Cristo®. GANON DIN SI CRISTO!

Sa kabuuan, ang pagpapakilala nila bilang 'Iglesia De Cristo' sa España ay sinadya. Ito ay bunsod ng katotohanang MABUBUNYAG ang TOTOONG katayuan ng Iglesia Ni Cristo® 1914. Na ito ay HINDI kay Cristo at HINDI iglesia. Ito ay pag-mamay-ari ni Ginoong Felix Y. Manalo at ito ay isang negosyo, isang korporasyon.

No comments: